HINDI MAPALAGAY si Maya sa kinauupuan niya habang pakiramdam niya ay nakatutok ang mga mata ng apat na Phantoms sa kaniya, hindi alam ni Maya kung anong ikikilos niya dahil alam niyang may iniisip ang mga ito tungkol sa kaniya at kung bakit kasama siya ngayon si YoRi sa barn nito sa ganitong oras. Parang latang nakayupi si Maya sa kinauupuan niya habang nasa kusina lang si YoRi at pinagpatuloy ang pagluluto nito na dinagdagan nito dahil sa mga unwanted na bisita.
*FLASHBACK*
"You really are pissed off dude, lalo na kay Fritz. Why? May naistorbo ba kaming ginagawa mo kaya ka naiinis ka sa pagdating namin?" punang tanong naman ni ToV ng mapabaling ang kanilang mga mata kay Maya na nakayukong lumabas sa pader ng kusina na nahihiyang nilingon sina Paxton na sabay-sabay na napatayo sa kinauupuan nila ng makita si Maya, na agad yumuko sa kanila.
"He-Hello, ma-magandang ga-gabi sa inyo..."
May gulat na napaturo si Sergio kay Maya ng mamukhaan niya si Maya, pero walang salitang lumabas sa bibig nito habang sina Paxton, ToV at Lu ay nakatitig sa nahihiyang si Maya at kay YoRi na nakatayo sa tabi nito.
“What are you all doing here?” malamig na tanong ni YoRi sa apat.
“Kakauwi lang namin galing US, we decided na puntahan ka dito sa barn mo dahil may dapat tayong pag-usapan. Hindi naman namin alam na may madadatnan kami dito sa barn mo ng ganitong oras ng gabi.” Ani ni Paxton.
“I won’t tell anything Phantoms, find the answer on your own.”walang emosyon na ani ni YoRi kina Paxton.
“Ringfer kung may alam ka sabihin mo na, imbis na dumaretso kami ng pag-uwi sa mga asawa namin, ikaw ang una naming pinuntahan. You know that this mission is important to us, we need to finish this as soon as poss---“
“I said what I said, I’m cooking food right. You can stay and eat with us for the effort you all made in coming here.” Malamig na putol ni YoRi na hinawakan si Maya at dinala sa may sala bago iniupo sa may sofa habang nakasunod ng tingin sina Paxton sa dalawa.
“Stay here.” Ani ni YoRi bago hindi na nilingon sina Paxton na nagtungo na pabalik sa kusina nito at iniwan si Maya kina Paxton.
“Pansin niyo bang humahaba mga linya ni Ringfer ngayon?” ani ni Sergio na hindi pinansin nina Paxton.
*END OF FLASHBACK*
Gustong lumubog ni Maya sa kinauupuan niya dahil hindi lang siya nahihiya na naabutan siya nina Paxton sa barn ni YoRi, nahihiya din si Maya sa kaniyang sarili dahil sa nangyaring halikan nila ni YoRi na ikinabigay na naman niya. Wala silang kahit na anong relasyon, siya lang ang may nararamdaman sa kanilang dalawa, pero hinahayaan niyang halikan siya ni YoRi na sinasabi lang nito na gusto nitong halikan ang labi niya.
“Wala man lang sinabi si Ringfer sa atin, parang walang balak mag explain sa naabutan natin.” Ani ni Sergio kina Paxton na hindi inaalis ang tingin kay Maya na bahagyang nakayuko lang.
“Sa tingin mo sa ugali ni Ringfer may sasabihin ang isang ‘yun? Tsaka binabalaan kita Fritz, subukan mo munang huwag magsalita mamaya sa kaniya, mukhang may dahilan bakit nagpalipad si YoRi ng kutsilyo sayo. Ingat ka, baka bumalik ka sa amazona mong wala ng dila.”ani ni Paxton na agad ikinakunot ng noo ni Sergio.
“A-ano na-naman ang ginawa ko?”
“Who knows, maybe your yelling a while ago disturbed something here that we shouldn’t disturb.” ani ni Lu na bahagyang ikinatuod ni Maya sa kinauupuan niya at mas ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang mukha sa hiya na kaniyang nararamdaman.
“If I’m not mistaken, siya din ang babaeng dala ni Ringfer sa ospital ni Han. Apprentice sa pagluluto kung hindi ako nagkakamali ang pakilala ni Ringfer sa kaniya.”ani ni ToV.
“May apprentice bang nag stay sa bahay ng boss niya ng ganitong oras ng gabi? Ano ‘yun tinuturuan siya ni Ringfer magluto sa mismong barn niya?” mga tanong ni Sergio na nakatanggap ng pambabatok mula kay Lu sa kaniyang ulunan na agad niyang ikinahawak dito.
“Tangna naman, Santos! Bakit nambabatok ka? Ang sakit kaya ng batok mo? Problema mong gago ka?!” angal ni Sergio habang hinihimas nito ang ulunan niyang binatukan ni Lu.
“Matuto kang makiramdam sa paligid mong adik ka, salita ka ng salita diyan eh naririnig ka naman ng bisita ni Ringfer.” Sitang singhal ni Lu na ikinalingon ni Sergio kay Maya kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya.
“Wa-wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, Santos.”
“Pasakan mo nalang ng yakult ‘yang bibig mo, Fritz. Ako nga na curious dito hindi nalang naimik dahil kahit magtanong tayo kay Ringfer, hindi ‘yun sasagot ng ayos.” Sita ni Paxton.
“Valenzuela….”
“Huwag mo akong kausapin, ayokong madamay baka maputulan lang ako ng dila. Curious ako pero pero iniingatan ko ang dila ko dahil ginagamit ko ‘to para maglagay ng criminal sa kulungan, at para pasayahin ang asawa ako.”pahayag ni ToV.
“Langya ka Valezuela, TMI kang gago ka!”singhal ni Paxton na ikinalingon ni ToV sa kaniya.
“Bakit Ignacio? Huwag mong sabihin na hindi niyo ‘yun ginagawa sa mga asawa niyo? Tangna, plastikan pa ba tayo dito?”
“Hindi ka nagmukhang kagalang-galang na abagodo sa nilabas ng bibig mo, Valenzuela, sana kinimkim mo nalang. You have a dirty mouth sometimes Mr. attorney.”ani ni Lu na ikinaingos lang ni ToV.
“Ano nga ulit ang pangalan mo miss? Pasensya na, minsan kasi makakalimutan kami eh. Pasensya na din sa biglaang pagdating namin, minsan talaga kasi mahilig kaming manggulat na magka-kaibigan.” Baling na tanong ni Paxton kay Maya.
“Ma-Maya a-ang pangalan ko…”mahinang sagot ni Maya kay Paxton.
“May we ask you what are you doing here in Ringfer’s barn?” tanong ni Lu kay Maya na dahan-dahan na lumingon sa kanila.
“Ku-Kung anong iniisip niyo wala kaming ginagawang kung ano ni Yo dito, a-ang totoo kasi niyan kasalanan ko bakit nagka injury ang kanang kamay niya, pinuntahan ko lang siya para tingnan ang kalagayan niya. Hi-hindi ko lang napansin ang oras kasi nakatulog ako, gabi na din kaya hindi na din ako pinauwi ni Yo. Ma-maniwala kayo, w-wala kaming ibang ginagawa.”pag explain ni Maya kina Paxton.
“Huwag niyong takutin ang bisita ni Ringfer, baka lumabas tayong kung hindi dila ang putulin sa atin, baka daliri naman.”kumentong ani ni ToV ng mapalingon sila kay YoRi na kalalabas lang ng kusina.
“Don’t question her like she was a prisoner, Santos. Don’t make her anxious in your all fvcking presence.” malamig na ani ni YoRi kina Paxton na ikinangisi ng mga ito.
“Wala naman kaming ginagawa, Ringfer, we’re just curious bakit may isang babae sa safe haven mo na kami lang na Phantoms ang puwedeng pumasok. Alam kong hindi ka sanay sa mahabang eksplenasyon, pero kung wala kang sasabihin iba ang iisipin namin tungkol sa inyong dalawa.” Ani ni Paxton kay YoRi.
“Then think what you want to think, Ignacio.” walang emosyon na sagot ni YoRi na naglakad palapit sa kinauupuan ni Maya na napalingon sa kaniya.
“Don’t mind them, I’m done cooking your food.” malamig na ani ni YoRi na ikinalaki ng mga mata ni Sergio.
“Pi-Pinagluto m-mo siya?”
“Sabihin mo sa amin Fritz kung hindi na nagpa-function ang tenga mo, pa sarado mo na. Kakasabi lang ni Ringfer sa atin kanina na nagluto siya ng pagkain para kay Miss Maya kung maka reak ka parang gago lang.”sita ni Paxton na ikinatayo ni Sergio sa kinauupuan niya at nilapitan si Paxton at bahagyang hinila ang isang kuwelyo nito na bahagyang ikina poker face ni Paxton.
“Hindi ka ba nagulat?! Pinagluto ni Ringfer ang isang babae na hindi naman niya ginagawa sa iba, lalo na sa babae.”
“Bitawan mo ang kuwelyo ko Fritz sasapakin kita.”ani ni Paxton na tinulak si Sergio na napalayo sa kaniya.
“Masama bang magulat? Akala mo hindi big deal sa kanila, mga plastiko!” saad ni Sergio na bahagyang natigilan ng maramdaman niya ang malamig na paninitig sa kaniya, dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya si YoRi na nakatitig sa kaniya kaya agad niyang tinakpan ulit ang bibig niya ng kaniyang dalawang kamay.
“Alam naming pinagluto mo din kami ng pagkain Ringfer, pero halata naman na naiinis ka sa pagsulpot namin. Baka naman malaman namin kung anong pang-iistorbo ang ginawa nami para mainis ka at hindi mo pa natamaan ng kutsilyo si Fritz.” Ani ni ToV na ikinalapit ni Sergio sa kaniya at bahagyang tinulak ang balikat nito.
“Wa-wala naman kayong nais---“
“I’m kissing her.”malamig na sagot ni YoRi kina Paxton na gulat na ikinatitig ni Maya dito ganun din sina Paxton na bahagya pang napanganga sa narinig nila.
“Eh?!! Tu-Tunay ‘yan Ringfer?” gulat na reaksyon ni Sergio habang hindi naman makaniwala sina Lu, ToV at Paxton.
“Nanghahalik ka na ngayon? Akala ko ba apprentice mo lang siya, bakit hinahalikan mo ang apprentice mo? Bago ‘yan ah.”ngising kumento ni ToV ng makabawi na ito sa pagkagulat.
“I didn’t know that you have a capability to kiss a woman, why Ringfer? You like her already?” ani na tanong naman ni Lu na mas lalong nakaramdam ng hiya si Maya sa nagiging takbo ng usapan ng mga kaibigan ni YoRi, pero may part sa kaniya na gusto niyang malaman kung anong isasagot ni YoRi sa tanong ni ToV.
“Nabihag na ba ni presidente ang malamig mong puso?” ngising ani naman ni Paxton kay YoRi.
“No, but I like her. Satisfied with my fvcking answer? Don’t worry, there’s no poison in the food I cooked.”ani ni YoRi na kinuha ang kamay ni Maya at hinila na ito papunata sa kusina.
Hindi malaman ni Maya kung anong dapat niyang maramdaman, narinig niya kay YoRi na gusto siya nito pero pakiramdam niya may mali sa sagot nito. Hindi niya maramdaman ang senseridad sa pagkakasabi nito na gusto siya nito. Nang madala na siya nito sa kusina ay pinaghila siya nito ng bangkuan, umupo siya doon ng magdatingan na din sina Paxton at kaniya-kaniyang nagsi-upuan.
“Pag nalaman ‘to ng ibang Phantoms magugul—“
“Just keep your noisy mouth Fritz, if you want your tongue stay in you.” Babalang malamig na putol ni YoRi kay Sergio na na agad tinikom ang bibig.
“Hindi mo masisisi ang isang ‘yan Ringfer, sa ating magka-kaibigan ikaw ang nakikita naming hindi magkaka-interes sa isang babae. But base sa nakikita naming benda sa kanang braso mo, mukhang narito ang apprentice mo para alagaan ka.” Ngising ani ni Paxton kay YoRi na bumaba ang tingin sa braso niya.
“What happened in your right arm? Sa pagkaka-alam namin you are very vigilant so no one can touch you nor land a punch on you. Who did that?” tanong ni Lu kay YoRi na kita nila na walang balak sumagot si YoRi sa tanong niya.
“D-Dahil sa akin kaya nasaktan siya, m-may anak kasi ng mayor sa lugar na tinitirahan ng mga magulang niya ang humarang sa pag-uwi namin. ‘Yung braso niya ang ginawa niyang pangharang para hindi ako matamaan ng tubo na ihahampas sana sa akin.” Pag explain ni Maya kina Paxton.
“Magulang ni Ringfer? You mean Aling Luisita and Mang Kanor? You knew them?” salubong ang kilay na tanong ni Lu kay Maya na ikinatango nito.
“Nakilala ko sila ng minsan kong tulungan si Aling Luisita, naging malapit sila sa akin. Hindi ko naman inasahan na a-anak nila si Yo.”sagot ni Maya na bahagyang nilingon si YoRi na tahimik lang sa kinauupuan nito.
“Hmmm, so maybe that’s the reason bakit okay ka kay Ringfer. Anyway, natatandaan mob a mga pangalan namin? O need namin ulit magpakilala?” ngiting tanong ni Paxton.
“Pa-Pasensya na, s-sa dami niyo kasi noong una ko kayong makita wa-wala ako masyadong pangalan na natandaan sa inyo.”ngiwing pag-amin ni Maya sa kanila.
“It’s okay, puwede naman kaming magpakilala ulit. Paxton Ignacio ang pangalan ko, mapagmahal na asawa at ama, at ang business ko ay pagbebenta ng mga illegal na mga baril. Kasali din kaming lahat sa isang lugar kung saan illegal ang lahat kahit pagpatay.”ngising ani ni Paxton na ikinabaling ng tingin nito kay YoRi.
“Ayos lang ba na sabihin ko ‘yun? Wala kang ire-reak, Ringfer?”
“Why would I? As if that’s not fvcking true.”malamig na sagot ni YoRi na mas ikinangisi ni Paxton habang si Maya ay nakatingin lang sa kanila.
“I’m Tork Valenzuela, you can call me ToV. Abogado ako, pero marunong akong kumitil ng buhay, baka gusto mo lang malaman, at hindi nalalayo si Ringfer sa amin.”pagpapakilala naman ni ToV na dahan-dahang ikinalingon ni Maya kay YoRi na walang emosyon lang na nakatingin sa mga kaibigan niya.
“Sergio Fritz naman ang pangalan ko, dating modelo ngayong businessman. Guwapong bilyonaryong negosyante is the right term, and yeah we killed pero hindi inosente, just to correct sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko.”
“I’m Lunova Santos, a police officer. And that cold hearted man is my cousin, 1st degree cousin. I know it’s weird to introduce our self in that way, but its better that you know us, and what we are capable doing despites of our state in life.”seryosong ani naman ni Lu.
Hindi na masyadong nagulat si Maya sa mga narinig niya, dahil kahit papaano ay nabanggit na iyon ni YoRi sa kaniya. Hindi lang masyadong malinaw, pero ngayon ay nalilinawan na siya. Hindi niya inakala na ang mga kjaibigan ni YoRi na may malaking ganap sa lipunan ay sa likod ng mga propesyon ng mga ito, ay mga mrurunog kumitil ng buhay. Nakita at nasaksihan ‘yun ng kaniyang mga mata noong araw na hinarap ni YoRi ang mga tauhan ng anak ng mayor na humarang sa kanila. At isa sa mga natandaan ni Maya ay ang pangalan na nabanggit ni YoRi sa kaniya, ang Phantoms, at ang tingin niya ay ang mga kaibigan niya ang tinutukoy nito. At ang lugar na tinutukoy ni Paxton, ay ang nabanggit ni YoRi sa kaniya na underground society.
“Uhmm, a-actually, nabanggit na ni Yo ang tungkol sa mga sinasabi niyo. Ka-kayo ang Phantoms tama? At ang lugar na sinasabi niyo ay underground society? Hindi parin ako makapaniwala na may ganiyang lugar at kaya niyong pu-pumatay…”ani ni Maya na ikinatitig nina Paxton sa kaniya.
“She knows kaya hindi siya nagulat o nag reak, sinabi ni Ringfer sa kaniya.” Sambit ni Sergio.
“That’s new, Ringfer is not fond of introducing the Phantoms or the underground. Did we miss something?” kumentong saad naman ni ToV.
“Eh? Ipinakilala mo ang pangalan ng grupo natin at ang lugar na puwedeng katakutan ng normal na mamamayan dahil sa delikado ang lugar na ‘yun, it’s just that Ms. Maya? Hindi ka ba natakot kay Ringfer?” ngising tanong ni Paxton habang si Lu ay tahimik nalang na nakatingin kay YoRi.
“Na-nagulat, p-pero hindi naman ako natakot. D-Dapat ba akong matakot sa inyo? K-Kay Yo?” ani ni Maya na nilingon si YoRi.
“Woooh, mala Gail ang sagutan mo. Narinig mo Ringfer, hindi pala siya takot sa mga nalaman niya.”ngising ani ni Paxton na ikinatayo ni YoRi sa pagkaka-upo niya bago kinuha ang mga pinggan nina Paxton na takang pinapanuod siya.
“Bakit kinukuha mo mga pinggan namin, Ringfer? Hindi pa kami nagsisimulang kumain.” Kumentong puna ni Sergio.
“You stay too much in my barn, being talkative decrease your fvcking time in staying here. Now leave, Phantoms.” Malamig na pagtataboy ni YoRi kina Paxton.
“Seryoso ka Ringfer? May dapat pa tayong pag-usa---“
“I won’t say anything, leave my barn or else…”
Sabay na tumayo si ToV at Sergio sa pagkaka-upo nila na naguguluhang nakatingin lang si Maya sa mga ito.
“Nagsabi na ng or else, anong laban natin. May tinidor sa mesa, baka mapasakan baa sa macho kong katawan.”ani ni ToV na naglakad na paalis ng kusina.
“Sana man lang pinasubo mo kami kahit tatlong subo lang, sayang ang nilu—sabi ko nga istorbo kami eh.” Ani ni Sergio na sinundan na si ToV.
“Mukhang wala ka talagang sasabihin sa amin, may alam ka pero hindi mo ipapaalam. We don’t know why you won’t help us know our mission that you are doing before. Hindi namin makuha ang punto mo, o gusto mong gawin namin. But it’s clear to us na ginagawa mo ito dahil gusto mong masanay kami pag iniwan mo na ang grupo tama?” ani ni Paxton na ikinalingon nito kay Maya.
“If I were you Ms. Maya, don’t be too much attached of him. He has no intention of staying, that’s I’m fvcking sure.”biglang seryoso ni Paxton bago tumayo sa kinauupuan niya at naglakad na palabas ng kusina na ikinatayo na din ni Lu.
“Do you think Phantoms will let you leave the group because you plan it?” seryosong ani ni Lu na walang emosyon na ikinatingin ni YoRi sa kaniya.
“Nothing the Phantoms can stop me, Santos.” Malamig na sagot ni YoRi na ikinalingon nito kay Maya na naguguluhan na nakatingin sa kaniya bago nilingon muli si Lu.
“Take her home.”ani ni YoRi na inilapag ang mga plato sa lababo at naunang naglakad palabas ng kusina na ikinatayo ni Maya sa kinauupuan nito at hinabol ng tingin si YoRi.
“I guess, kailangan kitang ihatid kung saan ka nakatira.”ani ni Lu na hindi magawang ikaimik ni Maya sa mga oras na ‘yun.