Ang Unang Engkwentro

1005 Words
Matapos ang ilang araw na page-ensayo ni Aquarius ng kaniyang kakayahan sa pakikidigma ay nagpasiya siyang makipagkulitan muna kay Aqua-Sere sa ilalim ng dagat. Pahinga na rin niya ito at gusto niyang makasama na naman ang alaga niyang dugong. Hindi kasi siya puwedeng magliwaliw nang hindi kasama ang alaga. Kaya naisipan niyang imbitahin itong maglaro sa ilalim ng karagatan. "Sere! Sere! Laro tayo sa ilalim ng dagat. Dalhin mo ako roon," utos ni Aquarius pero umiling-iling ito sa kaniya tanda ng hindi pagsang-ayon. Tumalikod pa ito sa mahal na prinsipe na tila ipinapahiwatig na mapanganib sa ilalim ng dagat. Alam ng dugong ang magiging kahihinatnan kapag pumayag siya sa gusto ng prinsipe. Kabilin-bilinan sa kaniya ni Siri na huwag sila pupunta sa ilalim dahil hindi nila alam ang nakaabang na panganib doon. Kaya mariing tumanggi ang alaga sa harapan ng prinsipe. "Naiintindihan ko ang pinapahiwatig mo pero hindi naman tayo lalagpas sa islang ito. Gusto ko lamang galugarin ang kailaliman ng dagat. Matagal na akong hindi nakakapunta roon. Kaya nakikiusap ako. Hindi naman malalaman ni ate Siri ang pag-alis natin. Hindi naman tayo tatagal sa ilalim. Babalik din tayo agad dito sa lupa. Sige na, Sere, please? Pumayag ka na, please?" paglalambing ni Aquarius sa alaga pero muling siyang tinalikuran ni Aqua-Sere. Para itong kontrabida sa buhay ng matalik na kaibigan. Taas-noo pa itong naglakad-lakad palapit sa pangpang. Ngumunguso-nguso pa ito at tila nagpapadyak ang mga palikpik sa paglalakad tanda ng hindi talaga niya pagsang-ayon sa iniisip ng binata at mahal niyang kaibigan. "Ayaw mo ha? Ayaw mo talaga akong samahan? Ayaw mo talaga? Ayaw na ayaw mo? Sige, ako na lang mag-isa ang lalangoy. Kapag may mangyaring masama sa akin sa ilalim, tingnan natin kung sino ang mapapagalitan. Malalagot ka kay ate Siri kapag nalaman niyang ikaw lang mag-isang naiwan dito at wala ako sa tabi mo. Paalam, Sere," may halong pananakot at pagbabanta na sambit ni Aquarius sa alaga na ikinalingon naman ng huli. Lalong nainis ang alaga nito at pinuntahan ang prinsipe. Dali-dali itong naglakad palapit sa kaniya gamit ang kaniyang palikpik na nagsisilbing mga kamay niya. Pero sa halip na halikan sa pisngi ang mahal na prinsipe ay sinampal niya ito at agad na tumawa. "Aray naman, Sere. Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Sinasampal mo na ako? Pero hindi bale dahil alam kung pumapayag ka na," nakangiting turan ni Aquarius sa alaga. Nginisian na lamang siya ng alaga. "Paunahan na tayong lumangoy. Isa. Dalawa. Tatlo!" Magkasabay pa sang sumisid sa dagat nang mga oras na iyon. Habang pumapailalim ay nagpaligsahan ang dalawa. Alam ni Aquarius na mabilis din ang kaniyang alagang lumangoy. May lahi rin kasi itong sirena. Nang makarating sila sa mabuhanging parte ng dagat ay manghang-manghang pinagmasdan ni Aquarius ang mga kulay berdeng sumasayaw na mga lumot. Maging ang mga naggagandahang mga korales, mga kabibe, at mga bato. Habang si Sere naman ay nakikipaghabulan sa mga maliliit na isda upang makain ang mga ito. Wala namang kaalam-alam ang prinsipe na nakikipaghabulan ang alaga sa paghuhuli ng mga isda. Ang hindi alam nina Aquarius ay napalayo na pala sila sa tagong isla. Tatlong nilalang ang nakakita sa kanila at agad silang nilapitan. "Ikaw ang matagal na naming hinahanap," sabi ng isang siyokoy. Lumitaw sa harapan ni Aquarius ang isa. "Tama!" wika naman ng isa. Sunod-sunuran namang pagsang-ayon ng pangalawang siyokoy. "Ikaw ang anak ng hari at reyna ng Serenadia," turo naman ng pangatlo. Nakita ni Aqua-Sere ang mahal na prinsipe at agad na sinugod ang tatlong syokoy na nasa harapan nito. Tumalsik ang tatlo at mabilis namang pinasakay ni Sere si Aquarius sa kaniyang likuran. "Hindi kayo makakatakas! Mga lumot, magsilabasan kayo at dakpin si Aquarius!" utos ng isa. Habang lumalangoy paitaas sina Aquarius at Aqua-Sere ay unti-unting nangitim ang mga berdeng lumot. Humaba ito nang humaba at naabot ang paa ng prinsipe maging ang buntot ng dugong. Inihagis si Aqua-Sere sa mga syokoy habang ang prinsipe ay nahila pailalim ng mga itim na lumot. Nagpupumiglas ang prinsipe pero mahigpit ang pagkakapulupot sa kaniyang mga paa ng mga lumot. Mabuti na lamang at dala niya ang maliit na punyal na nakatali sa kaniyang baywang. Hinugot niya ito at isa-isang hiniwa ang mga lumot. Samantala, nakabuwelo naman si Sere at hinarap ang tatlong siyokoy. Parang asong handang mangagat ang mukha nito sa harapan ng tatlo. "Patayin ang dugong na iyan. Sagabal siya!" sigaw ng isang siyokoy. Matatalim na mata ang ipinukol ni Sere sa kanila. Bago pa sila makalapit ay umikot-ikot siya. Pabilis nang pabilis ang ginagawa niyang pag-ikot hanggang sa makalikha ang dugong ng isang malakas na anyong-tubig na hangin. Gamit ang kaniyang buntot ay inihampas niya ito papunta sa mga siyokoy. Tinamaan ang isa pero nakailag ang dalawa. Mabilis na pumuwesto ang dalawang siyokoy at pinalibutan ang hayop. Isa sa likuran ni Sere at ang isa naman ay nasa harap niya. Parang aso itong nagpapalabas ng mga ngipin sa harapan ng dalawa. Ginawa pa nilang patintero ang pakikipaglaban sa hayop. Nang akmang sabay silang susugod ay agad siyang gumulong at nagsalpukan ang dalawang siyokoy. Natuwa ang dugong at pumalakpak pa ito pero sa kasamaang palad napahiyaw siya sa sakit dahil may matulis na bagay na bumaon sa kaniyang likuran. Nakakapit pa rin ang siyokoy na iyon sa kaniya kaya, kaagad siyang sumisid nang mabilis pailalim at iniuntog ang syokoy sa isang malaking bato. Nabitawan ng siyokoy ang hawak nito at nawalan ng malay sa pagkakauntog sa malaking bato. Narinig ng prinsipe ang hiyaw ng alaga at sinaklolohan ito. Gamit ang kaniyang kakayahang lumangoy ng mabilis ay napuntahan niya si Sere na humihiyaw pa rin sa sakit. Dahil alam ni Aquarius na matataranta ang alaga, kaagad niya itong niyakap at ginamot. Gamit muli ang kaniyang bilis ay niyakap niyang muli si Sere at sumisid sila paitaas. Nagmistulang malalaking bula sa ilalim ng dagat ang tubig pataas na hindi sila nakikita ng mga kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD