Nagulat sina Erielle, Aquarius at Aqua-Sere sa isang ipuipong lumitaw ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Hindi man umabot hanggang sa kanilang lokasyon ito pero ramdam nila ang kakaibang kapangyarihang naroon sa ipuipong ito. Nagkatinginan at nagkatitigan na lamang sila. Nagpasiya si Erielle na bumalik na muna sa kuweba upang tiyaking walang nangyaring masama sa kaniyang ina. Samantalang si Aquarius naman ay ganoon din ang naiisip at tumango na lamang bilang pagsang-ayon sa suhestyon ni Erielle. "Magkikita pa tayong muli, Erielle," "Hindi ko maipapangako, Aquarius. Basta't mag-iingat kayo." Pagkatapos magpaalaman sa isa't isa ay naunang lumusong sa tubig si Erielle. Sinundan na lamang ito ng tanaw ni Aquarius. Sa ibang direksyon naman lumangoy sina Aquarius at Sere. Parehong