CHAPTER 9: A SIGHT TO BEHOLD

1135 Words
SHANE "Tao po," tawag ng tinig ng lalaki sa labas ng gate. "Delivery." Pamilyar na sa akin ang boses niya. Sa araw-araw ba naman na mag-deliver siya ng mga order ni Gastadora sa bahay. Dahil ang unit ko ang malapit sa gate, ako lagi ang tagabukas at tumatanggap ng package niya. Dinadala ko lagi sa bahay nila sa second floor para iwan sana kaso laging masakit ang tuhod ng Mama niya nang dahil sa rayuma kaya ako lagi ang pinapaakyat sa third floor para iabot ang package kay Gastadora. Kararating ko lang din sa unit ko pero heto at may package agad siya. Tinanggap ko ang package sa delivery man. "Salamat, Kuya Berto. Bukas ulit." Natawa ito. "Panigurado 'yan. Sige," paalam ng delivery man saka ito tumalikod at sumakay ng motor niya. Isinara ko na ang gate saka ako dumiretso sa hagdan sa gilid paakyat ng second floor. Kumatok ako sa pinto nila. "Aling Puring, delivery po." "Pasok ka na, hijo, nakapinid lang naman iyan," sagot ng Mama ni Gastadsora. Itinulak ko ang pinto. Nakaupo ang ginang sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. "Package po ni Tuesday." "Pakiakyat na sa kaniya, hijo, pasensya na at hirap akong umakyat," pakiusap nito. "Sige ho." Dumiretso na ako sa hagdan paakyat sa silid ni Gastadora. Malapit lang sa hagdan ang kuwarto niya. Kumatok ako sa pinto nito. "Sino 'yan?" tanong niya. "Ako, Gastadora. 'Yung BFF mong delivery man may hatid na namang package," sagot ko sa kaniya. "Ilan pa ba ang ihahatid ko ngayong araw?" "Iwan mo na lang sa baba kung masama sa loob mong iakyat dito," sagot nito sa tonong naiinis na. Napangiti ako nang maluwang. Naaliw ako sa tuwing naiinis ko siya, pero napatda ako pagkabukas niya ng pinto. "Makakatiis ka ba kung hindi mo makikita ang pinamili mo sa maghapon?" tanong ko. Napatikhim ako saka lumunok dahil sa kagandahang nasa harap ko. Basa ang buhok niya at nakatapis lang ng tuwalya sa katawan. What a sight to behold! Naramdaman kong nag-react ang katawan ko sa nakita ko. Pakiramdam ko tuloy ay may nakabara sa lalamunan ko. Agad niyang kinuha sa akin ang pouch. "Thank you." "Dahil sa kasabikan mong makuha ang package mo, nalimutan mong magdamit." Tumingala ako para mag-iwas ng tingin. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang kagandahang nakita ko. Napalunok ako dahil paulit-ulit iyon sa utak ko. Nanlaki ang mga mata niya nang tila maalala niyang kakapiranggot na tuwalya lang ang nakabalot sa katawan niya. Agad niyang niyakap ang sarili. "Bumaba ka na!" Pasalya niyang isinara ang pinto dahil sa pagkapahiya. "Wala akong nakita. Wala namang magandang tingnan," sagot ko sa kaniya bilang depensa habang papalayo ako sa silid niya. Aminado ako, tinamaan ako. Pinawisan ako sa noo habang tuliro. "Heh!" singhal niya. Tumatawa akong papalayo ng silid niya para pakalmahin ang sarili ko. Diniin ko pa ang hakbang ko pababa ng hagdan para marinig niya. "Kailangan kong maligo," bulong ko habang bumababa ng hagdan. Naabutan ko pa rin sa sala si Aling Puring na nagbabasa ng dyaryo. Nakangiti ito nang makita ako. "Mukhang napikon mo ulit ang dalaga ko." "P-pasensya na ho. Nakakatuwa lang kasi siyang asarin." Napakamot ako sa ulo. "Mauna na ho ako." "Sige, hijo, hahatiran kita mamaya ng pananghalian, o kaya sabayan mo na kami rito. Dalawa lang kami e." "Salamat ho, Aling Puring. Makakatikim na naman ako ng masarap na lutong-bahay, pero sa unit ko na lang ho siguro at baka hindi mawalan nang gana si Tuesday kapag nakita niya akong kasabay kumain sa mesa." Napalakas nang tawa si Aling PUring. "Sige, hijo, dadalhan na lang kita mamaya." "Sige ho," paalam ko. Lumabas na ako ng bahay nila at ipininid ang pinto. Nagmamadali akong pumasok ng unit ko at nag-lock ng pinto. Agad kong hinubad ang lahat ng saplot ko saka dumiretso ng banyo. Binuksan ko ang dutsa saka tumutok doon. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig matapos mainitan dahil sa magandang tanawin kanina. Ipinilig ko ang ulo ko. Pinagnanasaan ko ang anak ni Aling Puring na mabuti ang pakikitungo sa akin. Hindi ko maikakaila na maganda siya at maganda ang hubog ng katawan. Mabait naman siya at napapansin kong marespeto sa pamilya niya. Kung hindi lang siguro gastadora iyon, perpekto na siya. Napatawa ako nang dahil sa sarili kong kabaliwan. "Wala namang taong perpekto. Gumastos nga ako ng fifty five thousand kanina para lang mang-inis ng babae." Napatigil ako dahil sa plano kong paamuhin si Gastadora, pero mas lalo pa yatang nainis sa akin nang dahil kanina. "Makahingi nga nga ng sorry. Baka hindi pa rin makatulog 'yon nang dahil sa nakita ko." Nakunsensya ako bigla. Puyat ang tao sa trabaho tapos halos nabosohan ko pa kahit hindi ko sadya. Paniguradong hindi makakatulog agad iyon. "Regalo din siguro niya sa sarili niya ang mga binibili niya dahil sa pagpupuyat sa trabaho? Posibleng stress reliever niya 'yon subconsciously." Tinapos ko na ang pagligo ko para makapagpahinga. Susundan ko pala siya mamaya para makita ang reaksyon niya oras na makita niyang wala na ang damit sa estante. "Magamit nga rin ang damit na 'yon para mapaamo siya." Napaisip ako kung paano ko ibibigay sa kaniya ang mga damit at sapatos nang hindi ako magmumukhang may gusto sa kaniya. "Teka, bakit ba ako nag-aalala sa iisipin niya kung may gusto ba ako o ano?" Napakamot ako sa ulo ko. Sa totoo lang, hindi pa ako nanligaw ng babae. Wala sa isip ko rin dahil hindi pa ako nakakakilala ng babaeng aagaw ng atensyon ko. Isa pa, palaging tutok ang atensyon ko sa pagliligtas ng sarili kong buhay sa tuwing pagtatangkaan ako ni George. Palagi rin akong nakaalerto anumang oras dahil sa kalagayan ko sa mansyon. Doble-kara ang hinayupak na 'yon, mabait sa akin kapag nariyan sina lolo at ang parents namin, pero masama ang ugali at minsan ay nananakit pa kapag wala sila. Ang malala nitong huli ay pinagtatangkaan na ang buhay ko. Lumabas ang tunay na ugali niya nang magkaroon ng mga tauhan at nagmumukha siyang leader ng gangster. Marami akong kailangang asikasuhin at itama sa buhay ko. May buwaya sa bahay na hindi ko pwedeng kantiin dahil anak pa rin siya ni Papa kahit sa ibang babae pa. Si Papa ang unang maaapektuhan kapag napahamak ang panganay niya. Naikuyumos ko ang mga kamao ko. Kailangan kong mailabas ang baho niya kina Papa para alam nila kung ano ang pinaggagagawa ng panganay niya habang wala sila ni Mama. Kailangan ko rin silang mahanap. Mahigit dalawang buwan na silang hindi man lang nagpaparamdam sa amin. Ni tawag, text o chat ay wala. Ang alam namin ay nag-cruise sila sa mga isla sa Pilipinas, at ang huling destinasyon nila bago bumalik sa Manila ay sa El Nido. Hindi na namin sila nakausap pang muli pagkatapon ng pag-uusap namin ni Mama sa telepono. "Nasaan na kaya sila?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD