Chapter 34; TRAPPED SHE TOOK

3188 Words
SA PAVILLION ng north bound, magkakasama ang Phantoms at underboss ni Taz sa malawak nilang meeting room upang pag-usapan ang dalawang mission na nakaatas sa kanila. Una, ang pagbabantay kay Misha Irinah Wright, at ang pangalawa ay ang paghahanap kay Saulo Tieves. Sa pabilog na mesa ay mga nakaupo na at nakapuwesto ang lahat at tanging si Taz nalang ang hinihintay nila dahil nagkaroon lang ito ng emergency meet-up sa mga board members ng kumpanya nito na hininga ang presensya ng kanilang C.E.O. Magkakasama ang Phantoms at underboss sa meeting room nila, pero kanina pa napapansin nina Demon ang katahimikan sa loob. Nakikiramdam siya sa paligid pero kahit mga magugulo sa kanila ay trip itikom ang bibig ng mga ito na ikinatayo ni Demon sa kinauupuan nito. “Okay, anong meron? Langya, nakakabingi katahimikan niyo ah, nakainom ba kayong lahat ng holy water at umurong mga saliwa niyong dila?” kumentong pansin ni Demon sa lahat. “Hindi ba puwedeng manahimik, Mondragon II? Aba manawa ka naman sa ingay na dala natin, mabuti nga pinagtitiyagaan tayo nina Ribal makasama sa ganito at i-endure ingay natin.” Ani ni Paxton na nakapangalumbaba lang sa may mesa. “Wala akong ganang magsalita ngayong araw, mas gusto ko pang isipin kung saan natin mahahanap si Tieves.” Ani naman ni Travis na nakadukmo ang noo sa mesa bago dinampi ang pingis sa mesa paharap sa kaliwa niya kung saan si Mount ang katabi niya. “Chen, wala ka pa bang nahahanap na lead?” “I’ll report it if I have.” Seryosong sagot ni Mount kay Travis. “How about Ringfer? Kinakalawang na ba ang genius ng Phantoms pagdating sa hanapan? O baka naman iba ang hinahanap ng kaibigan niyo?” ani ni Audimus habang nakatingin kay YoRi na tahimik lang sa kinauupuan nito habang nakatutok ang mga mata nito sa cellphone nito at nakakunot ang noo. “Bakit sa sinabi mo Smith may gusto kang sabihin, anong problema mo kay Ringfer?” punang tanong ni Tad kay Audimus na ikinangising ikinaalis ng tingin nito kay YoRi at binaling nito kay Tad. “I’m just asking, Han. Huwag mong bigyan ng meaning ang tanong ko.” “Just asking? Gaguhan ba tayo rito Smith? Iba ang nagtatanong sa parang nag-aakusa, parang may laman ang sinabi mo tungkol kay Ringfer.”ani ni ToV kay Audimus. “Hey guys, madalas tayong nagbabardagualn pero huwag niyo masyadong initan. Ayaw niyo naman sigurong madatnan tayo dito ni Taz na nagkakapikunan.”punang kumento ni Balance dahil nakakaramdam na siya ng tension dahil sa sinabi ni Audimus kay YoRi. “Ang tagal na nating nagkakasawaan sa bound na ‘to, kung may problema kayo sa isa sa Phantoms sabihin niyo underbosses.”pahayag ni Tad habang si LAY, at Lu ay bagamat ramdam din ang bumalot na tension sa loob ng meeting hall nila ay pinili nilang tumahimik dahil alam nilang hindi matatapos ang usapan kung dadagdag pa sila. Tahimik lang din si Devil sa upuan nito pero nakatutok ang seryoso nitong tingin kay Audimus. “Kasalanan ni Amadeus ‘to.” Ani ni Sergio na ikinaayos ng pagkaka-upo ni Travis at kunot noong nilingon si Sergio. “Teka? Tangna Fritz bakit naging kasalanan ko? Nagtanong lang naman ako kay Chen, anong masama sa tinanong ko?”singhal na angal ni Travis. “Kung hindi ka nagtanong hindi magsasalita si Smith.” “Tama na ‘yan, mas mabuti na nga lang na manahimik tayong lahat habang hinihintay si Taz. Sa mga hindi kayang manahimik, tahiin niyo muna ang mga bibig niyo.”ani ni Ford sa lahat. “Ang aga-aga nagbubuo kayo ng tension, pero nagkaka-ideya na ako sa binitawang salita ni Smith.”ani ni Paxton na ngising nilingon si Audimus na nakatingin sa kaniya. “Anong ideya, Ignacio?” tanong ni Demon kay Paxton. “I’m not sure kung tama ang naiisip ko, pero I think Smith here is annoyed on behalf of Gozo—“ Hindi natapos ni Paxton ang sasabihin niya ng malakas na ihampas ni Audimus ang palad nito sa mesa na ikinatayo din nito kaya sa kaniya nakatuon lahat ng tingin maliban kay YoRi at kay Leroi na deretsong nakatingin kay YoRi. “Oi oi, Smith, kailan ka pa nagalit para sa iba? Sa pagkakakilala ko sayo, you’re minding on your business.”ngising ani ni Paxton. “Why Ignacio? Phantoms lang ba ang may karapatan na itake ang sid---“ “That’s enough, Smith.” Seryosong putol ni Leroi kay Audimus na lumingon dito. “Tsk! Be appreciative Gozon, I’m annoyed because---“ “I don’t ask you to get annoyed on fvcking behalf of me, kaya itigil mo na ‘yan.”muling putol ni Leroi na napaingos na ikinabalik ni Audimus sa upuan niya. “Saan nanggagaling ang inis mo Smith? Bakit kailangan mong mainis para kay Gozon?” naguguluhang tanong ni ToV kay Audimus na ikinabuntong hininga ni Devin dahil alam nito ang pinupunto ni Audimus. Tahimik lang si Ribal, Mount at Exxon sa puwesto nila at hindi nakikialam sa kung anong nangyayari sa loob ng meeting hall. “Sabihin mo nga sa amin Gozon, ang ikinaiinis ba ni Smith on your fvcking behalf ay dahil kay Maya na hanggang madaling araw mong hinintay na dumating sa apartment nito? Iyon ba?” pahayag na baling na tanong ni Paxton kay Leroi na seryosong walang imik na tumingin sa kaniya. “Ang balita nina Fritz at Amadeus sa amin ay sinabi mo sa kanila na gusto mo si Maya, I mean hindi pala gusto kundi mahal, tama ba ang sinabi ng dalawa o tinatarantado lang kami.”tanong pa ni Paxton na gusto mang magreak ni Travis at Sergio sa sinabi ni Paxton ay pinigilan nila ang sarili. “That’s right, I love Maya.” Walang paligoy-ligoy na sagot ni Leroi kay Paxton na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa cellphone niya at itinutok iyon kay Leroi na binaling na din ang tingin sa kaniya. “Teka? Pamilyar ang Maya na pinag-uusapan niyo, oh? Siya ba ‘yung isinama ni Ringfer sa ospital ni Han?” kunot noong ani ni Demon na ikinatango ni Paxton. “Siya nga Mondragon II. And the twist here is Ringfer like that woman also.” “Don’t fvcking call her woman, Ignacio, she has a name.” seryosong sita ni Leroi kay Paxton na ngising ikinagesture ni Paxton ng pag zipper sa kaniyang bibig. “Teka teka! Ibig sabihin, ang pinangagalingan ng mga sinabi ni Smith kanina ay tungkol kina Ringfer at Gozon na may nagugustuhang iisang babae?” pahayag ni Demon. “Gozon met Maya first, naging close friend na sila bago pa pumasok sa picture si Ringfer. Noon palang mahal na ni Leroi si Maya, kaya normal lang kay Gozon na masaktan lalo pa at si Ringfer ang na---“ “Shut the fvcked up, Natievez?! You and Smith just shut the fvcked up!” putol at madiin na saad ni Leroi kay Devin. Sabay-sabay naman na nilingon ng Phantoms ang kinauupuan ni YoRi na walang emosyon na deretsong nakatingin kay Leroi maliban kay Devil. “Seryoso? May nagugustuhan ng babae si Ringfer at nagugustuhan din ni Gozon? Kailan ka pa nagka interes sa isang babae?” tanong ni Tad na hindi makapaniwala na may isang babaeng kukuha ng atensyon ng malamig nilang kaibigan. “That’s shocking news for us, Ringfer.”ani ni Demon. “Phantoms, tao parin si Ringfer, hindi ‘yan totally bato na walang nararamdaman. Nakakagulat na may babaeng pinagkaka-interesan si Ringfer, he’s still a man after all.”pahayag naman ni Shawn. “I will ask you for once, Ringfer, do you like Maya? You paid the money I lend to her to bought the restaurant she had now, ginawa mo ba ‘yun dahil gusto mo si Maya?” seryosong tanong ni Leroi kay YoRi na ikinagulat ni Demon, Travis, Sergio at tad ang sinabi ni Leroi tungkol sa ginawa ni YoRi. “I’m not oblige to answer your question, Gozon.” Malamig na sagot ni YoRi na ikinatayo ni Leroi sa kinauupuan nito. Nilakad nito ang papunta sa kinauupuan ni YoRi habang nakatingin sa kaniya ang lahat. “Oi teka Gozon, huwag mong sabihin…” Hindi natuloy ni ToV ang sasabihin niya ng mabilis na nakuwelyuhan ni Leroi si YoRi patayo sa pagkaka-upo nito habang matalim na tingin ang binibigay kay YoRi, habang ito ay walang emosyon lang na nakatingin sa kaniya. “Kung interesado ka lang kay Maya, you better fvcking leave her alone, Ringfer.”ani ni Leroi na ikinahawak ni YoRi sa mga kamay nitong nakahawak sa kuwelyo niya at tinabig iyon. “You don’t tell me what I should do, Gozon, I like her or not is not your fvcking business.”malamig na ani ni YoRi na akmang susugurin na ito ng suntok ni Leroi ng agad tumayo si Sergio at Ford upang pigilan si Leroi. “Kalma ka lang Gozon!” sita ni Sergio habang matalim na tingin ang binibigay ni Leroi kay YoRi na inaayos ang kuwelyo na ginulo ni Leroi. “Alam mo ang mangyayari sa oras na magkaroon ng ugnayan si Maya sayo, katulad ng ibang mga kaibigan mo gagamitin ng mga kaaway mo si Maya laban sayo! You knew that, at kung intereseado ka lang kay Maya pero hanggang doon lang, you better fvcking stay away from her. Or I will make her stay away with yo---“ “You don’t dare tell her what she will do, Gozon, I don’t care whatever you first met her. The fact that she’s not yours, then you don’t have a fvcking rights to stay away from her.”malamig na pahayag ni YoRi na ikinalapit na ni Shawn at Balance kay YoRi. “Ringfer, hindi lang basta may nararamdaman si Gozon kay Maya, kaibigan niya din ito kaya nag-aalala lang siya para dito.”ani ni Balance kay Ringfer ng alisin ni Leroi ang pagkakahawak ni Sergio at Ford sa kaniya. “We maybe alliance here in the bound Ringfer, but I won’t fvcking sit and let Maya on you.” Pahayag ni Leroi. “What’s the fvcking commotion here?” Lahat sila napalingon kay Taz na bagong dating maliban kay Leroi at YoRi na parehas nakatutok ang mga tingin sa isa’t-isa. NAKATULALA at nakapangalumbaba lang si Maya sa may counter table habang ang naglalaro sa isipan niya ay kung paano siya mas mapapalapit kay YoRi, kung paano ito mahuhulog sa kaniya. Hindi alam ni Maya kung anong unang dapat niyang gawin, dahil nahihirapan siyang mag-isip lalo pa at si YoRi ang na taong yelo ang pagkakakilala niya. “Ang hirap mag-isip.” Sambit ni Maya ng bahagya siyang magulat ng may pumukpok ng sandok sa counter table na pinapangalumbaban niya. Pagtingin niya ay si Misha iyon na nakataas ang isang kilay nito at nagpamewang sa may gilid niya. “Nakikita ko na wala ulit tayong masyadong costumer sa araw na ‘to, pero kahit papaano may mga pumapasok sa restaurant mo. Ano at nakapangalumbaba ka diyan at naka ninoy style ka pa? Wala ka bang balak na tulungan kami ni Chef Nikolai sa kusina mo?” ani na sita at reklamo ni Misha kay Maya. “Pa-pasensya na, alam ko kasi na kaya niyo na ni Chef Nikolai ang mga pumapasok nating costumer kaya trip kong dito nalang sa counter.” Pagdadahilan ni Maya na mas ikinataas ng isang kilay ni Misha sa kaniya. “Talaga lang ha? Pero hindi kanina pa ako nakalapit sayo pero hindi mo ako napapansin, parang ang lalim ng iniisip mo diyan.” “A-Ako? Wa-wala akong iniisip ah, sino namang iisipin ko.” dispensa ni Maya sa kaniyang sarili. “So may iniisip ka na kung sino? Don’tell me ang kung sinong naiisip mo ay ang may ari ng nasa tapat lang natin na restaurant, tama ba ako o mali?” saad ni Misha na ikinatikom ng bibig ni Maya. “Nawalan ka ng imik so tama ang sinabi ko? Sabihin mo nga sa akin, Maya, ikaw ba ay…” “Fine, si Yo ang iniisip ko. Oo Misha, tama ka at sigurado na ako na ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napigilan ang sarili ko, wala akong kaalam-alam na nahuhulog na ako sa kaniya.” Ani ni Maya kay Misha na hindi makapaniwala sa pag-amin ni Maya. “I already told you, hindi malabong mahulog ka kay Mr. Ringfer. Natanong ko na ‘to sayo pero tatanungin ko ulit dahil mukhang sigurado ka na talaga na mahal mo si Mr. Ringfer,paano na si Leroi?”tanong ni Misha na bahagyang ikinabuntong hininga ni Maya. “Pumunta siya sa apartment kagabi, na-nasabi ko sa kaniya na may nararamdaman na ako kay Yo.” “Dati si Leroi ang gusto mo, you really are excited pag nagkikita kayo then now, mabilis mapapalitan ang nararamdaman mo sa kaniya sa lalaking hindi mo pa naman ganun kakilala.”ani ni Misha na may lungkot sa mukha ni Maya. “Actually tinanong ko din ‘yan sa sarili ko, kaya lang mas nalaman kong iba ang gusto sa mahal. Ang nararamdaman ko kasi kay Yo at hindi basta pagkagusto…” “…Mahal mo siya?” pagtutuloy ni Misha sa sasabihin ni Maya na ikinatango nito. “Wala ka na namang magagawa dahil mahal mo na si Mr. Ringfer, siguro mas mabuti na hindi nalang malaman ni Leroi na nagkagusto ka sa kaniya. Anyway, ngayong mahal mo na si Mr. Ringfer, anong gagawin mo na? Sa tingin ko pa naman sa lalaking ‘yun ay wala siyang hilig sa babae, one sided love ang magiging sitwasyon mo.”saad pa ni Misha na ikinahila ni Maya sa kanang braso ni Misha at nilapit ito sa tabi niya. “Actually Misha, naguguluhan ako sa mga pinapakita at ginagawa ni Yo sa akin. Hindi naalis ang fact na taong yelo talaga ang ugali niya, pero ano bang dapat kong isipin pag hinahalikan niya ak---“ “Ano?! Hinahal---“ Hindi natapos ni Misha ang sasabihin niya ng mabilis na takpan ni Maya ang bibig niya. “Ano ba?! Bakit kailangan mong sumigaw Misha!” sita ni Maya na ikinalingon niya sa mga bilang nilang costumer na hindi naman naagaw ang atensyon sa pagkain nila. Agad na inalis ni Misha ang pagkakatakip ni Maya sa bibig niya. “Nagulat ako eh, so hinahalikan ka ni Mr. Ringfer?” bulaslas na tanong ni Misha na ikinatango ni Maya. “Edi gusto ka din niya?” “Ayoko namang mag-assume, hindi naman porke’t hinalikan ako ni Yo ay gusto na din niya ako.” “Heller! Maya bakit ka naman hahalikan ng isang lalaki kung hindi ka niya gusto, ano ‘yun trip-trip lang? Langya, pwedeng maging harassment ‘yun.”ani ni Misha. “Kaya nga naguguluhan ako, pero sinabi ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para malaman kung anong tingin niya sa akin, para magustuhan niya din ako.”saad ni Maya. “Don’t tell me gagawa ka ng mga way para magustuhan ka ni Mr. Ringfer? Umayos ka Maya Dailyn ah, hindi ka pinanganak ng nanay mo para ikaw ang mag pursue sa isang lalaki.” “Alam ko naman ‘yun, pero gusto ko lang subukan. Tingnan mo ang nararamdaman ko kay Leroi, wala akong ginagawa para magustuhan niya kasi babae ako tulad ng sinabi mo, pero iba kasi ngayon Misha.” Hindi makapaniwala si Misha kay Maya ng mapalingon sila sa isang lalaking kakapasok lang ng restaurant nila at deretsong naglakad papunta sa counter. “Good day, sino ang may-ari ng restaurant nito?” tanong ng lalaking na nasa middle age ang itsura na ikinataas ng kamay ni Maya. “A-ako po.” “Oh? Hindi ko naisip na magandang dalaga pala ang may-ari ng restaurant na ito.” “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? Kakain po ba kayo dito?” tanong ni Maya na ngiting umiling ito. “Nah, kakain ko lang. Nagsadya ako dito para kunin ang service niyo sa wedding anniversary namin ng asawa ko. Nagke-catering ba kayo?” tanong nito na biglang lumawak ang ngiti ni Maya na umalis sa pagkakaupo niya sa counter at mabilis na pumunta sa harapan nito. “Yes po, we do catering for special events.”sagot ni Maya. “That’s good, I’d like to have your service.” Hindi napigilan ni Maya na matuwa sa kaniyang narinig, ng buksan nila ang restaurant niya ay ngayon lang may gustong kumuha ng service nila for some occasions, at para kay Maya malaking opportunity ‘yun. “Sure, we would love to give you the service for your wedding anniversary sir.” “I’m looking forward to that, do you like to come with me para makita mo ang venue ng pagdadausan ng party?” “Yes of course, sir.” ngiting sagot ni Maya na agad nilingon si Misha. “Misha I will check the venue, kayo na muna ang bahala dito.”paalam ni Maya na agad ikinalapit ni Misha sa kaniya at bahagya siyang hinila palayo sa dumating na costumer nila. “Bakit Misha?” “Hindi ka dapat basta tumatanggap ng gustong magpa catering sa atin, hindi pa natin nagagawa ‘yun.”mahinang ani ni Misha. “Hindi natin nagagawa dahil wala namang kumukuha ng service natin, this is our opportunity na makilala pa ang Rad Sluzhit. Kailangan natin ‘to Misha.”ani ni Maya. “Is there any problem?” tanong ng costumer nila na ngiting ikinabalik ni Maya palapit dito. “Wala naman po, tara na po. Gusto ko pong makita ang area ng gaganapan ng okasyon para makita ko po paano po namin iyon aayusin.”ani ni Maya na ikinasabay na nilang ikalakad ng costumer nila palabas ng restaurant. Nae-excite si Maya sa opportunity na dumating sa kanila, pagkalabas nila ng restaurant ay pinagbuksan na siya ng pintuan ng lalaki bago ito naman ang sumakay. Nang umalis na sila ay tanong ng tanong si Maya about sa party na gustong ihanda nito para sa asawa nito ng mapansin niyang nagsuot ito ng K9 na mask. Kahit isa sa tinatanong niya dito ay hindi nito sinasagot kaya nagtataka siya, nakatingin lang si Maya dito hanggang may pindutin ito sa unahan ng kotse nito at miya-miya pa ay may puting usok na lumabas kaya agad napatakip si Maya sa kaniyang ilong. “A-anong…” “Bakit hindi ka muna matulog.” Rinig ni Maya na ani ng lalaki ng maramdam na siya ng panlalabo ng kaniyang mga mata at pagka-antok. Hindi alam ni Maya kung anong nangyayari, napahawak pa siya sa kaliwang braso ng lalaki dahil unti-unti ng nagdidilim ang kaniyang paningin. “Hello boss, nakuha ko na ang babaeng kasa-kasama ni Mr. Pendleton sa Arizona. Dadalhin ko na po siya sa hide out natin, makakabawi ka na boss sa ginawa niyang pagpapasabog sa kumpanya niyo at pagpatay nito sa kapatid niyo.” Naririnig pa ni Maya na sinasabi ng lalaki hanggang tuluyan na siyang nawalan ng malay. Yo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD