“Anata dare? (Who are you)” tanong ulit sa akin nung mysteryosong lalaking nasa harapan ko ngayon. Bakit ganito ang dating nito? Parang ang bigat sa feeling, tapos ang sama pa ng tinggin niya sa akin. Para siyang tigre na nakakita ng lion!
“Ha, ako? Eh ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh!” sigaw ko sa kaniya. Nagulat naman ako, bakit kahit nagfroze na yung time eh nakakagalaw pa rin itong lalaki na ito? At saka, siya yung nagsabi ng pangalan ni Natsu…
Eh?!!!
Seriously?!! Huwag mong sabihin na ito yung sinasabi ng Moron Trio na taong kaparehas ko ng ability. Uwaa! Finally, dumating na rin yung makakatulong ko sa paghahanap ng anime characters! Hindi na ako forever alone…
“I am Xavier, at ikaw? Paano nakakagalaw ang isang taong katulad mo dito sa timeless space?” tanong niya sa akin habang seryoso ang kanyang mukha.
Timeless space pala ang tawag dito? XD Di ko alam yun ah!
Ang cool ng pangalan niya, Xavier, parang pangalan lang ng aso! Pero dapat maging ka-close ko kaagad ito. Lumapit ako sa kaniya, tapos hinawakan ko siya sa balikat
“Hello Xavier, ako nga pala si Emi. I bet na ikaw pa yung isang nilalang na may kakayahang iligtas ang anime characters na natrapped dito sa mundo natin. Ako rin ganun, kaya naman nakakagalaw rin ako dito. I look forward working with you, sana maging friends tayo.” sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itinulak papalayo. Aray, masakit yun ha. Malakas yung pagkakatulak niya, buti na lang hindi ako napatumba.
Bigla siyang tumawa, pero hindi normal na tawa, parang nanlalait yung way ng pagtawa niya. Bakit ako pinagtatawanan nito? May nakakatawa ba sinabi ko? Seryoso kaya ako. Maya maya, bigla na lang siyang tumigil sa pagtawa, tapos tumingin siya sa akin
“So ikaw pala yung taong sinabi sa akin ni Tamaki Suoh ng Ouran Highschool Host Club na isa pang taong may kakayahan katulad ko” sagot niya habang nakataas yung baba, parang ang taas taas ng tinggin niya sa sarili.
Pero anu daw, Tamaki? Uwaa, huwag mong sabihin na nameet niya na si Tamaki Suoh! Ang daya! Isa si Tamaki-sama sa mga inaabangan kong mameet! Nailigtas na pala siya nito…
“Nameet mo na si Tamaki? Astig!” sagot ko. Ilan na kayang anime charas ang nailigtas nito?
“Oo, at marami pang iba. Ito na ang tiles ko sa kasalukuyan” Ipinakita niya sa akin yung tiles niya. Hala, ang dami na, 10 na siguro yun! So ilang characters na pala ang nakasagupa nito? Mas marami kaysa sa akin, baka napasama rin dun ang mga super favourite kong characters. Unfair! Kaagad din niyang itinago yung mga tiles na para bang nanakawin ko kapag hindi niya naitago kaagad. Tapos tumingin ulit sa akin with that irritating look.
“Ako rin may tiles, pero mas marami yung sa iyo.” Ipinakita ko yung tiles na meron ako. Tapos, mas lalong sumama yung tinggin niya sa akin. Teka, anu bang meron?! Bakit ganito ito kung makatinggin! Maayos naman akong makipag usap ah. Oh baka naman sadyang kunot lang ang noo nito.
Nagulat na lang ako nang biglang inilapit niya yung mukha niya sa akin. Tapos hinawakan niya yung kamay ko na may hawak nung mga tiles.
Mas gwapo pala siya sa malapitan >..<
Oh no Xavier, huwag mo muna akong halikan, di pa ako ready…
“Nakakainis ka rin ano? Pinapakulo mo dugo ko.” sabi niya sa akin habang ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ano ba yan!? Akala ko hahalikan niya na ako, yun pala susungitan lang.
Aaminin kong medyo disappointed ako XDD Whaha! Joke lang, hindi ako flirt no! :DD
Pero at the same time, naiinis na ako sa ugali nito.
“Oh, so parehas lang pala tayo.” sagot ko sa kaniya habang nakatinggin ng masama. Parang may namuong kidlat sa palitan namin ng masasamang tinggin. Hanggang sa…
“Ehh, ang sweet niyo namang mag syota. Hindi niyo naman siguro ako nakalimutan ano?” biglang sumingit si Natsu.
Oo nga pala! Ang shuga ko, andito pa nga pala si Natsu! Muntikan ko ng malimutan gawa nitong aroganteng Xavier na ito. Kahit si Xavier medyo nagulat din,
“Hindi kami mag syota!” magkasabay kaming sumigaw. Tapos nagpalitan ulit kami ng kidlat sa aming mga mata.
“Huwag ka ngang gaya gaya babae!” sigaw sa akin ni Xavier
“Aba, eh ikaw nga itong copycat sa atin! Shut up Sungit!” sagot ko habang nakapamay-awang.
Mukhang hindi kami magkakasundo nito. Pero mabuti na yun, ayaw kong makisama sa mga taong bugnutin tulad nitong kaharap ko. Baka maging parang gera sa Syria bawat araw kapag kami ang magkasama.
“Kung hindi magsyota…mag-asawa ba kayo?” singit ulit ni Natsu habang nakaupo ng indian sit. Nagsisimula na siyang maglaho.
Shit! Hindi ko siya makausap ng maayos dahil may namumuong inis sa loob ko gawa ni Xavier.
“Etong panget na ito, magiging asawa ko?! Hahaha! Magpapakain na lang ako sa Titan.” sabi niya, pagkatapos tumawa siya ng malakas.
Tinawag niya akong panget?!!! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!! Itong mukha kong ito na pinaglihi sa anime…panget?! Takte! Talagang binibwisit ako nitong mayabang na asong ito ah!
“Oh Natsu, huwag kang magbiro ng ganyan. Never akong maiinlove sa asong ito, mas pipiliin ko pang magpakamatay gamit ang death note ni Kira.” sagot ko.
Tapos napatingin si Xavier sa akin with that super samang look, ibinalik ko rin naman iyon sa kanya. Napatawa lang si Natsu.
“Humans are really something. Anyway, ang sarap ng pagkain dito. Nag enjoy talaga ako.” sabi ni Natsu. Ulo na lang niya yung natitira. Bwisit kasi itong si Xavier, yan tuloy, hindi ko makausap ng matino si Natsu.
“Ah Natsu, pasensiya na kung nasuntok kita kanina.” Bigla kong naalala na nasuntok ko siya kanina. Super nahihiya tuloy ako ngayon.
“Wala yun, sanay na kong masuntok nina Erza at Lucy.” sagot sa akin ni Natsu. Uwaa XD Talagang si Natsu ng fairy tail itong kausap ko, still can’t believe it.
“May fairy tail characters pa ba dito?” tanong ng bwisit na si Xavier.
“Who knows? Kayo na ang bahalang makadiscover. Dalawa na naman kayo eh, kaya niyo na yan.” sagot ni Natsu habang nakangiti.
Yaak! Never kong makakasundo itong si Xavier. Ang bantot kaya ng ugali nito!
Nagkatingginan na naman kaming dalawa, pero kaagad din naming inirapan ang isa’t-isa.
Napakinggan kong tumawa si Natsu.
“Anyway, salamat sa pagligtas sa akin. Sobrang nabusog talaga ako dito. Ingat kayo!” sabi ni Natsu, tapos tuluyan na siyang nawala. Nag restore na rin yung time. Nakita ko yung tile na nandoon sa semento, kaagad ko itong nilapitan.
Pero nang kukunin ko na, sakto namang kukunin din ni Xavier. Nagpalitan ulit kami ng evil stare.
Ang galing talagang umepal nito oh!
“Hoy babae, sa akin ito, huwag ka ngang humarang!” sigaw niya sa akin. Ang sama talaga ng ugali niya! Naku, kapag nameet ko talaga si Kira, hihiram ako ng death note at isusulat ko ang pangalan mo!
“Ikaw ang huwag umepal aso! Ako ang nauna kaysa sa iyo kaya akin ito!”sagot ko sa kanya.
“Ang tigas din ng bungo mo no?” sabi niya,
Aba syempre, matigas itong bungo ko, naka survive na kaya ito sa train accident!
Mayamaya, kaagad niyang kinuha yung tile at mabilis na kumilos papalayo sa akin.
“Hoy! Bwisit ka! Ibalik mo sa akin yan!” sigaw ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa akin with that very irritating look. Bakit ba sobrang nakakainis ang mukha nito? Sayang, gwapo pa naman…
Tapos, bigla niya akong dinilaan…
:P
Gyaaaa!!! Kabwisit talaga siya! Ginagalit ako nito! Sana hindi ka na maulian!
“Ako ang nagsabi ng name ni Natsu kaya sa akin ito!” sabi niya sa akin, tapos nagsimula na siyang maglakad papalayo. Well, may point naman siya dun. Pero pwede naman pag usapan ng maayos ah!
“Tse! Oh sige, pagbibigyan muna kita. Kung sa bagay, parehas naman tayo ng mission.” sabi ko. Bigla siyang napalingon sa akin. Tapos binigyan niya ako ng very serious look.
“Don’t get me wrong. Hindi ko ito ginagawa para tulungan ka. Ginagawa ko ito para sa sarili kong kapakanan. At isa pa, magkaiba ang intension natin.” sabi niya. Ang sama talaga ng b***h na ito! Wala pala siyang balak na tulungan ako? Iba ang intension? Hello? Iisa lang naman ang purpose ng mission na ito no? Yun ay ang iligtas ang mga anime characters, ano pa ba?
“So ano ang intension mo at ginagawa mo itong mission na ‘to?” tanong ko.
“Kung ikaw, ginagawa mo ito dahil mahal mo ang anime, ako, ginagawa ko ito dahil galit ako sa kanila. Hindi lang naman sila deserving na manatili dito sa earth kaya naman kailangan ko silang ibalik kung saan man silang lupalop nanggaling. So don’t expect me to help you. We have the same abilities, but we have different perception.” sabi niya, at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Bigla akong nagfroze ng marinig yun.
So itong kapareho ko ng ability at supposed to be partner ko eh anime hater pala?!