[Emi’s POV]
Sa kasalukuyan, ako ay nandito sa aking munting apartment.
Katatapos lang ng isang super nakakahiya pero masayang araw.
Masaya ako ngayon dahil for the first time in my life….
May nakilala akong isang taong hindi natatakot sa akin.
Ang pangalan niya ay Miya,
And if these continue, baka siya ang maging first love ko…
Ah este first friend XD
Di ba No Friend Since Birth (NFSB) ako? Kaya naman super excited ako na magkaroon ng friend.
Desperate ako guys! Super desperado talaga ako na magkaroon ng kaibigan.
At dahil nga ayaw kong mauwi sa ‘epic fail’ itong developing friendship namin ni Miya…
Eto ako ngayon, nagreresearch on how to make someone fall in love with you.
Ay mali, I mean ‘how to make someone fall in friendship with you’.
Oh di ba astig pakinggan?
At iyan sa kasalukuyan ang aking pinagkakaabalahan.
At dahil nga wala pa akong previous experience tungkol sa pagkakaibigan , I consult my beloved manga and anime for advice!
Lupet talaga ng anime at manga! Super dami kong natutunan!
Sa friendship man yan, science, history, at minsan kahit sa rated SPG things like gender and sexuality,
The best source ang anime at manga.
Ang mga natutunan ko ngayong gabi ay magagamit ko bukas.
So marahil nagtataka kayo kung anong meron bukas?
Ganito kasi yun, end of the world na bukas kaya dapat ready ako.
Joke lang!
Ang totoo niyan, inimbitahan ako ni Miya na mag-shopping sa SM Clearance! Mura daw kasi doon tapus marami pang high quality na mabibili. Namumula pa nga siya noong niyayaya niya ako eh. Super mahiyain kasi ni Miya.
Napansin niya kasi na para daw akong Manang kung manamit. Tinalo ko pa raw ang lola niya sa taste pagdating sa fashion. Kaya naman inimbitahan niya ako na sumabay na lang sa kaniya sa pagshoshopping. Wala naman kasi kaming pasok bukas kasi holiday.
Tapos eto pa ang malupet,
Libre raw ni Miya!
Uwaa, oh di ba? Bihira lang ang mga taong nanglilibre lalo na sa panahon ngayon na wala ng libre!
Kaya naman kapag may nanlibre sa iyo, i-grab mo na kaagad! Sayang yan kapag nabawi pa.
Anak mayaman kasi si Miya, so money is not a big deal for her. Medyo nakakainggit nga eh, sana mayaman din ako. Siguro kung kasing yaman ako ni Manny Pacquiao, baka nabili ko na ang buong Comic Alley! Pero walang magagawa, mahirap lang ako.
Pagkatapos kong imemorize lahat ng tips on how to make someone fall in friendship with you, kaagad na akong natulog while hugging my soft pillow wherein all hot bishies are printed.
[Kinabukasan]
Bangsh!!!!
Araaaayyyy!!! Nauntog ako sa pader! Semento pa mandin! Ayan, ang laki na tuloy ng bukol ko sa noo! Para akong may super laking pimples!
TT_TT
Bigla kasi akong napabalikwas ng pagbangon! I just have a very scary dream! A nightmare!
Tumatakbo raw ako ng super bilis, kasi naman hinahabol daw ako ng isang colossal titan, armored titan, at nung female titan! Kakainin daw nila ako!
Uwaaa!!! No…may mission pa akong isave ang anime, huwag niyo muna akong kainin!
Anyway, panag-inip lang naman yun. I look at my wristwatch, hala! 7 AM na! Usapan pa naman namin ni Miya ay 6:30 sa LRT station! Super late na ako! Patay ako nito, bawas point kaagad!
Kaagad akong nagpalit ng damit. Hindi na ako naligo, mabango naman ako eh. Hindi na rin ako nag tooth brush, may max kendi na naman ako, pwede na yun! XD
Dumating ako sa LRT station ng mga 8:00 AM na, traffic kasi! Kaagad kong nakita si Miya. Buti na lang hindi siya umalis, nakasandal siya doon sa may pader malapit sa bilihan ng ticket.
Astig ng porma niya guys! May eye liner sa mukha with make up, tapos naka maiksing palda at sleeveless na shirt! Naka knee socks din siya, tapos yung shoes niya with hills.
Avril Lavigne lang ang peg?
Nung parang na-feel niya ang presence ko, kaagad siyang lumingon sa kinatatayuan ko with matching “evil stare.”
Oy oh!!! Nakita niyo ba yun? May Emi the second na! Kaagad siyang naglakad papunta sa akin, habang ako naman ay nagiisip na ng aking palusot. Nakakatakot si Miya! Pwede na talaga siyang maging apprentice ko!
“Hoy! Marunong ka naman sigurong tumingin ng oras no? Alam mo ba kung anong oras na?!” sigaw niya sa akin.
Oo Miya, marunong akong tumingin sa oras, chill ka lang. Napakamot tuloy ako sa ulo. Yosh! This is now the right time to apply what I have learned last night!
Ways on how to make someone to fall in friendship with you:
Wear the best smile you can as long as possible [in front of her]
“Ah pasensiya na Miya, napa sobra kasi tulog ko. Nagising na lang ako 7 am na. Sorry, peace na tayo. Libre kita ng kendi gusto mo?” tanong ko habang naka ngiti. Ito na yata ang super laking ngiting mabibigay ko sa buong buhay ko. As in halos magmeet na yung labi ko at tenga sa sobrang lapad. Nakalabas din ang super white kong ngipin (in my own opinion). Pipilitin kong manatiling nakangiti ng ganito kalaki this whole day. Wear the best smile daw eh as long as you can. So ito ang best smile ko!
^____________________________________________________^
Oh diba ang lapad? Parang ngiti lang ni Natsu!
Mukhang may effect kay Miya, medyo nagiging cool na yung facial expression niya. Ako naman nagsisimula ng mangalay! Hindi pala madali ito, feeling ko na-lock na yung jaw ko. Baka hindi na ako maulian, pero for the sake of friendship…super Emi will work hard!
Nagulat na lang ako ng biglang natawa si Miya. Uwaa…first time ko siyang nakitang tumawa. Ang cute niya.
“Anoo, Miya, bakit ka natatawa?” tanong ko habang nakangiti pa rin. Super ngalay na talaga! Pero dapat magtiis! Tiis tiis pa ng konti…
“Ang dilaw kasi ng ngipin mo eh, tapus nakatawa ka pa ng ganyan. By any reasons, ginto ba yang ngipin mo?” sabi ni Miya habang pinipigilan ang sarili niya na tumawa.
Nang narinig ko iyon, ngayon ko lang naalala na noong isang araw pa pala ako hindi nag to-tooth brush. Nawala kasi yung tooth brush ko. Balak ko sanang bumili ng bago pero palagi ko na lang nakakalimutan. Buti na lang may max kendi ako, para kung sakaling may bad breath, hindi masyadong obvious. Kaagad kong inalis ang aking smiling face, and replace it with my embarrassed face. Nakakahiya kasi! Palpak ang una kong move! Baka ma-turn off sa akin si Miya nito!
“Anyway, tara, bili na tayo ng ticket. LRT na lang tayo para mabilis.” Sabi niya. Aba, parang ibang Miya itong nakikita ko ngayon ah. Masyado siyang sweet and caring, unlike noong una ko siyang nakita na may pagka cold and loner. Kuudere lang?! Sumunod naman ako sa kaniya. Bumili siya ng dalawang ticket. Ibinigay niya sa akin yung isa.
Lumakad kami papunta doon sa may counter na something na kung saan pinapasok yung ticket. Nauna si Miya, ng makalabas na siya, hinintay niya ako.
Wow, so ganito para ang itsura ng isang train ticket? Amazing…
Aaminin ko na, ang totoo kasi niyan guys, secret lang natin ito ha, first time kong sumakay sa LRT. I’m not joking! Ang karaniwan ko kasing sinasakyan ay jeep, pedicab, at pinakasosyal na sa akin kapag bus. Hanggang tinggin lang ako sa mga magagarang kotse.
Ginaya ko lang yung ginawa ni Miya. Ipapasok lang naman yung ticket dun sa butas di ba? Piece of cake!
Ipinasok ko si ticket…
Shet! What’s happening, ayaw niyang pumasok! Lumingon lingon ako sa paligid at tiningnan ang ginagawa noong iba na nagpapasok din ng ticket.
Bakit yung sa kanila pumapasok?! Bakit sa akin hindi?! Sinubukan ko ulit ipasok…
Ayaw pa rin! WTF! Epal kang ticket ka!
Expired na kaya ito or baka fake itong ibinigay sa akin? Made in china siguro ito kaya fake. Itinaas ko si ticket habang hinihipan, pinupunasan, at pinipitik pitik. Hinipan ko rin yung butas na pinagpapasukan nung ticket. Baka may alikabok lang na nakasingit. Nagtitinginan na sa akin yung mga tao, ang haba na rin ng pila doon sa likuran ko. Goodness sake! This is so embarrassing!
Sinubukan ko ulit ipasok…
Puta****! Ayaw pa rin! Nakakapagmura na ako dito ah!
“Hoy ticket?! Ano bang problema mo ha?! Tinatamad ka ba ngayon? Aba, trabaho mong papasukin kaming mga passengers. Gusto mo bang ipasibak kita sa CEO niyo?!” sabi ko dahil sa sobrang inis ko. Nagsitawanan yung mga tao sa paligid ko. Shet!! Did I just said something so embarrassing?! Nilapitan na ako ni Miya, at kahit siya medyo natatawa rin. Pinipigilan lang niya. Huhuhu, bawas points na naman ulit. Pasensiya na, kayo na ang mangyan! First timer kaya ako!
“Miya, bakit ba kasi ayaw pumasok nitong epal na ticket na ito?” tanong ko kay Miya. Kinuha niya yung hawak kong ticket tapus binaligtad niya.
“Ang ipasok mo kasi ay yung may arrow, baligtad ang ginagawa mo eh. Hindi ko akalain na first time mong sumakay sa LRT.” sagot ni Miya. Alam kong sobrang gusto na niyang tumawa deep inside, pero maintained pa rin yung cool expression ng mukha niya. Kuudere talaga ito. Turn off na siguro ito sa akin! Uwaaa, bakit ba palagi na lang akong palpak…
“Oo.” ang tanging naisagot ko. Grabe, super hiya ko na talaga. Sinunod ko yung sinabi ni Miya, at sa wakas, pumasok din si ticket. Ganun pala yun? Astig… pinahirapan pa ako eh, ganun lang pala kadali. Nagulat na lang ako ng bigla ulit lumabas yung ticket. Aba! Bakit lumabas ulit iyon?! Hindi ba accepeted yung ticket ko? May sira ba? Tinawag ko si Miya
“Miya! Lumabas yung ticket!” sigaw ko, nagtawanan ulit yung mga tao. Shet, may mali na naman ba sa ginawa ko? Lumapit ulit si Miya sa akin…
“Ganoon talaga! Gagamitin mo yan para dun sa station na bababaan natin. Hindi ka makakalabas kung wala yan.” sabi ni Miya while still wearing a cool expression on her face. Oh, ganun pala yun XD Kinuha ko si ticket. Tumalikod na ulit si Miya for the second time, success na kasi ako eh!
Pero napansin ko na may bakal na nakaharang, paano ako makalalabas kung may bakal na nakaharang? May sira siguro sa ulo ang imbentor nitong ticket machine na ito,
“Miya, may bakal! Hindi ako makalabas…”tawag ko ulit kay Miya. Nagtawanan ulit yung mga taong nasa likod ko! Tsk! Ano kayo, sound effects?! Ang sarap nilang ipakain sa titan! Lumapit ulit si Miya sa akin for the third time. Medyo naiinis na yung facial expression niya. Sobrang mangyan ko talaga…
“Itulak mo lang makakalabas ka na.” sagot ni Miya. Sinunod ko naman, at yun, hindi naman pala steady yung bakal. Napabuntong hininga ako nung nakalabas na ako. Limang trains na siguro yung nagdaan habang nandoon ako sa ticket counter. Grabe! Hindi ko inakala na ganito pala kahirap sumakay ng LRT. Ang daming effort! Nagmukha pa akong ignorante sa harapan ng taong gusto kong maging kaibigan. Huhu! Isa talaga ito sa matatawag na epic fail.
Naghintay kami ni Miya ng train doon sa platform. Mayamaya, may dumating na train. Wow, ang haba ng train! Pero iba ang itsura niya doon sa mga bullet train sa Japan. Thesis ko kasi ang bullet train ng Japan nung first year ako eh. Well, pareho naman silang train, kaya siguro pareho sila ng characteristics. Yosh! Hindi na ako mangyan pagdating dito, thanks to my thesis!
Bumukas yung pinto ng train. Wow! Parang ganun din sa umaandar na pinto sa SM yung style niya. Pero shet, masyadong crowded. Ang daming tao sa loob. Nakipagsiksikan tuloy kami ni Miya! Grabe ito ha, parang sardinas kami na pinagkasya sa isang lata! What a poor quality! Tapos halo-halo pa ang amoy. Buti na lang nakahanap kami ng medyo luwag na space. Doon kami pumwesto ni Miya. Humawak siya sa safety handrill. Well, for me I don’t need to hold at something. According kasi sa studies ko, gumagamit ng aerodynamics ang trains. Kaya naman kahit uminom ka pa ng kape habang nakasakay dito, hindi ka matutumba.