Sa silangang bahagi naman ng karagatan ay ang tinatawag na Lumot Dagat. Ito ang nag-iisang kahariang hindi kailanman sumusunod sa batas ng mahal na Dyosang Landira lalo na sa usaping katahimikan.
Ito ang natatanging kaharian kung saan ang nakatira ay ang iba't ibang uri ng mga lamang dagat kagaya ng mga lumot na dati ay berde ang kulay pero ngayon ay maitim na maitim na dahil sa buga at kagagawan ng kapangyarihan ng isang Reynang tinatawag nilang si Nympha.
Kung ano man ang kaniyang pisikal na hitsura ay malalaman lamang sa takdang panahon. Mas nanaisin niya munang hindi magpakilala sa mga nais siyang makita.
Kasama rin sa kaniyang mga alagad ang isa sa mga bantay ng tubig na kung tawagin ay mga siyokoy. Hindi na natin puwedeng bigyan sila ng deskripsiyon sa kanilang kaanyuan dahil matagal na silang namumuhay sa karagatan at kahit sinong bata ay maisasalarawan nila ang kanilang mga hitsura. Iilan lamang ang mga siyokoy sa mga nilalang na naghahasik ng lagim at kasamaan sa karagatan. Sila ay sumusunod din lamang sa utos ng reyna at ang iba naman ay sadyang kusang-loob na nilang ginagawa ito.
At dahil ito sa utos ng kanilang pinunong si Nympha.
"NAIINIP NA AKO! NAIINIP NA TALAGA AKO! ITO NA ANG TAMANG PANAHON UPANG MAPASAKAMAY NATIN ANG BUONG SERENADIA! AYOKO NANG MAGTAGO PA!"
"KAILANGANG MAGSIPAGHANDA NA KAYO DAHIL BUKAS NA BUKAS DIN AY SUSUGURIN NATIN ANG KANILANG KAHARIAN AT SISIRAIN ANG KANILANG PINOPROTEKTAHANG KATAHIMIKAN."
"HAHAHA. BWAHAHAHA. BWAHAHAHA."
"AT MAGIGING AKIN ANG TRONO. MAGIGING AKIN SI AQUANO! PAPATAYIN KO SI SEREYNA AT ANG NAG-IISA NIYANG ANAK."
Panay ang halakhak nito at dumadagundong ang ingay ng kaniyang pagtawa sa loob ng Lumot Dagat. Nabasag lamang ang pagtawa niya nang may pumasok pumagitna at nagsalita na hindi niya nagustuhan. Balitang lalo pa niyang ikinainis.
"Mahal na reyna, Nympha. Ipagpaumanhin niyo po ang pagsasalita ko. Bukas na din po ang ikatlong kaarawan ng anak at tagapagmana ng Serenadia. Tama po ba?"
"LAPASTANGAN! HINDI PA AKO NAKATATAPOS SA PAGSASALITA SHUKIRA! INUUNAHAN MO NA NAMAN AKO!"
"Pasensya na po mahal na reyna. Masaya po ako dahil makakapunta na rin ako sa Serenadia. At humanda ang mga sirenong iyan sa pagpapalayas sa akin noon."
"Walang puwang ang mga pangit na siyokoy na katulad mo dito sa Serenadia, Shukira. Hindi ka nararapat sa lugar na ito."
"Ang pangit na katulad mo ay dapat nasa Lumot Dagat kasama ng mga maiitim ang budhing mga kalahi mo at mga lumot sa karagatan. Kaya kung ako sa iyo ay magbabalot-balot na ako dahil kung hindi, kami ang kakaladkad sa iyo palabas sa lugar na ito!"
"Tama ka, Shukira. Siyokoy na panget ka kasi kaya pinaalis ka. ANG PANGET MO! ANG PANGIT-PANGIT MO! LUMAYAS KA MUNA SA HARAPAN KO DAHIL NASISIRA ANG ARAW KO SA USAPING ITO LALO NA KAPAG NAKIKITA KO ANG PAGMUMUKHA MO! ALIS! LAYAS! SHUPI!"
Sumunod na lamang si Shukira kay Nympha. Baka kasi gawin siyang pugita na mas pangit pa sa kaniya. Naiinis lamang siya kapag naaalala ang mga pang-aalipusta sa kaniya sa Serenadia. Aaminin niyang siya lamang ang pangit sa mga sirenong ipinanganak doon pero sirena pa rin siya at hindi siyokoy. Ginawa lang siyang siyokoy ni Nympha upang hindi siya pag-initan ng mga Lumot Dagat. Sa Lumot Dagat na ring ito niya unti-unting nakilala ang sarili kahit napakapangit niya.
"BUKAS ANG IKATLONG KAARAWAN NG KANILANG PINAKAMAMAHAL NA ANAK. KUNG ANO MAN ANG IBINIGAY NA PANGALAN SA KANIYA, WALA AKONG PAKIALAM. IYAN LAMANG ANG AKING NAIS NA SABIHIN. HUMAYO NA KAYO AT MAGHANDA."
At napag-usapan na nga ng buong Lumot Dagat ang paglusob sa kaharian ng Serenadia. Malawak ang Serenadia at maraming nakatagong mga ginto at perlas sa kanlurang bahaging iyon kaya ganoon na lamang ang pagkasabik at pagka-uhaw ni Nympha na mapasakamaya niya ang buong kaharian. Kapag nakuha niya ito ay magiging isa ang kanluran at silangan. Siya ang maghahari sa dalawang kaharian at magiging pinakamayaman na siya sa buong karagatan.
Itinakwil si Nympja ng Dyosa at napadpad siya sa Lumot Dagat. Hindi niya mawari kung alin sa mga alituntunin ang hindi naintindihan ng mahal na Dyosa ang kaniyang nilabag noon at basta na lamang siyang pinaalis at sa Lumot Dagat pinatira. Dahil din sa ginawang iyon sa kaniya ng Diyosang si Landira ay sumibol ang galit at poot sa puso ni Nympha. Sariwa pa sa kaniyang isipan ang nakaraan.
"Mahal na Diyosa. Bakit mo po ako dinala rito? Ano po ang naging kasalanan ko? Ano po ang nilabag ko?"
"Sa takdang panahon ay malalaman mo rin ang naging kasalanan mo, Nympha. Pansamantala kitang hindi pinahihintulutang makatapak sa Serenadia. Dito sa Lumot Dagat ka muna maninilbihan. Ikaw at ang iba pang nagkasala sa panuntunan ko."
"Mahal na Diyosang Landira. Maawa po kayo. Wala po akong kilala dito. Patawarin po ninyo ako. Kung ano man po ang nilabag ko ay humihingi po ako ng kapatawaran sa inyo. Pakiusap, mahal na diyosa. Mahal na Diyosang Landira!"
Pilit na pinipigilan ni Nympha ang lungkot kapag naaalala niya ang sinapit niya sa Lumot Dagat at sa walang maibigay na dahilang si Diyosang Landira sa kaniya. Ganoon na lamang ang pagkikimkim niya ng galit sa kaniyang puso. Hinding-hindi niya mapapatawad ang dahilan ng pagkakalayo niya sa Serenadia.
Kaya nagpasiya siyang mag-aklas at inengganyo pa ang ibang mga kauri niya kasama na ang ibang siyokoy at mga lamang dagat na pagtagumpayan ang kaniyang planong pagsira at pag-angkin sa Serenadia.
Kaya ihahanda na niya ang kaniyang sarili upang angkinin ang Serenadia. Hinding-hindi niya palalampasin ang dumating na pagkakataon upang maisakatuparan ang matagal na niyang binuong mga plano. Dekada na rin ang kaniyang hinintay. Ilang taon na rin ang lumipas. At bukas na ang eksaktong araw ng kanilang pagkikita ng kaniyang iniibig noon na si Aquano.
Sisiguraduhin niyang maaangkin niya si Aquano. Wala siyang pakialam kung may asawa at anak na ito. Mas maganda pa ngang una niyang konprontahin ang asawa nitong si Sereyna at patayin. Isusunod na lang din niya ang anak nito.
"Walang makapipigil sa aking pagbabalik at paghihiganti sa Serenadia! Wala! Wala!"