Chapter 36: YOU'RE SAFE

4299 Words
SA MGA MOVIES na napapanuod sa sinehan o television, pag nasa panganib ang isang leading lady o bidang babae, gumagawa ng paraan ang leading man o bidang lalaki par mailigtas ay mailayo sa panganib ang babaeng mahal nila. Sa kaso ni Maya, natatakot siya sa mga oras na ‘yun dahil hindi niya alam kung sino ang puwedeng magligtas sa kaniya sa sitwasyon na kinahaharap niya ngayon. Sa kinalalagyan niya ngayon, hanggang binti na ang taas ng tubig at alam niyang sa mga oras na dadaan ay mapupuno na ng tubig ang kinalalagyan niya na maaring maging katapusan ng buhay niya. Hindi alam ni Maya kung paano siya makakalabas sa pinagkulungan sa kaniya, wala siyang makitang puwedeng gamitin para makatakas siya. Unti-unti ng pumapasok ang kaba at takot sa oras na mapuno na ng tubig ang kinalalagyan niya. Wala siyang ideya kung sino ang puwedeng kumuha sa kaniya para ilagay sa ganitong sitwasyon, akala niya lang ay ma-a-unlock na ang isang inaasam niya para sa restaurant niya, ang kuhanin ang service nila for catering, pero hindi niya akalain na ganito ang mangyayari. Pilit na tinatapangan ni Maya ang kaniyang loob dahil alam niyang walang magagawa kung iiyak lang siya, dinadalangin nalang niya na may magligtas sa kaniya. “Think positive Maya, makakalabas ka dito okay. Hindi mo pa time, ayaw pa ni Lord na umuwi ka sa langit kaya makakaligtas ka. Pero sino magliligtas sa akin dito, kinuha nila ang phone ko kaya hindi ko matatawagan si Misha, and for sure alam nilang nasa checking of venue ako. Kasalanan mo ‘to Maya bakit kasi sumama ka kaagad?!” sermon ni Maya sa kaniyang sarili na ikinabuntong hininga din niya. “Kahit sisihin ko sarili ko wala na din naman mangyayari.” Ani pa ni Maya ng maisip niya si YoRi. “Minsan na akong niligtas ng taong yelo na ‘yun, dumating siya noong nasa panganib ako. Ngayon kaya?” Bahagyang natawa si Maya sa kaniyang naisip. “Paano niyang malalaman na nasa panganib ako? Sabihin mo nga Lord, ending ko na ba ‘to?” biro ni Maya sa kaniyang sarili dahil kahit gusto niyang umiyak sa kaniyang sitwasyon ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil alam niyang mas lalo lang siyang magiging hopeless. Ibinaba ni Maya ang tingin niya sa tubig na patuloy na tumataas, kung kanina ay nasa binti palang niya ngayon ay hanggang hita na niya ang tubig. “Anong gagawin ko….” “Kamusta ka na diyan, miss? Are you afraid of what could happen to you inside that closed pit?” Napatingala si Maya sa bandang itaas kung saan malinaw niyang naririnig ang boses ng isang lalaki na hindi niya alam kung sino. “Sinong hindi matatakot sa sitwasyon na ganito? Sino ka ba? Ano bang pakay mo sa akin?” tanong ni Maya sa kung sino man ang kausap niya na sigurado siya na ito ang nagpakuha sa kaniya. “Nakakahanga ka naman, akala ko maririnig kitang nagmamakaawa para palabasin ka diyan, bakit hindi mo subukan? Malay mo pagbigyan kita?” “Napanuod ko na ‘to, kahit magmakaawa ako sayo alam ko na hindi mo ako palalabasin dito. Ano ba kasing kailangan mo sa akin? May naging atraso ba ako sayo?” nagmamatapang na pahayag ni Maya dahil ayaw niyang ipakita dito ang gusto nitong maramdaman niya. Narinig niya ang malakas na pagtawa nito na alam niyang pinagkakatuwaan lang siya nito. “Kakaiba ka palang babae, kaya siguro naging interesado sayo si Pendleton.”rinig ni Maya na sagot nito na ikinakunot ng noo ni Maya. Pendleton? Sino naman ‘yun? Nagtatakang tanong ni Maya sa kaniyang isipan. “Don’t worry binibini, wala kang atraso sa akin. Iyon nga lang magagamit kita dahil sigurado akong may koneksyon ka kay Pendleton. Ibabawi ko ang kapatid ko sa pagpatay na ginawa niya at pagpapabagsak ng kumpanya ko. He ruin everything on me, so I will ruin his.” Pahayag nito na hindi maunawaan ni Maya kung anong koneksyon niya sa gusto nitong mangyari dahil maliwanag kay Maya na paghihiganti ang tinutukoy nito. “Teka lang, anong kinalaman ko sa Pendleton na sinasabi mo? Hindi ko naman kilala ang taong ‘yan, baka nagkakamali lang kayo ng taong kinuha!” singhal ni Maya dito. “Nagkakamali? Hindi puwedeng magkamali ang taong nagbigay sa akin ng litrato kung saan ikaw ang kasama ni Pendleton sa Arizona. Naghintay ako ng pagkakataon na makahanap ng paraan para makapaghiganti sa kaniya at ng may tumulong sa akin, I grabbed this chance to kill him. So you can't fool me with what you say na hindi mo kilala ang Pendleton na ‘yun.”sagot nito kay Maya. “Arizona? Si Yo kaya ang kasama---“ Natigilan si Maya sa kaniyang sasabihin ng may ideya na pumasok sa isipan niya, napaayos si Maya sa pagkakatayo niya habang ina-analize niya ang sinabi ng lalaking nasa labas ng kinalalagyan niya. “Nawalan ka ng imik binibini, natandaan mo ang tinutukoy ko?” rinig ni Maya na ani ng lalaki habang pilit inaayos ni Maya sa kaniyang isipan ang sinasabi ng kidnapper niya sa kaniya. “Si Yo lang naman ang kasama ko sa Arizona, ibig bang sabihin, ang Pendleton na tinutukoy niya ay si Yo?” mahinang pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili. Tama ba ang naiisip ko? Kung si Yo ang Pendleton na tinutukoy ng lalaking ‘to, bakit kilala niya si Yo sa ganoong epilyido? Naguguluhan at nawiwindang na ani ni Maya sa kaniyang isipan. “A-ano bang atraso ang ginawa ni Pendleton sayo?” subok na tanong ni Maya habang tumaas na sa may bewang niya ang tubig, at nagsisimula na si Maya na lamigin sa loob. “Malaki ang atraso na ginawa sa akin ng lalaking ‘yun, he killed my brother, and ruin all my business. Nawala lahat sa akin dahil sa kaniya, kaya gusto kong maranasan ng taong ‘yun ang ginawa niya sa akin. Hindi ko man masira ang meron siya, ang may mangyari lang sa isa sa taong pinahahalagahan niya, makakabawi na ako. Gusto kong maramdaman niya ang sakit at hinagpis na mawalan ng mahal sa buhay.”madiin na pahayag ng lalaki na ramdam niya ang galit sa boses nito. Natahimik naman si Maya sa mga sinabi nito, hindi niya alam kung anong dapat niyang isipin nang maalala niya kung paano nagpakilala si YoRi sa kaniya. *FLASHBACK* Walang buhay na bumagsak ang kalaban ni YoRi, at kahit nabali ang buto sa kanang braso ni YoRi ay hindi niya iyon ininda. “Y-Yo…p-paanong nagawa mong…” “Nagawa kong pumatay? Dahil kaya ko, Dailyn. Dahil nagbigay sila ng dahilan para patayin ko sila, I’m not that normal man just the fvcking other male species you knew.”malamig na pahayag ni YoRi na dahan-dahan na inalis ang kaliwa niyang braso na nakayakap sa bewang nito at dahan-dahan na ikinalayo ni Maya kay YoRi na mas nakikita niya na ang itsura nito na may ilang talamsik ng dugo sa mukha nito. “I’m part of an illegal place the underground society where killing is legal. I know how to end lives, that’s some part of being fvcking me. I’m Yo Ringfer, a Phantom, and this is another part of who I am.” Malamig at walang emosyon na pagpapakilala ni YoRi kay Maya na napatulala sa kaniya. *END OF FLASHBACK* Hindi malaman ni Maya ang kung anong dapat niyang isipin, ang lalaking kausap niya ngayon ay gustong maghiganti kay Pendleton na sigurdo si Maya na si YoRi ang tinutukoy nito dahil sa binanggit nitong ginawa ni YoRi. Hindi man alam ni Maya kung anong iisipin sa sinabi ng lalaki pero isa lang ang alam niya, naniniwala siya na hindi papatay si YoRi ng walang dahilan tulad ng mga sinabi nina Paxton sa kaniya. “Now you know what he did to me, he kills missy. Your man can kill lives, hindi ka ba natatakot sa nalaman mo?” tanong nito sa kaniya na ikinahinga ni Maya ng malalim at itinapat ang dalawang kamay niya sa tapat ng kaniyang puso. “Gusto mong matakot ako sa kaniya dahil sa mga sinabi mo? Pasensya na, pero hindi ‘yun ang nararamdaman ko. Besides, side mo palang ang nalalaman ko hindi pa ang side niya kung bakit niya ginawa ang bagay na sinab---“ “Tanga ka ba?! Bakit mo pa aalamin ang side ng lalaking ‘yun gayong sinasabi ko na sayo na kayang pumatay ng taong ‘yun?! Ganiyan mo ba kamahal ang Pendleton na ‘yun para tanggapin mo nalang ang kung anong kaya niyang gawin?!” galit na sigaw nito sa kaniya na bahagyang ikinangiti ni Maya. “Siguro nga ganito na kalalim nahulog ang puso ko sa kaniya, na kahit kaya niyang pumatay ay hindi na magbabago ang nararamdaman ko, na mahal ko na siya.”sambit ni Maya makita niyang hanggang dibdib na niya ang taas ng tubig. “Iyan ang dahilan kung bakit mamatay ka binibini, dahil ang lalaking ‘yun ang minahal mo.” Rinig na pahayag ni Maya ng lalaki sa kaniya. “Are you enjoying this plan of yours, Terrano?” Muling napatingala si Maya mula sa taas ng makarinig siya ng ibang boses na masasabi niyang may kalamigan katulad ng kay YoRi, pero mas walang buhay ang boses nito at may halong panganib. At pakiramdam niya ay narinig na niya kung saan ang boses na ‘yun. “Sinong hindi mag-e-enjoy sa gagawin ko? Pendleton just told me na mahahanap niya kung nasaan ako, if he’ll find me, sa oras na dumating na ang Pendleton na ‘yun dito kamatayan ang haharapin niya niya.” “Ah! I see that you’re really eager to get even with him, sa tingin mo magtatagumpay ka?” rinig ni Maya na usapan ng dalawang lalaki na nag-uusap mula sa taas ng kinalalagyan niya. Pero natuon ang isipan ni Maya dahil sa sinabi ng lalaking may galit kay YoRi na maaring pumunta ito sa lugar kung nasaan siya. “Alam kong magtatagumpay ako, at malaki ang naitulong mo para makabawi na ako sa ginawa ng Pendleton na ‘yan sa akin. Salamat sa litrato na binigay mo sa akin, pero gusto kong itanong sayo, bakit tinulungan mo ako? May galit ka din ba sa Pendleton na ‘yun?” “Galit? Nah, I have no remorse againts him, it’s just, gusto ko lang makita ang kung anong gagawin niya sa oras na malaman niya ang kalagayan ng babaeng binibigyan niya ng oras. I want to see if it still all for one, or sasarilinin niya lang.”rinig ni Maya na ani ng pamilyar na boses sa kaniya. “Hindi ko alam kung anong intesyon mo, pero ang pagtulong mo sa akin ang titingnan ko. Teka, ano nga ba ang pangalan mo? You give me a helping hand but you didn’t tell your name to me.” “Oh? You can call me Valdemor, good name right? Anyway. Enjoy your revenge thingy, galingan mo lang dahil nasisiguro ako na sa planong ginawa mo, in no time ay masasamahan mo na ang kapatid mo sa ilalim ng lupa.” Rinig ni Maya na pilit na bumabagabag sa kaniya ang pamilyar na boses na narinig niya. “Valdemor? Sino siya?” “Tss! Ano bang sinasabi niya, he helped me pero he’s saying na ako ang mababaon sa lupa?” rinig ni Maya na saad ng lalaking kumuha sa kaniya. “Sabihin mo nga sa akin, pupunta ba talaga si Yo-si Pendleton dito?” tanong ni Maya at inalis nalang ang isipan niya sa pamilyar na boses ng lalaking kausap ng kumuha sa kaniya kanina. “Mukha bang nagbibiro ako sa sinabi ko? Kung anong narinig mo, ‘yun na ‘yun. Kung mahanap niya nga ang lugar na ‘to, malas niya.I think as of now, if he’s really confident that he’ll find me. I’m sure parating na dito ang Pendleton na ‘yun, he just told me to wait for about twenty minutes.” Sagot nito kay Maya na agad ikinakabog ng puso niya. Hindi makapaniwala si Maya na pupunta si YoRi para sa kaniya, hindi maiwasan ng puso ni Maya na sumaya pero may part na natatakot siya sa mangyayari kay YoRi sa oras na dumating na ito, lalo na sa kalagayan ng kanang braso nito na alam niyang hindi pa totally magaling. “Alam kong nagsasaya ka sa nalaman mo na parating ang lalaking ‘yun para iligtas ka, pero bago ka pa niya mapuntahan mamatay na siya. At bonus, magkakasama kayo sa kabilang buhay.”pahayag ng lalaki ng marinig niya ang yabag nito na paalis na. “Pupunta si Yo, ililigtas ako ni Yo…”sambit ni Maya habang nagsisimula ng mas lamigin ang katawan niya dahil paakyat na sa bandang leeg niya ang tubig. Yo, mag-ingat ka please…piping dasal ni Maya na muling nag-isip ng maaring paraan para makatakas siya sa kinalalagyan niya. SAMANTALA, sa kababa lang ni YoRi sa kaniyang kotse na itinigil niya di kalayuan sa lugar kung saan dinala si Maya. Bahagyang naglakad si YoRi sa matataas na d**o at mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang abandonadong building, kung saan may naaninag ang kabuuan ng lugar. Sa itsura ng abandonadong building ay isang pasabog lang ay guguho na ito ng tuluyan, nakikita din ni YoRi mula sa kinatatayuan niya ang mga tauhan ni Taurent Terrano na kumuha sa lugar. “Your highness.” Bahagyang sinilip ni YoRi mula sa likuran niya ang kararating lang na si Alexei na alam niyang nakasunod sa kaniya sa pagpunta sa lugar kung saan dinala si Maya. “May I ask your majesty kung sino ang pinuntahan niyo dito?” “Taurent Terrano.” Malamig na sagot ni YoRi kay Alexei. “Terrano? Are you referring to the Terrano, whose one of the missions given to you by Heneral, Is that right, your majesty?” “No, but the older one. He wants revenge on me after I killed his little fvcking brother and take down all of his business.” Walang emosyon na sagot ni YoRi. “The older one? So he had the means and guts of taking revenge of you, your highness. Shall I kill them all?” pahayag ni Alexei. “No, leave those bastard to me.”malamig na sagot ni YoRi na nagsimula ng maglakad at iwan si Alexei sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang si Alexei kay YoRi habang naglalakad ito papalapit sa abandonadong buidling, sa pagkakakilala niya sa kaniyang prinsipe ay hindi na nito binibigyan ng pansin ang mga gusto itong balikan lalo pa at wala naman magiging laban ang mga ito sa kaniyang prinsipe. Kaya palaisipan kay Alexei kung anong rason para pag-aksayahan ni YoRi ang taong ipinunta nito sa may abandonadong building. Pero dahil prinsipe niya ito, at tungkulin niya na protektahan ito bilang pagtupad sa bilin ng ina nito ay nasa likod lang siya nito, kahit alam niyang hindi nito kailangan ng tulong niya. Dere-deretso naman si YoRi sa kaniyang paglalakad at hindi na nag-abala na itago ang kaniyang sarili, inilabas niya ang punyal na kaniyang dala. Nang malapit na siya sa abandonadong building ay agad na siyang napansin ng ilan sa mga nakuhang tauhan ni Taurent Terrano, habang papalapit siya ay agad siyang tinutukan ng ilan sa mga may hawak na baril. “Sino ka?! Kung hindi ka lalakad sa paglapit mo papaulanan ka namin ng bala!” sigaw ng isa sa tauhan ni Terrano na walang pakialam na nagpatuloy si YoRi sa paglalakad nito. “Hindi kaya siya ang hinihintay ni boss na darating?” “Ang utos ni boss ay patayin natin agad ang taong hinihintay niya at huwag hayaang mas makalapit sa gusali.” Ani ng mga ito na sabay-sabay kinasa ng apat na lalaking may hawak na baril ang mga dala nila at akmang ipuputok iyon kay YoRi na hindi tumitigil sa paglalakad, nang magulat at magtaka ang iba ng isa-isang bumagsak sa lupa ang apat na may hawak na baril, at miya-miya ay kumalat na sa lupa ang mga dugo ng mga ito. “A-anong nangyari sa kanila?” hindi makapaniwala na ani ng isa sa mga makakalaban ni YoRi, na ikinatigil naman nito sa paglalakad at bahagyang nilingon ang pinanggalingan niya kung saan niya iniwan si Alexei. “Patayin na natin ang lalaking ‘yan!” rinig ni YoRi na sigaw ng mga kalaban niya na ikinabalik niya ng tingin sa mga ito kung saan sabay-sabay na sumusugod ang mga ito. Nagsimula na muling maglakad si YoRi upang salubungin ang mga kalaban niya, at sa pagsugod ng mga ito kay YoRi habang hawak nila ang tubo na gagamitin nila, ay naging sisiw lang sila para kay YoRi na mabilis naiwasan bawat wasiwas nila ng tubo na hawak nila. Plain na reaksyon lang ang makikita sa mukha ni YoRi, at easy para sa kaniya na maiwasan bawat pagsugod ng mga kalaban niya. Hawak-hawak ni YoRi sa kaliwa niyang kamay ang punyal na tanging magagamit niya sa laban na kinakaharap niya. Agad na payukong iniwasan ni YoRi ang naunang muling sumugod sa kaniya na ikinatigil ng mga kasamahan nito at bahagyang ikinaatras palayo ng makita nilang bitawan ng kasama nila ang tubo na hawak nito at sumuka ng dugo. Miya-miya pa ay bumagsak na ito sa lupa kung saan napatuon lahat ng tingin nila sa kaliwang kamay ni YoRi na may hawak na punyal na nababalot ng dugo na tumutulo pa sa lupa. Walang emosyon na nilingon ni YoRi ang nasa kanang gilid niya, bago mabilis na patakbong lumapit sa mga ito na gulat na hindi inasahan ang mabilisang kilos ni YoRi. Akmang itatas palang nito ang hawak nitong tubo pero nakatarak na sa lalamunan niya ang punyal ni YoRi, kung saan bahagyang sumirit ang dugo nito sa braso ni YoRi. Agad na hinugot ni YoRi ang punyal ng hahampasin siya ng katabi ng sinaksak niya, pero agad na ibinend ni YoRi ang katawan niya dahilan upang tumama ang tubo sa dibdib ng kalaban na sinaksak niya na wala ng buhay na ikinatumba nito. Inayos ni YoRi ang pagkakahawak niya sa punyal bago malakas na binato sa sumugod sa kaniya na deretsong tumarak ang punyal sa kanang sentido nito na baon na baon. Hindi pa man ito bumabagsak ay agad na lumapit si YoRi dito, hinawakan gamit ang kaliwa niyang kamay ang hawakan ng punyal at malakas na sinipa ang tagiliran ng kalaban niya na wala na ding buhay na bumagsak sa lupa. Nagulat ang ibang mga tauhan ni Terrano sa ginawa ni YoRi, ang mga dugo ng unang napabagsak ni YoRi ay may talsik na sa damit na suot niya, sa braso niya at bandang ibaba ng mukha niya. Walang emosyon na binalingan ni YoRi ang iba pang mga kalaban niya na napaatras sa kaniyang malamig na paglingon. “You’ll come, or I’ll come.” Malamig na pahayag ni YoRi sa mga ito na kahi nagulantang sa ginawa ni YoRi sa mga kasamahan nila ay lakas loob ang mga itong sumugod palapit kay YoRi. Ang sabay-sabay na pagsugod ng mga ito ay isa-isang hinarap ni YoRi, malakas na sipa sa mukha ang binigay niya sa una niyang nakita na ikinadugo ng bibig nito. Agad hinawakan ni YoRi ang buhok ng kalabang nasipa niya at malakas iyong na binalibag sa mga kasamahan nito. At kasabay ng paghagis niya dito ay sumabay siya sa paglapit kung saan pasalubong niyang tinarak ang kaniyang punyal sa dibdib ng isa, bago agawin ang tubo na hawak nito at malakas na ipukpok iyon sa katabing kasamahan nito sa ulunan na ikinaputok ng ulunan nito. Sa pagbagsak ng kalaban niyang natarakan niya ng punyal ay mabilis niya iyong muling hinugot at pabalibag na itinapon sa papasugod sa kaniya na deretsong tumama sa bibig nito na lumagpas hanggng likod ng ulo nito. At huling natitirang kalaban ni YoRi ay walang buhay na bumagsak sa lupa matapos na tumagos ang bala ni Alexei sa ulunan nito. “Anong nangyayari---“ Hindi natuloy ni Terrano ang ilalabas ng bibig niya ng madatnan niya ang mga tauhan niyang nakahandusay na sa lupa at naliligo sa sarili nitong mga dugo. Nilapitan ni YoRi ang katawan ng nakalaban niya kung saan nakatarak ang punyal niya sa bibig nito na agad niyang hinugot. “Pe-Pendleton…?” hindi makapaniwalang tawag ni Terrano sa epilyido na isa sa tatlong pangalan na ginagamit ni YoRi pag mission siya na mula kay Heneral. Dahan-dahan na hinarap ni YoRi si Terrano na may nanlalaking mata na nakatingin na sa kaniya. “Pa-paanong…” Nagsimula ng maglakad si YoRi papalapit kay Terrano na agad inilabas ang tinatago nitong baril at tinutok kay YoRi na hindi man lang natinag sa ginawa nito. “Sige! Subukan mo pang lumapit babaon ang bala ko sa kataw—“nagulat si Terrano ng may bumaril malapit sa paanan niya. “Si-Sino ‘yun?!” gulat na tanong nito hanggang matigilan siya ng makalapit na sa harapan niya si YoRi na hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril at madiin iyon na hinawakan na agad nitong ikinangiwi. "Pendleton!" sigaw nito na walang emosyon lang siyang tinititigan ni YoRi. “It's Yo Ringfer. Where is she?” “Ba-Bakit k-ko sasabihin sayo! Mamamatay ang babaeng ‘yun tulad ng pagpatay mo sa kapat---ahhhh!” hiyaw sa sakit na nararamdaman nito ng itarak ni YoRi ang punyal na hawak niya sa braso ni Terrano na may hawak na baril dahilan upang mabitawan niya ito. “I’ll ask you again, Terrano, where is she?”malamig na ulit na tanong ni YoRi dito. “K-Kung saan tubig ang pa-patay sa kaniya!” bulyaw na pahayag ni Terrano na malakas na hinila ni YoRi paalis sa harapan niya kung saan pinaulanan ni Alexei ng bala ang buong katawan nito hanggang walang buhay na itong bumagsak. Agad na pumasok si YoRi sa loob ng building at nagsimula ng magpalingon-lingon sa paligid kung saan ang maaring nilagay si Maya ng Terrano. “Dailyn!” sigaw na tawag ni YoRi sa pangalan ni Maya na mahina niyang ikinamura. “YO!” Agad napalingon si YoRi sa bandang kanan kung saan nakarinig siya ng malakas pero nahihirapang sigaw na alam niyang boses ni Maya, agad sinundan ni YoRi ang boses na naririnig niya na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya hanggang mapababa siya ng tingin sa isang bakal na sahig na nakakadena at may lumalabas na tubig dito. Kunot noong pinakatitigan iyon ng YoRi hanggang bahagyang manlaki ang mga mata niya ng makita niya mula sa loob gamit ang bahagyang awang na nakakadenang bakal si Maya. “Yo…” “s**t!” mura ni YoRi na agad niyang hinawakan ang kadena upang alisin ang kandado nito. At dahil hindi iyon kaya ng kaliwang kamay ni YoRi ay agad niyang kinuha ang isang bato di kalayuan sa kaniya at sinimulan iyong ipukpok sa kandado ng kadena ng paulit-ulit. Rinig ni YoRi na napapaubo na si Maya mula sa loob dahil kaunti nalang tuluyan ng lulubog sa tubig si Maya. “Fvck!” nailabas na mura ni YoRi habang hindi siya tumitigil sa pagpukpok kahit nagkakasugat na ang kaliwang kamay niya dahil sa bato na gamit niya. Nang tuluyan ng mapuno ang tubig ay nakita ni YoRi ang dahan-dahan na paglubog ni Maya na alam niyang ilang minuto lang ay kakapusin na ng hininga kaya mas nilakasan niya ang pagpukpok sa kandado hanggang sa masira na iyon. Agad na tinapon ni YoRi ang hawak niyang bato at inalis ang kadena bago hinawakan ang bakal na handle at mabilis binuksan ang isa sa pintuan. Agad na tumalon si YoRi sa ilalim ng tubig at agad ipinulupot sa bewang ni Maya ang kanang kamay niya bago niya ito inihaon. Pagkaahon na pagkaahon ay agad na nag inhale si Maya ng hangin bago sunod-sunod na napaubo dahil muntikan na itong maubusan ng hangin sa baga. Nakayakap si Maya kay YoRi na miya-miya pa ay napahagulgol na ng iyak. “Yo!” hagulgol na iyak ni Maya na pilit niyang hindi nilalabas kanina pero inilabas niya na ng makita at mayakap na niya si YoRi. Malalim na nakahinga ng maluwag si YoRi na naabutan niya si Maya bago pa tuluyan itong malunod, itinuon ni YoRi ang kanang kamay niya sa ulunan ni Maya at mas iniyakap ito sa kaniya habang nakayakap ang kanang braso niya sa bewang nito. “You’re safe now.” DAHAN-DAHAN na ibinaba ni Valdemor ang binocular na hawak niya matapos uubusin ni YoRi ang mga tauhan ni Terrano, at mismong si Terrano ng walang kahirap-hirap. Expected na ni Valdemor na ganito ang kalalabasan, ginamit niya lang si Terrano upang makita ang hakbang na gagawin ni YoRi. “No help of any Phantoms, just him and a little intervene of his guard Alexei” saad ni Valdemor na hinagis kay Killdren ang binocular na ginamit niya na agad naman nitong nasalo. “The prince who saved his princess, ano kayang gagawin ni Ringfer once he finds out the identity of the woman he saved. This will be more entertaining, right, Sandford?” ngising mapaglarong saad ni Valdemor kay Leviticus na nakasandal lang sa kotse na gamit nila, na seryosong nilingon si Valdemor. “Did you bring me here to find out if I should do something?” seryosong tanong ni Leviticus na ikinalapit ni Valdemor sa kaniya. “I did wait for that, but well, I am convinced now that sometimes, hate is thicker than blood.” Ngising pahayag ni Valdemor na ngiting ikinatapik nito sa balikat ni Leviticus. “Let’s go back to the underground, I am excited to receive a love letter from Omega.” Saad ni Valdemor na sumisipol pa bago sumakaya sa backseat ng dala nilang kotse habang si Leviticus ay itinuon ang seryoso niyang tingin sa abandonadong gusali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD