Sa Tagong Isla

1035 Words
Matuling lumipas ang mga araw. Mabilis ding dumaan ang mga buwan at mga taon ay lumaki ang batang si Aquarius sa isang islang hindi pamilyar sa kanila. Kasama niya ditong nanirahan sina Siri at ang kaniyang alagang dugong na si Aqua-Sere. Kahit napalayo sa kaniyang magulang ay naging masaya naman ang kabataan ni Aquarius. Kahit hindi sa lahat ng oras ay nakakasama niya ang batang dugong dahil sa dagat ito namamalagi, nakakalaro naman niya itong paminsan-minsan sa lupa o di kaya ay sa karagatan. Silang dalawa ang malimit na magkasama kaya kalimitan ding napapansin ni Siri ang closeness ng dalawa. Samantala, dininig ni Dyosa Landira ang hiling ni Siri at naging buntot ang kaniyang mga paa. Halata ang pagkagulat noon ng batang si Aquarius sa kaniyang tagapangalaga dahil nagkaroon ito ng paa. Ang pagkakaroon ni Siri ng mga paa ay hindi naman naging hadlang sa dalawa upang mas lalong mapalapit ang isa't-isa. Si Siri ang tumayong ina ng batang prinsipe. Itinuro ni Siri ang lahat ng kaniyang kaalaman kay Aquarius. Sinimulan niya ito sa pagbabasa at pagsusulat na tanging buhangin lamang ang kagamitan at putol na lumang kahoy. Ipinaalala rin ng tagapangalaga sa prinsipe na darating ang panahong kailangan niyang ipagtanggol ang sarili kaya sinanay niya rin ito sa pakikipaglaban. Pinalakas niya ang resistensiya at isipan nito upang maging maliksi sa anumang uri ng kalaban. Dahil may angking talino at kakayahan na noon pa man ang batang si Aquarius ay mabilis niyang natutunan ang lahat ng itinuro sa kaniya ni Siri mapa-lupa man o karagatan ang asignaturang pinapagawa sa kaniya. Sa edad na labinlimang taong gulang ay nakitaan na ito ng tagapangalaga ng kakisigan at angking kagandahang lalaki. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang tagapagbantay na si Siri sa unti-unting pagporma ng hubog ng katawan ng kanyang alaga. Matipuno na ito at halatang batak na batak sa page-ensayo. Mas lalo pa siyang nakitaan ng galling nang minsang isinama niya itong lumangoy sa karagatan kasama ang lumalaki ding matalik na kaibigan niyang hayop na si Aqua-Sere. Si Aqua-Sere ay may tatlong metro ang haba at bumibigat ng mahigit sa apat na raang kilogramo. Ang tahol nito ay katulad din ng aso pero isang napakailap na nilalang sa dagat ang kanilang lahi. Si Aqua-Sere lamang ang tanging dugong na masayahin at laging sumusunod sa kung saan pumupunta si Aquarius. At dahil hindi siya pwedeng sumama at lumayo mula sa dagat ay naiiwan siyang mag-isa sa dalampasigan habang sina Siri at Aquarius ay pumapasok sa gubat. Palangoy-langoy lamang ito sa malalim na parte at kapag gustong magpahinga ay naroon lamang siya sa mababaw at tinitingnan sina Aquarius at Siri. Kapag nakita naman siya ng prinsipe at nilalapitan ay pumapalakpak ito at gumugulong-gulong sa saya dahil oras na naman na makikipaglaro sa kaniya ang matalik na kaibigan. Nang minsang maiwan ito sa baybayin at ilang oras na hindi nakabalik sina Siri at Aquarius, ungol ito nang ungol at tahol ito nang tahol na parang umiiyak at parang iniwan ng walang paalam ng kaniyanv mga amo. Palinga-linga rin ito sa dalampasigan at hinihintay ang pagbabalik ng dalawa. Natunugan naman iyon nina Siri at Aquarius kaya kaagad silang tumakbo pabalik sa dalampasigan. Ang buong akala ni Aquarius ay may masamang nangyari sa kaniyang alaga kaya hindi niya namalayang nagamit na niya pala ang kaniyang bilis ng kapangyarihan na siya namang nadiskubre ni Siri matapos ang insidenteng iyon. Natuwa pa si Siri sa natuklasang kakayahan ng prinsipe. At nang makabalik nga sila sa baybayin ay ganoon na lamang ang pagtatahol ni Aqua-Sere. Hindi naman nakatiis si Aquarius at niyakap ang alaga na agad tinalon siya at dinila-dilaan sa pisngi. Tawa nang tawa naman si Siri sa kapilyuhan ng dugong na iniregalo niya sa mahal na prinsipe. Hindi na kasi ito napaghihiwalay sa kaniyang matalik na kaibigan. Naintindihan din ni Siri ang dahilan kung bakit umungol ang alaga na parang umiiyak dahil matagal na pala silang nawala sa paningin ito. Bagay na ayaw pala ng dugong na ito. Natuwa at natatawa na lamang si Siri sa hayop na ito. Matalino, napakaamo, at maalalahanin din. Ayaw niyang mawala sa paningin niya si Aquarius. Kulang na lang ay umahon ito sa tubig at hanapin sila. Pinagmasdang muli ni Siri ang dalawa habang nakikipaghabulan at nakikipagkumpitensya ito sa isa't isa sa paglangoy. Kinakawayan na lang siya ni Aquarius. Ganoon din ang alaga na akala mo ay may kamay pero palikpik nito ang ginagamit sa pagkaway din. Napapailing na lamang at napapangiti si Siri habang nakaupo sa dalampasigan at binabantayan ang kasiyahan ng dalawa sa kaniyang inaalagaan. Hindi niya sukat akalain na magiging malapit sila sa isa't isa. Lalo na noong mga bata pa ito na ayaw siyang pakawalan kapag maghahanap lamang siya ng pagkain nila. Iyak pa ito nang iyak sa harapan niya. Ayaw na ayaw din kasi ni Aquarius na mawala sa paningin niya si Siri. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa tahanang kinalakihan nito. Kaya ganoon na lamang ang pagbabantay din ng dalawa sa kaniya. "Mahal na hari at mahal kong reyna. Kung nasaan man kayo ngayon ay sana nakikita ninyo at naririnig ang halakhak at mga kasiyahan ng inyong mahal na prinsipe. Kung sana ay narito kayo sa kaniya, magagabayan niyo pa sana siya. Sabik na sabik na ang prinsipe sa inyong presensiya. Gabayan niyo rin sana ako sa landas na tatahakin ng prinsipe upang matulungan siya sa kahaharapin niyang mabigat na responsabilidad sa takdang panahon. Ako ay nasasabik na rin sa inyo, mahal kong hari at reyna. Diyosang Landira, kayo na po ang bahala sa amin at sa inyong apong si Aquarius." Ngiting-ngiti pa nang mga oras na iyon si Siri habang sinasambit ng isipan sa hangin ang kaniyang panalangin at pananabik sa mahal na hari at reyna. Ipinaabot niya rin ang kaniyang mensahe sa Diyosang Landira na alam niyang maririnig at maririnig nito. SAMANTALA, habang naglalaro sina Aquarius at Aqua-Sere sa karagatan at binabantayan naman ni Siri ang dalawa ay wala silang kaalam-alam na may isa palang nilalang ang nakapansin at nakarinig sa ungol ni Dugong. Sinundan niya ang boses nito at natuklasan ang masayang halakhak nina Siri, Aquarius at ng alaga nitong dugong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD