Chapter 28: WORRIED MAYA

4156 Words
NAKAPANGALUMBABA at nakatitig si Maya mula sa bintana ng restaurant niya sa La Cuisine Russiano, kahit papaano ay may mga costumers sila na mula sa mga costumer ni YoRi na bumabalik na sa kanila. Hindi man napupuno pero grateful sina Maya dahil nagkakaroon na sila ng costumers, at alam ni Maya na si YoRi ang dapat niyang pasalamatan. Kanina pa hindi natitinag si Maya sa pagtitig niya sa La Cuisine Russiano, lalo pa at si YoRi ang nasa isipan niya. Tanggap niya ng nagkakagusto na siya kay YoRi kahit hindi niya alam anong rason bakit nahulog siya dito, she accepted the fact that she can’t help but to like YoRi even more. At hanggang ngayon ay hindi makapaniwala at hindi parin mag sink kay Maya ang mga sinabi ni YoRi sa kaniya kahapon. Na parte ito ng isang lugar na delikado, na ang pagpatay ay legal. Na ang isang Yo Ringfer na kilala sa buong Asia dahil sa restaurant nito at sa skills nito bilang chef, ay marunong kumitil ng buhay. Sobrang hindi makapaniwala si Maya sa mga nalaman niya na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa kaniyang isipan, kahit sa pagtulog niya kagabi. *FLASHBACK* “I’m part of an illegal place the underground society that killing is legal. I know how to end lives, that’s some part of being fvcking me. I’m Yo Ringfer, a Phantom, and this is other part of who I am.” “A-Ano? Underground what? Phantom? Wala akong maintindihan sa sinasabi mo, Yo. Teka lang, nawiwindang ang isip ko lalo pa at nakapatay ka, paano kung---“ “I won’t go in jail just for this, as I said, I know how to kill a lives. Marami na akong napatay, together with my friends that you met in the hospital. All of us is part of a place where all illegal can do.”malamig na putol ni YoRi na hindi mapaniwalang ikinatitig ni Maya sa kaniya. “Huh? Se-seryoso ka?” “Mukha ba akong nagbibiro? Why? You afraid on me now?” walang emosyon na tanong ni YoRi sa kaniya. Hindi malaman ni Maya kung ano ang dapat niyang sabihin, hindi niya alam anong dapat niyang gawin sa mga narinig at nalaman niya na mismong si YoRi ang nagpakilala sa ibang pagkatao nito. Ang Yo na akala niya ay malamig pa sa yelo ang pakikitungo, na minsan ay masungit ay kaya ding tumapos ng buhay. Masyadong nagpagulat kay Maya ang mga nalaman niya tungkol kay YoRi na hindi niya alam paano niya isi-sink in sa isipan niya ng maalala niya ang kanang braso nitong natamaan ng tubo ng naging huling kalaban nito. Agad kinuha ni Maya ang kanang braso nito at nag-aalalang nilangon si YoRi na nakatingin lang sa kaniya. “Kailangan natin mapatingin sa doctor ang kanang braso mo, malakas ang pagkakahataw ng tubo dito, baka may nabali na buto. Hindi ba masakit?”nag-aalalang tanong ni Maya. “You supposed to get scared of me Dailyn, not to get worried on me.” Malamig na saad ni YoRi. “Sinong hindi mag-aalala sa nangyari sa braso mo? Yo nahampas ito ng tubo, baka may nabaling buto sayo. Isa kang chef at ang katulad ng isang doctor, mahalaga sa isang chef ang kanilan ng mga kamay. Nagulat ako sa mga sinabi mo, nawindang ako sa mga nasaksihan ko ngayon lang, pero hindi ako natatakot sayo. Ang mahalaga ngayon kailangan matingnan ‘yang braso mo, kaya halika na. Dumaan tayo sa clinic o ospit---“ Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng bigla siyang hilahin ni YORi gamit ang kaliwang kamay nito at palapit dito at yakapin siya na ikinalaki ng mga mata ni Maya sa gulat. Nakapulupot ang kaliwang braso ni YoRi sa bewang niya na hindi magawang ikakilos ni Maya. “You’ll make everything complicated.” Malamig na sambit ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Maya, at akmang magsasalita siya ay tsaka kumalas si YoRi sa pagkakayakap sa kaniya. “Go home now, I can’t take you home just by my left hand. “ani ni YoRi. “T-teka, paano ‘yung…” “I can take care of my self, I have high tolerance of pain.”ani na sagot ni YoRi na umalis na sa harapan niya at kinuha ang cellphone nito at may tinawagan. Nakatitig lang at nakasunod si Maya sa likuran ni YoRi at hindi mawala ang pag-aalala niya sa kanang kamay nito. “High tolerance of pain? Ibig sabihin hindi siya nakakaramdam ng sakit physically?” *END OF FLASHBACK* Muling nagpambuntong hininga si Maya sa puwesto niya, madaming hindi mawala sa isipan niya kagabi na lahat ay may kinalaman kay YoRi. Iniisipn niya kung kamusta na ang kanang braso nito, kung ano bang dapat niyang isipin sa nalaman niya tungkol kay YoRi, kung dapat nga ba siyang matakot, pero sa tuwing malalim niyang iisipin ‘yun, hindi niya makuhang matakot kay YoRi. Sa mga nalaman kahit nararamdaman niya para dito ay hindi umurong. At habang iniisip ni Maya ang mga nangyari kahapon, hindi niya maiwasang isipin na may kasalanan siya sa mga nakakawindang na kaganapan kahapon. “Hindi naman siya makakapatay kung hindi dahil sa akin, pero hindi naman ‘yun ang first time niya tulad ng mga sinabi niya sa akin kahapon. Gusto ko palang siya pero ganito na ako naapektuhan, paano kung ang like ko sa kaniya ay maging love na? Baka mas lalo akong mahirapan.”pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili. “Kamusta na kaya ang braso niya? Sana hindi naging malala ang nangyari.” “Ano bang meron sa La Cuisine at tinititigan mo na naman ‘yan?” Agad napalingon si Maya kay Misha na kakalapit lang sa kaniya at nakataas ng kilay na nakatingin sa kaniya kaya agad siyang umayos ng pagkakaharap dito. “W-wala naman, tsaka hindi naman ako sa La Cuisine nakatingin eh. Nag-aabang ako ng costumers, hindi pa tayo napupuno ulit eh,.”pagdadahilan ni Maya. “Talaga? So hindi ang La Cuisine ang tinitingnan mo, mga costumer pala pero ang daming dumadaan sa harapan ng restaurant natin hindi mo naman pinapansin. Tsaka ano ‘yan? Sa may bintana ang bagong way to promote your restaurant? Iba ‘yan ah.”ani ni Misha na hindi nakasagot si Maya sa kaniya. “Napuno ang restaurant natin last time dahil kay Mr. Ringfer, pero hindi laging mangyayari ‘yun. Nagkataon lang na hindi na nila kayang mag-accommodate ng mga costumers. Kanina pa kita nakikitang nakatulala diyan, nalulungkot ka ba dahil wala kang training ngayon sa master chef ng La Cuisine?” “Hindi naman sa nalulungkot ako…” “Alam mo Maya, hindi mo na kailangang maging apprentice ng ibang chef dahil kaya mo naman mag excel ng ikaw lang. Yes, magaling na chef si Mr. Ringfer at marami kang matutunan sa kaniya, but you can do it on your own, you have a skill on your own. Alam mo, baka sa pagiging apprenctice mo diyan hindi mo maiwasan na mahulog sa kaniya, he’s guwapo, minus the ugali pero ang katulad niyang lalaki ay hindi maiwasang mahulog ang mga babae---“ Natigilan si Misha sa mga nililintanya niya dahil habang nagsasalita siya ay nakikita niya ang ekspresyon sa mukha ni Maya na ikinatitig niya dito. “Don’t tell me Maya, sa expression na nakikita ko sayo, I don’t want to assume pero are you…” “…hindi ko talaga alam Misha paanong nagustuhan ko ang taong yelo na ‘yun! Iniisip ko talaga paano pero wala akong maisip.”reklamo ni Maya na ikinatitig ni Misha sa kaniya. “Misha…” “How about Leroi? Your feelings for him, wala na?” tanong ni Misha na parang iiyak ang reaksyon ni Maya na tumango kay Misha. “Nang ganun kadali? Maya you liked Leroi for how many years tapos nawala nalang ng parang bula?” “Hindi ko alam Misha! Kahit ako nagtataka paano ‘yun nangyari, pero kasi iba na ‘yung t***k ng puso ko pag si Yo na ang kasama ko, tapos nakakaramdam na ako ng selos pag may ibang babae siyang kausap. Hindi ko talaga alam paano ako nagkagusto sa kaniya, promise.” Ani na angal ni Maya na ikinahawak ni Misha sa magkabilang braso niya na bahagyang ikinagulat ni Maya sa kaibigan. “Hindi ‘yan basta pagkagusto Maya, mahal mo na si Mr. Ringfer.”ani ni Misha na ikinalaki ng mga mata ni Maya. “A-ano? Te-teka? Mahal agad? Paano mo naman nasabi na mahal ko na siya?” “Tatanungin kita, bakit mo nagustuhan si Leroi?”balik tanong ni Misha. “K-Kasi mabait siya sa akin, tinulungan niya ako at sinuportahan sa ibang mga bagay lalo na dito sa restauran—“ “I get it, you just like Leroi but you love Mr. Ringfer, magkaiba ‘yun Maya Dailyn. When you fall in love, you won’t know the reason. When you love a person, you can’t explain or describe it why.”ani ni Misha na hindi makapaniwala si Maya na ngayon lang naconfirm na hindi nalang pagkagusto ang nararamdaman niya kay YoRi. “Ma-Mahal ko na si Yo?” “Indeed! Ang tinuturing mo lang na karibal, Maya mahal mo na. How can you be so clueless?”ani ni Misha. “So wala na talaga kay Leroi? Hindi ako makapaniwala na ang ilang years mo ng nagugustuhan ay mapapalitan nalang ng isang lalaking ilang araw o linggo mo palang nakikilala. Kawawa naman ‘yung isa pa..” “Sinong isa pa?” kunot noong tanong ni Maya na ikinailing ni Misha. “Wala, don’t mind what said. Anyway, anong gagawin mo? Hindi lang gusto ang nararamdaman mo kay Mr. Ringfer, pag-ibig na ‘yan. Sasabihin mo ba sa kaniya?” “Hindi ko alam, kung sasabihin ko sa kaniya for sure baka masaktan lang ako dahil mukhang hindi naman marunong ma-inlove ang isang ‘yun.”ani ni Maya ng maisip niya ang mga paghalik ni YoRi sa kaniya na sa tingin niya ay isa sa factor bakit nahulog siya dito. “Ayan na nga ba ang naiisip ko, hindi talaga kasi malabo na mahulog ka kay Mr. Ringfer, hindi ko lang inasahan na mas malalim pa sa pagkagusto ang mararamdaman mo. Ang mahirap pa sa side mo baka one sided love ka pa, ang rupok mo naman kasi Maya.”ani ni Misha na may kaunting sermon na ikinabuntong hininga ni Maya bago nilingon ang La Cuisine Russiano. “Misha, napapanuod ko lang ‘to sa mga movies. Pero totoo bang kung mahal mo ang isang tao, lahat ng tungkol sa kaniya o mga bagay na may kinalaman sa kaniya kahit hindi maganda, mamahalin mo parin siya.”pag-iibang tanong ni Maya na ikinatabi ng tayo ni Misha sa kaniya. “May pinanghuhugutan ka sa tanong na ‘yan?” “W-Wala, gusto ko lang malaman.”ani ni Maya na hindi nililingon si Misha. “Hindi ako sure sa sagot sa tanong mo, pero pag usapang pagmamahal at talagang mahal mo ang siang tao, kahit ano pa siya o malaman mo sa kaniya, tatanggapin mo kasi mahal mo siya. At kung may nalaman kang flaws kay Mr. Ringfer at pakiramdam mo ay hindi ‘yun big deal sayo, malalang pag-ibig na ‘yan.”pahayag ni Misha na hindi ikinaimik ni Maya. “Chef Misha!” Sabay na napalingon sina Maya at Misha kay Miko na lumapit sa kanila habang may hawak-hawak itong tray. “Pinapatawag po kayo ni Chef Nikolai, madami pa po daw kasi kayong lulutuin. Huwag daw po muna kayo makipag chismisan.”ani ni Miko na lumingon sa may pa kusina kung saan lumingon din sina Misha at nakita nila doon nakatayo si Nikolai na nakapamewang ang dalawang kamay at sa kanila nakatingin. “Tss! Hindi ko alam kung maawa ako sa isang ‘yan, wala pang pinaglalaban talo agad.” Naiiling na ni ni Misha na nilingon si Maya at bahagyang nginitian. “Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo dahil sa nararamdaman mo sa kaniya, ganiyan talaga pag nasa level na ng pagmamahal. Siguraduhin mo lang na kung patuloy mong i-eentertain ‘yang nararamdaman mo sa kaniya ay hindi ka masasaktan.”ani ni Misha bago nito iwan si Maya upang puntahan na si Nikolai. Muling nagpambuntong hininga si Maya sa kinatatayuan niya ng tumunog ang cellphone niya, ng tingnan niya iyon ay si Leroi ang tumatawag. At hindi tulad dati, wala na siyang excitement o kilig na nararamdaman para dito. Huminga ng malalim si Maya bago sinagot ang tawag ni Leroi sa kaniya. “Hello Leroi!” masiglang sagot niya dito. “Yo Ringfer paid me the money that I lend you for your restaurant, why is that?” Bahagyang natigilan si Maya sa sinabi ni Leroi sa kaniya na ramdam niya ang kaseryosohan ng boses nito. “Huh? Binayaran niya ang hiniram kong pera sayo? Teka? Kilala mo siya?” kunot noong tanong ni Maya. “I can’t tell that his a friend, but an acquaintance. Why did he do that? Nakilala mo na ba si Ringfer ng personal?” “Uhmmm, hi-hindi ko alam bakit ginawa niya ‘yun, and yes nagkakilala na kami at naging apprentice niya ako para mas maging maayos ang pagluluto ko ng Russian Cuisine.”sagot ni Maya kay Leroi. “Don’t come near to him again, Maya, you’re not safe if you have knowing of him,” “Bakit Leroi?” “Just do what I said—Gozon tara na! Ang dami pa nating aayusin para sa bou—“ Napakunot ang noo ni Maya ng biglang mawala sa linya si Leroi, sa tingin ni Maya ay si Devin ang narinig niyang tumawag kay Leroi. Pero ang mas naguguluhan si Maya ay bakit pinapalayo siya ni Leroi kay YoRi. “Sabi niya hindi ako safe kay Yo…”ani ni Maya ng maalala niya ang nangyari kahapon sa kanila. “Pero naging safe naman ako sa kaniya, pero bakit ganun sinasabi ni Leroi?” naguguluhang ani ni Maya ng mapalingon siya sa pintuan ng restaurant niya ng makita niya si Aria na pumasok, ito lang ang kilala at kahit papano ay naging malapit sa kaniya kaya agad niya itong pinuntahan. “Aria?”tawag niya dito na ikinalingon nito at ikinangiti sa kaniya. “Hi Maya!” “Anong ginagawa mo dito?” “Gusto ko lang sabihin sayo at sa mga staff mo na bandang pa hapon ay baka dumugin kayo ng mga costumers, ang La Cuisine kasi ay naka private use ngayon for a wedding purpose. At imbis na sa iba nalang sila pumunta, chef. YoRi recommended this restaurant.”ngiting pag-bibigay alam ni Aria na ikinakinang ng mga mata ni Maya. “Talaga?” “Oo, kaya mukhang magiging busy kayo mamaya. Iyon lang naman ang ipinunta ko.”saad ni Aria na akmang aalis na ng harangan ito ni Maya. “Ahmmm, k-kung ganun busy ba si Yo—I mean si Mr. Ringfer?”tanong ni Maya. “Wala si chef YoRi ngayon, hindi siya pumasok. Sa pagkakasabi ni Chef Matvei ay may sakit si chef YoRi kaya hindi siya pumasok ngayon. Kung may session ka ngayon kay Chef, mukhang ire-reschedule muna ‘yun. Sige.” Nang makaalis si Aria sa harapan niya ay hindi mapigilan ni Maya na maisip si YoRi sa mga oras na ‘yun. “May sakit ba talaga siya? Paano kung dahil sa kanang braso niya kaya siya nilalagnat?” nag-aalalang tanong ni Maya sa kaniyang sarili. Iniisip niya ang kondisyon ni YoRi kung may sakit nga ito, kaya agad nagpunta si Maya sa may kusina para puntahan sina Misha na naabutan niyang nag-aasaran. “Misha, Nikolai, marami tayong costumer mamaya. Dito pupunta ang mga costumer ng La Cuisine Russiano dahil may private event na gaganapin doon ngayon. Sabihan niyo ang iba, aalis lang ako.”pagbibigay alam ni Maya na sabay ikinalingon ng dalawa sa kaniya. “Kung madami tayong costumer mamay bakit aalis ka? Saan ka pupunta?” tanong ni Misha. “Saglit lang naman ako, kayo na muna ang bahala dito.”sagot ni Maya na umalis na sa kusina kaya hindi na nakapagsalita pa si Misha na naguguluhan na nilingon si Nikolai na nakatingin lang sa pintuan ng kusina. Nang makalabas si Maya sa restaurant ay agad siyang naghanap ng taxi na masasakyan niya, tuluyan ng nasira ang luma niyang kotse kaya puro commute nalang siya sa mga nagdaang araw. Nang makapara si Maya ng taxi ay agad siyang sumakay. “Saan tayo Miss?” tanong ng driver sa kaniya. “Uhmmm sa ano po tayo…sa ano…teka? Saan ko ba siya dapat puntahan?” tanong ni Maya ng bigla niyang na-realize kung saan niya pupuntahan si YoRi. “Miss?” “Ano po kasi, hindi ko ala---“ hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng bigla niyang maalala ang address na binigay ni YoRi sa kaniya noong nakaraang araw bago sila pumunta sa Arizona. “Baka naroon siya?” ani ni Maya kaya agad niyang sinabi sa driver ang address na naalala niyang ibinigay ni YoRi sa kaniya. Agad naman ng tinahak ng driver ang address na sinabi ni Maya, pero nasa biyahe palang sila ay kung ano-ano na ang naiisip ni Maya sa lagay ni YoRi dahil alam niyang nagkasakit ito dahil sa kanang braso nito. “Siguro naman pinatingin niya ‘yun sa doktor, kung nabalian siya paano na?” nag-aalalang ani ni Maya na tinapik ang balikat ng taxi driver. “Manong puwede po bang bilisan niyo?”request ni Maya dito. “Mukhang nagmamadali ka hija, emergency ba ‘yan?” tanong ng taxi driver na bahagyang ikinailing ni Maya. “Hi-hindi naman po, pasensya na po.” Nahihiyang ani ni Maya na bahagyang ikinangiti ng taxi driver. “May kikitain ka ba?” “M-May gusto lang po akong makita, m-may sakit po kasi siya ngayon. Nag-aalala lang po kasi ako.”sagot ni Maya. “Ganun ba, makakarating din tayo doon.”ani ng taxi driver na bahagyang ikinayuko ni Maya dito. Pinilit nalang ni Maya na huwag masyadong mag-alala, binilisan naman ng driver ang pagmamaneho nito hanggang makarating sila sa address kung nasaan ang barn ni YoRi na malayo sa mga bahay na nadaanan nila. “Salamat po, eto po ang bayad.” Ani ni Maya na nagbayad na sa taxi driver bago lumabas ng taxi at dere-deretsong nilapitan ang barn ni YoRi. Nang nasa harapan na si Maya ng pintuan ng barn ay tsaka naman hindi malaman ni Maya kung kakatok ba siya o hindi, iniisip niya na baka magtaka si YoRi pag nakita siya nito. Hindi malaman ni Maya sa kaniyang sarili kung anong gagawin niya sa harapan ng barn ni YoRi, huminga muna siya ng malalim bago itinaas ang kanang kamay niya. “Titingnan ko lang kung okay lang siya.”sambit ni Maya na akmang kakatok siya ng kusang magbukas ang pintuan ni YoRi at magulat siya ng ang bumungad sa kaniya ay ang magandang babaeng nakita rin nito kahapon na nilapitan ni YoRi. Nakatingin din ito sa kaniya at hindi maiwasan ni Maya na magkaramdam ng selos ng makitang lumabas sa barn ni YoRi ang magandang babae. “Who are you? What are you doing here?” seryosong tanong ng magandang babae kay Maya. “A-Ano, ma-mali yata ako ng bahay na kakatukin. Oo, naliligaw yata ako. Akala ko kasi ito ‘yung hinahanap ko. So-Sorry…”ani ni Maya na tumalikod na at nagsimula ng maglakad paalis. Hindi na naman maiwasan ni Maya na magselos sa paglabas ng magandang babae sa barn ni YoRi, hindi tuloy maiwasan ni Maya na mag-isip ng kung ano-ano dahilan upang maramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya. “Dailyn…” Natigilan si Maya sa pagtawag ng pangalan niya na alam niyang si YoRi iyon dahil sa lamig ng boses nito. “Kto ona, Vashe Velichestvo? Ona tozhe byla s toboy vchera. (Who is she, Your Majesty? She was with you yesterday too.)”rinig ni Maya na tanong ng magandang babae na ikinalingon ni Maya sa mga ito. Nakita niyang nakatayo si YoRi sa tabi ng magandang babae ng bumaba ang tingin niya sa kanang braso ni YoRi na naka cast. Akmang ihahakbang niya ang mga paa niya para lapitan si YoRi, pero natigilan siya dahil sa magandang babae na katabi ni YoRi. “Pa-Pasensya na nakaa---“ “You can go now, Sha-Sha. Go back to your post.” Utos ni YoRi sa magandang babae na seryoso ang tingin na nilingon si Maya bago naglakad na paalis kung saan sumakay ito sa itim na motorbike bago tuluyang umalis. “Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ni YoRi sa kaniya. “A-Ano k-kasi, nalaman ko kay Aria na masama ang pakiramdam mo. Naisip ko kasi na baka dahil sa kanang braso mo, napatingnan mo ba ‘yan sa doctor?” tanong ni Maya na ikinalakad niya palapit kay YoRi at hinipo niya ang noo nito. “Mainit ka nga. Uminom ka na ba ng gamot? Nakakapagluto ka ba ng pagkain mo? Naka cast na ang kanang braso mo, hindi ba masakit?” mga tanong ni Maya ng alisin ni YoRi ang kamay niyang nakadampi sa noo nito bago siya hinila papasok sa loob ng barn nito. “Teka Yo, wala ka pang sinasagot sa mga tano---“ Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng manlaki ang mga mata niya ng halikan siya ni YoRi sa mga labi niya. Parang natuod si Maya sa kinatatayuan niya at mas nagulat pa ng maramdaman niya ang pag galaw ng labi ni YoRi na ikinahawak ni Maya sa magkabilang balikat nito at dahan-dahan niyang ikinapikit kung saan sinasagot niya na ang bawat halik ni YoRi, kung saan ramdam niya din ang pagpulupot ng kaliwang braso ni YoRi sa bewang niya. Sa mga oras na ‘yun, walang nagawa si Maya kundi ang tumugon sa bawat halik ni YoRi sa kaniya. SAMANTALA, sa isang coffee ay prenteng nakaupo at umiinom ng kape si Noah habang sa kabilang upuan di kalayuan sa puwesto niya ay magkakasamang nakaupo ang kaniyang mga cartier. Miya-miya pa ay napalingon si Noah sa taong kanina pa niya hinihintay at kadarating lang at umupo sa harapan niya na malawak niyang ikinangiti dito. “Yoho! I’m glad tumugon ka sa panawagan ko.” ani ni Noah dito. “Pamangkin ka ni Mr. Wright, and naitawag niya sa akin na makikipag kita ka. I know I need to comply, right?”ani nito na bahagyang ikinatawa ni Noah. “Uncle Steven was right about you, this is the very first time we met and it’s an honor for me.” “Why? Bakit pinapahanap mo ako sa Phantoms? The usb you are talking, hawak mo na ito hindi ba?” pahayag nito na ngising ikinapangalumbaba ni Noah sa kaniyang kausap. “Does it thrilled you? Is it exciting that they are searching for you, nahihirapan pa sila na mahanap ka ngayon dahil sa lahat ng naging tauhan ni Uncle Steven, ikaw ang misteryoso. You are the shadow informant of him at tanging si Uncle Steven lang ang nakakakilala sayo.” Ani ni Noah dito. “I don’t know your purpose for doing this, if you want the phantoms to know about me then I can show myself to them.”ani nito na ikinailing ni Noah. “Na ah, huwag kang magpakilala sa kanila, hayaan mong makilala ka nila. Mas maganda ‘yung nakikita ko silang nagugulat sa mga nalalaman nila. Just ready yourself once they already know about you, and about Ringfer, I’m sure gusto din niya na mismong mga Phantoms ang makaalam sa kung anong alam niya tungko. Just stay put until they find you, Mr. Saul Tieves or should I say Mr.—“ “I don’t know what is your plan why you are doing all of this, hindi ako nangingialam dahil sinasabi ni Mr. Wright sa akin na magtiwala lang ako sa lahat ng ginagawa mo, so I did.”putol na ani nito bago tumayo sa pagkakaupo nito. “Aalis ka na ba agad? Bakit hindi ka muna magkape kasama ko?” ngiting aya ni Noah. “Thank you for the invitation, but in my age, I’m not into coffee.” sagot nito bago naglakad na paalis ng shop at iniwan si Noah na malawak ang ngiti na binaling ang tingin sa bintana na malapit sa kaniya bago unti-unting napalitan ng kaseryosohan ang expression ng mukha nito. “Just a little bit more of my plan, the war will start.” saad ni Noah na malakas na napatawa dahilan upang mapalingon ang ibang nasa shop maliban sa mga cartier niya na sumusubok ng mga kape sa shop. “Damn! Hindi ko inakala na ganito ka exciting ang dalawang plano na ginagawa ko.”ani ni Noah na natatawa sa kinauupuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD