PASILIP-SILIP si Maya sa may sala niya habang tahimik, at prenteng nakaupo si Leroi sa kaniyang mahabang sofa. Hindi niya inasahan ang pagpunta nito ng ganitong oras sa kaniyang apartment, kung hindi siya umuwi, nasisiguro ni Maya na naghinatya si Leroi sa wala. Ang hind ilang maintindihan ni Maya kung bakit nasa apartment niya ito.
Hindi narin nagtagal sina Paxton at nagpaalam na sa kaniya, masasabi ni Maya na kilala nga nila Leroi at Paxton ang isa’t-isa pero mapapansin niyang hindi ganun ka close na ugnayan ang makikita niya sa mga ito. Nagtitimpla siya ng kape para dito, pinapasok niya na ito sa apartment niya dahil alam niyang matagal itong naghintay sa labas ng apartment niya. Naisip ni Maya na kung may pagtingin pa siya kay Leroi, baka hindi niya mapigilan ang kilig niya pero ngayong sigurado na siya na si YoRi na ang nasa puso niya, para nalang normal na kaibigan ang tingin niya kay Leroi.
Dinala na ni Maya ang kape na tinimpla niya para kay Leroi, naglakad siya palapit sa kinauupuan nito na napalingon sa kaniya. Ngiting ibinaba niya ang kape nito sa center table na kahoy niya bago umupo sa pang-isahang sofa katapat ng kinauupuan nito.
“Magkape ka muna Leroi, baka nilamig ka sa labas kakahintay sa akin.” Saad ni Maya na ikinatango ni Leroi bago kinuha ang tsa ng kape na tinimpla ni Maya para dito.
“Uhmm, bakit ka nga ba naghihintay sa labas ng apartment ko ng ganitong oras? May kailangan ka ba?” tanong ni Maya na ikinalingon ni Leroi sa kaniya.
“I called you many times, pero nakapatay ang cellphone mo.”seryosong sagot ni Leroi na mabilis kinuha ni Maya ang kaniyang cellphone ng makita niyang low bat iyon.
“S-sorry, dead battery na ang phone ko.”
“Saan ka galing at ganitong oras ka umuwi sa apartment mo? At bakit kasama mo sina Ignacio at sila ang naghatid sayo dito? How did you know them?” sunod-sunod na tanong ni Leroi kay Maya.
“Teka, isa-isang tanong lang. Hindi ko alam kung anong una kong sasagutin sa mga tanong mo eh.” Ngiwing ani ni Maya na bahagyang ikinabuntong hininga ni Leroi.
“Saan ka galing at ngayon ka lang umuwi dito sa apartment mo?” paunanng tanong ni Leroi na hindi naman alam ni Maya paano sasagutin kay Leroi na sa bahay siya ng isang lalaki nagmulat.
Overprotective na kaibigan pa naman ito sa kaniya, dahilan kung bakit nagustuhan niya ito before.
“Ga-Galing ako sa barn ni Yo, I mean kay Mr. Ring---“
“Kay Ringfer?” putol na pagpatuloy ni Leroi sa pangalang sasabihin ni Maya na ikinatango nito.
“Bakit kasama mo siya? I told you, huwag mong subukan na ma-involve sa kaniya.”seryosong bahagyang sermon ni Leroi.
“Ganito kasi ‘yun, nagkataon kasi na ang nakilala kong mag-asawa sa nakatira sa burol na nakuwento ko sayo ay adopted parents niya. Nagkita kami sa bahay ng magulang niya dahil kaarawan ni Aling Luisita, then bago kami umuwi hinarangan kami ng mga tauhan ng anak ng mayor sa lugar na ‘yun dahil sinaktan ni Yo ‘yung ana---“
“See what I mean? Muntik ka ng mapahamak dahil kay Ringfer, he’s not safe to be with, Maya.”
“Ang totoo niyan Leroi, siya ang napahamak dahil sa akin. Sinubukan kasi akong bastusin ng anak ng mayor at pinagtanggol lang niya ako. Nasaktan ang kanang braso niya dahil sa akin, kaya nasa bahay niya ako para tingna kung maayos lang ang lagay niya dahil nagkasakit siya dahil sa pamamaga ng kanang braso niya.”paliwanag ni Maya bago deretsong tinitigan si Leroi.
“Tsaka, alam ko kung bakit nasabi mo na hindi ako ligtas pag siya ang kasama ko. He told me about the underground society kung saan kasali siya doon at ang mga kaibigan niya, ang Phantoms. All the too much information about sa mga ginagawa nila doon ay sinabi niya sa akin.” Saad ni Maya na bahagyang natigilan si Leroi sa mga sinabi nito.
“Sina Paxton naman ang nagsabi sa akin na kasali ka din sa lugar na ‘yun, nagulat ako sa mga nalaman ko syempre pero hindi naman ako natak—“
“Ringfer told you about the underground, and what we us doing in that kind of place?”seryosong putol na tanong ni Leroi kay Maya na dahan-dahan nitong ikinatango.
“O-Oo…” sagot ni Maya na kita niyang natahimik si Leroi sa sinagot niya dahilan upang bigla siyang mag-alala na baka bawal na malaman ng simpleng mamamayan na tulad niya ang may malaman sa underground at puwedeng maparusahan si YoRi.
“Bawal ba malaman ng tulad ko ang tungkol sa lugar na ‘yan? Kung bawal dapat pala hindi sinabi ni Yo sa akin ang tungkol sa underground, baka maparusahan siya.” Pag-aalalang tanong ni Maya na ikinatitig ni Leroi sa kaniya.
“Why are you worried about him? I thought you dislike him because he’s your rival, you are annoyed at him the last time I know, but I can see worriedness in you, Maya.”seryosong punang kumento ni Leroi kay Maya na ikinatikom ng bibig nito.
Hindi malaman ni Maya paano niya sasabihin kay Leroi na hindi na karibal ang tingin niya kay YoRi, hindi niya alam paanong sasabihin na ‘yung dislike at annoyance niya para kay YoRi ay napalitan na ng mas malalim na feelings.
“To-Totoo naman ang mga sinabi mo, karibal ang turing ko sa kaniya kasi gusto kong mapantayan ang successful ng La Cuisine. I dislike him because he negatively critic my cooking skills and show me how he’s good than me, naiinis ako sa kaniya kasi para siyang taong yelo na walang pakialam sa paligid niya. Iyon naman talaga ang tingin ko sa kaniya, k-kaya lang Leroi, ano kasi eh…”ani ni Maya na biglang hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin dahil hindi niya alam paano niya sasabihin na may nararamdaman na siya kay YoRi.
“What? Tell me what happened with that rivalry, dislike and annoyance of you with him.”seryososong ani ni Leroi na bahagyang ikinayuko ni Maya sa kinauupuan niya dahil ramdam niya ng nag-iinit ang mukha niya sa mga oras na ‘yun.
“Na-Nakakahiyang sabihin pero….” Pinaglalaruan ni Maya ang mga daliri niya dahil sa hiya na una niyang sasabihin kay Leroi ang nararamdaman niya kay YoRi.
Bahagyang huminga si Maya bago dahan-dahan na nilingon si Leroi na nakatitig lang sa kaniya.
“…gusto ko na si Yo, sa tingin ko nga Leroi, love na ‘yung nararamdaman ko para sa kaniya.” Namumula ang mga pisnging pag-amin ni Maya kay Leroi na agad inalis ang tingin sa kaniya.
“Alam kong magakakilala kayo ni Yo kaya huwag mo sanang mabanggit sa kaniya, Leroi. Nakakahiya kasing malaman niya, hindi ko alam paano ako nahulog sa kaniya. Promise, wala akong maisip na dahilan, nagising nalang ako isang araw kumakabog na ang dibdib ko pag nakikita ko siya.” Paliwanag ni Maya.
Dahil ba sa mga pabigla-bigla niyang panghahalik? O dahil naging apprentice niya ako? Pero parang hindi naman sa mga naisip ko ang dahilan bakit si Yo na ang tinitibok ng puso ko. ani ni Maya sa kaniyang isipan.
“Secret lang natin ‘to ah, baka pag nalaman ni Yo na ma-mahal ko na siya baka biglang mailang sa akin ang taong yelo na ‘yun.”ani pa ni Maya ng ibalik ni Leroi ang tingin nito sa kaniya.
“A-Are you sure about your feelings? And you still want to love him despites of what dangerous place he was belong to?”tanong ni Leroi na ikinatapat ni Maya sa kanang kamay niya sa tapat ng kaniyang puso at bahagyang ngumiti.
“Sigurado na ako na iyon ang nararamdaman ko para sa kaniya, at ‘yan din ang bagay na hindi ko maunawaan sa sarili ko. Nang malaman ko ang tungkol sa underground society at mga ginagawa niya doon, hindi naman ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Honestly, nakakahiya man pero pakiramdam ko mas safe pa ako sa kaniya.”
Kahit si Maya ay hindi niya inasahan na ganito ang kahihinatnan niya simula ng makilala niya si YoRi, at makasama ito. Hindi niya inakalang ang inis na una niyang naramdaman dito ay biglang magiging pag-ibig.
“Teka, gusto kong itanong paano kayo napasok sa ganoong klaseng lugar?” kyuryosidad na tanong ni Maya kay Leroi.
“Did he not told you why he became part of that place?”seryosong tanong ni Leroi na ikinailing ni Maya bago ito tumayo sa pagkakaupo nito.
“Evaluate your feelings for him, baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo sa kaniya. And don’t fall for him too much, I don’t want you to suffer at the end because of him.”seryosong ani ni Leroi na ikinasimula na nitong ikalakad papuntang pintuan.
Agad na tumayo si Maya at sinundan si Leroi na naguguluhan siya lalo na sa mga sinabi nito.
“Aalis ka na? Hindi mo pa ubos ang kape mo.”
“Knowing that you came home safely, it’s fine to me now. Lock your door carefully.”ani ni Leroi na dere-deretso ng lumabas ng apartment niya.
Agad nitong binuhay ang makina ng kotse nito at walang lingon-lingon sa kaniya si Leroi na sumakay sa kotse nito at pinaharurot na iyon paalis sa lugar nila.
“Ang tagal ng pinaghintay niya tapos aalis din agad?” takang tanong ni Maya ng bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Leroi bago ito umalis.
“Ano bang gusto niyang sabihin sa mga sinabi niya? Bakit need ko pang i-evaluate ang nararamdaman ko kay Yo kung sigurado naman na ako na love na nga ang feelings ko sa taong yelo na ‘yun. Minsan si Leroi, pag seryoso hindi ko alam kung anong punto ng mga sinasabi niya. Dapat bang sinabi ko sa kaniya na siya ang una kong gusto bago ako nahulog kay Yo? Wag nalang kaya, nakakahiya.”ani ni Maya na sinara na niya ang pintuan at ni-lock iyon.
Binalikan niya ang tasa ng kape ni Leroi na hindi masyadong nabawasan, dinala niya iyon sa lababo at hinugasan bago siya pumasok sa kuwarto niya. Sinaksak niya muna ang cellphone niya at ni charge bago kumuha ng damit pantulog at nag half bath muna, nang okay na si Maya ay deretso na siyang humiga sa kama niya.
Hindi pa dinadalaw ng antok si Maya, nakatitig lang siya sa kisame ng kuwarto niya habang ang guwapong mukha ni YoRi ang naiisip niya, kung saan pumasok din sa isipan niya ang ipinangako niya kina Paxton.
“Paano kaya ako mapapansin ni Yo? Hindi naman dahil may ilang beses niya akong hinalikan ay mag-assume na ako. Sabi nga niya like niya lang ako, at madaming puwedeng meaning ang like na ‘yun. Magagawa ko kayang makuha ang puso niya, tulad ng kung paano niya nakuha ang puso ko ng wala akong kaalam-alam?” pahayag ni Maya sa kaniyang isipan na nagpambuntong hininga nalang siya bago pinilit na pumikit at makatulog kahit walang ibang pumapasok sa isipan niya kundi si YoRi.
DERE-DERETSONG pumasok si Leroi sa pavilion ng makarating siya sa north bound after ng pagpunta at paghintay niya kay Maya sa apartment nito. Naabutan pa niya sina Devin, at Audimus na nasa bar counter at nag-iinuman. Si Mount at Exxon naman ang nasa duty ng pagbabantay kay Misha, at tanging si Ribal ang hindi na nagpapa-umaga sa bound nila dahil sa pamilyado na ito at may asawa na itong inuuwian.
“Oh? Gozon, saan ka galing?” tanong ni Devin kay Leroi na dere-deretsong umupo sa tabi nila ni Audimus at dere-deretso ding nagsalin ng whiskey sa baso at deretsong ininom iyon.
“Aba? Isang lagukan Gozon ah? Mukhang problemado kang bumalik dito sa bound, anong nangyari sa lakad mo?” punang kumento ni Audimus kay Leroi na muling nagsalin ng whiskey sa baso nito at deretso ulit iyon na ininom na ikinapagtinginan ni Devin at Audimus sa isa’t-isa bago binalik ang tingin nila kay Leroi.
“Dude, baka gusto mong ibahagi ‘yang problema mo. Hindi tayo Phantoms pero matagal na din naman tayong magkakasama sa bound na ‘to. Anong rason at nakadalawang lagok ka ng whiskey?” punang tanong ni Audimus kay Leroi ng malakas na binato nito ang hawak nitong basa sa pader na basag na ikinakalat nito sa sahig.
“s**t! Ngayon ko lang nakitang ganito si Gozon, mukhang malaki problema ng isang it---“
“---Maya is now falling in love with Ringfer.”putol ni Leroi sa sasabihin ni Devin na bumakas ang gulat sa mukha ng dalawa.
“Ano?!”sabay na reaksyon ng dalawa.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo Gozon?”ani ni Audimus na walang emosyong ikinabaling ng tingin ni Leroi sa kaniya.
“Do you think I will fvcking said that again?”
“A-ang ibig mo bang sabihin, si Maya na matagal mo ng mahal na may balak ka ng umamin sa kaniya ay nahulog—I mean na fall kay Ringfer? As in Yo Ringfer, the rank no. 13 of Phantoms?”saad ni Devin na deretsong ikinainom ni Leroi sa bote ng whiskey na hawak niya bago iyon binalibag na ikinabasag din nito, bago ito tumayo at patalikod na tumayo di kalayuan sa bar counter.
“Deng! Paano nangyari ‘yun?” gulat na ani ni Devin habang si Audimus ay nakatingin nalang kay Leroi na napatingala at itinakip ang kanang kamay sa mga mata nito.
“Fvck!” mahinang mura ni Leroi.
“That’s painful, mala Mondragon I ang nangyari ah.”mahinang sambit ni Audmius na si Devin lang nag nakarinig sa kaniya at napalingon sa kaniya.
“Sige lang Gozon, ilabas mo lang ‘yan. Puwede mong ayain si Natievez ng sparring sa may ring, or gusto mong---“
“---I want to be alone.” Putol na ani ni Leroi na deretsong naglakad papuntang likod ng pavillion at iniwan sina Devin at Audimus na nakasunod ng tingin sa kaniya hanggang mawala ito sa paningin nila.
“Ringfer snatched the woman that Gozon fell for, that poor of him.”naiiling na kumento ni Audimus.
“Gago ka Smith! Bakit gusto mong mag sparring kami ni Gozon? Broken hearted ang isang iyon, baka mapuruhan ako at sa akin ilabas ang pagkasawi niya. Hindi naman ako nagbo-volunteer gago ka.”singhal na sita ni Devin kay Audimus na ikinatapik nito sa kaniya.
“That’s one of way to comfort him, lucky you gustong mapag-isa ni Gozon.” Ani ni Audimus na ikinaingos lang ni Devin sa kaniya at pinagpatuloy nalang ang inuman nila at hinintay na bumalik si Leroi na naibuhos na sa likod ng pavilion ang nararamdaman nito sa mga oras na ‘yun.