HINDI MAUNAWAAN ni Maya ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ‘yun habang patuloy ang halikan nilang dalawa ni YoRi, sa tuwing sinusubukan niyang ilayo ang mga labi niya ay hinahabol naman ‘yun ni YoRi. Hindi naman niya magawang maitulak si YoRi, sa tingin ni Maya ay isa sa rason ay dahil sa nararamdaman niya para dito. Malapit ng maubusan ng hangin si Maya ng kusa ng tumigil si YoRi dahilan ng pagtagpo ng kanilang mga mata, isang inch lang ang layo ng kanilang mga mukha.
“Did you came here because you’re worried of me?” malamig na tanong ni YoRi kay Maya na hindi maiiwas ang mga mata sa kaniya.
“Gu-Gusto ko lang malaman k-kung a-ayos ka lang, kung kamusta ang kanang braso mo dahil nasaktan ‘yan dahil sa akin.”sambit ni Maya na ikinahinga niya ng maluwag ng lumayo na si YoRi sa kaniya.
Naguguluhan si Maya kung bakit hinahalikan siya ni YoRi, gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung bakit natatakot siyang itanong ang dahilan.
“Nag-abala kang malaman ang lagay ko? As you can see ayos lang ako, this fever is nothing. This cast is---“
“Anong nothing ka diyan? Nilalagnat ka dahil sa braso mo na for sure ay may bali, sa lakas ng pagkakahampas ng tubo diyan baka nga may bali ‘yan. Teka nga, napatingin mo na ba ‘yan sa doctor?” putol na tanong ni Maya kay YoRi.
“Hindi mo kailangang isipin ang kalagayan ng braso ko, it will recover in time.”ani ni YoRi na akmang aalisin ang cast na nakakabit sa kanang braso nito ng mabilis na lumapit si Maya sa kaniya at pinigilan siya.
“Ano ka ba?! Bakit aalisin mo ‘yan? Dapat magpahinga ka na para mawala na ang lagnat mo, nakainom ka na ba ng gamot? Teka, nakakain ka na ba?” mga tanong ni Maya ikinailing lang ni YoRi sa kaniya.
“Paano mawawala ang lagnat mo kung hindi ka iinom ng gamot, asan ang kuwarto mo?” tanong ni Maya na tinuro ni YoRi ang nag-iisang kuwarto niya sa kaniyang barn.
“Bumalik ka sa kuwarto mo at magpahinga, ipagluluto kita ng porridge, at dadalhan kita ng gamot. Saan ba nakalagay ang medicine kit mo?”
“Why are you doing this? Walang dahilan para asikasuhin mo ako ng dahil lang sa may sakit ako, Dailyn.”malamig na ani ni YoRi.
“Ako ang dahilan bakit nahampas ang kanang braso mo, ginamit mo ‘yan para maprotektahan ako. Kaya may dahilan ako para gawin ‘to, kaya pumunta ka na sa kuwarto mo at humiga doon habang gumagawa ako ng porridge para sayo.”ani ni Maya na hinawakan ang kaliwang braso nito at hinila sa kuwarto na tinuro ni YoRi.
“You don’t have to do this.” Malamig na ani ni YoRi na ikinapamewang ni Maya sa kaniya.
“Huwag ka ng kumontra okay, sige na pumasok ka na sa kuwarto mo at hintayin mo ang porri—teka? Puwede ba akong pumasok sa kuwarto---“
“Do as you please.”putol na ani ni YoRi na pumasok na sa loob ng kuwarto nito na hindi mapigilan ni Maya na mapangiti.
Agad hinanap ng mata ni Maya ang kusina ni YoRi ng hindi niya maiwasan na pagmasdan ang kabuuan ng barn ni YoRi. Masasabi niya na hindi ito ang usual na ayos ng isang bahay, pero masasabi niyang maganda ito.
“Iba din ang trip na design ng bahay na gusto niya, pero maganda at malawak.”ani ni Maya na naglakad na para hanapin ang kusina ng mapadaan siya sa bar counter at hindi maiwasan na mapahanga sa dami ng nakikita niyang mamahalin na mga wine.
“Mahilig ba siyang mag collection ng mga wine? Ang dami ng mga ito…”bulaslas ni Maya habang tinitingnan bawat alak sa mataas na cabinet na kinalalagyan ng mga ito ng maalala niyang kailangan niya ng magluto ng porridge kay YoRi.
Nang mahanap na ni Maya ang kusina ay agad niyang hinanap ang mga gagamitin niya para sa pag gawa ng porridge, nang makuha niya na lahat ng kailangan niya ay nagsimula na siyang magluto. Nang matapos niya na iyon ay agad siyang naglagay sa mangkok ng porridge, kumuha na din siya ng isang basong tubig at Inilagay iyon sa tray, Nakita niya rin ang medicine kit na nakasabit sa parteng kusina kaya kumuha na din siya ng gamot para sa lagnat ni YoRi.
Nang makuha na niya lahat ay binuhat na niya ang tray at naglakad na papunta sa kuwarto ni YoRi, nang makarating siya pintuan ay inayos niya muna ang hawak niya sa tray bago ginamit ang isa niyang kamay para buksan iyon. Nang makapasok siya sa loob ng kuwarto ni YoRi ay agad niyang napansin na masyadong malungkot ang kulay ng kuwarto nito at masyadong organisado, pero ang mas napansin ni Maya ay ang tatlong monitor sa table nito.
“Gamer ba siya?” tanong ni Maya sa kaniyang sarili.
Inalis nalang ni Maya ang tingin niya sa mga monitor at ibinaling ang kaniyang tingin kay YoRi na nakahiga sa kama nito, at nakapikit.
“Tulog na kaya siya?”
Agad na lumapit si Maya sa kama ni YoRi, dahan-dahan niyang nilapag ang tray sa side table nito bago pinakatitigan ang guwapong mukha ni YoRi. Pinagmasdan niya ang mukha nito mula sa mga mata nito pababa sa mga labi nito dahilan upang maalala na naman niya ang halikan nila kanina na ikinainit ng mukha ni Maya.
Tumugon ako sa halik niya kanina, ano kaya ang iniisip niya? Hindi ko alam sa sarili ko bakit nagagawa ko pang humarap sa kaniya at normal na kausapin siya. Ani ni Maya sa kaniyang isipan na agad napailing bago inalis ang tingin kay YoRi.
“You should wake me up if you have the porridge you want me to eat.”
Bahagyang nagitla si Maya ng biglang magsalita si YoRi na pagtingin niya dito ay dahan-dahan itong nagmulat at tiningnan si Maya.
“Gi-Gising ka? Akala ko natutulog ka na?”
“Where’s my porridge.”malamig na tanong ni YoRi na paupong bumangon sa pagkaka-upo niya at sumandal sa head board ng kama niya ng ngiting tinuro ni Maya ang porridge na nasa side table.
“Kumain ka na para makainom ka na ng gamot para deretso ka ng makatulog.”ani ni Maya na umupo sa gilid ng kama ni YoRi at idinampi niya ang kanang kamay niya sa noo nito.
“Bakit parang mas tumaas ang lagnat mo, sigurado ka bang hindi sumasakit ang braso mo? I’m sure namamaga ‘yan.”ani ni Maya na hindi maiwasan na mag-alala.
“Pakainin mo ako.”ani ni YoRi.
“Ha?”
“I said feed me.”ulit ni YoRi sa kaniya na bahagya pang ibinuka ang bibig nito sa harapan niya.
“Pero may kaliwang kamay ka pa…”
“Do you want me to break this left arm so you can feed me?”ani ni YoRi na agad na ikinailing ni Maya.
“Hi-Hindi.”
Agad na kinuha ni Maya ang mangkok ng porridge at bahagya pa itong hinalo, sumalok na si Maya sa kustara at bahagya itong hinipitan habang nakatitig si YoRi sa kaniya.
“You are the only person who see me as weak like this, other than nanay Luisita and tatay Kanor.”ani ni YoRi na ikinalingon ni Maya sa kaniya.
“Weak? Mahina ka pa sa lagay na ‘yan eh hindi mo nga iniinda ang kanang braso mo, oo nilalagnat ka pero hindi ka naman mukhang weak sa nakikita ko. Pero kahit ganun kailangan mong kumain at uminom ng gamot.”pahayag ni Maya na itinapat na niya ang kutsara na may porridge kay YoRi na nakatingin sa kaniya.
“Ano pa tinitingnan mo diyan? Isubo mo na ‘to dahil uubusin mo pa ito para makainom ka na ng gamot.”sita ni Maya na ikinasubo na ni YoRi dito.
Sunod-sunod ng sinubuan ni Maya si YoRi hanggang maubos ni YoRi ang porridge, nang maubos iyon ay agad na ibinaba ni Maya ang mangkok at kinuha ang baso ng tubig at gamot bago niya binigay kay YoRi.
“Uminom ka na ng gamot tapos magpahinga ka na.”ani ni Maya na agad ininom ni YoRi ang gamot na binigay niya ng tingnan ni Maya ang kanang braso ni YoRi.
“Uhmmm, Yo, napatingnan mo na ba talaga ang kanang braso mo sa doctor?” tanong ni Maya na ikinabagsak ng tingin ni YoRi sa kanang braso niya.
“No, Sha-Sha just put this cast on me.”malamig na sagot ni YoRi na bahagyang natigilan si Maya ng may banggitin itong pangalan na sa tingin niya ay ang tinutukoy nito ay ang magandang babaeng lumabas sa barn ni YoRi.
“D-Doctor ba siya? Galing na siya dito pero bakit hindi ka niya pinakain at pinainom ng gamot?”ani ni Maya na iniiwasan niyang mahimigan ni YoRi na nakakaramdam siya ng selos sa magandang babaeng nakita niya.
“She’s not a doctor, and why would she take care of me? She’s just a guard who came here to give her report.”malamig na sagot ni YoRi na bahagyang ikinakunot ng noo ni MAYA.
“Guard? Anong ibig mong sabihin?”
“Nothing, she’s just nothing.”ani ni YoRi na biglang ikinagaan ng dibdib ni Maya sa kaniyang narinig.
“Ganun ba, pero kung hindi siya doctor…”
Hindi tinuloy ni Maya ang sasabihin niya ng mas lapitan niya si YoRi at daha-dahan na inalis ang cast na nakakabit kay YoRi, dahan-dahan at maingat niya din na inalis ang benda sa kanang braso nito. Dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ni Maya habang unti-unti niyang nakikita ang kanang braso ni YoRi na namamaga, namumula at bahagyang ube ang kulay nito.
“Oh my gosh, Yo hindi okay ang lagay ng kanang braso mo! Bakit hindi ka nagpunta sa doctor para patingnan ito? Ano ka ba!” sermon na pag-aalala ni Maya sa nakikita niyang kondisyon ng kanang braso ni YoRi.
“It is fine.”
“No it’s not! Anong maganda sa itsura ng kanang braso mo?! Sira ulo ka ba para sabihin na okay lang ‘yan?! Kailangan matingnan’yan ng doctor baka lumala pa ‘yan, hindi ‘yan basta gagaling kahit I cast mo ‘yan.”ani ni Maya na akmang tatayo ng hawakan siya ni YoRi sa braso niya.
“I’ll call a doctor to look this right hand of mind, kakalma ka na ba?” malamig na ani ni YoRi na ikinatango ni Maya.
Binitawan ni YoRi ang pagkakahawak niya kay Maya bago kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang doctor na matatawagan niya. Alam niyang hindi pa nakakabalik si Tad mula sa US, at wala ding balak si YoRi na ito ang tawagan niya dahil kilala niya ang mga kaibigan niya.
Nakatingin lang si Maya kay YoRi hanggang may makausap na ito sa kabilang linya, nang matapos na ang pakikipag-usap ni YoRi ay nilingon siya nito.
“May pupunta ng doctor dito as you want me to do.”ani ni YoRi na ikinatango ni Maya bago tumayo sa pagkaka-upo niya at dinampot ang tray.
“Habang wala pa ang doctor na titingin sayo, magpahinga ka muna. Huhugasan ko lang ito, huwag mo masyadong igagalaw ang kanang braso mo okay?”bilin ni Maya bago ito naglakad palabas sa kuwarto ni YoRi.
Inalis ni YoRi ang tingin niya sa may pintuan at bahagyang napatingala sa kaniyang ceiling at pumikit.
“This is not good.”walang emosyon na sambit ni YoRi.
Matapos mahugasan ni Maya ang mangkok na pinagkainan ni YoRi ay hindi na muna siya bumalik sa kuwarto nito dahil alam niyang nagpapahinga na ‘to. Nagpunta si Maya sa sala ng makita niya ang hagdanan pataas sa open second floor ng barn ni YoRi. Bigla siyang na curious sa kung anong meron sa taas nito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili at umupo nalang sa mahabang sofa.
“Okay na naman si Yo lalo na pag natingnan na siya ng darating na doctor, Dapat nagpapaalam na ako para makauwi pero hindi rin ako mapapalagay hanggat hindi ako nakakasiguro na okay na ang kanang braso niya.”ani ni Maya na bahagya niyang ikinabuntong hininga.
“Ganito ang pag-aalala na nararamdaman ko dahil mahal ko na siya tulad ng sinabi ni Misha, at kahit papaano gumaanang dibdib ko ng sabihin niyang wala lang sa kaniya ang magandang babae na nakita ko. Anong gagawin ko sa nararamdaman ko kaniya? Dapat ko bang sabihin?” pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili.
Sinandal ni Maya ang sarili niya sa sofa, nakatitig lang siya sa ceiling ng dahan-dahan na bumabagsak ang talukap ng kaniyang mga mata, at miya-miya ay tuluyan na siyang nakatulog sa sofa ni YoRi.
NAPAMULAT nalang si YoRi ng kaniyang mga mata ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya hindi niya napansin na nakaidlip siya, kinuha niya ito at agad na sinagot.
“What?”
“You call me just to treat you right? Would you open your door for me, Ringfer?”
Hindi na sinagot ni YoRi ang kaniyang kausap at pinagpatayan na niya ito, tumayo siya sa kama niya. Nang tingnan niya ang oras ay dalawang oras na ang lumipas, at sa tingin ni YoRi ay wala na si Maya sa barn niya.
Ang pag-aalala at pagmamalasakit ni Maya ang unang beses na may gumawa nun para sa kaniya, si YoRi ang klase ng tao na kaya ang sarili anuman ang nararamdaman niya. Hindi siya dumedepende sa iba, kahit sa mga Phantoms tinatago niya ang kung anong hindi dapat makita ng mga ito.
Naglakad na si YoRi palabas ng kuwarto niya, pagkalabas niya ay deretso siyang nagtungo sa pintuan at pinagbuksan ang taong nasa tapat ng pintuan niya na poker face ang ekspresyon sa mukha nitong isinalubong sa kaniya.
“Bakit hindi ka nalang nagpunta ng ospital kaysa papuntahin mo ako sa semi-secluded barn of yours. Do you know how I don’t like this spot you chose to be you’re so called ‘tambayan’.” Ani nito kay YoRi.
“I’ll fvcking pay your service, so don’t rant as if you’re a great doctor.”malamig na ani ni YoRi.
“Why don’t you called your doctor friend instead of me? Mas magaling sa akin ang kaibigan mong doctor, right? Tsaka, will you make bawas sa pagiging rude mo, I’m woman kaya.”
“Tss! Just come in.”ani ni YoRi na pinapasok na ang hindi niya masasabing kaibigan.
“May I remind you Falcon that my service is for limited person lang, be thankful Supremo let me come here after your called a while ago.”ani nito na pumasok na loob ng barn ni YoRi.
“Just examine my right hand, then leave, Delta.”malamig na ani ni YoRi na ingos na ikinairap nito ng mapadako ang tingin niya sa may sala, sa may sofa kung saan napangisi ito.
“Ikaw Falcon ha, I didn’t know that you’re interested now in woman, and you let her come in to your barn na pili lang ang pinapapunta mo maliban sa Phantoms, Is she your woman?” pahayag ni Delta, isa sa tauhan ni Supremo na ikinalingon ni YoRi kay Maya na mahimbing na natutulog sa may sofa na hindi inasahan ni YoRi na mananatili sa barn niya.
“It’s not your business, just do your thing why you’re here.” walang emosyon na ani ni YoRi habang kay Maya nakatuon ang tingin niya.
“I can see in your gazed at her that you like that woman, don’t make your feeling deep for her. Alalahanin mo, aalis ka din at iiwan ang lahat when your father call you. Kawawa siya pag nagkataon.” Pahayag ni Delta na walang emosyon na binaling ni YoRi ang tingin sa kaniya.
“It won’t go deeper, I won’t let it happen.”
“Okay, sabi mo eh. Let me treat your hand now, madami akong trabaho at madami akong ginagawa and you know that. Let’s get it done, at hindi ako puwedeng makita ng magandang babae na nasa sofa mo, baka pagkamalan pa akong babae mo. It’s gross kaya.”ani nito bago ito nagtungo sa kuwarto ni YoRi.
Nilapitan naman ni YoRi si Maya na natutulog sa sofa, pinakatitigan niya muna ito bago kinuha ang blanket na nasa isang sofa at dahan-dahan iyong kinumot kay Maya, bago ito iniwan at nagtungo na sa kuwarto niya upang ipagamot na kay Delta ang magaga niyang kanang braso.
SAMANTALA, kababa lang ng Phantoms sa airport ni Balance, maghahapon na ng makababa sila. At ang akala nilang lakad nila na magkakaroon ng kabuluhan ay wala ding nangyari, dahil wala din idea si Don Lucian sa kung sino ang Saul Tieves na hinahanap nila..
“Wala din tayong napala sa naging lakad natin, wala masyadong naibigay na clue si Uncle Lucian sa hinahanap natin maliban sa sinabi niyang shadow informant ni Mr. Steven Wright noon ang Saul na ‘yan, at walang ibang nakakausap ito maliban dito. Zero progress pa rin tayo.” Laglag balikat na ani ni Demon pagkalabas nila ng KIA.
“Ito ang hanapan na mas mahirap pa sa mga nagdaang hanapan na ginawa natin, nahiwalay ako sa asawa ko ng wala namang nangyari sa lakad natin.”ani naman ni Travis habang hinihintay nila ang van na dala nila bago sila magpunta sa US.
“Huwag na kayong ma-disappoint, I’m sure mahahanap at mahahanap natin kung sino ang Saul Tieves na ‘yan. Huwag niyong pasakitin ang ulo niyo dahil lang sa taong mahirap hagilapin.”pahayag naman ni Shawn.
“Paano? Sama-sama ba natin ibabalita kay boss Taz ang lakad nating wala namang nangyari?”wika ni Tad.
“Ganito nalang, si Torres, Rosales, Kiosk at ang Mondragon twins ang pupunta sa bound para mag report kay Westaria. Then, si Yvanov, Han at Amadeus ay pupunta ng ospital ni Han para silipin ang gago nating kaibigan at palitan ang mga kabanda niya sa pagbabantay. Ako, si Fritz, si Valenzuela at si Santos ay dadayuhin si Ringfer sa barn niya, may alam ang isang ‘yun kaya kailangan natin malaman ang alam niya, hindi iyong nahihirapan tayo.”pahayag ni Paxton na ikinasang-ayon ng lahat.
“Kung ganun bukas nalang tayo magkita-kita lahat sa bound, pero iisa lang ang van natin paano ang drop off?” tanong ni Travis ng dumating na ang van na sasakyan nila.
Nagkatinginan silang lahat sa isa’t-isa maliban kay LAY at kay Devil na nauna ng sumakay ng van, ng magsilapitan sa isa’t-isa si Paxton, Demon at Tad at agad naglaro ng bato-batopik kung saan si Demon ang nanalo.
“Damn! Tangna ang sarap manalo! Paano ba ‘yan dadalhan namin sa bound ang van, at dahil iba ang route ng papuntang underground, hanap nalang kayo ng masasakyan niyo.”ngising ani ni Demon.
“Pakshet! Bakit ba ako nagpapel.”nainis na ani ni Tad.
“Hindi ka man lang nag effort, Ignacio, sana man lang ginalingan mo.”sita ni Sergio kay Paxton na poker face siyang nilingon habang sumakay na sa van ang mga kasama ni Demon pabalik ng north bound.
“Gago ka ba? Mukha ba akong hindi nag-effort ha? Malay ko bang gunting ang ilalaban ni Mondragon II? Tangna laging bato unang alas niyan.”angil ni Paxton ng nang-aasar pa si Demon na umalis at iniwan sina Paxton, ToV, Lu, Sergio, Tad, Travis at LAY sa tapat ng KIA.
“Dapat si Yvanov nalang pinaglaro ko, edi sana nanalo pa.”naiiling na ani ni Tad.
“Ignacio will fvcking pay the fare in the taxi from here to Ringfer’s barn.”ani ni Lu na ikinalingon ni Paxton sa kaniya.
“Bakit ako? Langya Santos, uso ‘yung hati-hati sa bayad.”
“Sino ba ang nagpatalo sa laro dahilan para hindi tayo ang makakuha ng van?” saad ni Sergio.
“Wow Fritz, laking kasalanan ko ah. I did my best to win you dimshit!”angil ni Paxton.
“Ang sabihin mo Ignacio, wala kang ibang alam na ilaban sa bato-bato pik kundi papel. Aba, bago-bago din ng strategy pag may time.”naiiling na ani ni ToV na wala silang choice kundi mag taxi sa kani-kanilang lakad na pupuntahan.
“Eh di sana ikaw lumaban, Valenzuela, madiskarte ka eh. Gago, sa paborito ko ang papel, paper is money you fvcktard!”singhal ni Paxton na bago pa sila makasakay ay nag-ingay pa muna sila sa KIA kung saan pinagtitinginan sila ng mga dumadaan na mga tao.