Kapitulo 12

2259 Words
[Emi’s POV] Hinahabol ako ng titan!!! Uwaa! Isang colossal tapos kalahating armored! Ha? Anu daw? Kalahating armored? Meron ba nun? Anyway, ewan ko kung bakit kalahati lang yung katawan nitong armored titan na humahabol sa akin. Takbo lang ako ng takbo. Ang galing ko nga eh. Lumulusot daw ako sa pader. Whahaha! This is amazing Emi! Nagkakaroon ka na ng super powers! Yohooo! Geh lang mga titan babies! Subukan niyo kung maabutan niyo ako! Ang saya naman nito! Hindi ako napapagod, ni hindi man lang ako pinagpapawisan! Napalingon ako sa likod ko upang tinggnan yung mga titan babies na humahabol sa akin. Uwa! Naging weird yung colossal titan! Eh paano ba naman, ang ulo niya ay mukha ni Levi! Hala! Anong nangyayari? May ganito bang ability ang mga titans? Kaya nilang magpalit ng mukha? Bago ito ah! Anyway Emi, ienjoy mo na lang yan. Nakakatawa kayang tinggnan na ang ulo ng titan ay si Levi! Maya-maya, bigla akong napatinggin dun sa kanina’y kalahating katawan na armored titan! Gaaaaaaa!!! Are you joking me?! Eh paano ba naman, ang ulo niya ay si Akuma! Oo, si Akuma, ay este ang pesteng si Xavier. Bakit napadpad ang ulo ni Xavier dun? At saka mas creepy ang dating nito kaysa dun sa colossal na ang ulo ay si Levi! Mas pipiliin ko pang magpakain dun sa colossal kaysa dito! Anong kalokohan ang nangyayari sa mundo ng aking mahal na Shingeki no Kyojin?! Ipahabol niyo na ako sa kahit anong uri ng variety ng titan – unggoy, aso, palaka o butiki man yan! Huwag lang dito sa variety ni Xavier! Maya-maya, may napakinggan akong boses habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Never akong magpapaabot dito sa Xavier Titan na ito no! Buti na lang hindi ako napapagod! “Beta-“ sabi nung boses. Medyo parang shallow lang yung boses. Yung tipo ba na tila nanggaling sa kailaliman ng balon. Saan kaya galing yun? Ako lang naman at yung dalawang titan na nasa likod ko ang taong kasalukuyang nandito. Oh, I think ‘tao’ is not a right term, kasi di naman tao yung dalawang halimaw na humahabol sa akin. Let me rephrase it. Ako lang at yung dalawang titan ang kasalukuyang organisms na nandito. Weird. Saan bang dimension ako napadpad. At in the first place, bakit ako napunta dito. “Beta!” sabi ulit nung boses. Ngayon, medyo malinaw na yung pagkakasabi. Parang boses ng lalaki yun ah. At saka bakit paulit-ulit na lang yung word na beta?! Di ko magets. Baka naman Beta Tester yung ibig sabihin nun. So napunta na ako sa Sword Art Online, ganun?! At saka paano ako magiging beta tester eh in the first place nasa mundo ako ng shingeki no kyojin? Gaaaaa!!! Ano bang nangyayari dito?! This is really crazy. “ILAYO MO SA AKIN YANG BETADINE!” sigaw ng isang boses na parang boses ni Xavier. Bakit nagkaroon ng topic about betadine dito sa Shingeki no Kyojin? Ah, para po sa mga hindi nakaka alam kung ano ang betadine, ito po ay isang antiseptic na nilalagay sa sugat. Kulay red siya tapos amoy sunog na plastic. Pagkatapos kong marinig yun, bigla akong nakadama ng feeling na nahuhulog ako. Uwa! Oo nga! Nahuhulog ako sa kailaliman ng isang malalim na mundo. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Bakit ako biglang nahulog?! Bwogsh! Laglag si Emi. Aray. Bwiset na yan! Nahulog ako sa semento! Hipo ng pwet muna pag may time. Ang anot eh! Pwede kayang magkabukol sa pwet? Geez, never mind that question guys. Medyo subconscious lang itong si Emi idol niyo. Nakatulog na pala ako! Nandito nga pala ako sa clinic kasi sinamahan ko ang injured na si Xavier. So lahat ng yun panag-inip lang pala?! TT_TT Anyway, ang maganda lang naman ay yung first part, huwag na yung kalagitnaan kasi bigla ng umappear dun ang epal na ulo ni Xavier. Pero minsan lang ako makapanag inip ng ganun ka detailed. Kung hindi lang talaga sumulpot galing kung saan itong akuma na ito, sobrang ganda na sana ng panag inip ko. Pero atleast, medyo may idea na kayo kung gaano kalupet manag-inip itong si Emi! Back to malupit na reality na tayo guys. Lumingon ako dun sa kwarto kung saan kasalukuyan ay nilalapatan ng first aid treatment si Xavier. Separate kasi ng kurtina yung places na kung saan nandun kami eh. Nakakita na naman siguro kayo ng clinic di ba? So I guess medyo na iimagine niyo yung setting. Teka, that reminds me of something interesting. Ginising ako nung boses ni Xavier habang sumisigaw siya na ilayo raw sa kaniya yung betadine. *Smirk* Huwag mong sabihin na takot itong almighty super yabang na akuma na ito sa Betadine? “Uwaaa!!! *Sob* *Sob* Ang anot! Ang baho! Nakakadiri! Tama na! Curse you betadine! Mommy…Daddy! Help me!” sigaw ng boses ni Xavier galing dun sa kwarto habang medyo parang umiiyak. “Mister, huwag po kayong maggalaw.” sagot nung nurse na nanggagamot sa kanya. Bwahahaha! Hahahaha! Hihihihi! Lol lol lol lol! Grabe, napatawa ako ng sobra. Halos magtanggalan na nga yung mga white teeth ko eh. Biruin niyo yun? Di ko malubos isipin na ang sobrang cold at masungit na Akuma pala na ito ay takot sa betadine? Parang bata lang na iniwan ng kanyang Mommy at Daddy para magpatuli! “Hoy panget! Huwag ka ngang maingay diyan! Para kang mangkukulam! A-Arraaayyy! Stop applying that f*****g betadine! Mommy…Daddy!” sigaw niya. Maiinis sana ako eh, pero mas lalo lang ulit akong natawa. Pagpasensiyahan na natin kung minsan guys. Minsan lang mapagtripan itong si Akuma eh. Nagdaan ang 365 hours, joke, over? 30 minutes lang naman. Ayon, eto, matahimik na rin sa wakas dito sa clinic. Kanina lang, parang may isang libong baka dito na nanganganak eh. At kanina rin lang, parang may batalyon dito ng mangkukulam na halos hindi na makahinga sa pagtawa. Eh sobrang nakakatawa si Xavier eh, anung magagawa ko? Lumabas si Xavier dun sa kwarto. At kaagad ko siyang sinalubong ng aking nanglalait na ngiti. Bigla tuloy siyang namula. Super hiya siguro nito. Well, sino ba naman ang di mahihiya dun? Buti na lang pala, sinamahan ko to sa clinic. Kung hindi, makakalampas sana sa akin ang isang napaka bonggang secret ni Akuma! Ang sama ko no? “Isarado mo nga yang bunganga mo panget. Super proud ka pa talagang idisplay ang super dilaw mo na ngipin ha. May sira ka talaga ano?” sabi ni Xavier habang naglalakad papalabas ng clinic. Arg! Sa lagay niyang yan may gana pa talaga siyang asarin ako?! At saka anong madilaw ha? Di ba nga…ang colgate kong gamit ay close up?! Ilang beses ko ba dapat pa ulit-ulitin! Demonyo talaga itong si Xavier. Kaagad ko siyang hinabol. Nandun na siya sa may garden ng school namin. Yung garden nay un ay katabi lang ng basketball court. Infairness ha, ang bilis naman niyang maglakad! Nakarating kaagad siya dun eh may kalayuan kaya yun sa clinic? Anyway, dapat ko pa siyang magantihan. Wala man lang utang na loob? Ako na nga itong nagdala sa kanya sa clinic kahit down din ang sitwasyon ko, tapos nagawa pa akong inisin?! Bakit may mga ganitong species ng lalaki ngayon ha? Dapat silang ipa-assinate sa mga homunculus! Nang maabutan ko si Xavier, kaagad ko siyang binatukan. Oo, hinampas ko siya gamit ang hammer ni Lavi ng D Gray Man sa kanyang batok. De, joke lang. OA naman yun. Eh di sana, nagkabali-bali na ang leeg nito? Kamay lang yung pinanghampas ko. Kaagad siyang lumingon sa akin with that super angry nakakainis paranoid face of him! “Ano bang problema mo ha?!” sigaw niya habang itinataas yung kanang kamay niya na para bang susuntukin niya ako. Tse! So lumabas na naman ang tunay na kulay nito! Ang sama talaga ng pag-uugali! Ni itong mala dyosa kong kaanyuan, pinagbabalakan niyang suntukin?! Nanununtok si Xavier ng babae! Oh hinay hinay lang. Kalma lang Emi! Di ka pa naman nasusuntok eh kung anu ano na kaagad ang pumapasok sa isip mo. Ang totoo niyan guys, naging OA lang naman ako. Di naman tinuloy ni Xavier yung maala tsunade niyang powerful punch. Napigilan naman niya. Nakatayo lang siya sa harap with that confuse face. Buti na lang napigilan niya, kung hindi, super magrereklamo talaga ako kung bakit siya napili na iligtas ang anime world kung ganito ang ugali niya. As if naman na hindi ako nagrereklamo ngayon XD. At saka, ayaw kong masuntok no. Masakit kaya yun! Baka mapango itong matalos kong ilong! “Oh aking akuma na takot sa betadine [chuckle], bakit hindi mo tinuloy?!” sabi ko sa kanya habang medyo may hymn yung pagkasabi ko. Ano ka ba Emi?! Bakit tinanong mo pa? Baka ituloy ni Xavier yung pagsuntok niya sa iyo, at matuluyang matagpas yang ilong mo. Ang lakas din talaga ng loob kong magtapang-tapangan ano? Buti na lang, napakunot lang yung noo ni Xavier dahil dun sa sinabi ko. Yung para bang naiinis. Haiyy, medyo relieve ako. Padalos dalos kasi ako kung minsan eh. “Tse! Medyo wala akong ganang makipag talo sa iyo ngayon panget. At saka anong takot sa betadine?! Hindi ah!” reklamo niya sa akin with a liar childish face. Uwa! Meron palang ganitong side itong si Xavier. “SI-NU-NGA-LING. Pakipot ka pa, eh huling huli kaya kita sa akto na takot sa betadine! Natawag mo pang lalake ang sarili mo kung ganyan ka kaduwag?!” sabi ko. Makakaganti na rin ako sa iyo Akuma. Medyo napaurong ng konti si Xavier with that super nahihiyang look pero may pagka arogante pa rin ang dating. Ang taas kasi ng pride nitong lalaki na ito eh! Hindi kaagad yan aamin na takot siya sa betadine. Pustahan tayo? “A-Anong pinag sasasabi mo ha?! Etong gwapong ito, takot sa be-betadine?!” Kita niyo na? Taas ng pride ni Akuma. Pero, tatanggalin ni almighty Emi yan. Kinuha ko yung bote ng walang laman kong cologne sa bulsa ko. Marahil nagtataka kayo kung bakit nasa bulsa ko yung walang laman na bote ng cologne…ewan ko rin eh. Pero that’s not important. Etong gagawin ko ang importante. Wiiiiiiiii! Ibinato ko papunta kay Xavier yung empty bottle ng cologne sabay sabi ng: “Akuma! Saluhin mo yung betadine!” “A-Are you jo-jo-jokine ME?!!! Nooooooo!!! Waaaaa!!!” reklamo ni Xavier habang ang putla ng mukha niya tapos paikot-ikot siyang tumatakbo. Haha! Buti nga sa iyo! Tatanggi ka pa ha! Nang mahulog sa lupa si bottle tapos narealize ni Xavier na hindi pala betadine iyon, kaagad siyang tumingin ng super sama sa akin. So far, ito yung super samang tinggin na nakita ko sa buong buhay ko. Lagot ka Emi. “Binibwisit mo talaga ako no?” sabi niya sa akin habang hinawakan niya yung collar ng uniform ko at binira papunta sa kaniya. 7.8 centimeters lang ang pagitan ng mga mukha namin. At aaminin kong medyo natatakot ako, baka mabulbog ako nito ah. Super asar na kasi si Xavier. Oh no! Pero stay strong Emi! Siga ka dito di ba? Huwag kang papatalo sa isang transferee student! “So? May angal ka?” ang super taray kong sagot. Haha! Medyo astig pakinggan! Pero I’m really in grave danger right now. Maya-maya binitawan na ako ni Xavier, at kaagad siyang tumalikod at naglakad papalayo. Ehhhh?!! Walang nangyari?! Bakit hindi ako nasuntok? Hoy Emi! Sadista ka ba at gusto mong magpasuntok?! Buti na nga hindi ka nasaktan eh. Pasalamat ka at may konting kabutihan pa sa puso yang si Xavier. Maglalakad na din sana ako papalayo, pero bigla kong narinig na nagsalita si Xavier. “About dun sa betadine, huwag mong ipagkakalat yun ha.” sabi niya habang nakatalikod sa akin. Iniimagine ko tuloy yung mukha ni Xavier habang sinasabi yun. So nawala rin ang pride niya no? “Eh paano kong ayaw ko?” ang sagot kong naghahamon. Ang loka ko rin no? Siguro mahilig lang talaga ako sa gulo. Lumingon sa akin si Xavier tapos binigyan niya ako ng super evil stare. “Ipaparape kita!” ehhhhhh!!!! Tinubuan ako ng goosebumps dun ah! An akuma really remains as an Akuma forvever! Hindi na lang ako nagreply kasi baka kung ano pa ang idagdag niya. Basta nagtayuan talaga ang balahibo ko dun. That’s a bad joke you know! Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pero may napakinggan akong something na hindi ko ineexpect galing dito kay Xavier. Akala ko nga hindi niya alam yung word na yun eh. “Arigatou.” sabi niya sabay lakad ng mabilis papalayo. Napalingon tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. As in super gulat na gulat ako. Marunong palang magthank you si Xavier, at talagang sa Japanese pa niya sinabi?! Aray. Bakit parang medyo nanakit yung dibdib ko? Bumilis kasi bigla yung t***k ng puso ko eh! Weird! Siguro sobrang gulat lang talaga ako. Maya-maya, parehas kaming napatigil ni Xavier. Nakuha kasi ang atensyon namin nitong isang taong naglalaro sa basketball court. Inaaway kasi siya ng mga kalaro niya. At eto ang sinasabi nila… “Kelan pa natin naging kalaro itong lalaking mukhang gulay na ito?” “Wala naman yan dito kanina ah!” “Oo nga, hoy pandak! Saan ka bang lupalop sumulpot?!” “Yang payat mo na yan, sinasabi mong kanina ka pa nakikipaglaro sa amin? Kalokohan!” Tapos…biglang nagsalita yung lalaki. Medyo hindi katangkaran pero may itsura, at saka compose yung facial expression niya. “Nandito ako, nakikipag laro sa inyo ng basuke, all this time.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD