Sa Tagong Isla ... Nakaligtas sina Aqua-Sere at Aquarius sa kamay ng mga lumot dagat at ng syokoy. Dahil sa kaniyang bilis ay nakatakas sila at akarating sa baybayin ng tagong isla na hindi nasusundan ng mga kalaban. Pagdating doon ay sinalubong sila ng nag-aalalang mukha ni Siri. Napansin niyang tila nasugatan si Sere. "Anong nangyari sa alaga mo, Aquarius? Bakit panay ang hiyaw niyan? At saan kayo galing?" Sunod-sunod na tanong nito sa prinsipe. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. Mababakas din dito ang galit. 'H'wag na po kayong mag-alala, tita Siri. Mabuti naman po ang lagay ni Aqua-Sere. Nag-iinarte lang po siya." Pagsisinungaling ni Aquarius. Nahalata ng alaga na nagsinungaling siya kaya hinampas siya nito sa balikat gamit ang kaniyang palikpik at agad na umalis sa kanilang