Kapitulo 1
Disclaimer
Para malinaw ang lahat, paalala lang na ang ibig sabihin ng salitang Otaku sa kwentong ito ay iba sa kahulugan na meron ang salitang ito sa Japan.
"People give meanings to words, not the otherwise."
In this story, Otaku refers to a deeply obsessed Anime/Manga fan but not to the point he or she neglects reality. Still this person is a normal human, committing to the natural laws of morality.
Kaya paki-usap lang, bago ka mag decide na maging hater ng kwentong 'to, paki-review muna ang diksyunaryo mo.
This book is not made to inflict any insults to Japanese people, including their beliefs and traditions. It is fictional, purely born out of imagination.
All Anime characters used belong to their respective owners. However, the plot, original characters, and the remaining parts of this book are under a copyright. Unauthorized distributions in any forms are punishable by law.
This book is not perfect. The main character herself is crazy enough. So if you are a reader looking for perfections and a boring decent protagonist with boring plot twists occurring on her boring life, THIS IS NOT FOR YOU. On the other hand, if you are searching for a unique, crazy, and out-of-the-world adventure, this book is highly recommended.
Kapitulo 1
Ang init talaga sa Pinas! Anyway, hello guys! Ako nga pala si Emi, yun ang tawag ng marami sa akin, kasi naman sobrang haba ng tunay kong pangalan.
Gusto niyo bang malaman? Well, huwag kayong ma shock ha. My real name is Emina Sakura Lucy Mikasa De Jesus Santos. LOL! So siguro napansin nyo na? Oo exactly! Makaka relate ka sa name ko kung mahilig ka sa anime! Ang adik na nanay ko kasi ang may kasalanan kung bakit ganyan kahaba ang name ko.
I remember nung grade 2 ako (hala grade 2 pa lang curious na ko XD), tinanong ko tatay ko kung bakit ganito kahaba pangalan ko. Sabi niya, dahil sa sobrang kaadikan daw ng nanay ko sa anime, hindi raw ito makapili ng name for me.
I think it took 1 week for them to decide, and take note na napanganak na ako nun! (so 1 week akong undecided ang pangalan, hanep ah!) In the end, di raw talaga makapili nanay ko, kaya yun, pinag sama-sama na lang nila ung names. Hanggang sa.... tadaaaan! My long name was born!
Ang daming paghihirap na dinanas ko sa pangalang yan! Naku, kay haba ba naman. Alam niyo iyong feeling na ung mga kaklase mo nandun na sa number five habang nag qu-quiz kayo, tapos ako, katatapos pa lang magsulat ng pangalan, nakakangalay!
Tanda ko pa nung NAT at NCAE namin, naging problema ko yang name na iyan kasi hindi mag kasya dun sa box provided! Iba-iba rin tawag sa akin ng mga nakakakilala ko.
So para wala ng gulo, I’ve decided na ‘Emi’ na lang for short! Ang ikli lang di ba?
And that’s the story of my name.
Now, let’s go to the real one.
Just like what I told you before, ako si Emi, 16 years old. Simpleng tao. May mahabang black hair (with waving bangs) and big brown eyes, hindi katangusan ang ilong ko, pero white complexion naman.
Pinaglihi kasi ako ng nanay ko sa gata ng niyog (para sa mga hindi nakaka alam, ang gata po ay Filipino term for cocnut milk). As in araw-araw pinapa-akyat niya tatay ko sa puno ng niyog para lang may gata siyang mainom.
Maraming nag sasaabi na hindi raw ako kamukha ng mga magulang ko (so ampon ako, ganun?!)
Pangit daw kasi sila, tapos ako maganda (wow, compliment naman pala XD).
Nung tinanong ko nanay ko kung bakit ganito, sabi niya aside daw sa gata, pinaglihi rin daw ako sa anime.
Kaya huwag na kayong magtaka kung magtagpo tayo if ever, at makakita kayo ng real human anime version. I grow up na ang itsura ko anime style, maliban na lang sa uniform. Di naman ako pwedeng mag sailor-uniform dito sa pinas no! Conservative kasi mga pilipino kaya ang haba ng palda.
Pero guys, aaminin ko na nahawa na rin ako ng nanay ko, naadik na rin kasi ako sa anime. This is why, proud ako kung sino man ako today. Mahilig din ako sa magbasa ng libro, especially fiction stories (harry potter, lord of the rings, percy Jackson etc…).
At ahem, alam niyo ba na kahit ganito karami ang distraction sa life ko, I still manage to be the top student of our class. So I guess medyo na fi-figure out niyo na ang dating ko sa ibang tao.
Unfortunately, for them, ako ay isang loner nerd otaku na walang paki-alam sa iba. Mataray at mataas daw standards ko. Siguro, they arrive at this kind of conclusion kasi palagi nila akong nakikitang mag-isa na nagbabasa or nanunuod ng something.
Busy kasi ako sa mga interests ko, at wala na akong time na makipag-interact sa iba. Now, that I’m in 3rd year high school, I only have two friends. Hulaan niyo kung sino.
Sino pa ba kung hindi sina book at TV.
Thankful ako sa dalawang ‘to, because they always make my day adventurous. Yung feeling na feeling mo ang dami mong napuntahang different worlds in just one day. You’ve also met different people whose character were just so admirable. At ang pinaka hanep sa lahat,
ang dami mong naging crush within just one day.
Oo, they don’t belong to reality. Eh ano naman? Anong magagawa ko kung mas prefer ko pa ang fantasy? Kahit fiction lang sila, for me they are real! They live inside my mind. These people you called ‘fictional characters’ make smile when ‘real people’ just can’t!
Hindi naman sa ayaw ko sa real people. Friendly naman ako, at willing na makipag-kaibigan sa kanila kung sila ang unang lalapit sa akin. Mahiyain kasi ako, kaya I won’t make the first move. Pero wala eh. Ewan ko kung takot sila sa akin. Bakit mukha ba akong monster na nangangain ng tao?! Ang ganda ko kaya! (well iyon ang sabi ng parents ko, ewan ko kung totoo).
I also have many experience sa mga bullies, palagi nila akong kinukutya, ang tawag nga nila sa akin ay “mataray na gata.” (may emotion ba ang coconut milk?!).
Hindi ko na lang sila pinapansin. Mabait kasi ako eh. Ayaw ko ng gulo. I let them say what they want even though it hurts deep inside.
Kung meron lang sa Guinness World of Records na “no human friend since birth” category, ako na siguro ang nag wagi.
Real people always make wrong impressions about me. Ang dali nilang mang husga no?!
If they cannot accept the kind of person I am, then I also cannot accept them. Kung ayaw nila sa akin, eh di huwag. Nag-eenjoy naman ako sa own little world ko eh. I have lots of fictional friends and crushes >///
Share ko lang motto ko sa life: “what other people think of you is not important, what is important is what you think about yourself.”
Pero ngayong nagiging medyo mature na ang immature kong utak, medyo na re-realize ko na in many ways...what other people think of you is still important, no matter how good you think about yourself.
No man is an island. No man can live alone. I live in reality, and no matter how I wish na ma-teleport ako sa fiction, hindi iyon possible.
Ngayon ko lang na-realize na kailangan ko rin pala ng human friends and crushes. Gusto ko ring mag-enjoy sa reality. Pero paano ko mababago ang impression ng iba sa akin kung I built this kind of ‘leave me alone’ aura around me?
No one dares to become my friend. Nagkakaroon lang ako ng time na maka usap sila kapag may group works and reporting. Other than that, I’m always alone with my books and loptop out in the wilderness.
At dahil nga na-dedevelop na ang secondary characteristics ko as an adult, naiinggit ako pag may nakikitang mag bf/gf diyan sa paligid.
Have I told you na nag kalat na parang epidemic sa school namin ang mga PDA? Sa bench, canteen, classroom, CR, library, at kahit diyan sa mismong harapan mo, may mga PDA!
Kainggit! I wonder how it feels na magkaroon ng boyfriend. Siguro ganoon din iyon sa kilig factor and adrenaline rush na nararamdaman ko kapag nagbabasa ng romance manga!
Well, dahil dito sa monster aura ko, that’s impossible for me. Pag may kausap akong classmate na lalaki during our group reports, palagi silang nagmamadali. Para bang gusto na nilang matapos usapan namin ASAP! Tapos namumutla pa sila at nanginginig ang tuhod. Mga bading siguro. Pero unbelievable, so ibig sabihin, bading lahat ng kaklase kong lalaki? OMG!
Walang lalaki or babae na nagkakaroon ng interest sa akin, tao man o hayop. Kahit nga mga aso at pusa tumatakbo pag nakikita ako eh. Parents ko lang siguro ang nag iisang nilalang na may guts na makipag usap sa akin.
This is the reason why I always escape from reality. Hindi kasi ako magiging masaya if I face reality. So I got no choice but to remain as the loner nerd otaku girl that everyone thinks of me.
Pero there comes a day that start to change my life. Hindi ko ine-expect na darating pa ang araw na ito. I mean, I thought na hindi na magbabago ang buhay ko. Curious kayo nu? Eto siya, sasabihin ko kung anong meron…
Lunes noon, middle of the school year. Everyone is shock na may mag ta-transfer na student, at sa section ko pa. Well, I particularly do not care, pare pareho lang naman silang lahat. Napakinggan ko lang ito sa teacher ko na tsismosa. Siguro hanggang sa kulay ng panty mo eh alam niya.
I was walking in our corridors when suddenly nag sigawan ang mga girls na kasabay kong naglalakad. Halos mawalan na sila ng boses sa sobrang lakas ng sigaw nila. Grabe, nakaka bangag. Baka matanggal lahat ng ni-review ko nito! Exam pa naman namin bukas! Nag lakad ako palayo habang tinatakpan ung tenga ko at naka pikit ang mata. Tinalo pa nila ung tunog ng ambulansya sa ingay!
Then, I suddenly bumped at someone. Dahil sa sobrang lakas, napa tumba ako. Natapon tuloy mga manga ko. Geeesssshhh! Magkakasugat ang mga mahal kong manga, masisipa ko ‘tong epal na bumanga sa akin eh! At dahil nga sa nainis ako, I display that scary angry facial expression of mine. Tapos biglang tumahimik ang lahat nung nakita nila ung expression ko. Well, never mind. Expect ko na ganun ang magiging reaction nila.
Minulat ko ung mga mata ko, tapos binigyan ko ng evil stare ung bumangga sa akin. Woah, in fairness, may itsura ito, pwede na sa category ng bishounen.
Matangkad, medyo malago ang buhok na may pagka-blond, matangos ang ilong, at katamtaman ang complexion. Naka tingin din siya akin, di ko maintindihan ung expression ng mukha niya. Well, medyo may pagka apathetic ako eh, kaya kaagad kong tinanggal yung tingin ko sa kanya.
I just focused on picking up my fallen poor manga. Naku, kung wala lang tao nasipa ko na talaga tong taong ito. How dare him to hurt my precious manga!
Tahimik pa rin ang atmosphere, para bang may dumaang anghel na nakahubad habang sumsayaw ng gentleman.
My school mates froze in their place upon seeing that very scary evil stare of mine. Sanay na naman ako eh, ang tingin kasi ng mga tao sa akin ay halimaw. Pero astig ha, parang may geass mata ko. Ang hindi alam ng iba, ine-enjoy kong takutin sila. Feeling ko kasi may super powers ako katulad na lang ni lelouch sa code geass o kaya naman si Jane ng Twilight.
Pero syempre, mixed emotions. I don't want them to be scared of me.
While I’m about to pick one book, si gwapo ay bigla na lang hinawakan ung kamay ko. Nagulat naman ako, first time na may nag dare na humawak sa akin ng ganito ka-casual. Manyak kaya ito? oh baka bulag, di ba siya natatakot sa akin? and then he started to talk
“Okay ka lang ba? Di ka ba nasaktan? pasensya na, di kita napansin eh. Tulungan na kita.”
Sabi niya, at mukhang sincere naman. Wow, ang lamig ng boses niya ha. Singer kaya ito?
Oh Emi! Wake up! Pare pareho lang sila, sa umpisa lang yan, hindi niya lang siguro nakita ung evil stare mo. Malabo siguro mata nito. Isa pa nga…
(and then...evil stare is again activated).
Wala pang taong naka galaw pagkatapos makita ang evil stare ko.
BUT
Sa halip na matakot, tumawa pa siya. May sira na siguro ulo nito. Ibang klase ah, abnormal kaya ito? Ewww, allergic ako sa ganyan, maka pag comment na nga.
“What’s funny?”
I said with a very cold voice. Nagtakbuhan ung mga tao sa likod ko habang ung mga babae eh nagsisigawan na parang nakakita ng demonyo.
Nang tumingin ako kay gwapo, naka ngiti lang siya. Abnormal talaga ito, I immediately hurry up to pick up my precious manga. Pero tinulungan pa rin niya akong pulutin ang mga libro. Wow, gentleman kaya ito? Oh baka wala lang magawa.
“Ang cute ng stare mo Miss.”
sabi niya habang kinukuha ung manga ko na nasa may paa niya. Nagulat naman ako dun! Ehhh!!! Na kyutan siya dun? Biglang nagkaroon ng hot sensation sa katawan ko.
“Malabo ba mata mo? or abnormal lang talaga taste mo? Di mo ba nakita na nagsitakbuhan ung mga tao dahil natakot sila sa akin?”
sagot ko habang nakakunot ang nuo. This person is definitely toying up with me. Akala niya siguro maloloko niya ako. Hello? Expert yata ako sa mga situation like these, marami na akong lessons na natutunan sa manga at anime no!
“Haha! Ako? Matatakot sa stupid stare mo? That stare looks like a normal stare for me.”
Sabi niya habang sabay kaming tumatayo at iniabot niya ung mga libro kong hawak niya. Kinuha ko ung mga libro in a fast manner. Tapos sabay tingin ulit sa kanya. Ok na sana eh kung hindi niya sinabi ung word na ‘stupid’. Nakatingin din siya sa akin with a smirk on his face. Nakakaasar na mukha nito ah. Ang gandang tapunan ng tae.
“Can you please move aside, you're blocking my way.” Sabi ko habang naka simangot. Napa english ako ng wala sa oras.
“Oh sorry. Anyway, ingat miss.”
He replied habang nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. I watched him while he is walking away. He is weird. It is my first time meeting a person who is not afraid of me. Kung makapag usap parang feeling close?
Pero, ewan ko ba kung bakit bigla akong napangiti. Feeling ko lang gumaan ung loob ko. Siguro dahil sa wakas, nakakita na ako ng taong iba sa karamihan. Despite of my scary aura, nakipag usap pa rin siya sa akin. Amazing. I’m about to turn around when I heard him call for me...
“Miss, nalimutan kong sabihin…..
may tagos ka!”
Pag kasabi niya nito bigla siyang tumawa ng malakas sabay lumakad ng mabilis palayo.
What?!!! Oo nga pala, nalimutan kong mag lagay ng napkin! Shet! Lumingon ako upang makita kung nandun pa siya. Pero wala ng tao. I felt so very embarrassed and at the same time irritated. Lokong period ito, pinahiya ako, at sira ulong lalaki yun ah, pinag tripan ako! Hindi source ng entertainment regla ko nu!
Kaagad akong nagtungo sa CR upang…alam mo na. Buti na lang may extra akong dala XD
At natapos ang araw na ito habang nag rereflect ako sa sarili ko about that embarrassing moment with that mysterious person.