[Emi’s POV]
Yo min’na! Hulaan niyo kung nasaan ako…
Hulaan niyo…
Sirit na?
Andito lang naman ako sa mall. Bibili sana ako ng textbook na kailangan sa isang subject namin. Pero hindi textbook ang nabili ko eh…
MANGA!!! Masyado lang akong naakit nung nakita ko yung complete volume ng Shugo Chara manga sa booksale. Hindi ko tuloy napigilan yung sarili ko na bilhin yun instead of my textbook.
Mananakot na lang ako siguro ng mga uto-uto kong kaklase para pahiramin nila ako. Ang sama ko nu? Hahaha! Pero kanya kanyang technique lang yan, kapag mahina kang dumiskarte, mamumulubi ka!
Naalala ko tuloy si Amu. TT__TT Sobrang miss ko na siya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?
Nakikipagdate kaya siya kay Ikuto o baka naman si Tadase ang kadate niya. Teka, dapat pala tinanong ko kung sino ba talaga ang mahal niya sa dalawa! Ang gulo kasi ng feelings niya eh! Pero kahit sino naman sa dalawa, vote ako! Pareho naman silang mabait…at ang higit sa lahat, gwapo! XD
Andito ako ngayon, naglalakad sa palibot ng mall. Wala lang, wala lang akong magawa eh. Ayaw ko munang umuwi, masarap kayang tumambay sa mall kasi malamig compared to my small apartment na nakakasuffocate! Free aircon tapus free wifi pa! Yun nga lang as if naman na may loptop ako XD
Mahirap lang ako eh, walang pambili ng loptop. Pero in the future magkakaroon din ako niyan! Nasabi ko na ba sa inyo ang aking ultimate dream in life?
Gusto ko sana maging…ANIMATOR!
Oh diba? Pangarap niyo rin ba yun? Para sa akin kasi, hindi lang yun simpleng pangarap. I will definitely work hard to turn that dream into reality!
Yun bang ka-level ni Hayao Miyazaki! Kilala niyo ba siya? Idol ko kaya yun. Siya lang naman ang isa sa pinaka successful na animator/director/mangaka na hindi lang kilala sa buong Japan! Kilala rin siya sa buong mundo! Nakatrabaho lang naman niya si Walt Disney, at together silang bumuo ng projects related to animation! Spirited away, howl’s moving castle, whisper of the heart at kung anu-ano pa ay ilan lang naman sa mga super gandang gawa niya.
Kung hindi niyo pa siya kilala, google niyo na kaagad! Tapos panuorin niyo yung mga works niya! Hindi ako nag eendorse dito ha, binibigyan ko lang kayo ng suggestion kung naghahanap kayo ng sunod na anime na papanuorin niyo. Super ganda kasi, kahit simple lang ang animation, may something dun sa flow ng story na cannot be explained. As an Otaku, huwag kayong mamamatay hangga’t hindi niyo pa napapanuod ang isa sa mga works ni Hayao Miyazaki XDD
Buti na lang ka-close ko si idol…yun nga lang, sa panaginip ko lang. XD
“Araaaay!!!” napasigaw ako. May bumungo kasi sa akin. Nabagok tuloy ang matigas kong bungo! Sino ba itong lokong bumungo sa akin? Nandito lang naman ako sa may baba ng escalator, napahiga tuloy ako…
Wait…hindi simpleng higa eh!
“Kyaaaaa!!! Ecchi!!!” sigaw ko sabay tulak with matching sampal dun sa lalaking parang meteorite na sumalpok sa akin. Eh paano ba naman, ang weird ng posisyon ng pagkahiga namin. Nakapatong siya sa akin tapos…
Tapos…
Yung kamay niya nandun sa boobs ko! Parang sa anime lang?! So ganito pala yung feeling >. tanong niya in a very unpleasant tone, at kasabay nito ang pagtatagpo ng mga mata namin SA UNANG PAGKAKATAON.