Kapitulo 13

2287 Words
[Emi’s POV] Mukhang tinatawag na naman ako ng aking malupet na misyon ah. Sigurado ako, anime character si Mr. Gwapo na nandun sa basketball court. Mr. Gwapo talaga ha? Syempre! Saan ka ba nakakita ng bishounen na panget, wala naman di ba? At saka sadyang gwapo lang talaga si Kuya! Kung anime character siya, dalawang anime lang ang alam kong maari niyang pinagmulan. Dalawang anime lang naman ang sumikat sa basketball eh. It is either Slum Dunk or Kuroko no Basket. Kahit medyo obvious na kung sino si Mr. Gwapo, dapat di ako padalos-dalos. Isang beses lang ako pwedeng manghula. Kapag ako nagkamali, well di ko pa alam kung ano ang mangyayari. Ang tanging alam ko, huwag ko man lang susubukan na magkamali. Binubulungan kasi ako ng aking animal instinct na may masamang mangyayari kapag ginawa ko yun. Kaya Emi, dapat kang mag-ingat. Not to mention na may isa pang taong may kapangyarihang i-save ang anime world, ang akumang si Xavier. Kailangan kong mag-ingat ngunit kailangan ko rin magmadali para hindi maunahan ni Xavier. Naunahan na niya ako last time kay Natsu no! Hindi na ako papayag na maunahan niya akong muli! It is my turn to shine! Pero kung ating iisipin, kapag nagmadali ako, eh di hindi na rin ako nag-iingat. Pero kapag nag-ingat naman ako, parang hindi ako nagmamadali nun. Uwaaa!!! Mukhang hindi sila pwedeng pagsabayin! Bahala na si Batman! Teka, nasaan na ba si Xavier? Lumingon-lingon ako sa paligid, tapos ayon, narelieve ako nang makita ko siya na naroon sa may gilid ng puno. Lalapitan ko sana. Baka gumagawa na kasi siya ng plano kung paano niya aatakihin si Mr. Gwapo! Hindi ako papayag na maunahan niya for the second time no! Pero bigla akong napatigil nang makita ko ang itsura ng kanyang mukha. The truth is that, hindi ko ineexpect na magiging ganito ang reaksyon nito. I’m pretty sure na may hint na rin siya na anime character si Mr. Gwapo and I was expecting na ma-eexcite siya. Pero imbis na excitement, galit ang tumagos sa kanya. Super galit ang stare ni Xavier kay Mr. Gwapo! Tapos naka close fist pa ang kanyang mga kamay. Sinusumpong na naman ba itong si Xavier?! Abnormal talaga ito! Bakit bigla bigla na lang siyang nagagalit? As far as I can remember, nung Natsu arc, hindi naman ganito kasama ang tingin niya kay Natsu. Argh! Ang komplikado mo talaga Xavier! Maturuan nga ito ng tamang manners kapag nakakakita ng ibang tao! Lumapit ako sa kanya sabay…palo sa kanyang ulo gamit ang aking mga kamay. “Bull s**t! Ano ba-“ masusuntok niya sana ako. Pero nang makita niya kung sino ako, pinigilan niya ang kanyang sarili. Ehh? Bakit niya pinigilan? Hoy Emi, nagiging sadista ka na naman. Loka ka talaga! Pero ayaw ko talagang masuntok, masakit kaya yun. Sadya lang na hindi ako nag iisip kapag gumagawa ng isang bagay. Buti na lang napigilan ni Akuma ang kanyang sarili, kundi, makakalimutan kong babae ako at reresbakan ko talaga siya. “Si panget lang pala.” dagdag ni Xavier sabay alis ng tingin sa akin. “A-Aba! Hoy! Ano ang nais mong iparating ha akuma?! Bwisit ka talaga!” sigaw ko pabalik. Bakit ba palagi na lang akong tinatawag nitong panget?! Sa lahat pa talaga ng adjectives na pwede yun pa! “Na panget ka.” sagot niya sabay lingon sa akin habang naka smirk. Bakit naka smirk face na ito? Galit ito kanina ah! Para siyang bagyo, pabago-bago ng mood! Mukhang may bawas talaga ang turnilyo sa utak nito. “Well kung panget ako sa paningin mo, wala akong pakialam. Hindi naman ako perpekto no!” sagot ko. Totoo naman di ba? No one is perfect. “Buti alam mo.” ang maiksi pero nakakairita niyang sagot. Mag-rereact sana ako. Bibigyan ko sana siya ng counter punch but upon seeing his face, may narealize ako. Nakikipag asaran siya sa akin without thinking. Wala dito sa kasalakuyan ang utak nitong si Xavier. Lumilipad ang attention nito sa ibang bagay na hindi ko alam. And besides, yung angry Xavier na nakita ko kanina ay bakas pa rin sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Mr. Gwapo. Bakit kaya galit ito kay Mr. Gwapo na candidate for anime character? Inggit kaya siya dahil mas gwapo ito kaysa sa kanya? Oh baka naman may crush itong si Xavier kay Mr. Gwapo? Nacurious tuloy ako. Napatingin akong muli kay Mr. Gwapo na kasalukuyan ay nakikipaglaro ng basketball. “Oh gulay, sambot!” sigaw ng isa niyang ka-teammate. Ayan, umaarankada na si Cutie pie! Mag lalay-up siya. OMG!!! Ang astig niyang tingnan habang nasa lay-up position. Feeling ko tuloy nanunuod ako ng anime. Pero somewhere inside me, may nagsasabi na pamilyar ang scene na ito. Ayan na, inihagis na Mr. Gwapo yung bola from his lay-up position! Uwa! Naku, kung wala lang si Xavier sa tabi ko, baka napatili na ako. Fangirling lang?! Masyadong na eexcite ang puso ko sa pag lay-up niya ng bola. Sa posture niyang iyon, I’m sure na papasok iyan. Ayan na, malapit na sa ring! Bumababa na ang bola papunta sa ring. Ayon oh, super malapit na talaga! Shoot na yan for sure! Hanggang sa bigla na lang napalitan ng disappointment ang aking mga expectations. “Hoy gulay! Don’t missed unguarded lay up!” sigaw ng isa niyang ka-teammate. Haha. Ang tawa kong disappointed. Ngayon ko lang napansin na unguarded pala yung lay-up, tapos di pa rin niya na shoot. “Ah sorry.” ang poker face na sagot ni Mr. Gwapo habang napakamot siya sa ulo. “Sabi ko na nga ba eh, hindi pang basketball yang katawan mo.” sabi ng isa pang extra. “Yeah. Kung ako sa iyo bro, magtuturo na lang ako ng jack stone sa mga kindergarten students.” dagdag pa ng isa. “Sa sunod, try ko ng i-shoot.” ang walang expression na sagot ni Mr. Gwapo. Infairness ha, parang no effect sa kaniya ang mga pinagsasabi ng kanyang mga kalaro. Yan ang spirit ng hindi sumusuko! “Eh?! Pasensiya pero wala ng susunod.” sagot ni extra. “Ha bakit? Maglalaro pa naman tayo di ba?” tanong ni Mr. Gwapo sabay kuha ng bola. “Wala na akong gana eh. Katamad kang kalaro.” ang masakit niyang sagot. “Ako rin. Maglalaro na lang ako ng DOTA.” dagdag pa ng isa. “Sorry bro, pero out na rin ako. Pinabibili nga pala ako ng Nanay ko ng gatas para sa aking kapatid.” ang super obvious kabulaanan na excuse ng isa. “Ako naman, may sinampay pa. Mukhang uulan oh, uwi ka na rin gulay. Bye!” sabi ng isa na mukhang leader ng grupo at sabay sabay silang umalis. Uulan daw eh? Ang init init kaya ng sikat ni Haring Araw. Kung magsisinungaling lang sila, hindi ba pwedeng yung believable kasinungalingan naman? Mukha tuloy naiwan ng girlfriend si Mr. Gwapo. Awww. “Hoy Xavier, alam kong alam mong anime character siya.” sabi ko kay Xavier. “Yeah.” ang matipid niyang sagot. “Sa akin mapupunta ang huling halakhak ngayon Akuma.” dagdag ko. Mukhang ngayon lang siya natauhan. Bigla kasi siyang napatingin sa akin ng masama. Buti naman mukhang bumalik na sa earth na ang utak nito ngayon. For some unbelievable unexplainable unexpectable stupid reasons, mas gusto ko ang usual Xavier na palaban at masungit, kaysa dun sa Xavier na out of the world kanina. “It’s too early to claim your prize panget.” ang aroganteng sagot ni Xavier. Napangiti lang ako sa sagot niya, and I ready myself to run towards Mr. Gwapo. Ganun din naman si Xavier. Madali ang hamon ngayong araw. Masyadong obvious kasi kung sino itong si Mr. Gwapo. Ang tangi ko lang dapat gawin ay makipag unahan dito kay Xavier na masabi ang tunay niyang pangalan. At ang aming running marathon papunta kay Mr. Gwapo ay nagsimula. Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya. Halos kalimutan ko na nga ang aking p********e eh. Si Xavier naman ay hindi rin papaawat. This is humiliating but, nauunahan na ako ni Xavier! Super bilis niyang tumakbo! Siguro may lahi rin ito ng kangaroo! Nooo!!! Di ako papatalo sa iyo no!!! Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo! [Xavier’s POV] Hehe! Buti na lang lalaki ako. Lamang ako pagdating sa palakasan dito kay panget! As if naman maabutan ako nito? Kailangan niya munang magbuhat ng barbell sa gymn bago niya magawa iyon. Matingnan nga kung ilang kilometers na ang layo ko kay panget. “Xa-vi-er!!!” ang mala Sadako niyang sigaw habang humihingal nang nakita niya akong lumingon. Bigla tuloy akong napalingon sa unahan. This can’t be happening. Konti na lang eh maabutan niya na ako. Buti na lang napalingon ako kundi naka overtake na siguro ito. Not to mention na aaminin kong creepy ang itsura ni panget. Pakiramdam ko hinahabol ako ni Sadako oh kaya ni Sunako Nakahara! Dahil nga medyo natakot ako, mas lalo ko pang binilisan and I’m relieve na medyo malayo-layo na ang distance ko kay panget. Hanggang sa nakarating na ako sa kinatatayuan kanina nung anime candidate. Pikit mata kong inireach-out ang aking kamay habang nakatungo upang abutin yung lalaki. Napagod ako sa marathon namin eh. Sa wakas, makakaganti na ako sa lalaking iyon! Matagal ko nang hinihintay na makasagupa siya sa misyong ito! After all, I accept this mission for this reason. Now is the right time to get my revenge. Hanggang sa may nahawakan na akong kamay.Yes! I’m sure na kamay niya ito! Hinigpitan ko ng sobra ang hawak upang mas lalo siyang masaktan. Ouch! May napakinggan akong boses. [Smirk] Buti nga sa iyo, nasaktan ka! Pero weird nga lang dahil parang boses ng babae yung napakinggan ko. Huwag mong sabihing bakla ito? Ahaha! Maraming fangirls ang madidisappoint kapag nangyari iyon. Well, I particularly do not care! Bakla man siya oh hindi, that will never change anything! Bubugbugin ko pa rin siya hanggang sa magsawa ako. Paduduguin ko ang ilong niya hanggang sa wala na siyang ilong! Bubungiin ko ang mga ngipin niya hanggang sa hindi na siya makakain! Babaliin ko ang mga buto sa katawan niya hanggang sa hindi na siya makatayo! Kung pwede nga lang patayin ko siya…kanina ko pa ginawa! Na eexcite ako! Na eexcite akong makaganti hanggang sa I’m satisfied! Iminulat ko ang mata ko while wearing this aura seeking for revenge. Ready na sana ang isang banat ng suntok eh, pero ng makita ko kung sino itong hawak ko, napatigil ako. Eh paano ba naman, hindi siya ang nahawakan ko kundi si ‘Panget’ pala! Takot ang expression ng mukha niya pero wala akong pakialam! Kaagad ko siyang binitawan at lumingon lingon sa paligid upang hanapin kung nasaan yung lalaki. Pero hindi ko siya makita kahit saan! “Shet!!!” sigaw ko sabay luhod at suntok sa lupa! Hindi ko gustong umiyak pero tumulo na lang bigla ang mga luha! Saan nagpunta ang bwisit na anime na iyon?! Bakit bigla na lang siyang nawala! Hanggang sa pumasok sa isip ko na walang presence nga pala ang lalaking iyon kaya kadalasan ay nagiging invisible siya sa paningin ng iba! “Shet! Shet! Shet!” sigaw ko habang patuloy pa rin ang pagsuntok sa kawawang lupa. Sobrang naiinis ako sa sarili ko!!! [Emi’s POV] Nasapian kaya ng masamang espirito itong si Xavier? Sobrang nakakatakot siya ngayon eh. Bigla na lang akong hinila tapos akmang susuntukin while bearing that evil expression on his face! Buti na lang hindi niya itinuloy and in the first place, obvious naman na it wasn’t meant for me but for that anime character. Bakit ganito na lang ang galit nito sa kanya? Hindi ako nakakikita ng rason para magalit siya ng ganito! Wala namang ginagawa sa kanya yung tao eh! Pero naawa ako dito ngayon, dumudugo na yung kamay niya kakasuntok dun sa lupa. May reason siguro siya na hindi ko alam. “Hoy! Tigilan mo nga yan!” sabi ko pero patuloy pa rin siya. Hanggang sa hinawakan ko ang kamay niya upang mapigilan iyon sa kakasuntok. Bigla niya akong binigyan ng evil stare. “Wala kang pakialam! Baka gusto mong yang mukha mo ang ipalit ko dito sa lupa?!” ang galit niyang sigaw sabay hawak sa collar ng uniform ko. “Sige, kung yun ang magpapatigil sa iyo, GAWIN MO!!!” sigaw ko pabalik sa kanya kasabay ng pagpatak ng tubig galing sa itaas. Umuulan ba? Hindi naman. Nang natauhan ako, ang inakala kong ulan, luha ko pala. Shet, bakit ako umiiyak? At kahit gusto ko silang itigil, patuloy pa rin ang kanilang pagpatak! Nooo! Ayaw kong umiyak sa harapan ng akumang ito. Hanggang sa naramdaman kong binira ako ni Xavier papunta sa kaniya… at… niyakap niya ako. TT//////TT Bigla tuloy bumilis ang t***k ng puso ko habang patuloy pa rin sa pag iyak. Ayaw talagang tumigil eh kahit anong gawin ko! “Sorry, Emi.” bulong niya malapit sa tenga ko. First time kong mapakinggan na sinabi ni Xavier ang pangalan ko. Mas lalo tuloy bumilis heart beat ko! Shet! Anong problema mo puso ha? Shut up, baka mapakinggan ka niya! Nakakahiya iyon! Naging involuntary lahat ng feelings ko. Hindi sila sumusunod sa sinasabi ng utak ko! Uwa! Napakapit na lang ako sa damit ni Xavier. “Bakit ka ba kasi galit na galit sa kaniya?” tanong ko, “Si Kuroko Tetsuya….ang pumatay sa Mommy ko.” ang mahinang sagot ni Xavier habang mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. How the heck can Kuroko kill his mother???!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD