[Emi's POV]
Narito ako sa munti kong bahay sa kasalukuyan. Wala ang lady guardian ng apartment ko ngayon, kaya pwede akong lumabag sa mga rules.
Umakyat ako sa pinakataas na bahagi ng apartment. Hanggang makarating ako sa bubong. Ibinuka ko ang aking mga braso na para bang balak kong yakapin ang buong mundo. Pero imposible yun. Puno nga ng Narra hindi ko magawang mayakap eh, mundo pa kaya.
Uwaaaa, this is one of the best place here on earth. Feeling ko ako ang pinaka makapangyarihan at pinaka magandang tao sa buong mundo. Pagbigyan niyo na ako guys, minsan lang ito.
Nagiging feelingera lang naman ako. Kunwari, ako ay isang bidang anime character. Uwa, hili kayo ano? Nagagawa niyo ba ito? Pero I suggests na huwag niyong gawin, rated PG ito. Baka mahulog pa kayo at matuluyan sa heaven.
Ibinagsak ko ang aking katawan, sa pag-aakalang malambot ang babagsakan ko.
Kalapag!
Ay tae ka Emi, yero nga pala ito. Kelan pa naging malambot ang yero ha?! Aww, ang sakit tuloy ng likod ko. Parang matandang uugod-ugod lang na natumba sa banyo eh.
“Honey, may pusa na naman ata sa bubong.” Narinig ko ang boses ng isa sa mga ka-housemate namin. Patay ka Emi, napagkamalan ka tuloy na pusa.
“Oo nga eh. Lokong pusa yan ah. Namimihasa. Mas mabuti pang maturuan na yan ng leksyon. Honey, kunin mo nga yung shot gun ko sa may cabinet. Babarilin ko ang malikot na pusa na iyan.” ang nakakatakot na tugon ng kanyang asawa.
Namutla ako ng marinig iyon. Babarilin daw yung pusa? Ako? Hoy, tao po ako hindi pusa! Waaa, ako naman kasi ang may kasalanan eh. Oh no, anong gagawin ko? Bakit yata hinahabol ako ni Kamatayan?
Nung una, nauntog ako sa tren, tapos muntikan na ako masagasaan, at ngayon naman ay napagkamalan akong pusang gala at pinagbabalakan na barilin? Yung totoo, nagiging final destination na ba ang storyang ito?!
“Honey, bilisan mo nga, baka makatakbo pa iyon papalayo.” dagdag pa nung lalaki.
Uwaaa, nagpapanic na ang Ate Emi niyo. Napagkamalan siyang pusa at sa ngayon ay nanganganib ang kanyang buhay. Ayaw ko pang mamatay, ay bahala na!
Meooow nyaaaa meeeeooowww nyuuuuuu
Nag tunog pusa ako, with matching sound effects pa na tumatakbo sa bubong habang pahina ng pahina yung boses. Uwaaa, para akong sira ulo. Buti na lang walang nakakita sa akin. Ang panget pa naman ng mukha ko habang ginagawa iyon.
“Ayan tingnan mo, nakatakas tuloy.” reklamo nung lalaki. Haiyyy, buti na lang effective. Uwa, pwede na pala ako maging pusa. Napaniwala ko sila eh. Ang galing mo talaga Emi!
“Honey, kahit naman hindi nakatakas iyon, hindi mo pa rin siya mababaril dahil ubos na ang bala mo. Oh ayan tingnan mo, wala ng laman.” Ay tae kayo!
F*** sh***! Eh para saan lang pala yung effort ko?! Bumili pa kayo ng shot gun pa kayo kung wala rin naman palang bala. Mga unggoy! Kainis, kabwisit! Buti na lang walang nakakita sa akin kundi--
“Aaaa, may ganyan ka palang talent ha. Cool, pwede na kitang maging pusa.” Napalingon ako na parang robot habang namumutla.
Pamilyar ang boses, at pamilyar din ang nakakainis na tono ng pagsasalita na narinig ko.
“Waaaa!!! Hoooy A-A-ku-kuma!!! Anong ginagawa mo diyan sa kapit bahay namin?! Nagnanakaw ka ba?!”
Ang inakala kong safety dahil sa maling akala na walang nakakita sa akin habang ginagawa ang embarrassing moment na iyon ay panag-inip lang pala. Ang masakit pa sa lahat, nagising ako sa reality with a nightmare at my front.
Eh paano ba naman, nakasilip itong si Xavier mula sa bintana ng kapit bahay namin. Mataas ang bahay na iyon kaya abot itong rooftop ng apartment ko. Mukhang bahay nga ng mga may kaya eh. May limang kotse na nakaparada sa garage, tapos ginto pa ang gate. Wala nga lang makapag nakaw dahil may electric shock.
Ang pinagtataka ko, bakit nandiyan si Xavier?! Paano siya nakapasok? Matinding magnanakaw ito ah! Huwag mong sabihin na naghukay pa yan ng tunnel underground para lang makapasok?
Uwa, pero nevermind that. Hindi naman iyon ang main issue eh. Ang main issue ay iyong nakita niya ang most embarrassing thing that I’ve done ever in my life!
“Ha?! Bakit naman ako magnanakaw sa sarili kong bahay? Ano ako, hilo? Hindi ako weirdo na may lahing pusa, katulad mo.” sagot niya sa akin habang naka smirk. Bigla akong nag apoy dahil sa inis at hiya.
Waaaa, don’t tell me matagal ko na palang kapit bahay itong si Xavier pero hindi ko alam?! At saka bakit sa lahat pa ng apartment na nagkalat dito, dito pa ako napadpad sa apartment na malapit sa bahay ng demonyo?!
“Eh?! Weh?! Bahay mo yan?! Oh, so-so what?! Pakialam ko.” sagot ko sa kaniya. Uwaaa, nahihiya pa rin kasi ako. Ikaw ba naman ang makita ng ganun. Kung ikaw ang nasa lugar ko, baka mas piliin mo pang mag pabaril na lang sa shot gun.
“Yup. I’m surprise you don’t know.” sagot niya sa akin,
Nakapangalumbaba siya roon sa bintana habang nakatingin diretso sa mukha ko. Nakasuot lang siya ng blue bathrobe na naka wide open sa kanyang dibdib. Uwa, may abs pala siya? Hoy Emi, hindi ito ang tamang oras para ma attract yang manyak na mata mo sa mga abs, at saka abs yan ng akuma!
“In your dreams, anong akala mo sa akin, stalker?” tanong ko, so ibig sabihin, matagal na pala niyang alam na dito ang apartment ko?! Siya ang stalker.
“Oo. Hoy pusa, catch.” bigla siyang may inihagis papunta sa akin. Hopefully, nasambot ko naman. Catcher kaya ako, pero hindi ako cat! Nagulat na lang ako ng makita ang isang piece ng tile.
“Bakit mo ito ibinibigay sa akin? Sa iyo ‘to di ba?” tanong ko, ano kayang nakain nito? Oh baka hindi lang makaget over doon sa nakita niya kanina. Kyaaa, kahiya talaga.
“Tile ni Kuroko yan. I think mas karapat-dapat yan na mapunta sa iyo.” sagot niya. Uwaaa. Kita niyo iyon? Nagiging anghel na naman itong si Akuma. Yung totoo, ano ka ba talaga?
“Bahala ka, walang bawian.” ang tanging sagot ko. Hindi ako makapag thank you dahil nasa isip ko pa rin yung embarrassing moment kanina.
I’m about to go, pero…
Pambihira, minamalas talaga ngayon. Bigla ba namang bumagsak ang sobrang lakas na ulan. Uwaaa! Hindi naman maulap kanina ah! Pero ngayon ni-isang star wala na akong makita.
At ang weird naman ng ulan na ito, ang lakas lakas! Yung totoo, sabay sabay bang umihi ang mga diyos sa langit? Uwaaa, basa na tuloy ako, at saka paano ako makakababa nito, madulas ang yero kapag basa. Baka mag ala-final destination naman ang buhay ko nito mamaya.
“Hoy, dito ka muna” narinig ko ang boses ni Xavier,
“Ha, saan?” tanong ko,
“Saan pa ba, eh di sa kwarto ko.” sagot niya habang naka poker face.
“Ho-hoy! Aba! Matino akong babae, at saka may electric shock yang bahay niyo ano! Mamaya maging inihaw na tao pa ako pag nagkataon!” sagot, ko sa kaniya. Anong kalokohan na naman kaya ang nasa isip nitong si Xavier?!
“Matinong babae ba yung nagiging pusa? Abnormal ka kaya. At saka, I have the remote control to shut down the electric shock.” sabi niya sabay labas ng remote at pindot doon sa malaking blue button. Yung totoo?! Balak bang pumatay ng tao ang mga nakatira sa bahay na ito?!
“Geeez, no thanks.” sagot ko sa kaniya. Di bale ng mabasa ng ulan kaysa naman makituloy sa kwarto ng anghel na nagiging demonyo. Saka may konting space yung bintana from here sa bubong. Baka mahulog pa ako pag nagkataon.
“Kaw bahala.” sagot niya sa akin sabay talikod.
Then suddenly, biglang may umihip na malakas na hangin na talaga namang nagpa kilig sa katawan ko. Mas lumakas rin yung ulan. Uwaaa, what’s happening?! Binabagyo na ba kami? Bakit hindi ko alam. Hanggang sa….
Kabwoooogggsssshhh!
Biglang kumidlat at kumulog, and automatically akong napasigaw ng
“Uy teka! Sige na nga!” Buti na lang, hindi pa nakakaalis si Xavier, kundi naku, patay ako nito.
“Tse, bibigay ka rin pala. Akina kamay mo.” sabi niya sa akin. Huh? Ano daw? Kamay ko raw? Arrrghh, whatever! Baka matamaan pa ako ng kidlat dito. Kaagad kong sinunod ang sinabi niya, at iniabot ang kaliwang kamay ko.
Nagulat na lang ako nang kaagad niya akong binira. Buti na lang nagkasya ako sa bintana, kundi baka nagkabukol na ako. Kaagad sumirado ang bintana ng nakapasok na ako. Wow, paano nangyari yun? Huwag mong sabihin na lahat ng parte ng bahay na ito ay de-remote control?
Uwa, at ang sarap rin sa pakiramdam dito sa loob ng kwarto. Ang warm kasi ng paligid. Pero, ahmm, nakapikit pa kasi ako eh kaya nararamdaman ko lang ang paligid. May tunog ng aircon akong naririnig, so dapat malamig dito. Pero bakit mainit sa may bandang kaliwang pisngi ko?
Iminulat ko ang aking mata, at kaagad napa jerk papalayo ng mag register ang aking nakita.
Oh my god! Saktong nakasandal ako sa dibdib ni Xavier kanina. Kaya naman pala mainit! Uwaaa, nakakahiya.
Oh s**t! Nagsimula rin mag malfunction ang katawan ko ng makita ko ang buong katawan nitong si Xavier na naka bathrobe lang, and those abs, parang kay Haruka Nanase lang eh. Uwaa, stop thinking of it Emi! Tandaan mo, nasa kwarto ka ng lalaki ngayon!
“H-Hoy Akuma! Magdamit ka nga!” sigaw ko sa kaniya. Uwa, ngayon ko lang narealize na basa nga pala ako. Shaacckkzzz, nagkakalat ako ng tubig dito sa loob ng kwarto. Pati si Xavier, nabasa rin ata.
“It’s not that I’m naked, at saka ganito ako pag nasa bahay ano.”sabi niya habang unti-unting naglakad papunta sa akin. Ano raw? Naka bathrobe lang siya kapag nasa bahay?! Oh Lord, may evil intentions ba ito? Bata pa po kami, huwag naman sana.