[Emi’s POV]
Bwogsh!
“Ay tae!” sigaw ko matapos mahulog mula sa aking marupok na kama. Epal naman oh, super ganda pa naman ng pinapanag-inipan ko. Alam niyo yung feeling na bigla ka na lang nagising tapus sobrang ganda ng panag inip mo?!
Nagdedate lang naman kami ni Roy Mustang ng full metal alchemist! Kyaaa! Super crush ko kaya yun! May pagka Levi ng shingeki no kyojin yung dating niya, tapos astig pa ng kanyang alchemy kasi apoy!
Nakakainis naman! Bakit pa kasi ako nahulog?! Andun na eh, malapit na kaming mag kiss XD
Anyway, makatulog na nga lang ulit. Malay mo, may season 2 pa yung panag-inip ko.
Dumiretso ako sa kama at kaagad humiga.
(Eyes closed) -_-
After 24.56 seconds…
(Eyes opened) 0_0
Uwaaaaaaaaaaaaa!!! Lunes nga pala ngayon! May pasok pa ako! Masyado akong naaliw sa panag-inip ko eh. Nakalimutan ko tuloy na may pasok. I can’t believe myself! Nakalimutan ko ang pagpasok?! What’s happening to me?! Oh, alam ko na kung bakit…
Sino ba naman ang hindi makakalimot sa masyadong stressful school kung puro anime ang nasa isip mo?
Kaagad kong hinanap ang aking mahiwagang orasan,
Whaaa!!! 6:45 AM na! 15 minutes na lang late na ako…
Sinampal ko ang sarili ko ng paulit ulit. Feeling ko kasi lumulutang pa sa New World ang masyado imaginative na utak eh. Gising Emi! Ibalik mo ang naglalakbay mong kaluluwa sa reality!
[After 14 minutes]
“Oh Ms. Santos, do you have a minute?” tawag sa akin ng English teacher ko. Eto ang teacher ko na damang dama ang kanyang major. Kung maka English eh wagas! Okay naman ang kanyang grammar, pero ang bulok ng kanyang accent. Yun bang obvious na trying hard siyang gayahin ang accent ng American people ni Obama! Bakit nakakainis ang accent ng mga trying hard na tao? Naranasan niyo ba yun? Kung ako sa kanila, mag jajapanese na lang ako. XD
Oh, andito na pala ako sa school. Ang bilis ko nu? Ganyan talaga, masaya kayang mag cramming.
Ano kaya ang business ni teacher sa akin?
“Oh sure sensei.” nakabanggit ako ng japanese word ng wala sa oras. Pero…uwaa XDD Yung feeling na matawag mo ang teacher mo na ‘sensei’! Feeling ko tuloy Japanese student ako! Bigla tuloy akong kinilig to the bones!
“Ms. Santos, stop using alienated words.”sabi ni teacher. Napakinggan niyo yun guys?!! Narinig niyo yun?!! Tinawag niyang alienated ang Japanese! I hate you teacher! Palibhasa English major ayaw na sa ibang language?! Eh mas maganda kaya ang Japanese dubbed kaysa sa English dubbed?! At saka alienated din naman ang English ah!
Well teacher ko ito sa English. Pagpapasensiyahan ko na, for the sake of my grades. Medyo grade conscious ako eh.
So hindi na lang ako nag react and pretend not to here anything, kahit na deep inside gusto ko siyang ipakain sa titan!
“Ahmm Ma’am, bakit niyo po pala ako tinawag? May kailangan na naman po bang iligpit?” Oy ha, hindi ako mamamatay tao XD Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo? Head ako ng disciplinary action ng school namin.
Marami kasing loko dito eh so kailangan may isang taong magligpit sa kanila. I mean magturo ng leksyon. Ang disciplinary committee ay appointed by teachers, kaya eto ako, ako ang kanilang napili upang maging head.
Bagay daw sa akin yung role. May aura raw kasi akong tila mangangain ng tao. At saka halos lahat ng nilalang ay may phobia sa akin. Oo, irrational fear!
-__-
Well, sanay na ako diyan. Pero syempre, masakit pa rin pakinggan.
“I just want to inform you that there will be a transfer student in your section. As part of the disciplinary committee and also the closest observant, I assigned you to familiarize this newcomer to everything here in our school. Is that clear?”
Uwaa! Nose bleed! Teacher, pwedeng hinay hinay lang sa pag eenglish? Hindi naman po ako Americana. Teka, transfer student?! Bakit ang dami yatang nagtatransfer sa panahon ngayon? Anong meron? Dumarami ba ang nakikick-out?
Owah! Now that I think of it, pangalawa na yang transfer student nay yan ha! Oh that reminds me of Usui T_T
Miss niyo na ba siya?
Ako rin eh… XD
Baka mamaya anime character ito?! Katulad na lang ni Ren na si Usui pala?! This is my chance para mas dumami pa yung tiles ko. Sobrang na eexcite kasi ako kapag nakakuha ng bagong tile eh. Feeling ko parang may something na unti-unting na unti unti kong nabubuo. At hanggang ngayon, bakit ba sa dami na ng anime character na na-meet ko, hindi ko man lang naalala na maitanong kung para saan ba talaga yung mga tiles na yun! Medyo weird kasi parang sadya na nakakalimutan ko yung matter about the tiles kapag nandoon na ako sa timeless space.
Timeless space? Oh that reminds me again nung taong kaparehas ko ng ability na ayaw sa anime. Iniisip ko pa lang siya niyan ha, pero feeling ko parang gusto ko ng makapatay. How dare him to hate anime?! Kayo guys, anong feeling niyo kapag nakasagupa kayo ng anime hater? Ang sarap tapunan ng tae nu? Siguro medyo mapag papasensiyahan ko pa siya kung iba yung situation namin. Pero parehas ang mission namin eh! Isa siya sa mga napili para iligtas ang anime world, at sobrang nagtataka talaga ako kung bakit siya napili kung may galit siya sa anime?! May sira kaya sa ulo yung nag assign sa kanya, o baka wala lang magawa sa buhay? Pero, so far, I think he do not deserve to be a saviour.
At ang bantot ng kanyang ugali! Bakit sa lahat pa ng uri ng tao, ganun pa sa variety ni Xavier ang napili?! Pwede namang ouji-sama (prince) type na lang, o kaya knight-in-shining –armor, pero bakit wicked evil akuma(demon) ang ibinigay sa akin?! Ehem ehem! Bawal ang love life Emi, misyon mo muna ang atupagin! XD
Kami-sama…sana po huwag niyong hayaan na magkasalubong muli ang aming landas ng akuma na iyon! Baka po maging makasalanan ako ng wala sa oras.
Anyway, balik na tayo sa reality…
“No problem Ma’am.”
“Good. Now then, proceed to your class.”
[Sa loob ng classroom, pretending na tumitingin ako sa bintana kahit ang totoo ay pader ang nasa tagiliran ko]
Ang tagal naman magsimula ng klase! Ang tagal kasi ng values teacher namin. Well anyway, eto naman ang pinaka boring na subject kaya okay lang. Eh paano ba naman ‘values’. Values are caught not taught nga di ba? Eh bakit kailangan pang ituro? At saka hindi naman nababawasan ang mga loko dito, mas lalo pa nga silang nagmumultiply. Walang division at subtraction na nagaganap!
Ang daya ni values education, wala naman siyang naitutulong sa disciplinary committee.
Bangsh!
Bumukas ang banging door ng room namin. Kaagad nagsibalikan sa kanilang mga upuan ang aking mga No Permanent Address na kaklase. Kahit saan kasi sila umuupo, ang kukulit siguro ng mga pwet nito.
Pero infairness ha, yung scene na yun ay parang sa anime lang. XDD
Nakatinggin pa rin ako sa aking imaginary window habang gumagawa ng isang imaginary anime friend na later on ay aking magiging imaginary boy friend. Astig no? Puro imaginary! Ganyan ang mga ginagawa ng mga walang magawa na otaku…
Halos lahat ng gusto mo, pwede mong makita. Yung nga lang, syempre iba yata itong si Emi. Hanggang imagination din lang ako dati! Pero dahil dito sa misyon na ito, ang imagination noon ay naging reality!
Narinig kong nagsalita si teacher, parang may ipanapakilala siya na bagong estudyante. Well, hindi ako nakikinig sa sinasabi niya, wala ako sa mood eh, at nag deday dreaming pa ako. Marahil, ito siguro yung transfer student. What a pain! Balak ko pa namang mag-update mamaya sa mga ongoing anime series na inaabangan ko. Pero dahil kailangan ko pang i-tour itong si transfer student, hindi ko iyon magagawa.
Naku, kundi lang dahil sa grade, lalayasan ko ito eh at ipapasa ko dun sa mga alipin ko sa disciplinary committee.
“So Mr. Ramos, si Ms. Santos na ang bahala sa iba pang bagay na kailangan mong malaman. Siya ang mag-totour sa iyo dito sa campus. Hey Ms. Santos, please start your job.” so naging tour guide ako, ganon?!
Para namang may beautiful spots dito sa school namin eh ang meron lang naman dito ay mabahong CR, nilulumot na building, nilindol na hagdan, hyper na teachers, at stereotypes na mga kaklase.
Well fine. Tapusin ko na lang ito ng maaga para makauwi kaagad at makapanuod ng anime.
Pinutol ko muna ang aking imagination at kaagad lumingon sa teacher ko,
Pagkatapos nito, tiningnan ko rin yung itsura ng transfer student….
Tiningnan ko si transfer student…
Tiningnan ko si transfer…
Tiningnan ko si…
Tiningnan ko…
Tiningnan-
Bwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! This can’t be happening! It’s a terror nightmare! Bigla tuloy akong napatayo habang nagtumbahan yung lamesa at upuan ko. Super gulat ako guys!
“Yung akuma!!!” sigaw ko
“Yung panget!!!” sigaw niya sa akin. Halos magkasabay lang kami!
Nahulaan niyo na ba kung sino itong transfer student? Oo, siya lang naman. Si wicked evil akuma…Xavier!!! At binibwisit talaga ako nito! Ang kaagad ba namang isinigaw nung nakita ako ay ‘panget’! Ehem! Tinawag ko rin naman siyang akuma kaya patas lang kami. -3- Pero muli kong uulitin, hindi ako panget! Sadya lang talagang akuma itong kumukutya sa akin kaya naman hindi niya magawang makita ang natural na kagandahan ko!
[Xavier’s POV]
Bakit nandito itong babaeng ito?! Sa tuwing nakikita ko pa naman ang mukha nito parang may sumasabog sa loob ng katawan ko. I hate the feeling seeing her! She reminds me of anime so much!!! Ang dami ko na ngang problema dahil sa misyon na ito eh, tapos may sumingit pa na isa pang nakakainis na panget!
At ang kapal naman ng mukha niyang tawagin akong akuma! Demon ang translation nun di ba? At ang mga demon ay panget at masasamang nilalang. Gwapo naman ako, oo, super gwapo ko kaya. At saka sabi nga ng lola ko, kasama na rin daw ng pagiging gwapo ang pagiging mabait. So kung gwapo ako, eh di mabait din ako…PERIOD!
Bulag lang siguro itong panget na to.
“Magkakilala kayo?” tanong nitong unknown teacher sa tabi ko. Ano bang klaseng tanong yun. Di ba obvious? Magiging ganito ba ang reaksyon namin kung ngayon lang kami nagkita? Ano kami, sira ulo? Walang common sense si teacher.
“Nakita ko lang naman ang babaeng iyan na bina-block mail ang isang lalaki walang kamalay-malay.” totoo naman ah. Pinagmamasdan ko kaya sila ni Natsu, at kita ng dalawang mata ko na nananamantala siya. Palibhasa, mayaman yung na-possessed ni Natsu.
Nagsitinginan ng masama yung mga kaklase namin dito kay panget. Oho! Mukhang kakampi ko sila.
“Excuse me, hindi ko po siya binablock mail at saka siya po ang nag offer nun Mr. Akuma. Ikaw nga itong stalker diyan eh.” sagot ni babae.
Aba, lumalaban talaga, para namang papatalo ako. Kahit babae ka, hindi kita papalampasin. Sasagot na sana ako, pero biglang nagbulungan yung mga kaklase namin.
Bulungan ito ha, kahit naririning ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Imaginin niyo na lang.
“Si emi talaga oh, well, that is expected” sabi ng isang boses
“Matakaw lang talaga yan.” dagdag pa ng isa
“Head pa naman ng disciplinary committee, pero siya itong dapat madisiplina.” sabi nila, tapos bigla silang nagtawanan.
“Uy, baka isumpa tayo ni Emi. Mangkukulam daw yan! Huwag kayong maingay”
“Oo nga pala, at sipsip pa sa mga teacher. Tiisin niyo muna yan guys.” sabi ng isang boses.
Ehhhh…napatingin tuloy ako kay babae. Nagulat ako nung makita ang expression niya. Akala ko iiyak na ito oh baka naman mag walk out dahil dun sa mga narinig niya. Pero, poker face lang siya, manhid kaya ito, oh baka naman sanay lang talaga? Mukhang may problema si panget dito sa mga kaklase niya. Pero personally, I do not care. Problema niya yun, medyo interested lang ako.
Eto naman si teacher, wala lang. Parang wala lang paki alam sa mundo kahit nag aaway na yung mga estudyante niya. Nakaupo lang siya habang kumakain ng pockey. Teacher na kumakain ng pockey, bago to ah.
Maya maya, may nagliparang ginuyumos na papel sa harap ko. Ehhh, anong meron?!
“Uh oh! Ang dami ko na palang basura sa bag. Maitapon na nga”
“Ako rin eh, dami kong scratch sa math. Pampasikip lang ito.” sabi nila. Pero obvious naman na ginagawa nila iyon upang batuhin si panget gamit ang papel.
[Emi’s POV]
Sumusobra na itong mga bwisit kong kaklase ah, okay pa sana kung words lang yung binabato nila, pero papel eh! Papel! Kahit konti lang ang mass nito, masakit pa rin kapag tumatama sa mukha ko! At etong si Akuma naman, sa imbis na tulungan ako, ayon, nakapamay awang lang. Parang nag eenjoy pa nga sa bullying na nagaganap eh! Bagay talaga siyang tawagin na akuma.
Hoy! May anti-bullying law na po! Baka gusto niyong maselda ng wala sa oras?!
Ilang minutes na yung dumaan pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagbato ng papel sa akin! Baka malunod na ako sa dagat ng guyumos na papel dito mamaya!
I need to stop this, and besides, ang pasensiya ko ay wala na…
(Evil stare is activated)
Buti na lang effective itong super frightening stare ko. Parang sharingan lang eh. Nagsitigilan sila, at obvious na takot. Pero there was this girl na mukhang hindi masyadong tinamaan ng aking sharingan. Tumayo siya at kinuha yung maliit na flower vase dun sa may table ni teacher.
At…
At…
Ibinato niya iyon sa akin…
[Paalala: Ang Scene po Na ito Ay naka Slow Motion]
Umiikot yung babasagin na vase habang umaandar papunta sa direction ko. Takte! Kapag tumama ito, ang tiyak na tatamaan ay ang fair face ko! At saka masakit yan ha, solid ba naman na flower vase ibato sa iyo?! Baka ma-ospital na naman ako! Baka matanggalan ako ng ilong! Oh no, walang Amu dito ngayon, walang tutulong sa akin!
Andiyan na, 30.675 centimeters away from me na lang. Sasalpok na yung flower vase. Gusto ko sanang igalaw yung katawan ko, pero for some reasons, parang naparalyzed ako. Ewan ko ba kung nagulat ako, natatakot, o kaya naman side effect lang nung sharingan ko.
Bahala na! Matamaan na kung matamaan!
Ipinikit ko na lang yung mata ko, habang hinihintay na tumama yung vase.
Pero…after the calculated time of hit…
Wala akong naramdaman na sakit. Namanhid na kaya ang katawan ko? Bakit hindi masakit?!
Maya-maya…
Kring Tsk Tang Fring ( please imagine na ito po ay tunog ng isang nababasag na glass upon hitting a surface XD)
Nabasag yung vase. So meaning, may tinamaan, pero kung hindi sa akin, saan? Kanino? Iminulat ko yung mata ko, and I was shocked!
Super shocked! As in I cannot express kung gaano ako nagulat nung nakita ko kung saan tumama yung vase.
“Tse! Masakit yun ah! Don’t go hitting someone else with something as solid and sharp as this.” sabi ni Xavier. Humarang si Xavier sa harapan ko kaya naman siya yung tinamaan. Bakit ako tinulungan nito? Di ba nga nag eenjoy pa siyang binubully ako? Binigyan kaya ito ng pockey ni teacher kaya nagbago ng mood? Pero it is really so shocking. Napanganga nga ako eh! Maya-maya, may tumulong red liquid mula sa mukha niya.
Uwa! Dugooo!!! May dugo! May malaking cut sa noo niya! So sa mukha pala siya natamaan! Oy ha, aaminin ko, ngayon lang ito, promise, hindi ko na ulit ito uulitin…
Gwapo itong si Xavier! At di ko madescribe kung magiging bawas pogi points ba yung sugat niya sa noo or baka maging dagdag points pa yun! Pero this is going too far! May nasaktan dahil sa walang kwentang commotion ng mga kaklase ko! Hindi ko ito mapapalampas.
Nakita ko ang mga facial expression ng kaklase ko, super terrible ng mga mukha nila. Mas natakot sila nung nagkaroon ng sugat si Xavier. Mas lalo na yung babaeng nagbato ng vase. Ang putla na nga ng mukha eh. Ikaw ba naman ang manakit ng isang transfer student. Malas lang nitong si Akuma, dito siya napadpad sa magulong school namin, at dito pa talaga sa section na tadtad ng antagonists.
Naglakad ako ng konti papauna. Sineset ko lang naman ang stage ko para sa aking wonderful speech.
“This is too much! As the head of disciplinary committee…I have the right to give this punishment as long na may witness (si teacher yung tinutukoy ko, tumango naman siya, lagot kayo sa akin ngayon), lahat kayo ay sanctioned and will proceed to the guidance counsellor!” sigaw ko sa kanila. Ito na yata ang pinaka seryosong talumpati na nagawa ko sa buong buhay ko. Well, hindi ako seryosong tao eh XD Hindi naman sila makareklamo. Ngayon ko lang narealize na ang sarap palang magkaroon ng power to punish! Feeling ko tuloy, isa akong makapangyarihang anime character! Feel na feel ko talaga itong ginagawa ko.
“Oy, follow me. Pupunta tayo sa guidance.” utos ni teacher. Loko rin itong teacher namin no? Parang wala lang sa kanya yung mga nangyari. Pakain kain lang ng pockey eh, hindi man lang namimigay. Penge ng pockey! Para sa mga hindi nakakaalam kung ano yung pockey, yun po ay yung bread stick na may balot na chocolate. Masarap yun kainin kapag nag rereview ka. Anyway, enough for the explanation. Sumunod naman yung mga kaklase ko, tapus biglang pumasok sa isipan ko yung sugat nitong si Xavier, kaagad ko siyang nilapitan.
“Oy, ayos ka lang ba? Hala, ang laki ng sugat mo, malapit lang dito ang clinic ka-“pero bigla niyang tinapik yung kamay ko nung hahawakan ko sana yung sugat niya.
“Shut up! Huwag mo nga akong hawakan! Syempre malaki itong sugat, ikaw ba naman ang batuhin ng vase sa mukha! Malas ka talaga…” sabi niya nang biglang napasandal siya sa akin. Parang nawalan ng balance si Xavier kaya naman parang napayakap siya habang yung ulo niya ay nandun sa may balikat ko.
>//// masaya pa sana ang buhay ko ngayon.