Chapter 44: Lowkey Jealousy

3104 Words
"Uminom ka muna ng tubig, baka sa kakaiyak mo sa akin kanina ma-dehydrate ka.” Inilapag ni Misha ang baso ng tubig sa harapan ni Maya na kakatapos lang umiyak habang makikita ang pagiging swollen ng mga mata nito kakaiyak. At kahit naguguluhan si Misha sa biglaang pag-iyak ni Maya sa kaniya ay hinayaan niya lang muna itong ilabas ang emosyon hanggang sa maging okay na ito. Nasa opisina lang sila ni Maya at dahil wala naman masyadong costumer ay sinamahan muna ni Misha si Maya, kahit nagtatanong si Nikolai sa kaniya kung anong nangyari kay Maya ay hindi niya sinabi dito. Alam ni Misha ang feelings ni Nikolai para kay Maya, gusto niya si Nikolai pero hindi niya magawang mainggit kay Maya dahil mas nakikita niya ang pagka-kaibigan nila. May kaunting idea si Misha sa puwedeng dahilan ng pag-iyak ni Maya pero ayaw niyang mag conclude agad kaya hihintayin niyang mag-kuwento ito sa kaniya. Umupo si Misha sa katapat na upuan ni Maya habang nakatingin siya dito na umiinom na ng tubig at kita niyang kinakalma nito ang sarili. “Okay ka na?” tanong ni Misha na ikinatango ni Maya bago niya nilingon ang kanang braso ni Maya na pansin niya ang benda na nakapulupot doon. “Bakit may benda iyang kanang braso mo? May sugat ka ba diyan?” punang tanong ni Misha kay Maya na hinawakan nito ang kanang braso nito. “Wa-wala ‘to…” “Wala? Sa akin ka pa ba maglilihim Maya?” ani ni Misha na ikinatitig ni Maya sa kaniya bago ito nagpambuntong hininga. “Nadaplisan lang ako ng bala ng baril kahapo---“ “What?! You’ve been shot?!” gulat na bulaslas ni Misha na agad na tumayo sa pagkaka-upo nito at tumabi ng upo kay Maya ata agd tiningnan ang kanang braso nito na may benda na may kaunting mantsa ng dugo. “Nabaril ka?!” “Nadaplisan lang naman ako Misha, malayo sa bituka.”sagot ni Misha. “Ano ka ba?! Kahit daplis lang ‘yan nabaril ka pa din, buti nga daplis lang eh, paano kung hindi? Saan mo ba nakuha ‘yan?” nag-aalalang mga tanong ni Misha. “Kasalanan ko naman kung bakit nasugatan ako, intrimitida kasi ako Misha.” Saad ni Maya na bahagyang ikinakunot ng noo ni Misha. “Anong ibig mong sabihin? Can you explain to me further where did you get this wound?” “Dinala kasi ako ni Yo sa bahay niya kahapon, nakilala ko doon ang quadruplets na nasa poder niya. Iniwan ako saglit ni Yo kasama ang quadruplets, at naawa ako sa kanila ng malaman kong simula bata palang sila ay hindi sila nakakalabas ng bahay, hindi nila alam ang itsura ng labas kaya inilabas ko sila. Hindi ko alam na ang paglabas ko sa kanila ay magiging dahilan para mapahamak sila. Dahil sa ginawa ko nagalit sa akin si Yo.” Malungkot na paglalahad ni Maya habang nakatitig si Misha sa kaniya. “Kaya ka ba umiiyak dahil nagalit siya?” “Parang tinutusok ang puso ko sa pakikitungo niya sa akin dahil sa nangyari, parang pinipigi ang puso dahil galit siya sa akin. Ang sakit Misha, hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko.” wika ni Maya na teary eye na ikinabuntong hininga ni Misha. “Malamang na ganiyan ang maramdaman mo, mahal mo na si Mr. Ringfer eh. Masasaktan ka talaga dahil sino ba naman ang gustong magalit ang mahal mo hindi ba? Pero maganda naman ang intensyon mo hindi ba?” “Maganda ang intensyon ko, pero mali ang ginawa ko. Muntik ng mapahamak ang quadruplets, iningatan sila ni Yo at itinago sa mga gustong gawan sila ng masama, then dahil sa akin muntik na silang mapahamak. Naiintindihan ko naman ang galit ni Yo, masakit lang talaga sa puso ko.” ani ni Maya ikinahawak ni Misha sa parehas niyang kamay. “Ganun talaga sa pag-ibig, masasaktan ka. Malay mo dahil diyan mabilis mong makalimutan ang nararamdaman mo kay Mr. Ringfer.” Ani ni Misha na bahagyang ikinailing ni Maya. “Sa tingin ko Misha hindi ko basta-basta makakalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya, mahirap sa akin na pigilan pa ang nararamdaman ko.” “Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin lalo pa at hindi naman natin alam kung anong nararamdaman ni Mr. Ringfer sayo.” Ani ni Misha na mapait na bahagyang ikinangiti ni Maya kasabay ng pagpatak ng luha niya. “Sabi niya gusto niya ako, pero sa tingin ko naman gusto niya lang ko as a person not as a woman, not romantically. Ako lang naman ang nahulog na hindi ko naman ginusto, ako lang ang na fall.” “Ang rupok naman kasi ng puso mo, maiinlove ka nalang sa lalaking wala pang kasiguraduhan. Dapat pala malakas ang naging kapit ng nararamdaman mo kay Leroi noon, baka sa kaniya may pag-asa ka pa.” saad ni Misha ng maalala ni Maya ang pag-amin ni Leroi sa kaniya. “Sana nga si Leroi pa din, alam mo bang umamin siya sa akin kagabi na mahal niya ako simula ng makilala niya ako?”pag kuwento ni Maya habang pinunasan niya ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. “Eh?! Talaga ba?! Ibig sabihin parehas niyong nagustuhan ang isa’t-isa, hindi lang kayo nagka-aminan agad. OMG! He confessed to you!” bulaslas ni Misha sa gulat na bahagya niyang ikinatuwa pero agad din nawala ng makita niya ang reaksyon ni Maya. “Kaya lang hindi na si Leroi ang laman ng puso mo, wala bang chance na bumalik?” tanong ni Misha na ikinatayo ni Maya sa pagkaka-upo niya. “Inisip ko din ‘yan, pero si Yo lang lagi ang pumapasok sa isipan ko. Ngayon nga, gusto ko siyang makita pero alam kong ipagtatabuyan niya lang ako. Nakakatawa pero kakakita ko lang sa kanina pero miss ko na siya, miss ko na ang taong yelo na ‘yun. Nakakainis di’ba?” sagot ni Maya. “Mukhang malalang pag-ibig ang epekto ni Mr. Ringfer sa’yo, anong gagawin mo? Mahal mo nga si Mr. Ringfer pero mukhang hindi naman seryoso ang like kuno niya sayo, but Leroi confessed and you once like him.”ani ni Misha na sabay nilang ikinalingon sa may pintuan ng may kumatok doon. “Boss Maya, may naghahanap sayo. Si kuya Leroi.” Pagbibigay alam ni Mikoy na agad ikinatayo ni Misha sa kinauupuan niya. “Papasukin mo siya dito sa opisina, Mikoy!” ani ni Misha na ikinalapit nito kay Maya. “Alam kong ang puso mo ay na kay Mr. Ringfer, pero try mong subukan na ibalik kay Leroi ang feelings mo. Hindi ko sinasabi na gawin mong rebound si Leroi dahil minsan mo naman siyang nagustuhan, kaysa masaktan ka sa pagmamahal mo na walang patutunguhan, subukan mong ibalik para kay Leroi.” Suhestiyon ni Misha kay Maya na ikinahawak nito sa kamay niya. “And then, avoid that Mr. Ringfer. Sa tingin ko, hindi siya healthy para sayo, para siyang walking red flag. Kaibigan kita at ayaw kitang masaktan, ayokong makita kang umiiyak sa hindi naman deserving na lalaki.”ani pa ni Misha ng bumukas ang pintuan ng opisina ni Maya at pumasok doon si Leroi. “Leroi!” masayang bati ni Misha kay Leroi na agad lumapit dito. “Mabuti naman at hindi ka busy, si Maya ba ang sadya mo?” malapad na ngiti ni Misha na ikinalingon ni Leroi kay Maya. “Yeah, can I have her for a minute?” ani ni Leroi na agad ikinatango ni Misha sa kaniya. “Oo naman, wala naman masyadong ginagawa dito lalo pa at wala na naman kaming masyadong costumers ngayong araw.” Ani ni Misha na mabilis na bumalik kay Maya at hinawakan ito sa kamay bago inilapit kay Leroi. “Ikaw na muna ang bahala kay Maya, hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon eh.” Ani ni Misha habang nakatingin si Leroi kay Maya na bahagyang hindi makatingin ng deretso sa kaniya. “How’s your wound?” “O-Okay lang naman, bahagyang kumikirot pero hindi naman ganun kasakit.” Sagot ni Maya na bahagya niyang ikinagulat ng hawakan ni Leroi ang kaliwang kamay niya, habang si Misha ay lihim na kinikilig. “Come with me.” Wika ni Leroi na hinila na si Maya palabas ng opisina nito. “Ingat kayo, enjoy Maya!” nakangiting paalam ni Misha na nakalabas na rin ng opisina at kumakaway pa sa dalawa na nakalabas na ng resto. “Si Leroi Gozon.” Bahagyang nagulat si Misha at napalingon sa kaniyang likuran ng makita niya si Nikolai na nakatayo na sa likuran niya. “Kanina pa diyan?” “Saan dadalhin ni Gozon si Maya?” tanong ni Nikolai kay Misha. “Hi-hindi ko alam, pero sakto ang dating ni Leroi kasi kailangan gumaan ng pakiramdam ni May—“ “Why? Is there something happened to Maya?” tanong ni Nikolai na ikinalingon na nito kay Misha. “Nag-aalala ka?” “Sinong hindi mag-aalala pag nakita mong umiiyak ang babaeng gusto mo? Too bad for me, I can’t have the chance to comfort her.” Ani ni Nikolai na bumalik na sa loob ng kusina na bahagyang ikinalungkot ni Misha. “Too bad for me, dahil may ibang gusto ang lalaking mahal ko. Sakit ah.” Ani ni Misha na hindi maiwasang masaktan. SA BIYAHE nina Leroi at Maya ay pabalik-balik ang tingin ni Maya kay Leroi dahil gusto niya itong tanungin kung saan sila pupunta. Hindi parin alam ni Maya paano niya kakausapin si Leroi matapos ang pag-amin nito sa kaniya, pero ayaw niyang ipahalata dito na nakakaramdam siya ng awkwardness. “Uhmmm, Leroi…” “Naiilang ka ba sa akin after kong sabihin sayo na mahal kita?” saad ni Leroi na ikinatuon ng tingin ni Maya kay Leroi. “HI-Hindi naman sa naiilang, hi-hindi ko lang kasi alam paano ikikilos ko sa’yo.”ani ni Maya na bahagyang ikinangiti ni Leroi na minsan niya lang makita dito. “Just be yourself, kung paano ka makitungo sa akin noon, ‘yun lang din ang gawin mo. Ang pinagka-iba lang alam mo ng mahal kita. You don’t have to be awkward when I’m with you.”ani ni Leroi na bahagyang ikinayuko ni Maya sa kinauupuan niya. “Kaya lang Leroi…” “I won’t pressure you to like me back, alam ko ang sitwasyon mo ngayon. I’ll just make you fall in love with me, I think I can do that.” Ani ni Leroi na bahagyang ikinabuntong hininga ni Maya. “Ang totoo niyan Leroi, kung noon palang nalaman ko na may nararamdaman ka sa akin, siguro hindi ako mahuhulog kay Yo, kasi gusto din kita noon.” Pag-amin ni Maya na hindi niya magawang tingnan si Leroi dahil sa pag-amin niya. “I doubt about that.” Ani ni Leroi na agad ikinalingon ni Maya dito at napakunot ng noo. “Anong ibig mong sabihin?” “Nothing.” Maikling sagot ni Leroi na ikinapagtaka ni Maya pero hindi nalang niya tinanong pa ito. “Saan pala tayo pupunta?” pag-iibang tanong ni Maya. “I know a t.v station that can cover your restaurant in their channel, it can help for the advertisement of Rad Sluzhit.” Pagbibigay alam ni Leroi na biglang ikinakinang ng mga mata ni Maya. “Talaga?! Ibig sabihin makikita sa T.V ang restaurant ko?” “I think kulang lang sa exposure ang restaurant mo, so I will help it recognize by the people. Isipin mo nalang na tulong ko ‘to not just because I have feelings for you.” Saad ni Leroi na malawak na ikinangiti ni Maya. “Salamat Leroi, naisip ko na din kasi ‘yan kaya lang mahirap humanap ng tv station na tatanggapin kami na mag-ere sa channel nila lalo pa at hindi naman kami kilala. Isa pa, hindi sasapat ang budget namin for that. Don’t tell me ikaw ang magbabayad para sa advertising? Naku Leroi, hindi mo naman kailangang gawin ‘to.” Saad ni Maya ikinababa niya ng tingin sa kamay niyang hinawakan ni Leroi. “Don’t worry, wala akong ilalabas na pera. Somehow, that man awe something to me.” Ani ni Leroi. “Ganun ba, ma-mabuti naman.” Wika ni Maya na si Leroi na ang nag-alis ng kamay nito sa pagkakahawak sa kamay niya ng tumunog ang cellphone ni Leroi. Agad kinuha ni Leroi ang cellphone niya at sinagot iyon kaya inalis ni Maya ang tingin niya dito. “I understand emp, I’m on my way.” Rinig ni Maya na ani ni Leroi ng ibaba na nito ang cellphone nito. “Is it okay if delay for an hour our agenda in the tv station? I just need to see our leader at this moment, he’s our emperor in underground society.” Pagbibigay alam ni Leroi na ikinalingon ni Maya sa kaniya. “Okay lang, walang problema sa akin.” “Is it okay if you’ll see Ringfer, he’s in the hospital right now where my leader was at this moment.” Seryosong pagbibigay alam ni Leroi na bahagyang ikinatikom ng bibig ni Maya. “If you don’t want to see him, you can stay here in my car and wait for me.”saad ni Leroi. “Ma-mag stay nalang ako sa kotse mo, I’m sure naman ayaw din niya ako makita kasi galit siya sa akin.” Saad ni Maya na inalis ang tingin kay Leroi. Nang makarating sila sa tapat ng HIH ay agad ipinarada ni Leroi ang kotse niya sa parking area, nagpaalam na si Leroi sa kaniya na ngiting ikinatango niya lang dito. Nang nakaalis na si Leroi ay nagpambuntong hininga nalang si Maya sa kinauupuan niya. “Gusto ko sana makita si Yo kaya lang alam kong ayaw niya na akong makita, sana okay lang din ang quadruplets at hindi sila na trauma sa nangyari.” Pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili na muling napambuntong hininga na sumandal sa kinauupuan niya ng mabalikan niya ang sinabi ni Leroi sa pag-amin niya kanina dito ng dati niyang nararamdaman. “Bakit kaya nasabi ni Leroi ‘yun? He doubt about what I said ba kanina? Kung umamin agad kami sa isa’t-isa, sure naman na hindi ko mapapansin ang taong yelo na ‘yun, tama na ako di’ba?” pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili ng mapalingon siya sa unahan at biglang napaayos ang pagkaka-upo niya ng makita niya si YoRi na alam niyang nakikita siya nito sa loob ng kotse ni Leroi. At dahil naalala ni Maya na galit ito sa kaniya ay agad niyang inalis ang tingin dito ng magulat siya ng magbukas ang pintuan ng driver seat ni Leroi at pumasok doon si YoRi at umupo doon na gulat na ikinatitig ni Maya dito. “Te-Teka…” Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya dito ng ibaling ni YoRi ang malamig nitong tingin sa kaniya. “You’re with Gozon.” Malamig na saad ni YoRi. “O-Oo? Matagal ko ng kaibigan at kilala si Leroi kaya magkasama kami ngayon, tutulungan niya kasi akong magkaroon ng advertisement ang restaurant ko.” ani ni Maya na hindi niya alam bakit kailangan niya mag explain kay YoRi na alam niyang hindi naman ito interesado. “You sit next to him.” Ani pa ni YoRi na ikinasalubong ng kilay ni Maya. “Ba-Bakit? May problema ba kung nakaupo ako sa tabi niya? Ang panget naman tingnan kung sa likuran ako uupo, para namang naging driver ko si Leroi pag sa liko---“ “Get out of the car.” Malamig na putol ni YoRi kay Maya na ikinalabas na nito sa kotse habang naguguluhan si Maya. “Bakit niya ako pinapalabas?” mahinang tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng magulat siya ng pintuan niya ang magbukas. “Out.” Walang emosyon na utos ni YoRi na naguguluhan si Maya sa mga oras na ‘yun. Hindi alam ni Maya kung anong gustong mangyari ni YoRi, gayong hindi maganda ang naging usapan nila kanina lang sa restaurant nito. Pero walang nagawa si Maya kundi ang lumabas ng kotse ni Leroi ng hawakan ni YoRi ang kamay niya at hilahin siya palayo sa kotse ni Leroi. “Te-Teka Yo! Saan mo ako dadal---“ Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng itigil siya ni YoRi di kalayuan sa parking lot, gusto niyang magtanong pero agad siyang nilagyan ng earpiece ni YoRi sa magkabilang tenga niya bago binigay ni YoRi ang cellphone nito sa kaniya. “A-Anong gagawin ko dit—“ “Close your eyes, and don’t look at your back.” Putol na walang emosyon na bilin ni YoRi na may pinindot sa cellphone nito na hawak ni Maya na bahagyang nagulat si Maya ng may malakas na musika na siyang naririnig. Naguguluhan siya pinagagawa ni YoRi ng makita niyang may sinasabi ito sa kaniya pero hindi niya marinig dahil sa lakas ng tugtog sa earpiece na pinasuot sa kaniya. “Anong sabi mo? Hindi ko naririnig!” malakas na ani ni Maya ng umalis na sa harapan niya si YoRi. Akmang hahabulin niya ng tingin si YoRi ng maalala niya ang sinabi nito na huwag siyang lilingon sa likuran niya, at naiinis si Maya sa kaniyang sarili dahil sinusunod niya ang sinabi ni YoRi. Ano ba kasing gagawin niya? Kung troubled woman ako para sa kaniya, at galit siya sa akin, di’ba dapat hindi niya ako pinapansin? Ang gulo naman ng taong yelo na ito. Pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili. At dahil sa utos ni YoRi sa kaniya ay hindi siya lumingon sa kaniyang likuran, tiningnan niya pa ang cellphone ni YoRi na pinahawak sa kaniya. Nakatayo lang si Maya hanggang matapos ang tugtog na pinakikinggan niya na hindi na nasundan pa ng ibang tugtog. “Wala na? Isa lang ba song niya sa music niya?” kunot noong tanong ni Maya. “Yo tapos na ya….ta…Omg!” gulat na bulaslas ni Maya na agad niyang ikinatakbo palapit sa kotse ni Leroi na basag-basag ang mga bintana at puro dent ang pintuan, bubungan at harapan ng kotse ni Leroi. “Oh my! A-anong nangyari dito?” hindi makapaniwalang tanong ni Maya na hindi na niya nakita si YoRi sa parking area na agad hinanap ng kaniyang mga mata. “Nasaan ‘yun? Si-siya ba ang may gawa nito? Imposible naman, hala! Anong sasabihin ko kay Leroi pag nakita niyang ganito ang kotse niya.” Bahagyang natatarantang ani ni Maya na hindi malaman kung anong gagawin sa mga oras na ‘yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD