DAHAN-DAHANG iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata, nang mapaigtad siya sa pagkakahiga niya sa mahabang sofa ni YoRi ng marealize niyang nakatulog siya. Dali-daling tumayo si Maya ng matigilan siya ng makita niya si YoRi na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa na nakatingin sa kaniya.
"Y-Yo..."
"Why did you sleep here?" matamang tanong ni YoRi sa kaniya.
"Bawal ba? Pasensya na, hindi ko naman akalain na makakatulog ako sa sofa mo. Teka? Bakit bumangon ka na sa pagkakahiga mo?" ani ni Maya na agad lumapit sa kinauupuan ni YoRi at agad hinipo ang noo nito.
"Bumaba na kahit papaano ang lagnat mo, mabuti naman." ani ni Maya na nakahinga ng maluwag ng tingnan niya ang kanang braso ni YoRi maayos ng nakabenda.
"Teka? Dumating na ba ang doctor na tinawagan mo para gamutin ang pamamaga ng braso mo? Bakit hindi mo man lang ako ginising?"
"You're peacefully sleeping here, why would i wake you up?" malamig na ani ni YoRi na bahagyang ikinanguso ni Maya.
"Sye-syempre, na-nagpunta ako dito sa bahay mo para kahit papaano makabawi ako sa ginawa mo. Tapos tinulugan lang kita, nakakahiya lang na dumayo ako ng tulog sa bahay mo. Ma-mabuti naman na ang pakiramdam mo, uuwi na ak---"
"You won't go home, it's already late in the evening. Just stay here until morning, sa kuwarto na kita matulog at dito ako sa sofa." malamig na ani ni YoRi na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Maya at agad nitong ikinailing.
"Na-Naku hindi na, k-kaya ko namang umuwi sa apartment k--teka? Kung meron kang ganitong kalaking bahay, bakit kumuha ka ng apartment sa may lugar namin?" biglang naisip na tanong ni Maya na ikinatitig ni YoRi sa kaniya bago bago inalis ang pagkakatitig nito sa kaniya.
"Nothing, just to experience living in an apartment." malamig ba sagot ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Maya.
Gusto niyang ma experience ang tumira sa isang apartment? Pero bakit? Dahil ba gusto niyang maging low class katulad ko? ani ni Maya sa kaniyang isipan.
"O-okay, kung ganun uuwi na ak--"
"I said hindi ka uuwi, dito ka na magpalipas ng gabi. Huwag ng matigas ang ulo, because i won't let you go home at this late hours." putol na sita ni YoRi.
"Pero---"
Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa kaniyang tiyan na tumunog, biglang nag-init ang mukha niya sa hiya kaya agad siyang tumalikod kay YoRi at hinawakan ang kaniyang tiyan.
"No-normal lang sa isang babaeng makaramdam ng gutom, pero nga-ngayon lang tumunog ang tiyab ko ng ganito, kaya huwag mo kong pagtatawa---"
"Sit down, i'll cook you a late dinner."malamig na ani ni YoRi ba agad ikinabalik ng tingin ni Maya dito ng makita niya na itong tumayo.
Agad niya itong nilapitan at wala sa sariling pinigilan niya ang gagawin ni YoRi sa pamamagitan ng paghawak niya sa dibdib nito.
" Ano ka ba! Hindi mo na ako kailangan ipagluto ng pagkain lalo na sa kalagayan mo, sinisinat ka pa tsaka hindi mo puwedeng puwersahin ang kanang braso mo. Ka-Kaya ko namang tiisin ang gutom ko."pahayag na ani Maya na ikinababa ng tingin ni YoRi sa dalawang palad ni Maya na nakatuon sa kaniyang dibdib.
Nang tingnan ni Maya ang tinitingnan ni YoRi ay nanlaki ang mga mata niya at narealize ang ginawa niya kaya agad niyang inalis sa dibdib ni YoRi ang dalawa niyang palad at itinago sa kaniyang likuran.
"So-sorry, pinipigilang lang kitang gumawa bagay na hindi puwede sa kalagayan ng kanang braso mo." eksplenasyon nu Maya.
"Do i look like crippled to you, Dailyn?" malamig na tanong ni YoRi na agad ikinailing ni Maya with matching pag-iling ng dalawang kamay niya.
"Hi-hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin, nag-aalala pang ako na baka lumala ang pamamaga ng braso m--"
"I can handle my injury well, you don't have to think of it. Now, just sit down or i'll make you pay the damage i've been through just to save you to those bastards." malamig na banta ni YoRi.
"A-ano? Teka? Bakit naman sisingilin mo ang pagligtas mo sa aki--"
"Two hundred thousa--" hindi na din natapos ni YoRi ang sasabihin niya ng wala ng imik at mabilis na bumalik si Maya sa pagkaka-upo niya sa mahabang sofa na ikinasunod ng tingin ni YoRi sa kaniya.
"Na-nakaupo na, grabe naman ang presyo mo. W-wala akong ganung kalaking pera..." sambit ni Maya.
"Kung ayaw mong magbayad, then sit still on that sofa. Naiintindihan mo?"
"Na-naiintindihan ko." agad na sagot ni Maya ng umalis na sa harapan niya si YoRi at deretsong naglakad papuntang kusina.
Nang mawala na sa paningin ni Maya si YoRi ay malalim siyang nagpambuntong hininga at pabagsak na sumandal sa kinauupuan niya at bahagyang napasimangot at nilingon ang bandang kusina kung nasaan si YoRi.
"Ibang klaseng maningil ang taong yelo na 'yun, two hundred thousand ang damage na nangyari sa braso niya dahil lang sa pagsave sa akin? Ang mahal ng pagiging superhero niya ah." bahagyang angal ni Maya ng maalala niya ang kondisyon ni YoRi ng puntahan niya ito kanina kaya agad nawala ang inis na ekspresyon sa mukha niya.
"Kung lumala ang pagkakahampas sa kanang braso niya, posible na maging dahilan 'yun para maapektuhan ang pagluluto niya. Baka ng kulang pa ang dalawang daang libo kung ganun ang nangyari sa braso niya. Dapat ako nalang pinagluto niya ng kakainin ko eh." ani ni Maya na ikinahawak ni Maya sa tiyan niya.
"Ikaw naman kasi eh, bakit bigla-bigla kang nag-ingay. Ngayong gabi lang naman kitang hindi pinakain bakit ganun ka mag eskandalo?" sermon ni Maya sa kaniyang tiyan bago siya nagpambuntong hininga.
Sinubukan ni Maya na manahimik at maghintay nalang sa kinauupuan niya, pero hindi niya napigilang isipin na baka mapuwersa sa pagkilos ang kanang braso ni YoRi, kaya agad siyang tumayo at naglakad papunta sa kusina upang silipin si YoRi.
Dahan-dahan na sinilip ni Maya ang ginagawa ni YoRi na nasa may harapan ng stove, nakatitig si Maya sa matipunong likuran ni YoRi kaya hindi niya naiwasang humanga sa kakisigan ng katawan ni YoRi lalo na ang broad shoulder nito. Iginala ni Maya ang mga mata niya sa kabuuan ng likuran ni YoRi hanggang mapadako ang tingin niya sa umbok na puwitan ni YoRi, ilang saglit nanatili ang tingin niya doon bago niya tiningnan ang puwitan niya na bahagya niyang ikinanguso.
"Ang unfair naman, bakit mas maganda ang pagka umbok ng puwitani Yo kaysa sa akin? Ako kaya ang babae sa aming dalawa..." mahinang sambit ni Maya na bahagyang tinapik ang kaniyang puwitan.
"It's okay my butt, kahit simple ka lang at hindi bongga, it doesn't mean na hindi tayo babae. Sadyang normal ka lang at pinagpala ang kaniya, it's okay, you're still beautiful on your own--"
"What are you doing her--"
Hindi natapos ni YoRi ang sasabihin niya ng mapatili sa gulat si Maya at mawalan ng balanse, at muntikan na itong bumagsak sa sahig ng mabilis na naipulupot ni YoRi ang kaliwang braso nito sa bewang ni Maya, at napayakap naman ni Maya ang mga braso niya sa leeg ni YoRi na ikinasalubong ng mga titig nila.
Agad na nagreak ang puso ni Maya, mabilis at malakas itong kumabog dahil sa ilang dangkal na layo ng mukha niya sa guwapong mukha ni YoRi.
"I told you to sit still on the sofa, didn't I?" malamig na ani ni YoRi habang hindi nito inaalis ang mga mata nito sa tinginan ng mga mata nila ni Maya.
"Na-naisip k-ko ka-kasi na baka mahirapan ka sa pag-pagluluto kaya gu-gusto sana kitang tulungan..." mahinang sagot ni Maya ng mabilis siyang isinandal ni YoRi sa pader ng kusina nito habang ilang dangkal nalang din ang layo ng pagitan ng mga katawan nila na bahagyang ikinahigit ng hininga ni Maya, pero hindi niya magawang umiwas sa titigan nila ni YoRi.
"Hindi ka marunong sumunod sa instructions ko, ayoko ng matigas ang ulo at hindi ginagawa ang kung anong sinabi ko." malamig na pahayag ni YoRi.
"So-sorry, ba-balik nalang ako sa may sofa..." mahinang ani ni Maya ng maramdaman niya ang pag-alis ng kaliwang braso ni YoRi sa pagkaka-akap sa bewang niya, at maramdaman nalang ni Maya na nasa may mukha niya ito at bahagyang hinahaplos ang ibabang labi niya.
"Open your mouth."utos ni YoRi na mas ikinakabog ng dibdib ni Maya sa pinagagawa nito.
"Ba-bakit?"
"Because i will kiss you..." deretsang sagot ni YoRi na agad ikinatakip ng dalawang palad ni Maya sa bibig niya.
"Ba-bakit ba hinahalikan mo ko? Hi-hindi ko gets bakit mo ko hinahalikan gayong wala naman tayong relas--"
"---because i like kissing you. Your lips are tempting to do so, that's why i want to kiss you." putol na sagot ni YoRi kay Maya ng wala sa sariling dahan-dahan na inalis ni Maya ang dalawang kamay niya sa pagkakatakip sa kaniyang labi na agad ikinababa ng tingin ni YoRi sa mga labi niya.
"But i won't kiss you if you don't like it."
"P-pero hi-hinalikan mo ako ng tatlong beses ng hindi mo tinatanong kung gusto ko ang ginagawa mong paghalik." mahinang saad ni Maya ng ibalik ni YoRi ang pagkakatitig ng mga mata niya sa mga mata ni Maya.
"You lost count, Dailyn. I kissed you four times, two were not simple kisses but a deep one." pahayag ni YoRi na ikinasalubong ng kilay ni Maya sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin? Pa-paanong apat na beses mo na akong hinahalika--"
Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng natakpan na ni YoRi ang bibig niya ng labi nito. Abot-abot ang kabog ng dibdib ni Maya sa pagkalapat ng labi nilang dalawa, pero ang hindi maintindihan ni Maya sa kaniyang sarili ay tinutugon niya ang palalim na paghalik ni YoRi sa kaniya.
Sa tingin ni Maya, kaya ganito siya magreak at walang angal sa paghalik ni YoRi na walang tutol na tinutugon niya ay dahil sa nararamdaman niya para dito. She likes YoRi, at kung hindi kakastiguhin ang puso niya, posibleng lumalim ang nararamdaman niya dito.
Patuloy ang malalim nilang halikang dalawa ng buhatin siya ni YoRi habang nakasandal sa pader ng hindi napuputol ang halikan nila. Naipulupot ni Maya ang dalawa niyang binti sa bewang ni YoRi habang nakaalalay ang dalawang braso ni YoRi sa bahagyang puwitan niya ng sandaling ilayo ni Maya ang mga labi niya dahik agad pumasok sa isipan niya ang kanang braso ni YoRi.
"Sa-sandali, 'yung braso mo baka lumala ang kondisyon ng kanang braso m---"
"You don't have to worry about my right hand, worry about our lips, Dailyn." pahayag ni YoRi sa malamig nitong tinig pero mainit ang dating sa pakiramdam ni Maya ng sunggaban muli nito ang mga labi niya.
They continue their deep kisses, biglang nablanko ang isipan ni Maya dahil sa mga labi ni YoRi. Pag nauubusan na siya ng hininga ay bahagya siyang sumasagap ng hangin pero agad ding hinuhuli ni YoRi ang mga labi niya.
Pakiramdam ni Maya ay sasabog na ang puso niya dahil sa mabilis na pagkabog nito, pakiramdam niya ay lalabas ng puso niya sa mga oras na 'yun. Hindi niya magawang tumutol o magreklamo dahil nagugustuhan din ng labi niya ang bawat malalim na paghalik ni YoRi sa kaniya, lalo pa at may nararamdaman siya para dito. She can't think normally because her mind is filled with YoRi's hot kisses.
Nang si YoRi na ang pumutol ng halikan nila dahil akmang idadako niya ang mga labi nito sa bandang leeg ni Maya ng parehas silang matigilan at nagkatitigan dahila sa lagabog ng pintuan na sa tingin nila ay nagbukas.
"Yuhooo! Ringfer where back! Asan na you dito na us!" malakas na pagkakatawag ng boses ni Sergio na ikinakunot ng noo ni YoRi at siyang ikinalaki ng mga mata ni Maya kaya napadukmo ang mukha niya sa balikat ni YoRi.
"Ma-may tao, Yo..." nahihiyang ani ni Maya na sinesermuman ang sarili sa isipan dahil bumigay na naman siya sa paghalik ni YoRi sa kaniya.
"Mukhang wala si Ringfer sa barn niya, pero magmamadaling araw na. Imposibleng wala 'yun dito?" ani ni Sergio na nagpunta pa sa kuwarto ni YoRi upang silipin ito.
"Ringfer will kill us for intruding his barn without his permission." ani ni Lu na pabagsak na umupo sa sofa ng makita niya ang kumot na ikinumot ni YoRi kay Maya.
"Oi Ringfer, kung nasaan ka man sa sulok ng barn mo harapin mo kaming mga kaibigan mo na talagang dinayo ka ng ganitong oras. We missed you damn much kaya dito na kami dumaretso, right Valenzuela?" sarkastikong ani ni Paxton na umupo sa may bar counter ganun din si ToV habang tumaas paakyat si Sergio sa open second floor ng barn ni YoRi.
"Wala din siya dito sa taas, nasaan kayo ang isang 'yun? Hindi na nga sumama sa US hindi pa natin maabutan sa barn niya." saad ni Sergio na bumaba na sa hagdanan ng magulat siya ng may kutsilyong biglang bumaon sa kahoy na sumusuporta sa hagdanan ng barn ni YoRi na dahan-dahan na ikinalaki ng mga mata ni Sergio.
Agad naman nilingon nina Paxton ang pinanggalingan ng kutsilyo kung saan nakatayo sa may bandang kusina si YoRi na malamig ang tingin na deretsong nakatingin kay Sergio.
"Oh? Andiyan ka pala Ringfer, usong sumagot sa tawag namin ah." saad ni Paxton.
"What the fvck are you doing here." malamig na sita ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Paxton dahil may nahimigan siyang iba sa tono ng boses ni YoRi.
"Teka? Bakit parang naiinis ka? Hindi lang naman 'to ang unang beses na pinasok namin ang barn mo ng ganitong klaseng oras." ngising ani ni Paxton.
"You sound like you are pissed off Ringfer, why?" punang tanong naman ni Lu.
"T-tsaka mu-muntik na ako sa kustilyong tinapon mo a--"
"Shut up or i'll cut your tongue." malamig na putol ni YoRi kay Sergio na agad nagtakip ng bibig nito sa banta ni YoRi.
"You really are pissed off dude, lalo na kay Fritz. Why? May naistorbo ba kaming ginagawa mo kaya ka naiinis ka sa pagdating namin?" punang tanong naman ni ToV ng mapabaling ang kanilang mga mata kay Maya na nakayukong lumabas sa pader ng kusina na nahihiyang nilingon sina Paxton na sabay-sabay na napatayo sa kinauupuan nila ng makita si Maya, na agad yumuko sa kanila.
"He-Hello, ma-magandang ga-gabi sa inyo..." nahihiyang bati ni Maya na bahagya pang nagtago sa likuran ni YoRi dahil sa hiyang nararamdaman niya sa mga oras na 'yun, habang may gulat na ekspresyon sina Paxton sa mukha ng mga ito na hindi makapaniwala sa pamilyar na babaeng nakikita nila ngayon sa tabi ni YoRi, at sa barn kasama ito.