Chapter 46: KISS OF JEALOUSNESS

3595 Words
HINDI MAPALAGAY si Maya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin kay Leroi na seryosong nakatingin sa wasak nitong kotse. Hindi alam ni Maya kung paano niya maipapaliwanag kay Leroi kung anong nangyari sa kotse nito gayong hindi niya nakita kung si YoRi ang nagsira ng kotse nito o hindi. Kanina pa siya nag-iisip ng kung anong paliwanag ang sasabihin niya, pero nakabalik na ito lahat wala parin siyang maisip na idadahilan dito. “Leroi…” “Are you hurt?” tanong ni Leroi na lumingon sa kaniya. “O-Okay lang naman ako, wala naman nangyari sa akin kaya lang ‘yung kotse mo…” “Don’t worry about my car, I can buy another one.” Ani ni Leroi na sinilip ang loob ng kotse niya at makita ang baseball bat sa loob. Kinuha ito ni Leroi at pinakatitigan, masasabi ni Leroi na expensive brand ang baseball bat na sa tingin niya ay ginamit para basagin ang salamin ng kotse niya at lagyan ng dent ang ilang bahagi ng kotse niya. “Leroi kasi…” “What happened? Is that your car, Gozon?” Napalingon si Maya sa isang guwapong lalaking may seryosong aura na kakalapit lang sa puwesto nito. “Someone wrecked my car, El Diente.” Sagot ni Leroi na ikinalapit pa ni Ribal at pinakatitigan ang sirang kotse ni Leroi. Nakatitig lang si Maya kay Ribal, pamilyar ang mukha nito sa kaniya ng maalala niyang isa pa ito sa kaibigan ni Leroi maliban kina Devin at Audimus. “You can use mine, I’ll ride with emp’s car.” Ani ni Ribal ng ihagis ni Ribal ang susi ng kotse nito na agad nasambot ni Leroi. “Susunod ako sa bound after ng pupuntahan namin ni Maya.” Pahayag ni Leroi na ikinatango ni Ribal. Napalingon nalang si Maya ng makita niya sina Paxton na nagdadatingan sa parking lot na agad napatingin sa kaniya. “Oh? Maya, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sergio ng lapitan na si Maya ni Leroi at hawakan ang kaliwang kamay nito kaya agad na napatingin doon sina Paxton. “We’re leaving.” Ani ni Leroi na hinila na si Maya sa kotse ni Ribal. Hindi na nakabati si Maya kina Paxton dahil pinasakay na siya ni Leroi sa kotse, nang makasakay na din si Leroi at bumusina lang ito bago umalis sa parking lot at iniwan sina Paxton. “Kotse ba ‘yan ni Gozon? Anong nangyari diyan?” takang tanong ni Sergio na nilapitan ang sirang kotse ni Leroi. “Hindi talaga dapat binubuwisit ang tahimik, Gozon should look to his bank account larer, baka madagdagan laman ng yaman niya.”ngising ani ni Paxton na pinuntahan na ang kotse na sasakyan nila papunta ng underground. Sa biyahe nina Leroi ay pagsilip-silip lang si Maya sa seryosong si Leroi na naka focus sa pagmamaneho nito. Hindi malaman ni Maya kung sasabihin ba niya na maaring si YoRi ang nagbasag ng mga salamin ng kotse nito, gusto man sabihin ‘yun ni Maya, hindi niya alam paano. Ibinaba ni Maya ang tingin niya sa cellphone ni YoRi na hawak niya, naguugluhan si Maya sa mga oras na ‘yun kung bakit biglang naging ganun ang ginawa ni YoRi. Naguguluhan si Maya sa ugali nito na akala niya may alam na siya pero masasabi niyang hindi pa pala. “Is it him?” pahayag na tanong ni Leroi na ikinalingon ni Maya dito. “H-Huh?” “The one who wrecked my car, is it Ringfer?” pagbubuo ng tanong ni Leroi kay Maya hindi niya malaman kung sasagutin niya ba o hindi. “K-Kasi, hindi ko alam kung siya talaga kasi pinatalikod niya ako. W-Wala naman akong narinig kasi may nakapasok na earpiece sa tenga ko. Ang lakas ng music kaya hindi ko alam kung siya nga…” “That bastard, how dare he.”seryosong sambit ni Leroi. “So-Sorry Leroi…” “Bakit ikaw ang nahingi ng sorry? Hindi naman ikaw ang bumasag sa salamin ng kotse ko, it’s him.”ani ni Leroi na ikinalingon ni Maya sa kaniya. “Kung si Yo man ang may gawa nun, bakit? Nag-away ba kayo? May hindi ba kayo pagkakaintindihan?” sunod-sunod na tanong ni Maya kay Leroi na saglit ikinalingon ni Leroi sa kaniya bago binalik ang tingin sa pagmamaneho. “Yeah, but don’t worry about that. Ringfer will pay the damge he fvcking did.” Saad ni Leroi, nang bahagyang mapahiyaw si Maya at napakapit sa kinauupuan niya ng magpreno si Leroi ng kotse. “Oh my! Ba-bakit bigla-bigla kang nagpreno Leroi?” gulat na tanong ni Maya ng marinig niya ang bahagyang pagmura ni Leroi habang deretso itong nakatingin sa unahan. Nagtatakang tiningnan din ni Maya ang unahan nila kung saan di kalayuan ay may van na itim na nakaharang sa daraanan nila. Nasa highway sila kaya wala masyadong nadaan na sasakyan. Napakunot ang noo ni Maya sa van na kaniyang nakikita, nang may ilang mga lalaking armado ang naglabasan. “Si-Sino sila?” nagtatakang tanong ni Maya ng mabilis na buksan ni Leroi ang pintuan nito at hawakan ang kanang braso ni Maya. “Damn it!” madiin na mura ni Leroi bago nito hilahin si Maya palabas ng kotse na bahagyang napangiwi dahil sa pagkirot ng sugat niya sa kanang braso niya. Hila-hila siya ni Leroi na dumako sa may likod ng kotse ni Ribal ng mapatili si Maya dahil sa pagpapaputok ng baril sa kanila. Napatakip ng tenga si Maya habang agad siyang niyakap ni Leroi sa mga bisig nito na parang tinatago ito sa pagpapa-ulan ng bala sa kanila ng hindi mga kilalang lalaki. “Anong nangyayari?!” sigaw ni Maya na hindi napigilan na matakot dahilan upang maalala niya ang nangyari sa kanila ng quadruplets. “Fvck! Who the fvck are they?!” ani ni Leroi ng kunin nito ang baril na nakatago sa likuran nito at sinubukan na makipag-barilan pero hindi makakuha ng tiyempo si Leroi. “A-Anong gagawin natin Leroi?! Bakit nila tayo pinapaputukan?” kabado at takot na ani ni Maya ng makita ni Leroi na habang pinapaulanan sila ng mga bala ng mga ito ay naglalakad ang mga ito papalapit sa kotseng pinagtataguan nila. Hindi masagot ni Leroi ang tanong ni Maya dahil nag-iisip ito paano sila makakaalis sa lugar na ‘yun, sure na kaya niyang labanan ang mga ito pero sa ganitong sitwasyon na kasama si Maya ay hindi makakalaban ng ayos si Leroi dahil ang una niyang goal ay hindi masaktan o mapahamak si Maya. Naitakip lang ni Maya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tenga, pakiramdam niya ay malapit na siyang ma-trauma sa tunog ng baril. Nakayakap lang si Leroi sa kanila ng mas makarinig sila ng putukan, nagigitla si Maya sa kaniyang mga naririnig. Napansin naman ni Leroi na wala ng balang tumatama sa kotse na pinagtataguan nila, pero naririnig parin niya ang putukan. Dahan-dahan na sinilip ni Leroi ang nangyayari ng makita niyang isa-isang bumabagsak ang mga lalaking kanina lang ay pinapaulanan sila ng bala. “What the fvck?” bulaslas ni Leroi na bahagyang ikinatangila ni Maya sa kaniya. “Ba-bakit?” nagtatakang tanong ni Maya habang nakikita ni Leroi na bumabagsak na sa semento ang mga lalaki hanggang tuluyan ng maubos ang mga bumabaril sa kanila. Dahan-dahan na umalis si Leroi sa pagkakatago nila sa likod ng kotse habang nasa mga bisig niya si Maya, deretso lang ang tingin ni Leroi sa isang bulto ng isang lalaking nakatalikod sa kanila na may hawak na baril. Napatingin na rin si Maya sa lalaking pamilyar sa kaniya ang tayo nito at likuran nito, dahilan upang dahan-dahan siyang kumalas sa mga bisig ni Leroi sa kaniya. Deretso lang na nakatingin si Maya sa nakatikod na lalaki ng lingunin siya ni Leroi, napakunot lang ang noo niya hanggang sa dahan-dahan na humarap sa kanila ang lalaking hindi mapigilan na ikatitig ni Maya dito. ‘Yo…” Nagsimula ng maglakad si YoRi papalapit sa kaniya at hindi inalis ni Maya ang tingin niya dito, itinapon nito ang hawak nitong baril hanggang makalapit ito sa tapat nina Leroi na lumingon na kay YoRi. “What are you doing Gozon? Why not fighting back?” malamig na pahayag ni YoRi kay Leroi na seryosong tingin ang binigay sa kaniya. “How can I do that? I’m securing Maya’s safety.” “Securing her safety? You think hiding in the back of this fvcking car not doing anything is safe? What the use of your title as a fvcking underboss of Westaria. Is that just a fvcking bluff?” Walang emosyon na pahayag ni YoRi na ikinaigting ng panga ni Leroi. “What the fvck did you fvcking sa---“ hindi natapos ni Leroi ang sasabihin niya ng mapalingon siya kay Maya na tinawid ang espasyo nito kay YoRi at lumuluhang yumakap dito dahilan upang mawalan din ng imik si YoRi. “Yo!” sambit na iyak ni Maya sa pangalan ni YoRi habang nakatitig si Leroi sa kaniya bago nito iniiwas ang tingin kina Maya. “You’re shaking, Dailyn.”malamig na kumento ni YoRi kay Maya na dahan-dahan ng nawawala ang takot ng kasama niya na si YoRi. “A-akala ko kasi…” Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng mapalingon sina YoRi sa isang van na bagong dating na ikinakababa ng ilang mga armadong lalaki na isa-isang tinitingnan ang mga kasamahan nitong mga wala ng buhay. “Get inside the fvcking car!” malamig na pahayag ni YoRi ng alisin niya si Maya sa pagkakayakap sa kaniya at ibigay kay Leroi. “Take him inside!” bulyaw ni YoRi na agad binunot ang dalawang baril sa may likuran nito upang paputukan ang mga panibagong mga kalaban na mabilis nagtago sa dala nitong van. Agad naman hinila ni Leroi si Maya papasok sa back seat at ipinasok doon, agad namang pumasok si Leroi sa driver seat at pinaandar ang kotse sa kabilang way dahilan upang silipin ni Maya si YoRi sa may bintana na tuloy-tuloy ang pagpapaputok sa mga kalaban. “Yo! Yo halika na!” sigaw ni Maya na natatakot para kay YoRi ng si Leroi naman ang dumungaw sa bintana. “Ringfer get the fvcking inside!” sigaw ni Leroi ng tigilan na ni YoRi ang pamamaril nito at patakbong lumapit sa kotse kung saan sila naman ang pinaputukan. At bago pa tuluyang makapasok si YoRi at may balang tumama sa kaliwang balikat nito na ikinagulat ni Maya. Agad pumasok sa loob ng backseat si YoRi at sinara ang pintuan bago mabilis na pinaandar ni Leroi ang kotse. Napatulala si Maya sa kaliwang balikat ni YoRi na nagdurugo na pero ng lingunin niya ito ay parang wala itong tama ng baril dahil wala itong iniinda. “Y-Yo…ang balikat mo…”mahinang ani ni Maya ng ilabas ni YoRi ang kalahati sa katawan niya at pagbabarilin ang van na sumusunod sa kanila. Napapatakip nalang si Maya ng kaniyang tenga pero hindi niya maiwasan na mag-alala sa tama ng baril ni YoRi. Nang bumalik si YoRi sa loob ang tinapon nito ang baril dahil naubusan na ito ng bala, sila naman ang pinaulanan ng bala ng humahabol na kalaban sa kanila na iniiwas ni Leroi. Madiin na tinapakan ni Leroi ang accelerator kaya bumilis ang takbo nila at ng makakita ito ng malilikuan ay agad itong lumiko sa isang kanto. Pero hindi sila nilulubayan ng humahabol sa kanila kaya dere-deretso lang si Leroi sa mabilis na pagmamaneho nito. “Do you have a fvcking spare of gun, Gozon?” malamig na tanong ni YoRi. “Yeah, pero hindi sapat ang bala niyan.” Sagot ni Leroi na akmang kukunin ni YoRi ang baril sa passenger seat sa tabi ni Leroi ay agad hinawakan ni Maya ang kaliwang braso ni YoRi at hinila ito pabalik sa upuan na ikinalingon ni YoRi sa kaniya. “What do you think you’re doi—“ “May tama ka ng baril sa kaliwang balikat mo, ang daming dugong lumalabas hindi mo ba alam ‘yun!” singhal ni Maya na hawak-hawak ang kaliwang braso ni YoRi na idinako ang malamig na tingin sa balikat nitong nagdurugo habang nako-concentrate si Leroi sa pagmamaneho nito dahil hindi sila nilulubayan ng humahabol sa kanila. “This is nothing, just a fvcking scrat—“ “Anong scratch? Yo dumudugo ang kaliwang balikat mo! Paano kung maabusan ka ng dugo ha?!” singhal ni Maya na naluluha sa takot para kay YoRi. “I don’t feel pain, this wound won’t kill me. So let ogo of me.” Malamig na ani ni YoRi na ikinailing ni Maya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni YoRi dahilan upang malagyan na din ng dugo ang mga kamay niya. “Ayoko! Hindi kita bibitawan! Paano kung mabaril ka na naman!” pag-iling ni Maya na ikinatitig ni YoRi dito. “Just fvcking sit down Ringfer, I’m trying to fvcking lure those bastard!” singhal ni Leroi na muling lumiko ng isa pang kanto dahilan upang mas mapadait si Maya sa kaniya. “Let go Dailyn…” “Ayoko sabi eh!” iling na ani ni Maya na si YoRi na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak ni Maya sa braso niya na naluluhang napatingin ito sa kaniya. “You need to dock.” Malamig na sambit ni YoRi ng iakbay nito ang kaliwa niyang kamay kay Maya at idiit ito sa kaniyang dibdib upang itago sa ginagawang pamamaril sa kanila ng mga humahabol sa kanila. Napahawak naman si Maya sa damit ni YoRi, kanina ay natatakot siya sa nangyayari sa kanila ni Leroi, pero ngayong katabi niya si YoRi ay pakiramdam niya ay ligtas na siya. Samantala, hindi maiwasan ni Leroi na makaramdam ng selos sa mga oras na ‘yun, sa pagkakadikit nina Maya at YoRi, pero kailangan niyang I-focus ang sarili niya sa pagmamaneho na ginagawa niya. Sa mabilis na pagmamaneho ni Leroi ay nakalayo sila sa van na humahabol sa kanila, pero alam nila ni YoRi na hahanapin parin sila ng mga ito. Tuloy-tuloy parin si Leroi hanggang pumasok sila sa lugar na puro puno na ang dinaraanan nila. Miya-miya ay itinigil na ni Leroi ang kaniyang pagmamaneho. “We can hide here for the meantime, I’m sure that those bastard is still haunting us.” Pagbibigay alam ni Leroi na ikinalingon niya kina YoRi sa backseat. “Where are we?” malamig na tanong ni YoRi. “You can say that this is underbosses hideout pag hindi kami sa bound tumitigil.” Sagot ni Leroi. “In a forest?” “It’s more convenient here.” Seryosong sagot ni Leroi bago bumaba na ng kotse at agad lumipat sa kabilang side at binuksan ang pinto sa may side ni Maya. “Maya, you can come down now.” Ani ni Leroi kay Maya na dahan-dahan na umalis sa dibdib ni YoRi. Akmang lilingon si Maya kay Leroi ng hawakan ni YoRi ang kanang kamay niya at igaya siya nito palabas sa pintuan sa tabi ni YoRi na bahagya at lihim na ikinaigting ng panga ni Leroi. “Na-nasaan tayo?” tanong ni Maya na nililibot ang tingin sa paligid na isang bahay lang ang nakikita niya pero the rest ay puro puno na. “Let’s get inside.”ani ni Leroi na nauna ng naglakad papuntang bahay na nakikita ni Maya, agad naman nitong binaling ang tingin kay YoRi. “Siguro naman may gamit si Leroi sa loob, halika na. Kailangang magamot at malinis ang sugat mo.”ani ni Maya na hahawakan ang kamay ni YoRi ng matigilan siya ng ilayo ito ni YoRi. “I can handle myself, let’s go.” Malamig na ani ni YoRi na hindi naiwasang masaktan si Maya pero pinigilan niyang maapektuhan at sumunod na papasok sa loob ng bahay. “Leroi, may med kit ka ba dito?” agad na tanong ni Maya kay Leroi Pagkapasok palang niya sa loob ng bahay. “I have.” Sagot ni Leroi na kinuha ang med kit sa may dingding, kukunin na sana ito ni Maya ng maunahan siya ni YoRi. “I can treat my own wound.” Walang emosyon na ani ni YoRi na humanap na ng puwesto. “O-Okay…”tanging nasabi lang ni Maya at payukong umupo sa isang stool habang nakatitig si Leroi sa kaniya. “Asshole.”mahinang ani ni Leroi para kay YoRi pero pinigilan niya ang sariling suntukin ito. “Those bastard, I will make them pay for this.”seryosong ani ni Leroi na ikinalapit nito kay Maya at lumuhod sa harapan nito kaya napalingon si Maya sa kaniya. Natigilan naman si YoRi at napalingon kina Leroi. “Are you okay, Maya?” mabining tanong ni Leroi kay Maya na bahagyang ngiti na ikinatango nito. “O-Okay lang ako, ikaw?” “I’m fine, ikaw ang inaalala ko. Baka ma trauma ka nalang bigla because of what happened.” Ani ni Leroi. “Sino ba ang mga humarang ata bumaril sa atin?” tanong ni Maya kay Leroi. “I don’t know who they ar—“ “They are henchmen of Bartolomeo Kuma. That old man who was been take down by us long time ago. He search for us to revenge.” Malamig na putol ni YoRi na ikinalingon nina Maya sa kaniya. “So he’s fvcking alive, and he’s first target of his revenge was focus on me.”ani ni Leroi na tumayo na sa pagkakaluhod nito. “He has more grudge on you because you killed his son.”walang emosyon na ani ni YoRi na may gulat na ikinalingon ni Maya kaya Leroi. “K-Kung ang mga humahabol sa atin ay may galit sa inyo, ano ng gagawin natin?” ani ni Maya na pabaling-baling ang tingin kina YoRi at Leroi. Matapos bendahan ni YoRi anga sugat niya ay tumayo ito sa pagkaka-upo nito at inayos ang sarili. “Stay here, I’ll hunt them down.” Malamig na ani ni YoRi na kinakitaan ni Leroi ng pag-aalala sa mga mata ni Maya. “P-Pero may sugat ang kaliwang braso mo…” “So? I’m not dying just because of this wound.”malamig na ani ni YoRi na ikinalakad ni Leroi palapit kay YoRi na ibinaling ang tingin sa kaniya. “Stay here with Maya, ako ang lalabas para uubusin ang mga humahabol sa atin. It will be more safe to her if ikaw ang kasama niya.” Pahayag ni Leroi na ikinatitig lang ni YoRi sa kaniya. “Pa-paano kung mapahamak ka Leroi? M-May mga baril silang hawak.” Nag-aalalang sambit ni Maya ng makalapit sa dalawa na bahagyang ikinangiti ni Leroi. Hinarap nito si Maya at may ngiting idinampi ang kanang kamay sa pisngi ni Maya na napatitig sa kaniya. “I can handle myself, don’t worry. Babalik ako dito ng ligtas.”ani ni Leroi habang ang malamig na tingin ni YoRi ay sa kamay ni Leroi na nasa pisngi ni Maya. Muling nilingon ni Leroi si YoRi. “You take care of her Ringfer, i yesli ty ne ispytyvayesh' k ney romanticheskikh chuvstv, prosto zashchiti yeye i ne trogay. (and if you don't have romantic feelings for her, just protect her and don't touch her.)” seryosong bilin ni Leroi kay YoRi na ang huling sinabi ay sa gamit ang lenggwaheng si YoRi lang ang makakaintindi. Pagkasabi ni Leroi ng bilin niya kay YoRi ay muli niyang hinarap si Maya at ngiting hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Stay here with Ringfer, you will be safe with him.” Ani ni Leroi na bahagyang ikinagulat ni Maya ng dampiana ni Leroi ang noo niya ng labi nito habang nakatingin si YoRi sa kanila. “Wait for me, babalikan kita.”saad pa ni Leroi na naglakad na palabas ng bahay at naiwan sina Maya at YoRi sa loob na nakatutok ang malamig na tingin nito kay Maya. Bigla namang nakaramdam ng pagkailang si Maya, ngayong sila nalang ni YoRi ang nasa loob ng bahay lalo na at ramdam niya ang paninitig ni YoRi sa kaniya. “Si-sigurado ka bang na-nagamot mo ng ayos ang sugat mo? Hindi ‘yan basta daplis tulad ng sa akin, baka naiwan diyan ‘yung bal---“ hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng mapalingon siya kay YoRi na lumapit sa kaniya at isang dangkal nalang ang pagitan nilang dalawa. Biglang kumabog ang puso ni May sa lapit ni YoRi sa kaniya pero pilit niyang hindi pinapakita ang epekto nito sa kaniya. “Ba-Bakit?” tanong ni Maya habang deretsong nakatitig si YoRi sa kaniya. “I don’t like what he did.”malamig na sambit ni YoRi na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maya. “Anong ibig mong sabihin—“ “Stay still.”putol ni YoRi ng hawakan nito ang magkabilang pisngi niya, na mas ikinalaki ng mga mata niya sa gulat ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni YoRi sa noo niya, pababa sa sintido hanggang makarating iyon sa pisngi niyang hinawakan ni Leroi na hindi mapigilan ni Maya na mas bumilis ang t***k ng puso niya at kabog nito. Napatulala lang si Maya hanggang ipantay ni YoRi ang mga mukha nila, dahilan upang magtagpo ang kanilang mga mata. “Next time, avoid his touch.” Malamig na sambit ni YoRi na umalis na sa harapan niya ata bumalik sa kinauupuan nito kanina upang ayusin ang benda niya sa kaliwang balikat nito, habang si Maya ay hindi makakilos sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ni YoRi na mas lalong bumulabog sa nararamdaman niya para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD