“Kailan ka ulit dadalaw dito, anak?
“Matatagalan bago ako makadalaw sa inyo ulit ni tatay, pero pangako ko po nanay na babalik ako dito para sa inyo. Sa ngayon, gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa niyo po sa akin.”ngiting pahayag ni YoRi kay Aling Luisa na hinawakan ang dalawa niyang kamay.
Nakatingin naman at nakikinig lang si Maya sa bandang likuran ng mag-iina, hindi alam ni Maya kung tama ang pakiramdam niya na parang nagpapaalam ang himig ng tinig ni YoRi sa mag-asawa.
“Hindi mo naman kailangang magpasalamat, kami dapat ng tatay Kanor mo ang magpasalamat dahil tinuring mo kaming mga magulang habang hindi mo pa nakikita ang iyong tunay na ina. Lagi kong pinagdarasal na sana ay mahanap mo na ang iyong ina.”
May gulat na napatitig si Maya sa likuran ni YoRi, hindi niya inasahan na hindi sina Aling Luisita ang magulang nito, dahil nakikita niya kung gaano igalang at respetuhin ni YoRi ang mag-asawa na kahit weird kay Maya ang pag-iiba ng mood ni YoRi sa harapan ng mag-asawa, masasabi niyang sincere ang pinapakita nito.
“At alam naman namin ng iyong tatay Kanor na marami kang pinagkaka-abalahan, sa negosyo mo, sa mga kaibigan mo na gustong-gusto naming makilala. At alam namin na anumang araw at oras, ipapatawag ka na ng iyong ama.”ani ni Aling Luisita na ikinayakap ni YoRi dito.
“Salamat sa lahat nanay.”ani ni YoRi na pagkakalas sa yakap niya kay Aling Luisita ay si Mang Kanor naman ang niyakap nito.
“Mag-iingat ka lagi, alam namin ng nanay mo na hindi mo masyado iniinda ang sakit pag nagkakasagat ka, pero alagaan mo ang sarili mo.”bilin ni Mang Kanor ng lingunin ni Aling Luisita si Maya.
“Dada…”
“Yes po Aling Luisita?” Ngiting mabilis na pagsilip ni Maya dito ng lapitan siya ni Aling Luisita at hawakan ang dalawa niyang kamay.
“Aaasahan ko ulit ang pagdalaw mo sa amin dito, at umaasa ako na muli kayong pupunta ni Yo dito ng magkasama.”
“Uhmmm, lagi naman po akong pupunta dito para dalawin kayo pag may time po ako. Pero hindi ko po sure ‘yung makakasama ko sa pagpunta dito si Yo po.”ani ni Maya na bahagyang sinilip si YoRi na nakatingin sa kaniya kaya agad niyang binalik kay Aling Luisita ang mga mata niya at nginitian ito.
“Mahal, alam kong gusto mo ulit silang makitang magkasama na dumalaw sa atin, pero may kaniya-kaniyang pinagkaka-abalahan silang dalawa.”saad ni Mang Kanor.
“Ako ang mangangako nanay, babalik ako dito para dalawin kayo at kasama si Dada.”ngiting saad ni YoRi na ikinatuwa ni Aling Luisita habang napalingon si Maya kay YoRi.
“Mag-iingat kayo sa pag-uwi niyong dalawa.”ngiting saad ni Manng Kanor ng yakapin muli ni YoRi ang kaniyang nanay Luisita.
“Maligayang kaarawan po ulit sa inyo nanay, lagi po kayong mag-iingat ni tatay.”pahayag ni YoRi.
Nagpaalam na rin si Maya sa mag-asawa bago sila sabay na umalis ni YoRi, sabay silang naglalakad pababa ng burol kung saan bahagyang nangunguna si YoRi sa paglalakad. Nakatingin lang si Maya sa likuran ni YoRi at alam ni Maya na bumalik na ito sa cold mode nito. Masasabi ni Maya na kakaibang araw ang na-experience niya lalo pa at nasaksihan niya ang kakaibang ugali ni YoRi na gentle at palangiti sa harapan ng mag-asawa, pero iba ang pinapakita nito sa ibang taong nakakasalamuha nito.
“U-Uhmmm---“
“Hindi sila ang tunay kong mga magulang, sampung-taong gulang ako ng kunin nila ako at palakihin na parang anak nilang dalawa. Hinahanap ko ang aking ina, at ikinahihiya akong ipakilala ng aking ama. Iyan ba ang itatanong mo sa akin?” malamig na putol ni YoRi sa sasabihin ni Maya.
“Hindi naman iyan ang sasabihin ko, siguro nga nagulat ako kanina ng marinig kong pinalaki ka lang nila pero hindi ka nila anak kasi hindi kasi halata, para talaga kayong pamilya. At gusto kong sabihin sayo ngayon na ang suwerte mo na sila ang kinalakihan mong mga magulang. Hindi ko itatanong kung bakit ikinakahiya ka ng totoo mong tatay, pero may Aling Luisita at Mang Kanor ka na minamahal ka na parang kanila. Ako kasi, wala akong kinalakihang magulang, ng mamatay ang mga magulang ko ay lumaki na akong mag-isa, kaya ng makilala ko sina Aling Lusita ay naging malapit ako sa kanila.”ngiting pahayag ni Maya na ikinalingon ni YoRi dito at natigil sa paglalakad nito kaya natigil na din si Maya sa paglalakad.
“Bakit?”
“You have no parents?” malamig na tanong ni YoRi kay Maya na ngiting ikinailing nito bago tumabi ng tayo si Maya sa kaniya.
“Hindi ko ba nababanggit sayo? Ulilang lubos na ako, namatay ang mga magulang ko pero hindi ko alam kung anong ikinamatay nila. Bata pa kasi ako noon, kaya sa isip ko I assume na namatay sila sa sakit.”kuwento ni Maya na tinapik si YoRi sa balikat nito.
“Kaya matagalan man ulit ang pagdalaw mo sa kanila, huwag mo silang kakalimutan ah.”ani ni Maya na nauna na niyang ikinalakad kay YoRi na habol tingin sa kaniya.
Nang makababa na sina Maya sa burol ay natigilan siya ng may makita siyang magandang babae na nakatayo sa tabi ng motor bike ni YoRi. Naka all black suit ito na humahapit sa hubog ng katawan nito, napalingon ito sa kaniya at biglang naramdaman ni Maya na kakaibang babae ito lalo na sa awra na nararamdaman niya dito.
“Sha-Sha, why did you leave in your spot?”
Agad na napalingon si Maya kay YoRi na kababa na rin ng burol na nilagpasan ang kinatatayuan niya at deretsong lumapit sa magandang babae na nakatayo sa motorbike nito.
“Kilala ba ni Yo ang magandang babae na ‘yun?” tanong ni Maya sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa dalawa na magkaharap na.
Sa pagtitig ni Maya sa dalawa ay biglang napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil bigla siyang nakaramdam ng selos habang nakikita niyang magkalapit na nag-uusap ang dalawa. Hindi naiwasan ni Maya na biglang ma-insecure habang nakatitig siya sa magandang babaeng kausap ni YoRi, maganda talaga ito, at kahit naka black suit ay masasabi niyang elegante parin itong tingnan. At habang nakatitig si Maya sa dalawa ay pumapasok sa isipan niya na bagay kay YoRi ang babaeng kausap nito.
“Bakit ang perfect nilang tingnan?” sambit ni Maya na agad siyang tumalikod at ilang beses na huminga ng malalim.
“Nagseselos ako, pero huwag mong damdamin Maya. Wala kang karapatang magselos lalo pa at ikaw lang ang may gusto sa kaniya.”sambit ni Maya sa kaniyang sarili.
“Pero ganito pala ang makaramdam ng selos, masakit din pala.”ani pa niya na bahagyang nilingon niyang muli ang dalawa ng makita niyang nakapatong ang kanang kamay ni YoRi sa ulunan ni Sha-Sha at kita niya ang bahagyang pag ngiti ng magandang babae, kaya agad niyang inalis ang tingin niya sa dalawa.
“Huwag mo nalang pansinin Maya, umuwi ka nalang at puntahan ang restaurant mo. Nagpunta ka namang mag-isa dito kaya makakauwi kang mag-isa, tama na ang ganitong selos dahil I’m sure pag lumala iiyak ka lang sa wala.”pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili bago nag-umpisang maglakad.
Pilit niyang inaalis ang selos na nararamdaman niya sa nakita niya kay YoRi at sa magandang babae na kasama nito, nang nakaka ilang hakbang palang siya ng may humawak sa likurang kuwelyo ng damit niya dahilan upang matigilan siya sa kaniyang paglalakad.
“Where do you think you’re going?”malamig na tanong ni YoRi na agad ikinalingon ni Maya at bahagya niyang ikinagulat dahil nasa likuran niya na ito na kanina lang ay nasa tabi ng magandang babae na pagsilip ni YoRi ay wala na sa may motorbike ni YoRi.
“Na-nasaan na ‘yung magandang babaeng kausap mo?” tanong ni Maya na ikinabitaw ni YoRi sa kuwelyo ng damit niya.
“It’s not your business where is she now, tinatanong kita kung saan ka pupunta?” malamig na tanong ni YoRi na hindi mapigilan ni Maya ang pusong maapektuhan sa unang sinabi ni YoRi.
Biglang bumigat ang dibdib niya sa salitang binitawan nito pero pilit niyang inignora, at sa tingin niya may ugnayan si YoRi at ang magandang babae na nakita niya dahil ayaw nitong pag-usapan ang tungkol doon.
“Saan pa ba? Uuwi na syempre, kailangan ko pang dumaan sa restaurant ko, tsaka mahirap maabutan ng dilim dito kaya aalis na ako. Commute lang akong nagpunta dito, hindi katulad mo na may dalang motor. Ingat ka sa biyahe mo ah.”ani ni Maya na akmang iiwan na si YoRi ng hawakan naman ni YoRi ang kanang braso niya at ikinahigit nito kay Maya dahilan upang dumaretso itong tumama sa dibdib niya na gulat na ikinatingala nito sa kaniya.
“You’re going home with me, Dailyn.”malamig na ani ni YoRi sa kaniya.
“H-Ha? B-Bakit kailangan kong sumabay ng pag-uwi sayo? Hindi naman tayo sabay nagpunta dito, umuwi ka ng sayo, uuwi ako ng ak---teka Yo!” angal ni Maya ng hilahin na siya ni YoRi palapit sa motorbike nito.
“Sabi ng kaya kong umuwi na mag-isa, hindi na ako sasakay sa motor bik---“
“Shut up and zip your mouth, Dailyn. We need to get out of here, they’ll attack us if we stay here.”walang emosyon na ani ni YoRi na ikinasalubong ng kilay ni Maya.
“Ha? Anong sinasabi mo? Sinong tinutukoy mo?” naguguluhang saad ni Maya na ikinaikot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid pero wala naman siyang makitang ibang tao sa kinalalagyan nilang lugar.
“Damn!” malamig na mura ni YoRi na imbis na sumakay sila sa motorbike ay hinila niya palayo doon si Maya na naguguluhan kay YoRi.
Hila-hila lang siya nito at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni YoRi ng matigilan sila pareho ng may humarang na limang lalaki na may mga hawak na tubo sa daraanan nila, napalingon naman si Maya sa likuran nila dahil may limang mga lalaki din ang nagsidatingan na may dala ding mga tubo.
“Te-teka? S-Sino sila?” ani ni Maya ng magulat siya ng idikit siya ni YoRi sa dibdib nito at mapalingon siya ng pumalibot ang kaliwang braso nito bewang niya.
“Y-Yo…”
“Anuman ang mangyari, huwag kang bibitaw sa akin. Naiintindihan mo?”malamig na ni ni YoRi kay Maya.
“Hu-Huwag bibitaw? Pa-paanong…ganito ba?” ani ni Maya ng iyakap niya ang dalawang braso niya sa bewang ni YoRi.
Hindi alam ni Maya kung sino ang mga humarang sa kanila, at kung anong balak nito sa kanila ni YoRi. Pero sa nakikita niya, hindi maganda ang balak ng mga lalaking humarang sa kanila.
“Don’t take that hug get off of me, Dailyn. Understand?”bilin ni YoRi na bahagyang ikinakaba ni Maya dahil sa puwedeng mangyari.
“P-Papaano kung mahagip naman ako ng mga tubo na dal---“
“I won’t let them hurt you, not on my fvcking watch.”malamig na putol ni YoRi kay Maya na sa mga lalaking nasa harapan niya nakatuon ang malamigt niyang tingin, habang pinakikiramdaman niya ang iba pa sa bandang likuran nila.
Hindi na nakapagsalita si Maya, pero nag-aalala siya dahil baka dahil sa kaniya ay maging burden siya kay YoRi. Nakita na ni Maya si YoRi na makipagbugbugan noon sa may palengke, at naging sisiw lang ‘yun dito, pero alam ni Maya na makakaabala siya sakaling maisipan ng mga lalaking humarang sa kanila na sumugod.
Sino ba kasi sila? Bakit nila kami hinarangan?
“All of you are dogs of that mayor of this town, right? Did he send the ten of you to get revenge for what happened to his son? A dirty revenge that won’t affect his name, because it might disclose all of disobedience of the law?” malamig na pahayag ni YoRi na ikinagulat ni Maya.
“M-Mga tauhan sila ng mayor dito?” mahinang sambit ni Maya.
Pinadala ng mayor ang mga tauhan nito para ibawi ang ginawa ni YoRi sa anak nito na hanggang ngayon ay nasa ospital. Mas kinabahan si Maya dahil maari silang mapahamak sa ginawa ni YoRi sa anak ng mayor ng dahil sa kaniya.
“They’re coming, just hold tight on me.”sambit ni YoRi na akmang magsasalita si Maya ng hindi niya mapigilang mapatili ng iwasan ni YoRi ang tubong ihahampas ng isa sa sumugod sa kanila mula sa harapan.
“Yo sa likuran mo!” sigaw ni Maya ng makita niya ang malapit ng pagsugod ng kalaban nila mula sa likuran.
Agad na umiwas si YoRi mula sa kanan na mas ikinadukmo ng mukha ni Maya sa dibdib ni YoRi na patuloy na iniiwasan ang mga paghampas na pagsugod ng mga kalaban nitong nagsunod-sunod ng sugurin sila. Puro iwas ang ginagawa ni YoRi at sinisiguro nito na hindi makakatama ang mga sumusugod sa kanila, nang makakita si YoRi ang butas sa pagsugod na ginagawa ng mga kalaban niya ay isang malakas na pagsipa sa sikmura ng isa sa kalaban niya ang ginawa niya na malakas nitong ikinatalsik palayo sa kanila. Nagulat si Maya sa nangyari ng mabilis na nahawakan ni YoRi ang braso ng isa sa kalaban nila at malakas na sinuntok ito sa mukha bago inagaw ang tubo na hawak nito.
“Close your eyes, Dailyn.”utos ni YoRi kay Maya.
“H-Huh? Ba-Bakit?”
“Just close your eyes!” malamig na bulyaw ni YoRi kaya walang nagawa si Maya kundi ang gawin ang sinasabi ni YoRi.
Agad siyang pumikit ng maramdaman niya ang muling pagkilos ni YoRi, napapadiin ang pagpikit niya at ang yakap niya kay YoRi dahil mas naging mabilis at matagtag ang kilos ni YoRi. Nakakarinig narin ng daing si Maya at pagtama ng mga tubo, hindi niya alam kung ano ng nangyayari pero hindi lumuluwag ang pagkakahawak ni YoRi sa bewang niya. Natatakot si Maya sa nangyayari sa kanila sa mga oras na ‘yun, lalo pa at sampu ang kalaban na sumusugod sa kanila.
Napapatili nalang si Maya pag ramdam niyang ang mas malaking galaw ni YoRi na yumuyugyog sa kaniya, at dahil nag-aalala din si Maya kay YoRi ay kahit inutusan siyang pumikit ni YoRi ay dahan-dahan siyang nagmulat kung saan napalaki ang kaniyang mga mata ng masaksihan niya ang malakas na paghampas ni YoRi ng hawak nitong tubo na sumakto ang tama sa mukha ng kalaban nito na malaking damage ang nakuha at duguang bumagsak sa lupoa.
Hindi makapaniwala si Maya sa kaniyang nakita na parang sanay si YoRi sa ganoong klaseng laban, at mas ikinagulantang ni Maya na ilan na sa mga kalaban ni YoRi ay mga duguang nakahandusay na sa lupa at dalawa nalang ang natitira, at ang tubong hawak ni YoRi ay nababalot na ng dugo ang bahagyang gitnang padulo ng tubo.
“Just this one, I’ll give you chance to save your fvcking lives, leave.”malamig na pahayag ni YoRi sa dalawa na may takot na binitawan ang hawak nilang mga tubo at patakbong umalis sa harapan nila.
“Yo…” hindi makapaniwalang mahinang sambit ni Maya na ikinalingon ni YoRi sa kaniya ng bahagyang manlaki ang mga mata nito dahil hindi napansin ni YoRi ang lalaking duguan na nagawa pang makatayo at akmang hahampasin si Maya ng tubo na hawak nito ng gamitin ni YoRi ang kanang braso niya upang gawing panangga, dahilan upang sa braso ni YoRi tumama ang malakas na paghampas ng tubo na dapat ay sa ulunan ni Maya tatami.
Malakas na tinabig ni YoRi ang tubo na hinampas sa braso niya na parang wala lang dahil hindi man lang nasaktan o ngumiwi si YoRi, at bago pa may gawin ang nakatayong kalaban ay walang pagdadalawang isip na tinarak ni YoRi ang hawak niyang tubo sa dibdib ng kalaban niya na ikinalaki ng mga mata ni Maya sa gulat.
Walang buhay na bumagsak ang kalaban ni YoRi, at kahit nabali ang buto sa kanang braso ni YoRi ay hindi niya iyon ininda.
“Y-Yo…p-paanong nagawa mong…”
“Nagawa kong pumatay? Dahil kaya ko, Dailyn. Dahil nagbigay sila ng dahilan para patayin ko sila, I’m not that normal man just the fvcking other male species you knew.”malamig na pahayag ni YoRi na dahan-dahan na inalis ang kaliwa niyang braso na nakayakap sa bewang nito at dahan-dahan na ikinalayo ni Maya kay YoRi na mas nakikita niya na ang itsura nito na may ilang talamsik ng dugo sa mukha nito.
“I’m part of an illegal place the underground society where killing is legal. I know how to end lives, that’s some part of being fvcking me. I’m Yo Ringfer, a Phantom, and this is another part of who I am.” Malamig at walang emosyon na pagpapakilala ni YoRi kay Maya na napatulala sa kaniya.