Kapitulo 15

2300 Words
(Kinabukasan…) [Emi’s POV uleeet] Lost tesagari de sagashiteta tozasareta mirai no kotae nante doko ni mo nai hashiru shoudou ima kaidoku funou – Napabangon ako bigla, Bwogsh! Napahiga tuloy si Emi na para lang bola na tumama sa pader at nag bounce back! Bwisit na pader yan. Aray, huhuhu! Masakit yun ha! Ilang beses na ba ako nauntog dito? At loko rin naman ako, sa tagal ko ng nakatira dito, dapat alam ko na may pader sa harapan. Uwaaa, ay basta, kasalanan ng pader, hindi ko kasalanan! Sheeet, ang ganda pa naman ng aking alarm ringtone! Dati-dati lang weird ang ringtone ko, pero ngayon Now or Never by Nano-sama. Grabe, umaasenso na si Ate Emi niyo oh. Ang totoo niyan guys, hindi ako nakatulog. Nakikinig kasi ako buong magdamag sa mga songs ni Nano. Sakit na nga ng aking outer ear eh. Hindi ko alam kung paano ko siya nadiscover sa youtube. Basta, the first time I heard her song, wow, naadik na ako. Hanggang ngayon, nag ha-hum pa rin sa utak ko ang mga kanta niya. Salamat dito dahil kahit papaano, nakakalimutan ko na broken hearted pala ako. Huhuhu. Eh paano ba naman, Nano-sama has a boyish voice. Inakala ko talaga na lalaki siya. Tapos iniimagine ko pa na napaka hot bishie type ang itsura niya. But when I found out that he is a ‘girl,’ nag-disintegrate tuloy ang aking puso. Ilang oras din akong nagluksa. Ilang beses ko rin binalak na magpakamatay. Pero joke lang yung pangalawa. Buti na lang, I realized that Im not after the gender, I’m after the music. Kaya ayon, nakamove on naman ako kahit papaano. Bwahahaha! But there’s one more reason kung bakit hindi ako makatulog…. Sasabihin ko pa ba? Ehhhhh, huwag na lang kaya? Arrrrgggghhh, pero madaldal ako, hindi ko mapigilan, Uwaaa, nakakahiya pa naman. Mahiyain pa naman ako ( //// ß tumunog tiyan ni Emi.) Ahhhhhhh!!! Traydooor na tiyan! huhuhu, “Oh di ba? Ngayon pa lang nag iingay na tiyan mo.” dagdag pa ni Xavier. Waaaa! Ganun ba kalakas yung tunog?! Malas naman oh, bakit napakinggan niya iyon?! Wala na tuloy akong magawa kaya ininom ko na lang kung anu man itong liquid na nasa harapan ko. Wow ha, akala ko kape, hot chocolate pala. Ang saaaaraaaap, favourite ko pa naman ang hot chocolate. But I’m sure na kape yung iniinom ni Xavier, hmmmmm bakit magkaiba kami? Nagkataon lang kaya iyon or sinadya niya? Ay bahala na, I don’t care. Nagulat ako ng nakita kong tinitingnan ako ni Xavier. Bakit niya ako tinitingnan?! “Hoy, baka may lason kang nilagay dito ha?!” sabi ko sa kanya, “Sira, ano naman mapapala ko?” sagot niya sabay tanggal ng tingin niya sa akin. “Marami,” marami naman talaga siyang mapapala kapag nawala ako. “Kung ayaw mo eh di huwag mong inumin. Pero hindi ka naman makakaresist sa hot chocolate di ba? Favorite mo kasi,” sabi niya, tapos medyo mahina yung pagkakasabi nung huli. “Ano? Pakiulit yung huli? Paano mo nalaman na favourite ko ito?” tanong ko, “Ah eh h-hula lang. Shut up panget.” sagot ni Xavier habang nakatungo. Hindi ko tuloy makita mukha niya. Dumaan ang ilang minutes at sa wakas our mission to find Kuroko officialy started. Eto kami ngayon, magkasabay na naglalakad sa plaza. Magkasabay kaming naglalakad, Malapit ang distance sa isa’t-isa, Weird dahil karamihan ng nakakasalubong namin eh couple na naglalandian. At eto na naman, muli akong inatake ng aking consciousness syndrome. Para talagang date itong ginagawa namin! Uwaaa, ang awkward pa ng air dahil hindi kami nag uusap. Napatingin tuloy ako kay Xavier, sakto namang napatingin din siya sa akin at kaagad naming tinanggal iyon. Shaaackzz, the hell is happening?! Uwa, Papa Kuroko, magpakita ka naman sana. Ngayon ko lang nagets na mahirap pala kapag walang presence. Akala ko astig dati yun eh. Reality nga naman oh. “Hey girl, look at that boy, uwa, he is so cute.” may isang extrang sumingit. May kasama siyang friend niya ata, at pinagtitinginan nila itong si Xavier. “Oh yeah girl, uwa, a very handsome one.” sagot ng kasama niya. Bakit bigla akong nainis?! Wala naman dahilan para mainis ah. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko at kaagad ko silang binigyan ng evil stare. Emi is malfunctioning! I am really malfunctioning! “Pero mukhang kasama niya ang kanyang girlfriend.” “Oo nga, next time na lang girl. Tara na.” sabi nila, at kaagad na silang naglakad papalayo. Girlfriend?! Do I look like his girl?! No way! Uwa, I can’t imagine! Mas lalo tuloy akong na-conscious. Itigil mo yan Emi. Hindi ka makaka focus sa misyon mo. Naglalakad tuloy ako ngayon na parang robot. Witweeww Teka, may narinig akong sipol. Sipol ng manyak yun ah. Hinanap ko tuloy kung saan nanggaling yung sipol. At ayon, may nakita akong tatlong lalaking nakatambay doon sa may kanto. Nakatinggin sila sa akin, to be specific…on my legs. Uwaaaa!!! Mga manyak! Napapikit na lang ako. I am searching for Xavier. Pero nagulat na lang ako ng wala na siya sa tabi ko. Ano ito?! Nag a-ala Kuroko na rin siya?! Nasaan na iyon?! Naligaw kaya?! Huhuhu, bakit ngayon pa?! Baka marape ako dito oh! Napatingin ulit ako doon sa mga lalaki kanina, and to my surprise nandoon si Xavier. Mukhang may sinasabi doon sa mga lalaki. Maya-maya, nagtakbuhan na lang sila papalayo, habang si Xavier naman ay dahan dahan naglakad pabalik sa akin. “Hoy, anong sinabi mo sa kanila?” tanong ko sa kaniya, pero instead na sumagot eh tumingin lang siya sa mga legs ko. Ay tae, huwag mong sabihin na nahawaan na rin ito ng kamanyakan. “H-hoy! Bawal tumingin diyan!” sigaw ko sa kaniya habang tinatakpan ang legs ko. “Tse, wala naman dating.” sabi niya at kaagad na nagsimulang maglakad “Ho-hoy, anong ibig sabihin nun ha?!” tanong ko habang sumusunod lang sa kanya, “Sa sunod, huwag kang magsusuot ng ganyan kaiksi. Nakakadiri kaya mga legs mo.” ang super nakakairitang sagot ni Xavier. Sa inis ko, nasapok ko ang ulo ni Akuma, “Aray, ano ba?!” sigaw niya sa akin, “Wala, pinatay ko lang yung langaw na nakadapo sa buhok mo.” ang epic kong excuse “Nananadya ka no?” “Hindi ah,” “Bahala ka nga diyan,” sagot ni Xavier at nagumpisa na siyang maglakad papalayo. “Hoy Akuma,” “Ano?” “Doon ka maghanap, ako dito. Mas mabilis kapag ganito. Magkita na lang tayo at 4:00 PM doon sa may fountain ok?” sabi ko sa kaniya, “Sure ka?” tanong niya with that ‘hindi ko ma-gets expression’ in his face again. “Ay hindi,” ang pilosopo kong sagot “Baka matuluyan ka ng marape niyan,” babala niya sa akin, tinatakot ba ako nito. Loko ‘to ah. “Oho? Huwag mong sabihin na ayaw mong mahiwalay sa akin akuma?” tanong ko,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD