Chaptee 37: REALITY REVEALED

2806 Words
BUHAT-BUHAT na pa bridal style ni YoRi si Maya na habang yakap-yakap nito ang sarili dahil sa panlalamig na nararamdaman nito, matapos itog mababad ng ilang oras sa tubig. Tinatahak ni YoRi ang daan papunta sa dala niyang kotse habang panaka-naka niyang tinitingnan si Maya na nasa bisig niya. “Ayos ka lang ba?” tanong ni YoRi na dahan-dahan na ikinatingala ni Maya dito dahil sa unang pagkakataon ay kinausap siya nito ng walang kalamigan sa boses nito. Tinanong na siya ni YoRi sa mabining tinig na ginagamit nito pag sina Aling Luisita ang kausap nito. “A-ayos lang ako, nilalamig lang.” sagot ni Maya ng bigla niyang maalala ang nakita niya at nadaanan nilang mga walang buhay na katawan sa abandonadong building na pinagdalhan sa kaniya. “I-Ikaw lang ba mag-isa ang pu-pumatay sa mga kasama ng lalaking nagpakuha sa akin?” tanong ni Maya na walang pagdadalawang isip na ikinatango ni YoRi. “Sinabi ko na sayo, kaya kong pumatay. Marami ng dugo ang dumanak sa mga kamay ko, hindi lang isa o dalawa.” Sagot ni YoRi na gustong mapangiti ni Maya dahil mabini parin siyang sinasagot ni YORi. “Na-nakakagulat pa rin, hindi ako makapaniwala na ikaw lang mag-isa ang pumunta dito at napatay silang lahat. Pa-paano mo pala nalaman na may kumuha sa akin? Tinawagan ka ba ng lalaking kumuha sa akin at ginawa akong panakot sayo?” sunod-sunod na tanong ni Maya kay YoRi. “Yeah, he called me.” Sagot ni YoRi ng makarating na sila sa pinagtigilan ni YORi ng kotse nito. Walang sign ni Alexei na mapapansin si Maya, dahil hindi ito magpapakita kahit alam ni YoRi na nasa paligid lang ito at maaring nakamasid sa kanila. Dahan-dahan na ibinaba ni YoRi si Maya bago pinagbuksan ito ng pintuan bago siya binalingan ng malamig nitong tingin. Sanay na si Maya pero atleast kinakausap na siya nito ng walang kalamigan sa boses nito. “Sumakay ka na.” “Pero basa ako, mababasa ang bangkuan ng kotse mo?” nagaalinlangan na ani ni Maya dahil alam niyang mamahalin ang kotse ni YoRi at mababasa ito pag sumakay siya dahil sa kabasaan niya. “I don’t care, hop in.” walang pakialam na ani ni YoRi na wala ng nagawa ng si YoRi na ang magpasok sa kaniya sa loob ng kotse na bahagya niyang ikinayakap sa sarili niya dahil sa lamig ng aircon ng kotse. Nang makapasok na si YoRi ay walang imik nitong pinatay ang air conditioner kaya napalingon si Maya dito, inabot pa nito ang leather jacket na nasa back seat at inabot kay Maya. “Wear this to reduce the cold of yours.” Saad ni YoRi na kinuha ni Maya at agad ipinatong sa kaniya. “Salamat.” Pinaandar na ni YoRi ang makina ng kotse niya at umalis na sila sa lugar na ‘yun, bahagyang tinitigan ni Maya ang abandonadong gusali kung saan nanganib ang buhay niya. Ngayon niya lang na experience ang ganung sitwasyon, ang kunin at gamitin para sa paghihiganti. Sa nangyari sa kaniya, ang dapat niyang gawin ay layuan nalang si YoRi dahil naganib siya dahil dito, pero hindi man lang ‘yun pumasok sa isipan niya. Mas tumatak sa isipan niya ang pangalawang beses na si YoRi ang nagligtas sa kaniya. “Salamat pala sa pagdating mo para iligtas ako, pasensya na din kung nagamit nila ako laban sayo. Akala kasi nung lalaking kumuha sa akin may uganayan ako sayo kaya ako ang pinili nilang gamitin. Hindi ka naman napahamak, pero pasensya parin sa nangyari. Akala ko kasi costumer talaga ang lumapit sa amin para kunin ang service namin for catering sa isang okasyon. Sorry talaga Yo.”pag hiningang paumanhin ni Maya kay YoRi na tutok ang mga mata sa pagmamaneho. “Next time, don’t trust easily. Madaming may galit sa akin, sa aming Phantoms na puwede kang gamitin ulit. So don’t trust anyone.”seryosong ani nalang ni YoRi na ikinalingon ni Maya dito. “Pero bakit ako ang gagamitin nila laban sayo o sa mga kaibigan mo? Dahil lang ba nakikita nila akong nakakausap ka they will consider na may koneksyon ako sayo?” ani ni Maya na nagbigay kyuryosidad sa kaniya pero para sa kaniya ay hindi ibig sabihin ay lalayuan niya si YoRi. “Because I like you.” Pahayag na sabi ni YoRi na madali lang na nasasabi nito ang mga salita na ‘yun na mahirap naman aminin para kay Maya. “Like bilang tao? Bilang apprentice? Or like bilang kaibigan? Alam mo ba ang pagkakaiba ng like sa love?” “Why? Gusto mo bang mahalin kita?” tanong ni YoRi na ikinawalan sandali ng imik ni Maya dahil nabigla siya sa sinabi ni YoRi na parang normal lang ang mga sinasabi nito. “Wa-wala naman akong sinabi ah? Ang pinupunto ko lang hindi dahil like mo ako ay may koneksyon na ako sayo. I’m sure like mo din naman ang mga kaibigan mo, teka nga? Anong koneksyon niyan sa pagdamay sa akin ng mga may galit sayo?” ani ni Maya na inalis ang tingin kay YoRi dahil ayaw niyang mapansin nito ang pamumula ng mukha niya. "If there will be another bastard who will use you against me, i'll come save you again." pahayag ni YoRi na pigilan man ni Maya na tumibok ng mabilis ang puso niya ay hindi niya magagawa dahil ganito na magreak ang puso niya pagdating kay YoRi. Gustong linawin ni Maya kung anong like ang nararamdaman ni YoRi sa kaniya, ayaw niyang umaasa dahil maraming meaning ang word na like. Kahit nagrereak ang puso niya pag sinasabi ni YoRi na like siya nito ay agad niyang susuwayin ang puso niya dahil mahirap hawakan ang salitang like lang. "Uhmmm puwede ba akong magtanong?" pag-iibang topic nalang ni Maya dahil ayaw niyanv matuon ang usapan nila sa salitang like dahil ayaw ni Maya na umasa na halong romance ang like na sinasabi ni YoRi sa kaniya. Hindi niya mapanghahawakan 'yun hanggat hindi love ang sinasabi ni YoRi. Alam niyang kailangan niyang magkaroon ng feelings si YoRi sa kaniya para hindi lang siya ang may nararamdaman, alam niyang mahirap lalo na sa ugali ni YoRi, wala pa siyang ideya kung paano siya romantically na magugustuhan ni YoRi. Sa ngayon, wala muna siyang masyadong iisipin. "Yeah." maikling sagot ni YoRo habang tutok ito sa pagmamaneho. "Okay lang kahit hindi mo sagutin ah, pero bakit Pendleton ang tawag sayo ng lalaking kumuha sa akin? Kilala ka niya sa pangalan na 'yan na iba sa pangalan na gamit mo noong nagpunta tayo sa Arizona. Tunay mo bang pangalan ang Yo Ringfer?" tanong ni Maya. "I used three names whenever i will do something abroad, Yo Ringfer is my real name but i used other names for some missions i need to do. In other countries, they know me as Theodore Robinson, Xavier Pendleton and Adamus Villareal. Those names are my screen name i used in my missions." sagot ni YoRi na hindi maiwasang hindi mapaniwalaan ni Maya na gumagamit ng tatlong ibang pangalan si YoRi. "So sa tatlong pangalan na 'yan maaring madami kang nakabangga na gusto maghiganti sayo. Ano bang mga mission ang ginagawa mo at nagamit ka pa ng ibang pangalan?" panibagong tanong ni Maya na akala niya ay hindi siya sasagutin ni YoRi dahil ilang segundo itong tahimik, pero nagsalita na din ito. "Killing. To end the lives of some bastards that need to get rid of. I used other names to hide my identity even though i don't need to. i'm just doing what he asked me to do. " plain na sagot ni YoRi sa kaniya na hindi na nagulat si Maya sa sinagot nito sa kaniya. "Kung ganun isa ang lalaking kumuha sa akin na nasa mission na sinasabi mo sa akin? Ang sabi niya pinatay mo ang kapatid niya at sinira lahat ng mga negosyo niya. Totoo ba 'yun? o may dahilan bakit ganiyan ang mga mission mo?" bagong tanong ni Maya na hindi na mapigilan na maging curious sa mga ginagawa ni YoRi. "I have the mission of killing his brother for r****g some minors, and sell those minors to their foreign client. I ruin their business, because they're doing an illegal transaction of drugs, at pinakarason ay kinalaban nila si Heneral." seryosong sagot ni YoRi na ikinasalubong ng kilay ni Maya "Sino naman ang Heneral na 'yan?" "Tss! Ang dami mo ng natanong, your freezing in cold, it should restrain you for being talkative right now." saad na sagot ni YoRi bahagyang ikinasimangot ni Maya. Sa mga sinabi ni YoRi sa kaniya, alam ni Maya na kasalanan amg pumatay pero para sa kaniya, hanggat hindi inosenteng buhay ang kinukuha ni YoRi, ay hindi niya ito iisipan ng kahit anong mga masasama. Naguguluhan si Maya sa kaniyang sarili bakit mabilis lang sa kaniya na tanggapin ang mga nalaman niya kay YoRi, pero sa tingin niya ay ganoon talaga pag nagmahal, kasama mong tatanggapin ang mga flaws nito. Ang problema lang ni Maya ay siya palang ang may nararamdaman. Pipiliin na sana ni Maya na manahimik sa biyahe nila, pero may isa pa siyang katanungan na pumasok sa isipan niya. "Last na tanong na, gusto ko lang itanong 'to sayo." "Hindi ka ba matatahimik sa kinauupuan mo kung hindi mo maitatanong ang mga tanong na naiisip mo?" ani ni YoRi na bahagyang ikinanguso ni Maya sa pagrereklamo nito sa kaniya. "Sa ayokong may isipin na naiiwan sa isip ko eh, last na naman 'to. After nito tatahimik na ako." saad ni Maya. "Ask then." wika naman ni YoRi na agad ng kinuhang chance ni Maya. "May kilala ka bang Valdemor?" tanong ni Maya ng maramdaman niyang nagbago ang awra ni YoRi tulad ng kung paano niya ito unang nakilala, biglang nanlamig ang awra nito at nararamdaman ni Maya iyon. "Kilal--" "Why do you know him?" malamig na muling saad nu YoRi na hindi malaman ni Maya kung bakit biglang bumalik sa totoong ugali nito si YoRi na may kalamigan na naman at walang buhay ang boses nito. "E-Eh kasi kausap siya kanina nung lalaking kumuha sa akin, sa tingin ko kilala ka ng Valdemor na 'yun, tsaka sa pagkakarinig ko sa usapan nila 'yung Valdemor ay nagbigay ng litrato natin na magkasama sa Arizona kaya naisip nung kumuha sa akin na gamitin ako kasi a-akala nun m-may relasyon tayo. Na misunderstanding lang naman siguro 'yung pic--eh?! Teka?" putol na sasabihin niya ng biglanf gumilid si YoRi sa kalsada at huminto. "Bakit tumigil ka?" naguguluhang tanong ni Maya kay YoRi na walang buhay ang mga mata nitong lumingon sa kaniya. "Ba-Bakit?" "Are you sure about Valdemor being in that place?" walang emosyon na tanong ni YoRi kay Maya na agad tumango sa kaniya. Hindi makuhang makapagsalita ni Maya dahil pakiramdam niya ay biglang nawala na sa mood si YoRi after ng tanong nito sa kaniya. "Ki-kilala mo ba siya?" nagbakasalong tanong ni Maya na ikinaalis ng walang emosyong tingin ni YoRi sa kaniya. "You're saying that Valdemor gives the fvcking idea to Terrano to abduct you and used against me." malamig na ani ni YoRi. "O-o--achooo!" malakas na bahing ni Maya na ikinalingon ni YoRi sa kaniya. "So-sorry..." ani ni Maya ng walang imik na lumabas si YoRi sa kotse na ikinapagtaka ni Maya. "Saan pupunta 'yun?" naguguluhang tanong ni Maya na inikot ang tingin sa likuran per hindi niya makita kung saan nagpunta si YoRi. Miya-Miya pa ay napatingin si Maya sa nagbukas na pintuan ng driver seat at gulat na makitang hindi si YoRi ang bumalik kundi ibang lalaki na seryosong tingin ang binaling sa kaniya. "S-sino ka?" gulat na tanong ni Maya ng mapalingon siya sa motorbike na paharurot na tumakbo kung saan si YoRi ang agad nakita niya. "Yo..." "I should be the one to ask you that, woman? Who are you to my highness?" seryosong tanong ni Alexei na ikinabalik ng tingin ni Maya dito. "Hi-highness?" "Whoever you are to him, leave my highness alone. He don't need a distraction, he will just waste his time in a woman like you." seryosong pahayag ni Alexei na hindi magawang ikasalita ni Maya ng paandarin na nito ang sasakyan at patakbuhin na ito. "I'm Alexei Antonovich , Master Yo's guard, He is our next king in Russia, so a mere woman like you is not deserving to stand beside him as well as those Phantoms. So leave may majesty alone." pahayag na pagpapakilala ni Alexei kay Maya at sa isa pang identity ni YoRi na ikinalaki ng mga mata ni Maya sa gulat. Hindi makapaniwala si Maya na si YoRi ay isang prinsipe na magiging hari ng bansa nito, dahilan upang bigla siyang manliit sa kaniyang sarili dahil sa napakalayong katayuan nika ni YoRi sa isa't-isa, dahilan upang magkaroon siya mg doubt sa gagawin niya para ma in love si YoRi sa kaniya. SAMANTALA, pagkarating na pagkarating ni YoRi sa underground society ay hindi sa north bound ang kaniyang destinasyon kundi sa pavilion ng mga founders na matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng Underground. Pagkababa ni YoRi sa motor ni Alexei na kinuha niya ay agad niyang pinaharurot ang motorbike papunta sa destinasyon niya ng hindi pinag-iisipan. Dere-deretsong pumasok si YoRi na kahit hinarangan siya ng dalawang bantay ng gate ng pavilion ay walang kahirap-hirap niyang pinabagsak ang mga ito. Walang nakapigil sa pagpasok ni YoRi sa pavilion kung saan napatingin sa kaniya ang ilang tauhan ng mga founders sa walang abisong pagpasok niya. Agad nilapitan ni YoRi ang isang tauhan na naroon at malakas iyon na hinila ang kuwelyo palapit sa kaniya at walang emosyon na tingin ang binigay sa kaniya. Walang pakialam si YoRi kahit nakatutok na sa kaniya ang mga baril ng mga nasa loob ng pavilion. "Where is Valdemor?" malamig na tanong ni YoRi sa lalaking hawak niya. "Wa-wala dito si Master Valdemor." sagot nito na malakas na tinulak ni YoRi dahilan upang deretso itong bumagsak sa sahig. "At anong ginagawa ng isang taga northenian at isang phantoms sa pavilion ng mga founders? Do you know that entering here without any of our permission is disobeying our law?" "Agad nilingon ng malamig na tingin ni YoRi ang nasa ikalawang palapag at nakatayong si Dos habang may buhat-buhat itong persian cat at hinahaplos ang balahibo nito, and asusual naka maskara ito. "Where is Valdemor?" malamig na tanong ni YoRi na binalewala ang sinabi ni Dos na rinig niyang bahagya nitong ikinatawa. "I see, you make pasok here sa aming pavilion without fear. Alam ba ni Westaria that one of his member are forcibly entered this place?" ani ni Dos ng sabay silang mapalingon sa pintuan na bumukas kung saan pumasok doon ang kararating lang na si Valdemor kasunod si Killdren. Agad na nagyukuan ang mga tauhan ng mga founders sa pagdating ng kanilang head founder. "Yoho! I didn't know that i have one Phantom visi--" hindi natapos ni Valdemor ang sasabihin niya ng mabilis na nakalapit si YoRi sa kaniya at agad siyang kunuwelyuhan na mabilis ding ikinakilos ni Killdren at agad nitong itinutok sa leeg ni YoRi ang espada nito. Nakamaskara man si Valdemor alam ni YoRi na nakangisi ito sa kaniya, at walang pakialam si YoRi kahit nakaabang sa kaniyang leeg ang espada ni Killdren. "The next time you think of using my woman again in your fvcking entertainment, I myself will kill you." walang buhay na banta ni YoRi na alam niyang balewala lang kay Valdemor. "Eh? Are you accusing me of something Ringfer? Sinasaktan mo naman ang damdamin ko." mapaglarong ani ni Valdemor na inalis ang pagkakakuwelyo ni YoRi sa kaniya. "I won't punish you for coming here and gripping your head founder's collar, besides, i just give him a picture, i didn't told him to abduct the woman of yours you say." pahayag ni Valdemor na nakatitig kay YoRi ang nagniningning niyang mga mata. "You came here to warn me because of a woman, isn't that peculiar of yours who doesn't care about anyone, Ringfer or should i call you Falcon or maybe i will call you Prince Yo." pahayag ni Valdemor kay YoRi na na walang emosyon na tinititigan si Valdemor. "That woman has nothing to do with me, so spare her in your scheme, head founder." malamig na saad ni YoRi na naglakad na palabas ng pavilion ng founders na malakas na ikinatawa ni Valdemor. "Eh? Huwag mong sabihin na nagsisimula ka na namang paglaruan ang mga favorite chess pieces mo, Valdemor?" kumento ni Dos. "Nagsisimula? Matagal na akong nagsimulang subukin ang binuong samahan ni Westaria na minsan ng nabuwag at muling magkakawatak-watak. Gusto kong malaman paano ang gagawin ni Westaria sa oras na mangyari ang bagay na 'yan. This is more entertaining, Phantoms doesn't really fail to amuse me." pahayag ni Valdemor na ikinibit balikat nalang ni Dos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD