CHAPTER 8: ALMOST NAKED

1139 Words
TUESDAY Nakauwi ako agad dahil walang gaanong traffic. "Good morning, "'Ma." Nagmano ako kay Mama. Inaantok na ako pero wala pa akong planong matulog. May sale ngayon sa mga shop na naka-follow ako kaya mamaya na ako matutulog. "Add to cart muna ang aatupagin ko!" sigaw ng utak ko. "Ang aga mo yata." Itinuklop ng Mama niya ang dyaryo na binabasa. "Walang traffic, 'Ma." Iginala ko ang mga mata ko. "Wala po sina Papa?" "May nakita silang magandang gawing pwesto para sa naiisip nilang negosyo ng Kuya Thursday mo." "Kaya pala. Aakyat na ako sa silid ko, Mama." Lumakad na ako patungong hagdan. "Hindi ka ba kakain ng agahan?" tanong ni Mama. "Hindi na po, 'Ma, nag-snack na ako sa coffee shop." Umakyat na ako ng hagdan. Excited akong isa-isahin ang mga nakita ko kanina at in-add to cart ko. Pagkapasok ko sa kuwarto, ibinaba ko agad ang bag ko sa vanity drawer, kinuha ang phone ko saka ako sumalampak sa kama ko. Binuksan ko agad ang shopping app saka dumiretso sa cart. Inisa-isa ko ang mga in-add ko kanina. kinuwenta ko pa ang sahod ko, ang kaltas sa loan at ang load ko sa isang buwan. May wifi naman kami sa bahay pero madalas din ako sa labas kaya kailangan ko ng sariling mobile data. Kinuwenta ko rin ang gastos ko sa pamasahe at iyong sobra ang ipangsho-shopping ko. "Kumuha na kaya ako ng hulugang kotse? Kaunti na lang ang idadagdag ko sa transportation allowance ko, monthly payment na siya sa kotse." Tumunog ang phone ko. May incoming message sa social media account ko. Sinilip ko ang inbox. "Darius Albe?" Napaisip pa ako kung sino ito. Mga ilang segundo rin akong nag-hang kakaisip nang maalala ko ang lalaki sa coffee shop. "Ah! 'Yung shareholder daw sa GDC. Aba, naalala akong bigla." Binuksan ko ang chat box. "I sent a friend request. Hope we could be social media friends. Did you arrive home safely?" message nito. "Yes, I'm home, safe and sound, thank you. Sure, we can be friends. I think you're a nice person naman," reply ko sa kaniya. "Great! Glad you're safe." Thankful ako sa kindness niya pero inaabala niya ako sa pagsho-shopping ko. "Thank you. I'm about to sleep now. God bless," sagot ko to politely dismiss him. "Sweet dreams," tugon nito. Nag-log out na muna ako para sure na walang aabala sa akin sa pagsho-shopping ko online. Wala sa ibang bagay ang atensyon ko. Nag-check out muna ako ng mga una kong napili bago ko itinuloy ang paghahanap pa ng pwedeng mabili. Nadaanan ng mata ko ang yellow dress sa isang online boutique. Baloon din ang tabas nito pero round neck at hindi pulido ang floral design. Naalala ko bigla ang dress na nasa estante kanina na yellow din pero ang ganda ng v-neck cut at ng plits ng skirt. "Iba talaga ang dress na 'yon, ang ganda sa mata! Babalikan ko talaga mamaya. Magkano kaya ang isa no'n? May ibang kulay kaya?" Bigla akong nasabik na makita ulit ang dress sa boutique na 'yon. I want to wear that, kahit maisukat ko lang muna. "Sana wala pang nakakabili o sana may stock sila no'n!" Ang gaan ng pakiramdam ko; papito-pito pa ako habang nagkukuskos ng katawan ko. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Namula ang magkabilang pisngi ko habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ko. Makinis ako at may kaputian, may katamtamang laki ng hinaharap at mabibilog na puwitan. Dumako ang mga mata ko sa maselang bahagi ng katawan ko. Wala pa ni isang lalaki ang nakahawak doon. "Irereserba ko siya sa tamang lalaki. Saan ko kaya siya makikilala? Sana bilyonaryo, o kahit man lang manager ng banko. Hindi ko naman siya hihingan ng pambili. Siya lang bahalang gumastos sa aming dalawa basta ang sahod ko ay para sa pang-shopping ko." Napahagikgik ako sa naiisip ko. Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung saan-saan na napupunta ang imahinasyon ko. "Tapusin ko na nga ang pagligo ko." Nagbanlaw na ako at nagpatuyo ng katawan. Ibinalot ko ang tuwalya sa katawan ko saka lumabas ng banyo nang may kumatok sa pinto. "Sino 'yan?" tanong ko. "Ako, Gastadora. 'Yung BFF mong delivery man may hatid na namang package," sagot ng tetano sa buhay ko. "Ilan pa ba ang ihahatid ko ngayong araw?" Hindi ko alam, kumulo agad ang dugo ko. Binuksan ko ang pinto. "Iwan mo na lang sa baba kung masama sa loob mong iakyat dito." "Makakatiis ka ba kung hindi mo makikita ang pinamili mo sa maghapon?" tanong nito. Napatikhim ito saka lumunok. Hindi ako nakasagot. Lagi akong atat buksan ang mga pinamili ko. Iyong sorpresa sa pagbubukas ng shopping bag ang nagpapatibok sa puso ko. Para siyang mystery pouch na hindi ka sigurado kung pareho ba ang binili mo at ang nai-deliver sa 'yo. The thrill excites me. Kinuha ko sa kaniya ang pouch. "Thank you." "Dahil sa kasabikan mong makuha ang package mo, nalimutan mong magdamit." Tumingala ito para mag-iwas ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong kakapiranggot na tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko. Agad kong niyakap ang sarili ko. "Bumaba ka na!" Pasalya kong isinara ang pinto dahil sa pagkapahiya. "Wala akong nakita. Wala namang magandang tingnan," sagot ni Tetano sa labas ng silid ko. "Heh!" singhal ko. Tumatawa itong papalayo ng silid ko. Dinig ko pa ang hakbang nito pababa ng hagdan. "Nakakairita!" Napatakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Halos makita na ng tetanong iyon ang buong katawan ko. Yumuko ako para makita kung ano lang ang natatakpan sa akin. Litaw ang puno ng dibdib ko na may cleavage naman, at halos hanggang singit ang tuwalya dahil may kakitiran ito. "Ugh!" tili ko. "Nakita na niya ang kaluluwa ko!" "Paano ko pa haharapin ang mokong na 'yon?" Halos mangiyak-ngiyak ako sa inis at pagkapahiya. "Tetano ka talaga!" Padabog akong nagbihis; isinuot ko ang long sleeve pajamas ko. Siniguro kong balot na balot ako. HIndi ko malilimutan na may lalaking nakakita sa akin habang may nakataping tuwalya, basa ang buhok at kagagaling lang sa ligo. Ni hindi ko boyfriend ang nakakita sa akin! Paulit-ulit ang eksena sa isip ko, hindi ako makatulog. "Kakalbuhin kita kapag binanggit mo 'yon sa ibang tao lalo na kina Mama!" Natakot ako sa naisip ko. Paranoid na kung paranoid. Madalas pa naman akong makabasa sa mga kuwento na pinapakasal ng magulang ang anak sa lalaki kapag inakala nilang may nangyari. "No freaking way!" Humiga ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Pumasok sa isip ko ang mukha ni Tetano. Gwapo naman ang mokong, hindi rin naman nag-take advantage kanina. Teka, bakit parang ang bait niya kanina. Ano ang nakain niya? Sinabunutan ko ang sarili ko. "Bakit ko ba iniisip ang tetanong 'yon?" Pinilit kong matulog at kalimutan ang pagkapahiya ko kanina. Susubukan kong iwasan ang mokong na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD