"BWAHAHAHA! BWAHAHAHA! NAGULAT KO BA KAYONG LAHAT?" malakas ang tawang sabi ng bisita sa lahat ng naroroon sa kasisimula pa lamang na piging para sa ikatlong kaarawan ng prinsipe.
"NYMPHA? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" mataas naman sa tonong tanong ni Aquano. Maging ang hari ay nagulat sa pagdating ng hindi imbitadong bisita sa harapan nila.
"Oh, Aquano, mahal kong Aquano! Miss na miss na kita. Bumalik ka na sa akin, mahal ko." Nang-aakit ang boses ni Nympha habang kunot ang noo naman ni Aquano. Hindi ito nagpasindak kay Nympha.
"MGA KAWAL, MAGHANDA!" Utos ng mahal na hari. Hindi hahayaan ng hari na masira ang okasyong minsan lang kung dumating sa Serenadia. Kaya naman handang-handa na ang mga kawal nito sa magsisimulang labanan.
"MAGALING, MAGALING, MAGALING! BINABATI KITA, AQUANO! Maligayang kaarawan nga pala muna sa iyong pinakamamahal na anak na nakatago ngayon sa buntot ng iyong mahal na asawang si Sereyna. Marahil ay hindi mo nagustuhan ang pagpapakita ko ngayon sa iyong harapan. Talagang handang-handa ang iyong mga kawal na ako ay kalabanin, Aquano. Nakalulungkot isipan na ang aking mahal ay handa akong paslangin!" Pumapalakpak na turan ni Nympha. Hindi man lamang ito nasindak sa hari. Lalo lamang siyang nasiyahang panoorin ang takot sa mata ng mga ito.
"Wala akong mahal na sinasabi mo. Ang aking mahal ay aking reyna ngayon at alam kung hindi ikaw iyon, Nympha!" Tahasang itinatakwil ni Aquano ang pag-ibig na sinasabi ni Nympha sa kaniya at lalong nagpanting ang tainga ng huli.
"Ano ang kailangan mo sa Serenadia, Nympha? Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta mo rito?" Matapang namang turan ni Sereyna habang itinatago sa likuran nila ni Siri at Aquano si Aquarius. Hindi siya puwedeng magtago na lamang sa likuran ng hari. Kaya taas noong hinarap niya si Nympha.
"SEREYNA! SEREYNA! O KARIBAL KONG SEREYNA! Hindi ka pa rin nagbabago. Matapang at maganda ka pa rin pero mas maganda ako na ako kaysa sa iyo. Bueno, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at sasabihin ko na sa iyo ang aking pakay. Una sa lahat, nagpunta ako rito para sirain ang katahimikan sa kaharian ninyo. Pangalawa, kukunin ko si Aquano sa piling mo, Sereyna. Pangatlo, ang inyong tagapagmana ay kailangang mawala sa landas ko!" gGigil na gigil na wika ni Nympha. Hindi na niya kayang pigilan ang pananabik na simulan ang paghahasik ng lagim sa buong Serenadia.
"Hindi mo makukuha ang gusto mo, Nympha. Lalong hindi mo ako makukuha! Mga kawal na sireno at sirena, sugurin sila!" Maotoridad na wika ng hari. Nakahanda na rin at nakataas ang kaniyang espada nang utusan ang kaniyang mga kawal na sugurin ang mga kalaban.
"Yun ang akala mo, Aquano! Mga lamang dagat at syokoy, patayin ang hadlang sa ating misyon! SUGOD! Patayin silang lahat!" Ganting utos naman ni Nympha sa kaniyang mga alagad. Isa-isa na ring nagtatakbo ang mga ito upang salubungin ang mga kawal ng hari.
Habang sinusugod ng mga sirena ang mga lamang dagat kasama ang mga sireno laban sa mga syokoy ay pinagsabihan muna ni Aquano si Sereyna na itakas si Aquarius pero hindi pumayag ang reyna. Tumango ito at mahigpit hinawakan sa braso ang mahal na hari. Sa halip na sundin ang hari ay inutusan na lamang ng reyna si Siri na ilayo ang anak at dalhin si Aquarius sa mundo ng mga tao. Sa mundo ng mga mortak kung saan walang makakakilala sa kaniya. Sa mundo na pansamantalang magiging tahanan ng prinsipe ng Serenadia.
"Hindi kita iiwan, Aquano! Si Siri ang maglalayo sa ating anak." Bukal sa pusong wika ng reyna. Kahit masakit ang mawalay sila sa anak ay gagawin niya ito para sa kaligtasan niya.
"Siri, inaatasan kitang bantayan mo at alagaan mo ng higit pa sa iyong buhay si Aquarius. Ikaw ang gagabay sa kaniya sa lahat ng bagay. Ikaw ang tatayong pangalawa niyang ina. Kaya nakikiusap akong sundin ang utos ko." Mahigpit ang bilin at pakiusap ng reyna kay Siri na naluluha na nang mga sandaling iyon. Maging ang tagapangalaga ay ayaw mahiwalay sa kaniyang hari at reyna. Ngunit, wala siyang magagawa dahil kaakibat at pasan-pasan na niya ang responsabilidad bilang tagapagbantay at tagapag-alaga ng prinsipe. Nasa kaniyang mga kamay ang kaligtasan ng susunod na hari ng Serenadia.
"Aquarius, anak, maging matapang ka! Ang lahat ng nakita mo ngayon ay maiintindihan mo sa tamang panahon. Tandaan mo ang sinabi namin sa iyo ng iyong ama. Balang araw ay maibabalik mo sa ayos ang kahariang ito. Ikaw ang magbabalik ng katahimikan ng Serenadia. Makinig ka kay Siri ha?" Umiiyak ng habilin ng reyna at hinalikan sa noo ang anak. Niyakap naman siya nang mahigpit ng batang si Aquarius.
"Mahal ka namin, anak! Siri, umalis na kayo! Sereyna, kailangan na nating harapin si Nympha!" Hawak-hawak na ng hari ang kamay ng reyna na halos ayaw bitiwan ang anak. Ayaw ring bumitaw ng umiiyak na si Aquarius sa mga daliri ng ina. Kaya walang choice si Siri kundi ang tanggalin ang mga kamay nito at buhatin palayo sa kanila.
"Amaaaaa! Inaaaa!" Sigaw nang sigaw ng batang si Aquarius. Nagwawala pa ito habang tangan-tangan siya ni Siri.
"Mahal na prinsipe, maiintindihan mo rin ang lahat ng nakikita mo sa takdang panahon. Huwag ka nang umiyak. Kailangan ka ng Serenadia." Kahit na masakit sa loob ni Sira na lisanin ang Serenadia, nasa kamay niya ang kaligtasan ni Aquariu. Kasama si Aqua-Sere, ang batang dugong ay lumangoy sila paakyat at palabas ng Kastilyong Azul upang umahon patungo sa mundo ng mga mortal.
Sa huling pagkakataon ay lumingon sina Siri at Aquarius sa kastilyong naging parte na ng buhay nila. Doon ay nasilayan nila ang unti-unting pagsira ng kastilyong kay tagal na panahong inalagaan ng hari at reyna. Bitbit ang pag-asang makababalika at maibabangong pa ang kaharian, ay naging positibo si Siri na balang araa ay makikita niyang muli ang kastilyo at mamumuha silang muli ng tahimik at payapang walang sino mang gagambala sa kanila
"Amaaaaaa! Inaaaaaaa!"
Sa pagtangis na lamang naipadama ng batang si Aquarius ang nararamdaman niya habang palayo sila nang palayo sa tirahang nag-iwan ng magandang alaala sa kaniyang mga magulang.