bc

Kataw

book_age16+
458
FOLLOW
1.3K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
humorous
lighthearted
serious
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Kilala mo ba sila?

Narinig mo na ba silang kumanta?

Nakita mo na ba ang kanilang mga mukha?

Napatigil ka ba nang marinig mo ang mga tinig nila?

Halina at magbasa.

Dadalhin kita sa Dagat Landia.

Mapapakinggan mo na

Ang misteryosong boses ng isang Kataw.

...

Blurb:

Sa pakiusap ng reyna at hari, kinailangang lisanin ni Siri ang Kastilyong Azul upang itakas ang tatlong taong gulang na prinsipeng si Aquarius mula sa mga kamay ni Nympha at unti-unting pag-angkin nito sa kaharian ng Serenadia.

Sa tagong isla ay natagpuan naman ni Erielle ang kaniyang kababatang si Aquarius at muling naging malapit ang dalawa sa isa't isa, na kinalaunan ay naging malaking tulong si Erielle upang makontrol ni Aquarius ang napakalakas na kapangyarihang bumabalot sa Rodenit, na iniregalo noon ng ama at lumabas sa palad nito.

Ang Rodenit ang naging mitsa din upang lumabas mula sa pagkakakulong ng mahabang panahon si Oktupina at agawin ito upang maging pinakamalakas na reyna ng Serenadia at ng buong karagatan.

Upang iligtas ang amang si Aquano, si Sereyna, na kaniyang ina, si Aqua-Sere, na isang dugong, si Erielle, si Siri na nasa ilalim ng kapangyarihang itim ni Oktupina, at bawiin ang buong Serenadia ay kailangang maging isa ang dalawang Rodenit.

Magawa kaya niyang kontrolin ang kapangyarihang mayroon ang Rodenit at mailigtas ang kaniyang mga mahal sa buhay at kaharian?

chap-preview
Free preview
Prologo
Tahimik ang mga alon sa karagatan nang mga oras na iyon at isang mangingisda ang pumalaot magha-hatinggabi na nang mga oras na iyon. Sa ganoong oras kasi ay kalmadong-kalmado ang karagatan. Alas sais pa lang kasi ng gabi ay nasa loob na ang mga residente upang magpahinga. Kaya sinadya ng isang mangingisda na paabutin ito bago maghatinggabi upang may pagkakataon siyang mangisda sa dagat na siya lamang ang mag-isa. Alas diyes ng gabi ay abalang-abala pa ito sa pag-aayos ng kaniyang lambat na gagamitin sa panghuhuli ng isda na ilalahad niya sa karagatan nang may marinig siyang kakaibang musika sa tainga. Sa umpisa ay parang guni-guni lang ito sa kaniyang pandinig. Naghalo na kasi ang huni ng mga kuliglig sa gabi. Kaya hindi na niya ito pinagtuunan nang pansin. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng lambat na tanging maliit na lampara at liwanag na nanggagaling sa buwan ang tanglaw sa kaniyang harapan. Ngunit, muli na naman siyang nakarinig ng isang kakaibang tinig. Sa puntong iyon ay tumigil muna ang mangingisda sa kaniyang ginagawa at pinakinggang maigi ang musika at tinig. Ili ili Tulog anay. Wala diri imo nanay. Kadto tienda bakal papay. Ili ili tulog anay. Pamilyar ang kantang iyon dahil malimit itong kinakanta ng mga magulang sa mga batang paslit upang makatulog ito. Kaya naman lalo lang siyang nakaramdam ng antok. Nang inulit at umulit pa ang kanta ay doon na tila nasa ilalim ng hipnotismo ang mangingisda. Kusang gumalaw ang kaniyang katawan at sumampa sa bangka. Nagsagwan ito nang nagsagwan habang sinusundan ang tinig na kanina pa nang-aakit sa kaniyang tainga. Nakatayo lamang ito sa kaniyang bangka habang nagsasagwan. Isinabit naman nito ang dalang lampara sa nakausling ulo ng pako sa katawan ng bangka, malapit sa kaniyang ulo. Nang nasa kalagitnaan na siya ng karagatan ay biglang tumigil ang kanta at bumalik sa wisyo ang mangingisda. Bigla itong nagtaka kung paano siya napadpad sa gitna, na kani-kanina lang ay nag-aayos pa siya ng lambat. Nasa laot na rin naman siya nang mga oras na iyon, kaya itinapon na lamang niya ang isang lambat na mayroon siya galing sa bangka sa mismong karagatan upang simulan na ang panghuhuli ng isda. Hindi pa man nakakalimang minuto siyang nag-aabang sa lambat na tinapon niya sa dagat nang muli na naman niyang marinig ang tinig. Sa pagkakataong iyon ay may napansin na siyang kakaibang nilalang na umiikot-ikot at lumalangoy sa paligid ng kaniyang bangka. Nang tangkain niyang tingnan kung ano ang nilalang na iyon ay bigla na lamang tumaob ang bangkang sinasakyan ng mangingisda. Gustuhin man nitong ibalik sa ayos ang bangka ay huli na dahil isang malaking isda sa kaniyang paningin ang mabilis na humawak sa kaniyang kamay at hinila siya patungo sa pinakailalim na parte ng karagatan. Sinubukan ng mangingisda na makawala pero hindi niya magawa dahil kinakapos na siya sa paghinga. Hindi niya alam kung gaano kalalim na ang nilangoy niya habang hinihila siya ng nilalang na kaniyang nakikita. Ilang minuto ang nakalipas, sa maliit na lagusan kung saan sila dumaan ay parang nahuling isda kung itapon ng nilalang na iyon ang katawan mangingisda sa kaniyang tahanan. Nang makitang gumagalaw at humihinga pa ito ay agad na itinusok ng nilalang na iyon ang kaniyang matutulis na kuko sa dibdib ng mangingisda. Lumuwa ang mata ng mangingisda habang sunod-sunod namang nagsisilabasan ang mga dugo sa kaniyang bunganga. Nang baklasin na ng nilalang na iyon ang kaniyang puso ay tuluyan nang pumikit ang kaniyang mata habang ang nilalang na iyon ay sarap na sarap na sa pagkain ng kaniyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

SILENCE

read
387.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.9K
bc

The Sex Web

read
153.1K
bc

Chasing Don Montemayor

read
206.9K
bc

DEVIL INSIDE ME ( A Nymphomaniac Story )

read
68.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook