Kapitulo 20

1400 Words
Dahil sa lakas ng impact ng naglanding sa akin, napatalsik ako sa kabilang gilid ng daan. Sloping pa naman, kaya ayon, nagpagulong-gulong ako pababa. Sana hindi bangin ito, kundi patay pa rin ako. Nagtataka lang ako kung bakit may something na mainit na parang nakabalot sa akin. Naimulat ko ang aking mga mata at nagulat na makita si Xavier na yakap-yakap ako habang gumugulong kami. Ngayon ko lang din napansin na nakahawak pala ako ng mahigpit sa kaniya. Sa wakas, nakarating na rin kami sa pantay na ground at tumigil sa paggulong. Ang awkward nga lang ng stopping position dahil nakapatong sa ibabaw ko si Xavier habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa lupa. I can clearly see his face na kanina lang, gustong-gusto kong makita. Halatang magang-maga ang kanyang mata dahil sa kaiiyak kanina. Medyo mapula rin ang matangos niyang ilong, at may konting dumi sa mukha dahil sa paggulong. Pareho kaming humihingal, dahil sa pagod at takot. “B-bakit mo ako iniligtas?” ang parang ewan kong tanong. Hindi lang kasi ako makapaniwala. “Tinatanong pa ba yan?! IKAW NA TALAGA ANG PINAKA TANGANG TAO NA NAKILALA KO! BAKIT KA BA GANYAN?! BAKIT PINAPAG ALALA MO AKO NG SOBRA?!” sigaw niya sa akin habang tumutulo ang pawis niya sa mukha ko. Maya-maya, biglang may sumakit sa may dibdib ko. Medyo nahihirapan din akong huminga. Feeling ko gusto kong umiyak. Ang daming emosyon na gustong lumabas sa loob ko. Pakiramdam ko masasabi ko na. Bigla na lang gumalaw ang mga kamay ko ng kusa to reach for his face. “Sorry, Xa-Xavier.” sagot ko sa kaniya habang nakahawak ang kamay ko sa kanyang mga pisngi. Nagulat na lang ako nang may mga tubig na umaagos galing sa aking mata. I am crying without knowing. Pero gumaan na rin ang loob ko dahil sa wakas, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na magsorry. Maya-maya, bigla niya akong iniangat at niyakap. “Xa-Xavier?” “Kanina, hindi ko alam ang mangyayari sa sarili ko kung napano ka. Nawalan na ako ng isang magulang. Kahit papaano, dahil sa iyo, nagawa kong makayanan iyon. Pero paano kapag nawala ka? Ikaw na nagbago sa tingin ko sa mundo. Emi…baka hindi ko kayanin.” sabi niya malapit sa tenga ko. “Hindi naman ako nawala eh. Nandito pa rin ako.” sagot ko sa kaniya, “Sorry kung nasaktan kita kanina. Hindi ko sinasadya na mag rereact ka ng ganun.” dagdag pa ni Xavier. Sobrang gulat ko dahil ngayon ko lang narinig na nag sorry ito. Dahil sa sobrang gulat, naitulak ko siya papalayo. “Eh?! Tama ba ang narinig ko? Did you just said ‘sorry?’ Wow ha, kaya mo rin naman palang mag sorry eh.” sabi ko sa kaniya. “Shut up.” sagot ni Xavier sabay talikod sa akin. Uwa, bakit siya tumalikod? (Author’s note: Para sa dagdag na fan service, tumalikod si Xavier dahil namumula siya na parang ketchup) “Sorry ulit Xavier.” sabi ko. Wow, nasasabi ko na siya guys! Kanina lang hindi ko ito masabi pero ngayon kayang-kaya ko na. “Para saan?” tanong niya sa akin habang humaharap ng konti. “Dahil sa mga bintang na sinabi ko sa iyo sa timeless space kanina at sa mga masasamang bagay na rin na nasabi ko sa iyo dati. Akala ko kasi akuma ka eh.” Oh ayan, nakapag apologize na ako ng matino. Matino naman di ba? Sana tanggapin niya. “Tse! Rejected!” sagot ni Xavier. Uwa, bakit? May nasabi ba ako na masama? Yun na kaya ang pinaka matinong apology na nasabi ko ever in my life. What should I do? “Uy, sorry na nga please?” ulit ko sa kaniya habang naglakad ako papalapit sa tabi niya. “Bahala ka.” ang malamig na reply niya sa akin. Uwa! I need your forgiveness. Hindi ako tatantanan ng konsensiya ko kapag hindi ko nagawa iyon. “Xavier naman! Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako, kaya oh, sige na.” sabi ko sa kaniya. Oh kami-sama, palambutin niyo muli ang puso nito. “Then, give me a kiss.” Tila nabingi ang tenga ko ng marinig ko iyon. Halos magfunction rin ang buong systems ko. And without knowing, namumula na ng sobra ang mukha ko. “K—ki-kiss?! Nasiraan ka na ba ng ulo?!” tugon ko sa kaniya, “Ayaw mo? Then, rejected ka pa rin. Bye bye panget.” sabi niya habang naglalakad papalayo, Uwaaa, huhuhu, huhuhu. What should I do guys? Baka mawala na naman ang lakas ng loob ko sa mga susunod na araw at hindi ko na naman magawang humingi ng sorry. Uwa, bahala na! Tumakbo ako papunta sa kaniya at… at… nahalikan siya ng di oras sa pisngi. Pero sheeet guys, sobrang lapit nun sa labi. Nagkatinginan lang kami ng sobrang tagal, habang nakatakip sa labi ko ang aking mga kamay. “O-oh, ok na si-siguro yan.” sabi ko, Uwaaa! Super nahihiya ako. Sheeet! First kiss ko pa naman yun! Balak ko pa naman ibigay iyon sa isang anime character. Uwaaa, kainis ka Xavier! “Y-yeah. Tara?” sagot niya habang hindi makatingin sa akin at iniaabot ang kanyang kamay. “Saan?” tanong ko, “Sa puso ko.” “Eh?! Wala kayang daan papunta doon, at saka ang liit ng puso ng tao. Hindi ako kasya!” Nasisiraan na kaya ito ng bait? Pupunta raw sa puso niya. What the heck?! Bigla na lang siyang napatawa maya-maya, “Ang tanga mo talaga.” “Anong sabi mo?!” “Wala.” “Bahala ka nga diyan.” sabi ko habang naglalakad, “Kahit walang daan, lalagyan ko, at kahit maliit ang space, papalakihin ko…kung para sa iyo.” “Ha? May sinasabi ka?” tanong ko, parang may sinabi kasi si Xavier eh. Hindi ko lang narinig ng maayos. “Tse. Wala! Bingi mo!” sigaw niya sa akin. Well whatever, ang importante ngayon, ok na kami. [Change of scene] Yo everyone! Lazy Narrator returns!!! Uwaa, namiss ko ito guys. Na miss ko rin kayo. Si author naman kasi eh, hindi niya ako sinali sa mga past chapters niya. Akala ko nga, tinanggal na niya ako dito sa story. Buti na lang hindi pa pala. May puso rin pala si author? Hahaha, joke lang, anyway. Hindi ko alam ang purpose ko ngayon, pero malalaman din natin iyan. Ah, kasalukuyan pala akong nanunuod ng balita habang kumakain ng inihaw na pusit. Makabayan kasi ako eh, at ayaw ko sa corruption! Kaya naman dapat alam ko ang nangyayari sa ating bansa. Hmmmmm... Breaking News: Sampung sunod-sunod na bilanggo ang namatay sa kulungan kaninang madaling araw. Ang nakapagtataka pa, limang minuto lang ang pagitan ng kanilang pagkamatay. At ang lalong mas nakakapagtaka, lahat sila ay namatay dahil sa heart attack. At ang super nakapagtataka, ang lahat ng mga namatay na ito ay sangkot sa iisang krimen. Iniimbistigahan na ng mga senador ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Ay pulis pala. Balik sa iyo Mel. Nakakapagtaka nga iyon. At nakakapagtaka rin ang role ko sa chapter na ito. Anyway, hanggang sa muli pipz! Pagod na akong mag narrate. -Lazy Narrator Log Out- On the other hand... May isang hindi kilalang tao na nakaharap sa kanyang computer. Nakasuot pa siya ng kanyang school uniform. "Hahahahahaha! This notebook is really amazing." sabi niya habang ang laki laki ng ngiti sa kanyang labi. Sabi ko sa iyo di ba? Madali lang pumatay gamit iyan. Hoy, may apple ka ba jan? "Bakit ba ang takaw mo sa apple? Oh ayan." sabi ng lalaki sabay bato ng apple Yan ang gusto ko sa iyo, ano na ang sunod mong gagawin ngayon? "Ano pa ba? Syempre, tatanggalin sa balat ng lupa ang masasamang tao dito sa mundo. Lalo na dito sa Pilipinas." sagot ng lalaki. Dumiretso siya sa kanyang kama at nahiga roon. You're an evil. "You think I am evil? I am justice. I protect the innocent and those who fear evil. I am the one who will become the god of new world that everyone desires! All those who would oppose that God, they are the ones who are truly evil." Samantala, Habang naglalakad, biglang napalingon si Emi. "Hoy, may problema ba?" tanong ni Xavier, "Ah w-wala. I just felt some strange uneasiness within me. I wonder why."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD