CHAPTER 6: THE CON'S FIRST MOVE

1147 Words
TUESDAY Inis na inis ako dahil nakabanggaan ko na naman ang mukhang clown na iyon sa elevator kanina. Bakit sa lahat na lang ng pagkakataon, nakakabangga ko ang pangit na 'yon? Palabas ako habang pasakay naman siya at ang alalay niya. Ako pa ang nasinghalan kahit kasalanan niya dahil nakaharang siya sa labasan. Padabog kong sinisipsip ang frappe na in-order ko habang naaalala ko na naman ang kamalasan ko. "Ouch!" daing ng lalaki pagkabagga ko. Nakaharang siya sa labasan ng elevator at tangkang sumakay agad, hindi muna hintayin na lumabas ang mga sakay nito. "What the hell is wrong with..." Napatingin ito sa akin nang salubong ang kilay. "I'm sorry," tanging nasabi ko na lang. Siya na naman ang nakabangga ko? Ano bang kamalasan ang dala ng clown na 'to? "Ikaw na naman?!" singhal nito. "Tatanga-tanga ka. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Wala ka bang ibang alam banggain kundi ako? Ha?!" iritableng tanong nito habang lukot na lukot ang mukha. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang clown. Gusto ko sanang magwala at singhalan pabalik ang pangit na iyon dahil kasalanan naman niya pero padabog na tinalukuran na ako at sumakay na ng elevator. Nakita ko pang nagwisik pa ng alcohol sa parte ng braso nito na nabangga ko bago magsara ang pinto. "Napakaarte!" naghuhumiyaw ang salitang iyon sa isip ko pero hindi ko maisigaw nang malakas dahil may ilang tao sa lobby nang mga oras na iyon. Nanggigigil akong parang nananabunot ng hangin kahit sarado na ang pinto ng elevator. "Bakit ba ang malas ko sa taong 'yon?" Ugh! He's getting into my nerves!" Nagpapadyak akong lumabas ng building. Mabibigat ang mga hakbang ko habang binabaybay ang sidewalk patungong coffee shop. Mag-aalis muna ako ng init ng ulo. Pumasok ako sa coffee shop at um-order ng paborito kong choco frappe. Ito lang ang magpapaalis ng inis ko. Mabuti na lang at kaunti ang tao kaya nakahanap ako agad ng magandang puwesto. Nagbalik ang isip ko sa kasalukuyan. "Please naman, ayoko nang makasalubong man lang ang clown na 'yon!" Gigil na gigil ako sa tuwing naaalala ko ang mukha niya at kaartehan niya. "Akala mo magandang lalaki para mag-inarte. Wala na sa lugar! May alalay pang may gwantes at tagaabot ng alcohol! My golly!" Kinuha ko na lang ang phone ko sa bag saka tumingin ng bagong pwedeng bilhin sa online shops para maalis ang inis ko at makalimutan ang clown na iyon.. May mga nakita na naman akong bagong post ng damit at sapatos. May ilang accessories din akong nagustuhan. May kamahalan pero sulit naman dahil mukhang maganda ang kaledad ng binebenta ng shop. Inisa-isa kong in-add to cart ang mga nakita kong target bilhin. Mamaya ko na lang sa bahay pag-iisipan kung alin ang iche-check out ko. Tumingin ako sa ibang shop at nakakita ako ng cellphone na mas maganda ang specs kaysa sa gamit ko. Napakamot ako sa ulo. "Bakit ba iyong camera ang una kong binili?" bulong ko sa sarili ko. Kailangan ko ng bagong model ng phone dahil napag-iiwanan na ang operating system ng phone ko. "Hingi kaya ako ng pera kay Mama? Naubos ko na ang sinahod ko pati ang ni-loan ko." Abala ako sa pagbuklat ng mga bagong post sa paborito kong shop nang may pumukaw ng atensyon ko. "Excuse me," pukaw ng isang lalaki sa akin. "Yes?" kunot-noong tanong ko. Nag-angat ako ng ulo saka napatingin sa estrangherong nakatayo malapit sa mesa ko. Naka-long sleeves blue polo at black slacks, may suot na gintong relo at kuwintas ito. Mukhang may kaya ang itsura at disente. Maganda ang kutis nitong kayumanggi at matangkad. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at singkit ang mga mata. May kanipisan ang mga labi nito. "Sino ba to? Ano ang kailangan niya?" "You look familiar to me. Have we met before? Probably in a corporate party?" sambit nito. "Or probably we've met from an out of the country trip?" "I'm sorry, I don't remember you." Umiling ako. Hindi ko siya maalala. Wala naman akong kilalang mayaman na tulad nito. "Hindi rin ako nagtra-travel sa ibang bansa." How I wish. Next time, iyan na ang goal ko. Tumikhim ang lalaki. "Naka-attend ka na ba sa corporate party ng GDC? Isa ako sa silent share holder ng kumpanyang 'yon." "Ay, hindi ako sa GDC nagtratrabaho. Iyong BPO na pinapasukan ko, naka-lease sa isang floor ng GDC Building," paliwanag ko. "Ah, ganoon ba? Pasensya ka na. Akala ko ikaw iyong nakita ko sa party that time. Ang ganda mo kasi, kamukha mo rin siya," sagot ng lalaking nakatayo pa rin sa tapat ng mesa ko. "Wala iyon," sagot ko na lang pero natuwa ako sa sinabi niyang maganda ako. Mukha naman siyang walang masamang intensyon. "By the way, I'm Darius Albe, you are?" Inilahad nito ang palad sa akin. Ang bastos ko naman kung susungitan ko ito. Hindi naman siya nagpapakita ng kagaspangan. "I'm Tuesday Lozano." Tinanggap ko ang palad ng lalaki pero saglit lang iyon. Halos dulo lang ng mga daliri ko ang iniabot ko. "Mind if I sit here? I'm sorry, I'm alone. Wala ang assistant ko eh."Napakamot ito sa ulo. "Medyo boring mag-relax mag-isa." "OKay lang naman. Hindi ka naman mukhang masamang tao," sang- ayon ko, itinuro ko ang bakanteng upuan sa harapan nito. "Thank you." Agad na bumalik sa sariling mesa ang lalaki saka kinuha ang order. Bumalik agad siya sa mesa ko at naupo sa bakanteng upuan. Wala naman siyang gaanong sinabi kundi masaya lang siya sa pagtanggap na maka-share ko sa table. May ilang tanong at kaunting tawanan. Kalaunan ay hiningi niya ang social media account ko, binigay ko naman. Wala namang masama kung dumami ang followers ko. "Thank you for letting me share your table. I need to go, baka hinahanap na ako sa office." Tumayo na ito. "Nice meeting you." "Sige, nice meeting you, too." Tumalikod na ito saka lumabas ng coffee shop. "At least I met a nice person today. Di katulad ng maarteng clown na 'yon." Mapaingos na naman ako dahil naalala ko iyong pangit na lalaking clown. Nagpalipas lang ako nang ilang saglit at inubos na ang laman ng frappe. "Makauwi na nga. Kalmado na ako. Mag-shopping pa ako online." Tumayo na ako saka binitbit ang bag ko. Lumabas ako ng coffee shop saka binaybay ang daan patungo sa sakayan, pero napatigil ako sa tapat ng isang boutique. Gandang-ganda ako sa naka-display sa yellow summer dress at suot ng manequin! Nakahakab ito sa itaas at baloon ang tabas hanggang ibabaw ng tuhod. Gusto kong bilhin ang damit para sa summer reunion party ng batch namin noong college pero sarado pa ang shop. "Babalikan kita mamaya bago ang shift ko. Sana nariyan ka pa!" Napaantanda pa ako sabay pinagdaop ang mga kamay na parang nagdarasal. "I want that dress!" Napabunton-hininga na lang ako sa pagkadismaya. Babalikan ko pa rin siya mamaya. Tumalikod na ako patungo sa sakayan ng bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD