Nandito pa rin kami ni Xavier sa may fountain. Nakaupo siya doon sa nag iisang bench dito na isang tao lang ang kayang i-accommodate.
Nilagyan pa ng bench kung isa lang ang makakaupo. May sira siguro sa ulo ang naglagay nito.
Uwa! Bigla akong napablush nang naalala ko yung ‘kandungan scene’ namin ni Akuma. Kyaaa! Nakakahiya talaga iyon, at not to mention na nakita kami ni Kuroko ng ganun ang pwesto.
Teka, teka Emi. Pambihira talaga yang utak mo no. Ang hilig mag time travel! Tama na nga yang kaka-isip mo sa nakaraan. Isipin mo na lang ang nangyayari sa kasalukuyan.
Ahm, para sa kaalaman ng nakakarami. Nakaupo po ako sa semento ngayon. Walang magagawa eh. Pinagbigyan ko na itong si Xavier dahil naaawa ako sa kaniya.
May puso naman ako. At saka sa lagay ng aura nito ngayon, never akong kakalungin ulit nito. Uwa! As if naman gusto ko ulit magpakalong? Don’t misunderstand me guys! Hindi ako malandi, although nag enjoy ako ng konti. First time ko yun eh. Bwahaha.
Hayaan niyong idescribe ko sa inyo ang aura nitong si Xavier sa kasalukuyan.
Alam niyo yung itsura ng mga taong natalo sa sugal, bumagsak sa finals, oh kaya naman naholdapan ng bag na naglalaman ng milyon-milyong kayamanan?
Ayun, bingo. Kung nasa isip niyo na ang itsura, ganyang-ganyan ang aura nitong si Xavier.
Kung ihahalintulad naman sa anime, para siyang si Tamaki na binara ni Haruhi, si Mikasa na nawalan ng kanyang Eren, oh kaya naman si Midorima na nakita ang aso ni Kuroko na tumae sa kariton niya.
Sigh. Buhay nga naman.
Nakaupo lang siya doon sa bench habang nakasandal with his jacket covering his eyes. Hindi ko alam kung umiiyak pa rin ba ito. Wala kasi akong tunog na naririnig. Awkward din ang atmosphere dahil kanina pa kami hindi nag-uusap.
Gusto ko man magsimula ng conversation, hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung ano ba ang magandang pag usapan. Feeling ko kasi walang magandang usapan na magaganap sa lagay nitong si Xavier.
Hindi ko naman siya maiwan. Kung ok nga lang eh kanina ko pa ito palihim na nilayasan since may nakatakip naman sa mga mata niya. Mag aala ninja na lang ang mga paa ko para wala siyang marinig na tunog habang naglalakad ako papalayo.
Pero dahil nga hindi ako pinapalampas ng konsensiya ko, dahil daw kailangan kong mag sorry sa mga nagawa kong pagbibintang sa kaniya kanina, ayon eto ako ngayon, pinagtataksilan ng aking katawan.
Hindi ako makaalis ng mapayapa hangga’t di ako nakakapag sorry. Ahuhuhu.
Teka Emi, madali lang naman mag sorry ah. Ibubuka mo lang ang madaldal mong bunganga, magpa-process ang iyong utak, at ayan na, lalabas na ang mga words na dapat mong sabihin.
Oo nga no. Bakit hindi ko ito naisip kanina? Ang tanga ko talaga.
Lumingon ako kay Xavier, at aking ibinuka ang aking bunganga,
Pero…
walang lumalabas na sounds.
Uwaaa!!! Napipi na kaya ako?
“Ehem” Napaubo ako kunwari upang mag mic-test kung napipi na ba talaga ako. Buti na lang hindi. Uwa. I’m relieve. Ayaw kong mapipi no! Hindi na ako makakasigaw kapag nakakita ng bshounen pag nagkataon!
Ok Emi, take two! Try ko nga ulit na mag sorry…
Ayan na, nakalingon na ako kay Xavier, nakabuka na ulit ang bunganga ko. Yosh, may lalabas na sounds na yan pustahan pa tayo. May bumara lang siguro na laway kanina kaya hindi ako makapagsalita.
. . . . . . . . . .
Dumaan ang isang minuto na nakanganga lang ako. Napatiklop lang ang aking bunganga nang parang may pumasok ata na langaw sa loob. Yuckk!
Uwa!!! Bakit wala pa ring boses na lumalabas?!
“Ehem” Mic-test ulit.
Oh may boses naman ako ah! Uwa! What’s happening on my vocal chords?! Mukhang allergic yata ito sa pagsasabi ng sorry.
Pero nakapag sorry na naman ako dati ah, 5 years ago. Tanda ko pa nga yun. Hindi ko sinasadyang malagyan ng mighty bond ang palda ng titser ko back then when I was elementary habang nag aayos kami ng sirang tubo ng gripo. Kaya ayon, nang siya ay napaupo at muling napatayo, nagtaka siya kung bakit buhat-buhat ng kanyang pwet ang bangko.
Buti na lang hindi ako nabisto. Pero in the end, dahil mabait akong mabata, umamin ako at nagsorry sa kaniya.
Oh di ba? Hindi ako abnormal! Kaya ko rin mag sorry! Pero bakit pagdating dito kay Xavier, hindi ko magawa?!
Uwa, mukhang nagegets ko na guys. Nag ma-mulfunction na naman ang katawan ko. Hindi niya kayang humingi ng tawad dito kay Akuma! Hindi laway ang humaharang sa vocal chords ko, kundi pride at may isa pa na hindi ko ma-explain.
Ahhhh…anong nangyayari? Hindi naman ako makapag pacheck up dahil nitong isang araw lang…
(Flash back)
Pumunta ako sa pinakamalapit na libreng clinic upang magpa check up. Tanda niyo pa ba nang mag malfunction ang katawan ko dahil dito kay Xavier? Ayon, kaagad akong pumunta sa doctor right after na nagka oras ako.
Sinalubong naman ako ng isang sexy nurse na mukhang mabait.
“Ahm ano po ang kailangan nila?” Argh! Ano ba yan, sexy nurse na walang common sense. Mali naman kasi yung tanong. Hindi ba obvious? Hindi naman ako pupunta rito kung bibili lang ako ng bigas ano! Syempre I’m here to see the doctor. Pero dahil nga mabait akong bata, pinalampas ko na lang.
“Ah pumunta po ako dito para mag pa check up.” sagot ko sa kaniya,
“Ano po ang nararamdaman nila?” tanong ng nurse
“Nag mamulfunction po kasi itong katawan ko eh, blah blah blah” inexplain ko sa kaniya kung kelan at sino ang nag titrigger ng pag ma-mulfunction ng katawan ko.
Pero ang nakakainis, hindi na niya ako pinadiretso sa doctor at todo todo pa ang katatawa. Hindi ko nga siya magets eh. Nurse ba talaga ito? Oh baka naman sindikato lang,
At eto pa, binigyan pa niya ako ng ‘reseta’ raw,
“Alam niyo Miss, natural lang yan sa pagdadalaga, at alam na alam ko ang pinakamabisang reseta.”
“Huh? Hindi ko kayo magets Ate. Wala siya sa radar ko.”
“Hahaha! Ano ka ba? Huwag ka ngang pakipot. Sus, palusot mo lang yan. Ay basta, payong kapatid, confession lang ang reseta para diyan. Oh sige, magsasarado na kami. Bye Bye, good luck sa iyo! Hope you live happily ever after!”
(--end of flashback--)
Eto lang ang naisip ko pagkatapos noon,
What the heck is she saying?!
Mukhang may sayad ata yung nurse na iyon. Oh baka naman hindi clinic ang napuntahan ko kundi mental hospital. Hindi man lang kasi mag register sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.
Hindi naman ako makapunta sa ibang clinic kasi may bayad na, eh wala naman akong pera. Huhuhu. Basta, sila ang may kasalanan kapag namatay ako dahil dito sa pag ma-mulfunction ng katawan ko! Mag iiwan na lang ako ng last will and testament na sila ang sisihin.
Uwa! Pero huwag naman sana muna. Saka na lang pag natapos ko na itong misyon ko.
Dahil sa pag iisip ng kung anu-ano, hindi ko napansin na kanina pa pala ginugulo ng mga kamay ko ang aking buhok. Uwa, kita niyo na? Nag ma-mulfunction talaga ang katawan ko.
Ang panget ko na tuloy, para na akong ni-r**e sa itsura kong ito.
Maya-maya, nagulat na lang ako ng biglang may tumakip na something sa aking mukha. Malambot, para siyang tela.
Mukhang may ki-kidnap sa akin!
“Kya! Kidnapper!” sigaw ko habang pilit na inalis yung kung ano man na tumakip sa vision ko.
“Tse! Ingay mo! Sira ka ba? Jacket lang yan.” narinig ko ang boses ni Akuma. Ngayon ko lang narealize na jacket pala niya iyong lumipad at naglanding sa mukha ko kanina.
Teka, ito yung pinantakip niya sa mata niya ah. So ibig sabihin I can already see his magang face dahil sa kaiiyak? Uwa, tara na at ating pagtripan!
Pero na disappoint ako nang hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakaharang sa paningin ko yung bola na ibinigay ni Kuroko.
“Huwag mo akong titingnan kundi babatuhin kita nito.” Babala niya sa akin.
Uwa! Ayaw ko, masakit iyan! Ang tigas pa naman ng bola ng basketball. Kaya ayon, hindi ko tuloy mapag tripan ang mukha ni Xavier.
Tumingin na lang ako sa jacket na hawak-hawak ko ngayon.
“Hoy, para saan ito?”tanong ko sa kaniya,
“Tse! Kanina ka pa kasi bahin ng bahin diyan baka-“
“Eh worried siya sa akin” pang asar ko sa kaniya,
“Feeler ka na naman? Baka mo kasi ako mahawaan. Kadiri ka pa naman.” ang pang basag ni Xavier na nagpatubo ng sungay sa ulo ko.
Bwisit na lalaki ito. Lagi na lang nakakainis ang laman ng bibig.
“Ah ganon?! Pwes, hindi ko kailangan niyang jacket mo! Pwede naman akong umuwi di ba?” sabi ko sa kaniya without looking at him habang itinapon ang jacket pabalik sa kaniya. Baka ni-itsura nito hindi ko matagalan.
Tumayo na lang ako, at naglakad papalayo.
Argh! Hindi naman ako naasar ng ganito katindi dati sa mga pinagsasabi niya sa akin pero ngayon iba eh. Ako na nga itong nagsayang ng oras para lang makapag sabi sa kanya ng sorry. Pero right now, kapag iniimagine ko na mag so-sorry ako sa taong ganun kasama ang ugali, huwag na lang!
Patawid na ako sa kabilang kanto. Dire-diretso lang. Hindi ko nga pansin na kalsada ang dinaraanan ko eh.
Pooooot Pooooot
Nagulat na lang ako ng may narinig akong busina. Kaagad akong napalingon sa aking tagiliran at aking nakita ang isang mabilis na kotse na paparating.
Ay sheet! Sa bilis niyang iyan, hindi kaagad yan mapapatigil dahil sa preno! Uwaaa, mababangga ako guys!
I was about to run away as fast as I can para maiwasan ko man lang kahit papaano, pero hindi makagalaw ang mga paa ko. Ay bwiset! Ngayon ka pa nag malfunction!
I cannot die yet! Hindi pa tapos ang aking mission. This is hopeless!
Nang feeling ko wala na akong magagawa, at konti na lang mababangga na ako, may something na mabigat na naglanding sa akin together with a voice shouting my name.
“Emi!”
Familiar ang boses. Pero dahil nga sa tindi ng pag mamulfunction ng katawan ko, hindi mag register kung kanino iyon.