“Oy Juan,…ito ba yung sinasabi mong manyak na babaeng nanilip sa iyo kanina?” sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.
Bigla akong napahakbang patalikod,
Balak ko sanang tumakbo,
Pero hinarangan ako noong isa pang lalaking kasama nila…
Pinuputok putok rin niya yung mga daliri niya sa kamay.
Kuwaii!!! MOMMYYYYY!!!
Oh nooooooooo!
Teka sinabi ba niyang manyak na babae? WTF
Isa siguro yung tinatawag niya na Juan doon sa mga lalaki kanina sa boy’s CR!
Shet! Kinakarma na ba ako?
Balak yata nila akong pulbusin!
Wala po akong laban sa mga muscles niyo no!
Maging fair naman kayo kung hahanap kayo ng gulo!
Biglang sumagot yung pinaka maliit sa kanilang lahat…
“Oo Pedro. Siya nga yun, hindi ako maaring magkamali.” sagot niya habang nakatinggin sa akin with that
paawa effect.
Parang aso lang?!
Bigla ulit nagsalita yung lalaking pangalan ay Pedro
“Hoy Bruno, huwag mong hayaang makalampas yang babae na yan sa iyo ha! Kailangan pa niyang magbayad sa ginawa niya kay Juan!”
Uwaa!!! Natatakot na ako!
Bubulbugin yata ako nitong mga taong to…
Walang galang sa mga babae!
Pero ang panget ng taste ng mga magulang nila pagdating sa pangalan ha…
Pedro, Bruno, Juan…
Feeling ko tuloy parang bumalik ako sa panahon ni Rizal!
Unti-unti nila akong kino-corner.
Anu to boxing match?
Ang daya, tatlo kayo tapus ako isa lang!
I activate my evil stare
[Evil Stare is Activated]
Shet! No effect!
What will now happen to me?!
Pinikit ko na lang yung mata ko…
Talo lola niyo eh, dehado..
Pero dumaan na and 2 minutes at wala pa ring nangyayaring masama sa akin.
Nagulat na lang ako nung minulat ko yung mga mata ko tapus nakita ko sina Juan, Pedro, at Bruno na nakaluhod sa harapan ko!
What’s happening on earth!
Kala ko ba bubugbugin ako nito?
Anong ginagawa nila?
“Anooo…bakit po kayo nakaluhod? Diba reresbakan niyo ako? Isa pong malaking pagkakamali yung nangyari kanina. Hindi ko po yun sinasadya. Ahmm…hello?! Hindi po ako ang Nazareno, baka namamalikmata po kayo.” sabi ko…
Naweweirduhan na talaga ako sa mga ito.
Nagsisikuhan sila,
Parang may gusto silang sabihin…
“Ikaw na ang magsabi Pedro, ikaw naman ang unang nagsalita eh.” sabi ni Bruno
“Mukha mo! Ikaw na lang kaya Bruno! Ikaw ang nag isip nito eh!” sagot ni Pedro. Tapos tumingin yung dalawa kay Juan…
“Eh kung ikaw na lang kaya Juan! Ikaw naman talaga ang may kasalanan eh!” sigaw ni Bruno at Pedro kay Juan. Umiling lang si Juan.
-_-
I have no idea what’s happening, para silang si Patrick, Spongebob, at Squidward na nag-aaway!
“Ako na nga lang! Ahmmm..hoy babae! Ah este Miss, nandito kami para humingi ng favour para kay Juan.” Sabi ni Pedro.
Ha? Anung meron. Pero dahil nga medyo guilty ako sa ginawa ko kanina, ako ay sumangayon na making sa kanila.
“Ahmm…ano po ba yun?” tanong ko.
Huminga muna ng malalim si Pedro bago magsalita…
“Please marry Juan! Please be his wife!” Sigaw niya
Whatttttt?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Mga nanggaling ba tong mga taong ito sa mental hospital?
Parang mga walang turnilyo sa utak eh!
Bakit ko naman papakasalan yang Juan na yan na hindi ko man lang kilala?!
“Sira ulo ba kayo? Hell no! My standards ako no!” Kaagad na sagot ko!
Sino bang babae ang papayag na magpakasal sa stranger…
“Eh kasalanan mo rin kaya! May tradition kasi ang pamilya namin, na kapag nakita ng isang babae ang [censored] ng isang lalaki…kailangan silang magpakasal no matter what! So wala kang magagawa kundi pumayag!” sagot ni Bruno
Eeeeww! Wala akong pakialam diyan sa mga walang kwentang tradisyon ng weird na pamilya niyo no!
“Kahit anong sabihin niyo di ako papayag! In your dreams!” Sagot ko
Nagsitayuan yung tatlo,
“So I guess you leave us with no choice but to force you” sabi ni Pedro…
Kuwaiii!
Anong gagawin nila sa akin!
Ayaw ko pang magpakasal or magka asawa ng wala sa oras!
Marami na akong husbands sa anime world!
Someone help me please,
I need some miracle!
Sana matamaan ng kidlat itong mga ito!
Pero maaraw, malabong kikidlat.
T_T
Uhuhuhu!
Why I always get into trouble!?
Maya maya, may biglang sumigaw. Nanggaling yung boses sa likuran namin.
Boses siya ng isang babae.
“Hoy, tatlong panget! Anong ginagawa niyo diyan ha?!” sigaw nung babae,
Lumingon yung tatlo(so aminado silang panget sila ha), at nakisali na rin ako(pero di ako panget, sisipain ko ang magsabi sa akin ng panget!).
Wow ha,
Maganda si girl!
Astig ng hairstyle at pananamit!
Fashionista!
Medyo nakakatakot yung aura niya pero hindi naman kasing panget nung aura ko.
Kaiinggit naman ito.
Bigla na lang nangilig yung tuhod nung tatlo nung nakita nila si girl.
Teka, anung meron?
“Oh no, bakit napunta dito si Miya? Diba yan yung kilabot na siga doon sa may kanto ng bahay natin?” bulong ni Pedro
“Ewan ko ba! Nakatalo na raw yan ng oso gamit lang yung dalawa niyang kamay!” dagdag naman ni Bruno.
Teka, wait! In the first place, may oso ba dito sa Pinas?!
Para talagang walang isip itong tatlong to.
“Kuya, uwi na tayo.” sagot ng duwag na si Juan.
Napakaduwag naman nitong Juan na ito! And this stranger will become my husband?!
No way in million years!
Naiinis si Miya sa sobrang tagal ng reaction nung tatlo!
“Hoy tatlong panget! Hindi pa ba kayo aalis diyan?! “ tanong niya!
Uwa…masyadong powerful ang words ni Miya!
Idol ko na siya! Paano ko kaya gagawing mas powerful ang dating ko katulad niya?
Ang cooool!
Napatakbo tuloy palayo yung 3 weird na lalaki.
While they are running…bigla kong naalala na may katulad sila sa anime world.
“The Moron Trio!!!!!!” sigaw ko
Tapus nangyari na ang pinaka hihintay ko…
Naging black and white yung paligid. All moving things stopped except for me.
Kahit si Miya naging parang statue!
Napatalon ako sa tuwa!
“Yes!!!!! I hit three stones with one bird! Ang tatlong ito ay sina Shiroyan, Kurotatsu, at Ikkun ng Kaicho wa Maid Sama! Ang moron trio! So meron pa palang Maid Sama characters na natrap dito maliban kay Usui!” sigaw ko.
Sobrang saya ko talaga.
“You mean three birds with one stone. Idiot ka rin, Emi.” sabi ni Shiroyan! Uwaa! Kahit di ko sila idol, masaya pa rin akong makita ang humorous trio ng Maid sama!
“Teka, paano niyo nalaman ang pangalan ko?” tanong ko
“Bago ka namin yayain na pakasalan si Juan kanina, nag research na kami tungkol sa iyo.” sagot ni Ikkun.
“Idiot nga talaga kayo.” sabi ko.
Tapos nagtawanan na lang kami.
At ayan na…
Katulad ng nangyari kay Usui, unti-unti na rin silang nawawala.
The sad part T_T
“Hay, medyo nasasanay na ako ng konti na kaagad na lang kayong maglalaho.” sabi ko with a lonely tone.
Sumagot si Kurotatsu…
Paa na lang nilang tatlo ang natitira.
“Gomen ne. Ayaw pa rin naman naming umalis. Pero kailangan.”
Narinig ko rin ang boses ni Ikkun
“Anyway, cheer up. Dapat masaya ka dahil napakawalan mo kami. Nailigtas mo kami, Emi. At dahil sayo, may Moron Trio pa rin sa Maid Sama. At hindi rin mawawala ang mayabang na si Usui. Arigatou.”
Oo nga naman, I must be happy!
Makikita ko pa rin naman sila sa anime eh,
and that is enough.
“ahmmm, meron pa bang maid sama characters na natrap dito?” tanong ko
“Wala na. Kami na yung last. Pero Emi, bago kami mawala may gusto kaming ipaalam sa iyo. There is another person…aside sayo na may kakayahang pakawalan ang mga anime characters dito sa mundo niyo. And you will meet this person…SOON. Ja ne.” sabi nilang tatlo ng magkasabay.
Then tuluyan na silang nawala, bumalik na yung time.
What?! May isa pang tao na katulad ko ng ability?
Wow! That’s a relief!
Magkakaroon ako ng katulong sa paghahanap ng mga anime characters!
Mas mapapadali ang trabaho ko!
Sana mameet ko na siya soon.
At katulad ni Usui, nag-iwan rin sila ng tiles.
Uwaa! Tatlo yung tiles!
So may apat na ako ngayon!
*Facepalm*
Nakalimutan kong tanungin kung para saan ito.
Anu ba yan kung ano pa yung importante yun pa yung nakalimutan ko.
Samantalang ang orginal na Juan, Pedro, at Bruno ay pagod na pagod na tumatakbo papalayo.
Infairness, hindi sila nag collapse ha! Siguro dahil sa malakas yung katawan nila.
Pwede pala yun.
I suddenly saw Miya walking away.
Oh, hindi ko pa siya napapasalamatan sa pagliligtas niya sa akin.
At saka ang astig niya talagang tingnan!
Idol ko na siya pagdating sa fashion.
Nilapitan ko si Miya.
“Anoo, Miya, salamat kanina ha, niligtas mo ako. At oo nga pala, super cool talaga ng fashion mo at hairstyle!” sabi ko habang nakangiti sa kaniya.
Gusto ko siyang maging kaibigan.
Mukhang hindi siya natatakot sa akin eh.
Nagblush pa nga siya nung pinuri ko yung style niya.
Pero bigla niya akong inirapan at nagpatuloy sa paglalakad.
“Tsk. Of course, ako pa. Cool talaga ako kahit saan mo tingnan. And please don’t call my name so casually. Hindi pa kita kilala no.” sabi niya.
Uwaa…indirect way ba yun upang matanong niya kung ano ang name ko?
May pagka narcissistic si Miya kapag titingnan mo siya sa panlabas na anyo.
Pero deep inside siguro mabait siya.
Hindi lang siguro ito marunong mag express ng sarili niya.
I know this kasi medyo parehas kami.
“[chuckle] Ako nga pala si Emi, nice to meet you Miya! Sana maging friends tayo.” Sabi ko habang iniaabot ko yung kamay ko sa kanya para sa isang friendly handshake.
Nagblush siya nung narinig niya yung word na ‘friends’.
Ang cute ni Miya kapag naga-blush! >.<
“F-Friends?” tanong niya…
“Yep! Friends! I want you to become my friend! Tomodachi sa Japanese, Amis sa French!” sagot ko.
Nilapit niya unti unti yung kamay niya.
At nakipag handshake rin naman siya sa huli.
Yun nga lang, hindi siya makatinggin ng diretso sa akin.
“You’re weird.” sabi niya with a little smile on her face.