Kapitulo 14

1498 Words
[Paalala: Ang mga susunod na kaganapan sa kabanatang ito ay tanging mga flash back lamang. Ito ay ang buhay ni Xavier bago pa siya ipakilala sa storyang ito.] [Xavier’s POV] “Siopao-kun, ay aba, gumising ka na diyan. Tanghali na oh, hindi ka pa kumakain ng almusal.” narinig ko ang malambot na boses ng aking Daddy na ginigising ako. Medyo maypagka homosexual ang dating nito, pero I think bisexual is the right term. Sa umaga kasi, nag kocross-dress as babae, at nagtatrabaho rin sa isang club for gays. Tapos pagdating ng gabi, lalaking-lalaki naman. Pinapalo pa nga ako ng sinturon sa puwet kapag hindi ako nakakapag ligo. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba talaga ang gender nito. May nakalawit naman sa ibaba, katulad ng sa akin. Tapos mahal naman niya ang Mommy ko as lalaki. Hindi naman siguro ako mabubuo kung hindi sila nag s*x di ba? “Shut up. Antok pa ako.” sagot ko. Inaantok pa naman talaga ako eh. “Ay naku Siopao-kun. Sabi ng Mommy mo gisingin daw kita. Huwag ko raw susubukang bumaba ng hindi ka kasama- Uwaaa! Siopao-kun, gising na diyan. Baka makatay tayo ng Mommy mo.” reklamo ng Daddy ko habang nag iiyak-iyakan. Argh! Umagang-umaga, nagdadrama itong tatay ko. Takte naman oh! Baka ako mahawa ng bisexuality mo! “Ikaw lang ang makakatay.” sagot ko sa kanya habang tinatabunan ng unan ang mukha ko. “Uwaa! Huwag kang magbiro ng ganyan. You’re Mom is kowaiii(scary) you know. Bangon na diyan Siopao-kun.” sagot niya sa akin, at nagsimula na niya akong itulak-tulak para magising. Nang hindi pa ako nag-react, namalayan ko na lang pinapagulong-gulong na ako ng Daddy ko sa kama. Nakakita na ba kayo ng pusa na naglalaro ng bola? Ayon pinapa ikot-ikot ako nitong Daddy ko ngayon na para bang siya yung pusa, at ako naman yung bola. “Kawaii (cute) Siopao-kun.” ang malambot na sabi ng Daddy ko. Shet. Umagang-umaga eh umiinit na kaagad ang ulo ko. Bigla tuloy akong napabangon sabay hagis sa kanya kung ano man ang una kong nakuha. Pok! Manga pala ang naihagis ko. Yung manga na libro ha, hindi manga na prutas. Sakto pa talaga ang tama sa mukha niyang tadtad ng pintura dahil sa make-up. Kabibili ko pa lang ng manga na yun. Kainis tuloy. Nayupi na yata dahil sa lakas ng impact sa mukha ng Daddy ko. “Sinabing inaantok pa ako! Layas!” sigaw ko sa kaniya sabay balik sa pagtulog at nagtabon ulit ng unan sa mukha. “Hidoi(how rude) Siopao-kun! Mag reretouch na naman tuloy ako! Huhuhu! Hidoi! Hidoi! Hidoi!” reklamo ng Daddy ko habang nag iiyak-iyakan na naman. Argh! Paano ako makakatulog nito kung ganyan kaingay?! Para tuloy may kambing dito sa kwarto ko! Napabangon na naman ulit ako for the second time. Pero imumulat ko pa lang yung mata ko eh naknock-out na kaagad ako ng something na mabigat. Nang tiningnan ko kung ano yun— Aba, eto yung manga na inihagis ko sa Daddy ko kanina. Hinagis ba naman pabalik sa akin nitong lokong Daddy ko, at eksakto pa talaga sa ilong ko. Dumudugo tuloy ang ilong ko. Arghhh!!! Balak ba nitong tanggalan ako ng ilong?! Mawawala ang kagwapuhan ko nito! Tumingin ako ng masama sa kaniya at aking nakita ang mukha niyang umiiyak. Argh kainis! Kagigising ko lang tapos itong iyaking mukha ng Daddy ko ang una kong makikita?! “Hoy! Tumigil ka! Para kang bakla!” sabi ko sabay hagis ng unan sa kaniya. “Bakla naman talaga ako eh. Ang sama mo talaga siopao-kun!” reklamo niya sa akin sabay hagis sa akin ng kung ano man ang madampot niya. Aminado talaga na bakla siya?! Arghh! Uto-sa, nasaan na ang pride nating mga lalaki?! Nagpatuloy lang kaming magbatuhan ng kung anu-ano hanggang sa hindi ko na namalayan na nagkalat na pala ang mga gamit ko sa kwarto. “Bakla!” sigaw ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang batuhan namin. “May topak!” sagot niya sa akin, at mukhang hindi talaga papatalo. “Iyakin!” – ako “Supot!” – uto-sa “Clown-“ napatigil kaming dalawa ng bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko. Namutla kami pareho ng makita namin kung sino ang pumasok. “Oka-sa—“ sabi ko pero biglang sumingit si Daddy. “Ahaha! Ho-Honey, ayan oh, ah-eh nagising ko na si Siopao-kun. Pababa na rin-“ napatigil si Daddy dahil bigla na lang kinuha ni Mommy ang kanyang tenga habang kinukurot ito ng todo. May dark aura sa paligid ng Mommy ko. Bakit ba kasi ang malas-malas ng umagang ito?! “Aray Aray! Huhuhu! Stop it Honey!” reklamo ni Daddy. Ako naman naka freeze lang sa pwesto. Sa daming species kasi na nagkalat sa mundo, isa lang ang kinatatakutan ko. Hulaan niyo kung sino. Sino pa ba, edi itong si Mommy. Para yang si Haruhi Suzumiya kapag nagagalit. Parang magugunaw na ang mundo. “Ang sabi ko gisingin mo si Siopao-kun, hindi ko sinabing mag world war 3 kayo dito sa kwarto! Tingnan mo ang nangyari, ang kalat kalat! Isip bata ka talaga anata(husband).” sabi ng Mommy ko habang patuloy pa rin ang pagkurot sa Daddy ko. Makatakas na nga habang busy pa si Mommy sa pag sermon kay Daddy. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan. “At ikaw Xavier, saan ka pupunta ha?” bigla tuloy akong napalingon kay Mommy. At nakita ko ang ma-ala killer mode Yuno Gasai niyang mukha. Tinubuan ako ng goose bumps ng wala sa oras. Patay ka Xavier. Nakita kong dinilaan ako ni Daddy. “Ah eh CR?-“ ang walang kwenta kong palusot na obvious naman na hindi effective dahil kaagad na kinuha ng Mommy ko ang aking tenga at kinurot din katulad ng ginagawa niya kay Daddy. Para kaming mga tuta na nagrereklamo dahil masakit. Maya-maya, hinila kami ni Mommy pababa ng first floor at nang nakarating na sa may dining room, inihagis niya kami sa may upuan. Lakas talaga ng Mommy ko. Babae kaya ito? Ang weird kasi ng mga magulang ko eh. Yung isa bisexual na iyakin, tapos eto naman—napatigil ako. “Anong tinitingin-tingin mo diyan ha Xavier?” tanong ng Mommy ko while wearing that scary face na para bang magpapang m******e. Napatingin na lang tuloy ako sa plato na nasa harapan ko. “Wa-wala po!” sagot ko. Gloomy ang hangin sa paligid hanggang sa… “Ang cute niyo talaga kapag natatakot. Para kayong mga tuta na nilalamig.” sabi ng Mommy ko habang hinihipo-hipo ang mga ulo namin. With this, nawala ang pressure, at nagtawanan na lang kami kahit hindi alam ang dahilan. “Oh paano ba yan, nagugutom na ako-“ kukuha na sana ang Daddy ko ng ulam pero pinigilan siya ni Mommy. Andiyan na naman ang nakakatakot niyang face na parang papatay. “Anata, mukhang may nakakalimutan kang sabihin bago kumain?” tanong niya. Eto kasing Daddy ko ay hindi nag iisip kapag nagugutom. Buti nga sa iyo. We know kung ano ang ibig sabihin ni Mommy. Kaya naman niready na namin ang aming mga kamay upang sabihin ang… “ITADAKIMASU!” at nagsimula na kaming kumain. Ususual may kaguluhan pa rin sa pagkain pero normal na iyon sa araw araw naming buhay. “Kain ka pa ng marami para magkalaman ka naman kahit papaano Siopao-kun.” sabi ng Mommy ko. “Stop calling me siopao!” reklamo ko. “Eh, why not? Mahilig ka naman sa siopao di ba?” ang mapang-asar na sagot ng Daddy ko. “Kahit na! Hindi ako siopao kaya huwag niyo akong tawaging siopao!” ang childish kong sagot. “Kawaii siopao-kun.” reaction ni Mommy habang hinihipo ulit ang ulo ko. Kahit anong pilit ko sa kanila na huwag akong tawaging siopao, hindi pa rin sila tumitigil. Pambihira talaga itong mga magulang ko oh. Pero deep inside, kahit na may mga away-bati man at world war na nagaganap sa loob ng pamilya namin, we are still happy to be with each other. Wala akong regrets na sila ang naging mga magulang ko. Tanggap ko kung ano man sila kasi kahit na ganito ang mga ugali nitong mga kasama ko, they never failed to make me feel that they love me. Wala rin boring na araw ang dumadaan kapag kami ang magkasama. One day, masasabi ko rin ang apat na magic words na yun sa mga magulang ko; I love you Dad. I love you Mom. Ang badoy kasing pakinggan kaya hindi ko masabi-sabi sa kanila. Baka pagtawanan lang nila ako. Ayaw na ayaw ko pa namang pinagtatawanan, mga weirdo at sumpungin pa naman ang magulang ko. Pero dumating ang araw na pagsisihan ko pala na nagpatalo ako sa pride kong sabihin iyon. Hindi ko inaasahan na darating kaagad ang araw na mawawala ang sincere na ngiti sa mukha ni Daddy, at kasabay rin nito ang pagusbong ng galit na mahirap hilumin ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD