Ang Labanan

1074 Words
Nang makalabas sina Siri, Aquarius, at Aqua-Sere, sa loob naman ng kaharian ng Serenadia, sa labas ng kastilyo, ay nagsimula ang labanan at sagupaan sa pagitan ng mga sireno at sirena laban sa mga siyokoy at mga lamang dagat. Gamit ang mga kamay at buntot ay isa-isang nakipaglaban ang mga sirena sa mga lamang dagat. Kahit napapalibutan ang bawat isa ng kanilang mababahong lumot ay hindi natinag ang mga ito. Matatapang silang nakikipagsukatan ng lakas sa mga ito. Kahit panay ang buga ng mga lamang dagat ng nakalalasong itim na usok ay nagagawa pa rin nila itong labanan. May mga sirenang hindi nakatiis sa masangsang at mababahong amoy ng mga ito kaya ganoon na lamang ang kanilang pagkatalo. Buong lakas naman ang ginamit ng mga sireno upang labanan ang mga siyokoy na may matutulis na ngipin. Gamit ang mga buntot ay isa-isang pinaghahampas ng mga sireno ang mga ito. Nakipagsukatan sila ng kani-kanilang mga lakas pero mas malakas na ngayon ang mga siyokoy sa kanila. Ang iba ay humihiyaw sa sakit kapag natatamaan ng mga matutulis nitong mga ngipin at palikpik. Hindi alam ng mga sirenong may lason na rin pala ang mga ito. Samantala, hinarap naman nina Nympha at Shukira ang hari at reyna sa loob ng kastilyo. "Kahit kailan talaga, Sereyna ay sagabal ka sa aking mga plano! Shukira, ikaw na ang bahala sa kaniya." Sigaw ni Nympha sa reyna at agad na inutusan si Shukira na labanan si Sereyna. Nagulat naman si Shukira sa utos ng reyna at tila binagabag pa ito. "Ako talaga ang lalaban sa reyna, Nympha? Bakit ako?" Napapalatak ito sa harapan ni Nympha at parang ayaw pang umalis para kalabanin si Sereyna. "Kahit kailan talaga, napakabobo mong pangit na siyokoy ka! Malamang ikaw ang lalaban sa kaniya kasi may kakalabanin ako, hindi ba? Ikaw at ako ang magkakampi. Dalawa sila. Dalawa din tayo. Alanganan namang dalawa sila kontra sa akin? E ikaw nga ang kasama ko dito. Inutil! Patayin mo si Sereyna, Shukira!" Kulang na lang ay magsilabasan ang mga ugat ni Nympha sa kae-esplika kay Shukira. Gigil na gigil siya sa kabobohan ng pangit na siyokoy na kasama niya. "Ay, oo nga ano? Sigw. Ako na ang bahala sa reyna at ikaw naman sa hari." Kumikendeng-kendeng pa itong naglakad patungo sa kinaroroonan ng hari at reyna. Napapa-roll na lang ng mata niya si Nympha kay Shukira. Itinuon niya agad ang paningin kay Aquano. Papagitna pa sana si Aquano kay Sereyna upang pigilan si Shukira pero pinigilan siya ni Sereyna. "Huwag kang mag-alala mahal ko. Kaya ko na siya." pagpigil ng reyna. Nginitian siya ng reyna at tumango naman ang hari sa kaniya. "How sweet naman. Go ka na kasi Papa Aquano kay Nympha. Ako na ang bahala sa mahal mong asawa. Ha-ha-ha." Nang-iinis at nang-iinsulto pang tatawa-tawang sabi ni Shukira. Handang-handa na kasi itong kalabanin ang reyna. "HOY, SHUKIRA! ANG SABI KO SI SEREYNA HINDI SI AQUANO! TALANDI KANG PANGIT NA SIYOKOY KA!" Nasabunutan pa ito ni Nympha dahil sa paglalandi niya nang wala sa oras. "Gosh! Ang mean mo talaga, Nympha. Hindi puwedeng kinilig lang ng slight kasi nakakakilig ang eksena. At saka ang guwapo nga ng hari e. Gusto mo palit na lang tayo?" Inasar pa ni Shukira si Nympha at nag-uusok na ang ilong nito sa galit. "Oo na. Keribels ko na siya. Harapin mo na ang lablab mong si Aquano." At nagharap na nga ang reyna laban kay Shukira. Si Aquano naman laban kay Nympha. Pinaikutan muna ni Shukira si Sereyna habang ang huli ay matamang nagmamasid lamang upang makatiyempo at gamitin ang kaniyang kapangyarihan sa pangit na siyokoy na nasa harapan niya. Hanggang sa unang sumugod si Shukira at isang galis sa braso ang natamo ni Sereyna. Hindi niya inakalang mabilis ang siyokoy at nasugatan ang kaniyang braso. "One point. Nyenyenyenye. Bleeh! Buti nga sa--" Bibilatan pa sana ni Shukira ang reyna pero isang hagupit mula sa buntot ng sirena ang tumama sa kaliwang pisngi ng pangit na si Shukira. "You bastard! Anong ginawa mo sa mukha ko? Panget na nga pinangit mo pa! Kaya humanda ka!" Galit na galit na wika ni Shukira. Lalo lang kasing pumangit ang mukha niya. Huminga muna siya nang malalim. Taas-baba ang kaniyang kulu-kulubot na katawan habang iniipon ang enerhiya ng maruruming bagay at lumikha iyon ng isang kasing laki ng bola ng basketbol. "HETO ANG SA IYOOOO! SAKIRA MAGIC DIRTY BALL!" Inihagis ni Shukira ang hugis-bolang dumi kay Sereyna at lumikha iyon ng malaking pagsabog na hindi napaghandaan at napigilan ng reyna. "SEREYNA!" Sigaw ni Aquano. "Oops! My Aquano, my love, ako ang harapin mo!" Isang mabaho at maitim na dumi naman ang ibinuga ni Nympha sa harapan ni Aquano dahilan upang dumilim ang kaniyang paligid. Napalibutan siya ng nakalalason na kemikal mula kay Nympha dahilan upang unti-unti itong manghina. Dahil desperado siyang alamin ang kinahinatnan ng mahal na asawa ay ginamit niya ang kapangyarihan niya upang lumikha ng isang tsunami. Ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil mas lalo lang siyang nalason sa itim na usok. Nanlabo ang paningin ni Aquno hanggang sa tuluyan na siyang napapikit at nawalan ng lakas. Nabitawan niya rin ang kaniyang hawak na rodenit. Nasalo naman siya ni Nympha nang mga oras na iyon. "Aquano. Aquano. Naisahan kita! Ha-ha-ha! Ngayon magiging akin na ang kaharian mo. Magiging akin ka na rin sa wakas! BWAHA-HA-HA. BWAHA-HA-HA-HA!" ngiting tagumpay ni Nympha. Nasa mga bisig na niya ang lalaking pinakamamahal niya. "Mahal na, Nympha, tanging korona lamang ni Sereyna ang natagpuan ko. Hindi ko po siya nakita. Pero malakas ang kutob kong patay na siya dahil sa lakas ng pagsabog na nangyari gamit ang kapangyarihan ko." Yuyuko-yukong sambit ni Shukira habang ibinibigay ang korona ng reyna kay Nympha. "GAGA KA KASI! MUNTIK MO NA KAMING MAPATAY SA PAGSABOG MO! HALA! HANAPIN SI SEREYNA! HANAPIN NIYO RIN ANG KANIYANG ANAK! DALHIN NIYO SILA SA AKIN NG BUHAY! HUWAG NA HUWAG KAYONG MAGPAPAKITA SA AKIN HANGGAT HINDI NIYO SILA NAHUHULI! LAYAS NAAAA!" Sigaw nang sigaw si Nympha kay Shukira matapos abutin ang korona. Walang nakaaalam kung nakaligtas nga ang mahal na reyna. Hindi rin nila alam kung saan hahanapin ang anak ng hari at reyna dahil na rin sa lawak ng karagatan. Ang hindi alam ni Nympha ay may isang nilalang ang tumatawa at pumapalakpak sa kaniyang tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD