Take her home…
TAHIMIK AT walang imik si Maya sa kinauupuan niya sa harapan ng van na labag sa loob nila Paxton bilhin para lang makapunta sa barn ni YoRi. Sa tabi ng driver seat siya nakaupo sa tabi ni Lu na nagmamaneho habang sa back seat ay sina Sergio, ToV at Paxton. Walang kibo si Maya sa kinauupuan niya dahil tumatakbo sa isipan niya si YoRi, sinabi nito na gusto siya nito pero pakiramdam niya nasabi lang nito dahil sa mga kaibigan nito, ramdam ni Maya ay pamimigat ng kaniyang dibdib.
“Akala ko ayaw siyang pauwin ni Ringfer, pero bakit pinahahatid siya sa atin Santos?” tanong ni Paxton na bahagyang lumapit sa upuan ni Lu upang masilip ang bahagyang nakayuko at nananahimik na si Maya sa kinauupuan nito.
“You know Ringfer, pabago-bago ang utak ng isang ‘yun. Huwag kang mailang sa amin, Maya, harmless naman kami at loyal sa mga asawa namin, ewan ko lang kay Fritz.”ani ni ToV na ikinalingon ni Sergio sa kaniya.
“At anong pinupunto mo, Valenzuela? Sinasabi mo ba na hindi ako harmless at hindi loyal sa amazona ko? Dahan-dahan sa pag-aakusa baka idemanda kita sa paninirang puri mo.”pikon na ani ni Sergio na ngising ikinalingon ni ToV sa kaniya.
“Go on, subukan mo. I’m just telling you, yakult boy, kahit saang korte mo ako idemanda hindi ako makukulong sa paninirang puri sayo, dahil in the first place sira na ang puri mo gago.”ani na mas pamimikon ni ToV na ikinaingos ni Sergio.
“Edi wow! Sabihin ko kaya kay Karina na may isang babaeng one time nagpunta sa opisina mo at inaya mo pang mag lunch date sa oras ng trabaho---“
“Do you know the fvcking meaning of a client? Kliyente ko ‘yun Fritz, linisin mo ‘yang utak mo dahil malisosyo ‘yan. The hell I will cheat with my wife? Tangna ang tagal kong hinintay ang asawa ko bago ko siya mapakasalan tapos lolokohin ko lang? Ingat-ingat ka sa akusasyon mo baka ikaw idemanda ko at mag bakasyon ka ng ilang araw sa selda. Sipain kita palabas ng van na ‘to eh.”singhal ni ToV.
“Aba? May ambag ako sa van na ‘to, kaya wala kang karapatan na manipa paalis dito. I paid the half of it dahil lang natalo ako sa di na mamatay-matay na bato-bato pik na ginagawa natin pag may kailangan tayong pagdesisyunan.”angil ni Sergio na hindi maiwasan ni Maya na pakinggan ang nangyayaring pagtatalo ng dalawa sa kanilang likuran.
“Wala ba kayong hiya? Huwag niyo dito ipakita ‘yung abnormal nating mga ugali, baka isipin ni Maya mayayaman tayo pero walang manners.”sita ni Paxton kina Sergio na ikinalingon ni Maya dito.
“Pagpasensyahan mo na ang ingay nila, ganito talaga kami magpurihan sa isa’t-isa.”saad ni Paxton na bahagyang ikinailing ni Maya.
“O-Okay lang, sa tingin ko naman, ang pagka-kaibigan na nagkakasundo parin kahit nagkakapikunan ay magtatagal ang samahan. Mukhang ‘yan ang lambingan niyo, ga-ganiyan din kasi kami ng kaibigan kong si Misha.”sagot ni Maya na ikinapalakpak ni Paxton sa kaniya.
“Maganda ‘yang sinabi mo, tama ka naman. Hindi kami normal na magka-kaibigan, minsan nagga-gaguhan din kami pero may pagkakataon na may pinagkakasundan. Mukhang kakaiba din ang nabingwit ni Ringfer, maihahalintulad ko siya sa mga asawa natin na may malaking pang-unawa sa ikalawang identity natin. Ano sa tingin mo Santos?”
“We’re not still sure kung ano para kay Ringfer si Maya, he maybe told us that he likes her but the way he said it, you can hear no emotion. He might interested, but not the way around that we know, like what we feel when we met our wives. You can’t trust his words, but he might give confusion.”seryosong ani ni Lu.
“Pasensya na sa itatanong ko Maya, alam kong nag-alala ka sa nangyari kay Ringfer dahil niligtas ka niya. If somehow may ginagawa siya na hindi naman usual na ginagawa niya, like kissing you, I hope hindi ka bumigay.”ani ni ToV na bahagyang ikinatuod ni Maya sa kinauupuan niya.
“Hindi ko ‘to sinasabi dahil sinisiraan ko ang kaibigan namin, it’s just ayaw lang namin na mahulog ka sa kaniya pero hindi kaniya mapapanindigan because of his personal mysterious affair na kahit kami hindi namin alam. “ani pa ni ToV.
“Matagal na kaming magka-kaibigan, taon na nga kung bibilangin at masasabi at maipagmamalaki ko na para na kaming magkakapatid. Pero masasabi ko din na sa aming labing limang magka-kaibigan, sa taon na pinagsamahan namin si Ringfer ang pakiramdam namin hindi namin kilala ng mabuti. Even Santos, pinsan na niya pero wala din siyang alam na kahit ano.”ani ni Sergio na sumandal sa kinauupuan niya.
“We’re not saying na layuan mo si Ringfer, but guard your heart when your with him. Don’t fall for him if he’s not being true to yo—“
“—gu-gusto ko na siya.” Nakayukong putol ni Maya sa sasabihin ni Lu na ilang minutong ikinawalan ng imik nina ToV.
“Gusto palang naman ‘yan, puwede pa munang pigilan tama?” ani ni Sergio habang nakatingin si Paxton kay Maya.
“Ang tanong, gusto pa nga lang ba, Maya?” paninitig na tanong ni Paxton habang seryoso si Lu sa pagmamaneho nito at si ToV ay nakatingin na sa may bintana sa tabi niya.
“Nagpunta ako sa barn niya dis oras ng gabi dahil nag-aalala ako sa kaniya lalo na ng malaman kong may sakit siya at dahil ‘yun sa akin, hindi ko alam kailan nagsimula pero hindi na siya nawawala sa isipan ko. Pa-pag hinahalikan niya ako ng walang sinasabing dahilan, hindi ko magawang tumanggi. At kabog ng puso ko pag kasama o nakikita ko siya…”
Nagpambuntong hininga si Paxton sa naririnig nila kay Maya, umayos ng pagkaka-upo si Paxton at sumandal sa kinauupuan niya at nag cross arms.
“No use na pala ang mga sinabi nating babala sa kaniya, nahulog na at hindi na kayang pigilan ‘yan. Langyang Ringfer, sinong magsasabing ang tahimik at misteryoso nating kaibigan ay mahilig at marunong na palang manuka.”ani ni Paxton.
“Ano pang magagawa natin kung nahulog na siya kay Ringfer, ang problema, baka one sided lang ‘yan.”kumentong ani ni ToV na ikinatunghay ni Maya at deretsong ikinatingin sa kalsada.
“Ang totoo wala din akong ideya, naguguluhan nga ako kung anong dahilan ni Yo sa mga paghalik niya sa akin. Inis na inis naman ako sa kaniya noong una ko siyang makilala, mayabang at isa siyang taong yelo na mababa ang tingin sa restaurant ko. Gusto kong lampasan ang achievements ng restaurant niya kahit alam kong malabo, ibinaba ko ang pride ko at naging apprentice niya para may matutunan ako sa tamang pagluluto ng mga Russian foods. Hindi ko naman lubos akalain na, ‘yung inis at tingin na kong rival sa kaniya ay naging pagkabog ng dibdib ko. Salamat sa mga sinabi niyo pero, sa tingin ko itong nararamdaman ko kay Yo ay magtutuloy-tuloy.”ani ni Maya.
“There’s no doubt about that, ang pagtanggap at walang pakialam nga lang sa mga nalaman mo tungkol sa kaniya ay isang rason na hindi lang pagkagusto ang feelings mo sa kaibigan namin. Mahirap ‘yan sa side mo dahil hindi mo alam kung anong totoo sa nararamdaman ni Ringfer sayo.”ani ni ToV na siya namang ikinasilip ni Sergio sa pagitan ng upuan ni Lu at Maya.
“Naisip ko lang, hindi ba at magkakilala kayo ni Gozon? I mean si Leroi?” pag-iibang tanong ni Sergio na ikinatango ni Maya.
“O-oo, kilala niyo din siya?”
“Kilalang-kilala, kasama namin siya sa underground society, may ideya ka ba dun?” sagot ni Sergio na ikinailing ni Maya, at bahagyang nagulat na kabilang din si Leroi sa lugar na sinasabi ni YoRi at nina Paxton.
“W-wala akong ideya na kabilang si Leroi sa lugar na ‘yan, hindi niya naku-kuwento sa akin.”sagot ni Maya na ikinangisi ni Paxton.
“Ibig sabihin, ayaw ni Gozon na malaman mo ang pagiging underground citizen niya. Balita ko Gozon lik---“
Hindi natuloy ni Paxton ang sasabihin niya ng takpan ni Sergio ang bibig ni Paxton.
“Hindi namin akalain na magkakilala kayo ni Gozon, may kinakaibigan pala siyang babae.”ani ni Sergio na tumawa pa ng malakas na tabigin ni Paxton ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito.
“Letse ka Fritz?! Ano’t tinakpan mo ang bibig kong gago ka! Ang baho ng kamay mo peste.”singhal ni Paxton pinunasan niya ang bibig niya gamit ang laylayan ng damit niya.
“Ay wow, ang linis naman ni Ignacio. Fyi, limang beses kong sina-sanitize ang mga kamay ko kaya malinis ‘to at 99% na walang germs.”angil ni Sergio sa sinabi ni Paxton.
“Nasan ang tangnang 1% ng germs ha? Baka kahit maliit na percent lang ‘yan magkasakit ako, pwe!”Pahayag ni Paxton na akmang babanat kay Paxton ng tapunan siya ng throw pillow ni ToV na meron sa van na binili nila.
“Tama na muna ang bardagulan niyong dalawa, sabi ng mahiya kayo at itago niyo muna ang ka abnormalan niyo. Minsan naawa na ako kay boss Taz dahil sa mga ugali natin, paano kaya niya naha-handle ang Phantoms.” sita ni ToV sa dalawa na parehas ikinalingon ni Sergio at Paxton sa kaniya.
“Iba ka Valenzuela, isa ka sa Phantoms na may malalang attitude.”ani ni Sergio na ikinatango ni Paxton.
“Ngayon lang ako sasang-ayon sayo Fritz.” Patango-tangong ani ni Paxton na ikinaingos lang ni ToV.
“Don’t mind those idiots in the back.”ani ni Lu kay Maya na sabay-sabay ikinalingon nina Sergio, Paxton at ToV kay Lu.
“Sinong idiot ang sinasabi mo, Santos?” sabay-sabay na reklamo ng tatlo na ikinalingon nila kay Maya ng bahagya itong napatawa.
“Ang layo ni Yo sa inyo, sobrang tahimik niya at akala mo may malamig na yelo na bumabalot sa kaniya compare sa inyo na maingay.”ngiting kumento ni Maya.
“Pero matitino kami.”ani ni Sergio.
“Mga guwapo…”ani naman ni Paxton.
“At kagalang-galang.”saad naman ni ToV na nakatanggap lang ng pag-ingos ni Lu sa mga sinabi nila.
“Kaya mo bang basagin ang yelo sa paligid ni Ringfer?” ani ni Lu na ikinalingon ni Maya sa kaniya at ikinawalan na ng ingay nina Paxton.
“He’s a mysterious man, sometimes complicated on his own way. Hindi namin alam kung anong iniisip niya, kahit kaming mga kaibigan niya pinaglilihiman niya. I’m not sure if he’s really capable of falling in love, but can you do that? Kaya mo bang baguhin ang taong ‘yun?”seryosong ani ni Lu kay Maya.
“Don’t ask something na baka hindi niya kaya at siya lang ang masasaktan, Santos.”seryosong ani naman ni ToV.
“Valenzuela was right, baka mas mahulog lang si Maya at hindi naman saluhin ni Ringfer. Masakit ‘yun.”kumento naman ni Paxton.
“Pero malay naman natin, hindi interesado si Ringfer sa babae pero nakakalapit at kahit papaano maganda pakikitungo niya kay Maya. Baka may chance at maging dahilan si Maya para hindi na umalis ang isang ‘yun.”ani naman si Sergio.
“A-alis si Yo? Saan siya pupunta?” tanong ni Maya na hindi nasagot nina ToV.
“Can you tame him?”balik tanong ni Lu kay Maya.
“Pero teka, kung mapapalapit pa lalo si Maya kay Ringfer, baka idamay siya ng mga kalaban natin o may galit kay Ringfer.”pahayag ni Sergio.
“That’s the fvcking point, let’s see kung si Ringfer ay aakto ng tulad natin when it comes to the woman that gives interest in him.”sagot ni Lu na pinagdiskusyunan pa nina Sergio na nagsimula na naman silang magbardagulan.
Inalis ni Maya ang tingin niya kina Lu at ibinaling ‘yun sa bintana sa tabi niya, hindi niya alam anong dapat niyang sabihin sa gustong mangyari ng mga ito dahil kahit siya ay sa tingin niya ay malabong magustuhan siya ni YoRi na katulad ng nararamdaman niya dito. May takot kay Maya na baka masaktan nga siya, pero si YoRi ang naiisip niya sa mga oras na ‘yun.
“Susubukana ko.”ani ni Maya na ikinatigil nina Paxton sa pagbabardagulan nila at nilingon si Maya na binalik ang tingin sa kanila.
“Susubukan kong kunin ang loob niya, na magkagusto siya sa akin. Hindi ko alam kung paano, pero wala namang masama kung susubok ako di’ba? Kung masaktan man ako atleast nasabi ko sa sarili ko na may ginawa ako, at gagawin ko ito hindi dahil sinabi niyo, gagawin ko ‘to dahil gusto kong magustuhan din ako ni Yo. Hindi puwedeng ako lang ang nahulog, tapos siya hanggang land ilang. Hindi naman fair ‘yun.”ani ni Maya habang nakatitig sina ToV sa kaniya na miya-miya ay malakas na napatawa si Paxton at napangiti sina ToV at Lu sa sinabi ni Maya.
“Iba din pala confidence mo, Maya, para kang si Irish. Wow.” Ani na paghanga ni Sergio na pinalakpakan si Maya na ikinangiti ni Maya sa kanila.
“Then, we’re counting on you.”may ngiting ani ni Lu na kahit alam nilang maaring walang mangyari pero napatunayan nila na higit na mas effective ang pag-ibig na strategy na nangyari sa knilang magka-kaibigan at gusto nilang maranasan ni YoRi.
Isang oras at kalahati ng makarating na sina Maya sa apartment niya kung saan talagang hinatid siya hanggang tapat nina Lu, nagpasalamat siya sa mga ito. At pagbaba niya at pagharap niya s akaniyang apartment at natigilan at nagulat siya ng makita niya kung sino ang nasa tapat ng pintuan niya na nakaupo sa harapan at tumayo ng makita siya.
“Leroi?” sambit na tawag ni Maya habang nakatingin si Lu mula sa bintana at sina Paxton kay Leroi na seryosong nakatingin sa kanila bago binaling kay Maya.
“Madaling araw na para sa pag-uwi mo Maya, that’s not good for you.”seryosong ani ni Leroi habang nakatitig si Maya sa kaniya at ngising tinaas ni Paxton ang kanang kamay niya.
“Yow Gozon! Hindi mo naman sinabi na part time mong maging security guard ng isang apartment. Bagong career ‘yan ah.” Pang-aasar ni Paxton na seryoso lang na ikinalingon ni Leroi sa kaniya.
“Leroi…”