Pero nang biglang umandar si train…
Shet! Feeling ko may tug of war sa likuran ko at ako yung lubid! Matutumba ako! Akala ko ba may aerodyanamics ito! Bakit nafefeel ko ang Newton’s 2nd law of motion?! Aabutin sana ni Miya yung kamay ko, pero kapos! Hindi niya ako inabot!
“Emi!!! May bakal sa likod mo!” sigaw niya sa akin.
[PAALALA: ANG SCENE PO NA ITO AY NAKA SLOW MOTION]
Bakal? Tumingin ako sa likod ko, may bakal nga! Hala, mauuntog ako! I forced myself to retain my balance, pero wala eh, out of balance na talaga ako. Nakita ko yung facial expression ni Miya, masyado siyang worried. Wow, I saw another emotion coming from her again! Pero hindi ito ang time para diyan! Mauuntog ako….
Mauuntog na talaga ako…
Malapit na…
Andiyan na!
Bwwoooooggggggsssssshhhhhhh!!!!
At nauntog nga ako, then I lost consciousness.
Noong nagising ako, wala na ako sa loob ng train, I found myself inside a small room painted in white! Lahat ng bagay sa paligid ko white! Tapos may krus pa ni Jesus Christ na nakasabit dun sa pader! Hala! Patay na kaya ako? Exaggerated naman yun, nauntog lang ako tapus namatay na kaagad?!
“Oh no! Ibalik niyo ako sa earth! May misyon pa ako!” sigaw ko, tapos may biglang sumampal ng mahina sa pisngi ko. Nang makita ko kung sino yun, si Miya pala! Nakaupo siya malapit sa tabi ko. Kaagad akong bumangon.
“Hala Miya! Patay ka na rin? Nauntog ka rin ba?!” tanong ko, tumawa ng konti si Miya, tapos pinitik niya yung noo ko. Araay! Masakit yun ha!
“Sira, wala tayo sa langit. Nasa clinic tayo. Nabagok kasi yang ulo mo tapos nawalan ka ng malay. Dinala kita sa pinakamalapit na clinic. Buti na lang, matigas yang bungo mo, at walang masyadong komplikasyon.” sagot ni Miya. Narelieve ako na hindi pa pala ako patay, buti na lang. Marami pa akong kailangang gawin sa misyon ko. Masyadong madidisappoint sa akin si Usui kung namatay ako kaagad.
Disappointment…hmmmm…
[ting]
Bigla kong naalala na may pupuntahan pala kami ni Miya, pero dahil nga sa mga kapalpakan na ginawa ko, hindi pa namin ito nagagawa. Masyado na sigurong disappointed si Miya. Wala na akong pag-asang maging kaibigan niya.
“Miya! Anong oras na?! Magshoshopping pa tayo di ba?” tanong ko sa kaniya. Umiling-iling lang si Miya. Tapos itinuro niya yung wall clock. 6 PM na pala! Grabe! Ilang oras na pala akong nawalan ng malay? Haiy, ang malas ko naman ngayong araw!
“Masyado na tayong late.” dagdag pa ni Miya. Huhu! Parang may something dun ah. Deep inside siguro, naiinis na siya sa akin. Bakit ba kasi sa lahat ng araw, ngayon pa ako dinalaw ng kamangyanan at aksidente? Wala naman akong balat sa puwet ah…
TT__TT
“Anooo, Miya…okay lang kung napipilitan kang samahan ako dito. Pwede ka ng umuwi, bahala na ako sa sarili ko. Pasensiya ka na ha, dahil sa katangahan ko, hindi mo tuloy naggawa ang mga plano mo. I’m ashamed of myself.” sabi ko habang nakatungo.
Totoo naman eh, lahat ng nakakahiyang side ko, naipakita ko sa kaniya. Tapos nagdulot pa ako ng dagdag problema. Bakit ba sa tuwing pinapagaralan mo ang isang bagay, mas lalo ka pang bumabagsak?! Naka set na pa naman ang aking ‘Ways on how to make someone fall in friendship with you,’ pero wala rin palang kwenta sa huli. Maiiyak na sana ako ng biglang nagsalita si Miya,
“Sabi nila, lahat daw tayo ay mayroong larawan ng kung ano ang gusto nating maging in the future. Lahat tayo ay may ‘future selves’ sa ating isipan. For example ako, gusto kong maging model, pero at the same time, gusto ko ring maging cook at artist. At ikaw, I’m sure na there’s something you want to become in the future. To reach these possible selves, facing humiliation and pain is necessary. Lahat naman tayo ay may first time, yun nga lang, may kanya kanya tayong diskarte sa pagharap sa mga bagay bagay. But that’s what makes human interesting, unpredictable kasi tayo. Kaya kung ako ikaw, tatanggapin ko na lang ang lahat ng nangyari and learn from it. Ganun lang kasimple ang buhay.”
Sinabi sa akin ito ni Miya habang sobrang payapa ng facial expression niya. Para bang may pinaghuhugutan ang mga sinabi niya. And some of those lines were also familiar to me…
Future selves
Cook, Model, Artist
Teka…wait lang!!! Parang may something na kailangan kong marealize ah!
Don’t tell me….
ANIME CHARACTER si MIYA?!!!!!!!
Kuudere, fashionista, magaling mag advice, and those ‘future selves’ and ‘Cook, model, artist’ thing!
“You are—“ sasabihin ko na sana kung sino siya. Pero,
If I tell who she really is, just the same as the other anime I had already encounter, she will fades away.
“Huh?” sabi ni Miya, nakatinggin lang ako sa kaniya, gusto ng lumabas ng words sa bunganga ko. Pero pinipigilan ako ng aking selfishness.
Ayaw ko pang mawala si Miya, gusto ko pang magkasama kami ng matagal. Minsan na nga lang ako makahanap ng taong tanggap kung sino ako, tapos kaagad din palang mawawala?! What’s the sense!
Pero biglang pumasok sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Usui,
“You need to find the other anime characters before it is too late.”
Hind ko alam kung gaano katagal ang ‘too late’ pero I’m sure na may mangayayaring masama kapag nagtagal pa sila sa human vessel. Baka kung ano rin ang mangyari dun sa human soul sleeping inside. Ayaw kong mapahamak si Miya na ‘anime’ at si Miya na ‘tao.’ Kaya naman, kahit gaano pa ako kasabik na i-extend itong developing friendship namin, hindi na pwede. I must do what I need to do right now, and that is to tell who she really is. Itinaas ko ang noo ko, and look directly on her eyes, at sinimulan ko ng sabihin ang magic words…
“Hinamori….Amu-“ May sasabihin pa sana ako pero bigla ng tumigil yung time. Ususual, nag froze ang paligid, at sa harapan ko ay nakaupo ang Hinamori Amu ng Shugo Chara. Uwaaa!!! Si Amu ang pinaka unang anime girl na nameet ko at super totoo talaga itong nakikita ko. Siya talaga si Amu! Pink ang kanyang buhok na naka pigtail, tapos nakasuot ng uniform ng school nila with that guardian cape pa. Nakangiti lang siya sa akin.
“Arigato…Emi-chan.” Sabi niya in a japanese accent. Uwaa XDD This is heaven! Hanggang sa ngayon hindi pa talaga ako makapaniwala na nakakaface-to-face ko ang mga anime characters!
“Sorry, kung medyo naghesitate ako na sabihin ang pangalan mo, Amu.” sagot ko, feeling guilty talaga ako ngayon. Ang dami kong nagawang kalokohan sa harapan niya. Tapos hindi ko kaagad narealize na si Amu pala itong kaharap ko.
At eto na…she is starting to fade away,
“Naiintindihan kita Emi. Kahit nga ako, ayaw na ayaw ko pang umalis. Pero dapat matuto tayong humarap sa katotohanan. We belong to separate worlds. We are strictly prohibited to live together. But for some reasons, even this is merely by chances or destiny, nagkaroon ng way para magtagpo ang mundo natin. Sa tinggin ko, dapat na lang tayong magpasalamat, sapagkat kahit sa konting oras na tayo ay nagkasama, nakagawa tayo ng mga ala-alang hinding hindi natin makakalimutan. Memories…I will treasure my memories of you. So please treasure your memories about me too.” Sabi ni Amu, malapit na siyang mawala. Part na lang ng ulo niya yung natitira.
Masyado namang nakakatouch ang mga sinasabi ni Amu! Nakakaiyak tuloy, ay teka, umiiyak na pala ako. Hindi ko namalayan. First time ko itong umiyak sa misyon na ito ha. Siguro dahil isa si Amu sa mga hinding hindi ko malilimutan na character.
“Syempre Amu! Kelan ko ba kayo kinalimutan? Walang araw na nagdaan na hindi iniisip ang anime.”sagot ko. Sayang nga lang, konti na lang, nandun na eh, muntikan na akong magkaroon ng kaibigan for the first time in my life. I guess, I still remain as the girl without friend since birth.
For the last time, narinig ko yung boses ni Amu
“Salamat Emi! Sana magkita pa tayong muli in the future. I’m really happy that you are my first human ‘friend’.”
Tapos bumalik na yung time, at ususual may naiwan ulit na tile! Yes may five tiles na ako, pero wala pa rin silang sense kapag sinusubukan ko silang buuin. Shet! Nakalimutan ko na namang tanungin kung para saan ito! Ulyanin talaga ako…anyway, marami pa namang darating sa hinaharap na pagkakataon.
Pero ang higit sa lahat, I’m really happy today! Akala ko magiging super panget ng araw na ito. Pero dahil kay Amu, sumaya ang araw ko sa kabila ng mga pinagdaanan namin kanina. Tinawag akong ‘friend’ ni Amu! Oh di ba? Hindi na ako No Friend Since Birth! May friend na ako, tapus bongga pa kasi ANIME!!! Dream came true ito para sa mga Otaku! Ikaw ba naman ang magkaroon ng friend na anime! Sobrang saya…feeling ko nanalo ako sa lotto!
Ako si Emi, at very proud akong sabihin na ang FIRST FRIEND ko ever in my life ay isang ANIME.