PIPPITTT!! Pippittt!!
Malalakas at sunod - sunod na busina na nanggaling sa likuran nila Hilna at Jerick habang lulan ng sasakyan ang dalawa.
"Puwede pakibilisan mo naman?" itsurang tila ba inip na inip ang mukha ni Jerick ng magsalita ito sa tagikiran ni Hilna. Nilakupan pa na napapailing ito sa pagpapatakbo niya. Bagkus hindi niya iyon pinansin. Sa umpisa pa lamang ng pagmamaneho niya nakitaan na niya ito ng pagka inip at yun ang gusto niya!
"Gusto mo akong isama, 'di ba? Pwes! Magtiyaga ka!" Turan ng isipan niya saka simpleng napangisi. Tuwang-tuwa ang kalooban niya sa ginagawa, kahit paano ay nakagaganti siya sa boss.
Lalo pa niyang binagalan ang minamaneho, ginaganahan siyang asarin ito matapos nitong magsalita. Pansin niyang lumilingon ito sa sasakyan na umo-overtake sa kanila dahil sa bagal ng pagpapatakbo niya. Muli itong nagsalita pero hindi niya pinansin ang sinasabi nito, nagpatuloy lang siya na tila ba walang naririnig.
"Miss. Soledad ma le - late tayo sa meeting kung ganyan ang pagmamaneho mo, saka alam mong after ng meeting may pupuntahan pa tayo. Kung alam ko lang na ganyan ang pagpapatakbo mo 'di sana ako na nagdrive ng sasakyan ko." dagdag pa nito na 'di maitatago ang pagka -inis. Tila ba nagdadabog sa tono.
"Takot ako sa mabilis na pagpapatakbo Mr Corpuz. Mahal ko ang buhay ko at saka pag ganito safe tayong makakarating." sagot niya na may pang aasar.
Napahilamos ito ng sariling kamay papunta sa buhok nito. Tila ba hindi mapigilan nito ang maasar dahil sa pagpapatakbo niya. "Oh, c'mon..." mahinang ulas nito.
Tumaas ang dulo ng labi niya sa tuwa.
"Puwede ako na mag drive? Baka bukas patayo makarating sa pupuntahan natin." pag piprisinta ulit nito saka muling lumingon sa tagiliran nito dahil may nag overtake na namang sasakyan.
Mabilis niyang pinisig ang palad nitong nung aakmang papatayin nito ang sasakyan. " Relax Mr. Corpuz! Makakarating din tayo, okay? Bakit hindi ka na lang matulog ka muna at pagka gising mo naandoon na tayo." wika niya na may halong pang -aasar. Alam niyang nakakaganti na siya sa binata.
"Oh, c'mon Miss Soledad. Sa dating ng pag da- drive—."
Pippiittt!! Pippiitt!!
Isang malakas at nakakabingin businang nanggaling sa may likuran nila. Sandali at omoveetake ito sa kanila at giniliran ang sasakyan nila. Halos magkadikit na ang gulong ng kapwa sasakyan. Saka nagsalita ang may ari ng sasakyan ng makalapit sa kanila.
"Itapon mo na 'yang kotse mo Miss! Malaking sagabal sa daan!" Hiyaw nito at itsurang nagagalit sa tono at mukha nito.
Akma sana niyang sasagutin ang lalaking nangahas na sabihin iyon ngunit mabilis na pinaharurot ang kotse nito.
Hindi maiwasang napatingin siya sa binata. Kagat ang labing nagtitimpi na lamang ito sa ginagawa niya dahil nakatingin Ito sa bintana nito.
"Tingnan nati kung isasama mo pa 'ko nextime." mahinang anas niya.
***
"So, anong balak mo sa sekretarya ng ama mo?"
Matapos ang meeting nagtimping naihatid naman ni Jerick ang dalagang magmula umaga ay pinakulo ang dugo niya.
"Ewan ko sa babaeng 'yun!" nagpipigil inis na sagot niya kay Joven. Nakiusap itong makipagkita sa kaniya dahil sa gaganaping debut party na sila mismo ang kakanta.
"Parang umurong yata 'yung bayag mo sa babaeng 'yon bro. Parang wala na yata 'yung karisma mo sa mga babae." sa unusual nice Joven, mabilis niyang naindtindhan ang ibig nito.
"Gago! Sekretarya 'yun ni Daddy!" maikling sagot niya. Wala siyang balak paglaruan ang dalaga. Wala siyang balak paibigin Ito at paglaruan. Aminado siyang maganda ito at hindi maitatangging napapatitig siya minsan sa dalaga dahil sa napakalaking hinaharap nito na gustong -gusto niya sa lahat ng kababaihan. Mukha din itong inosente at mahahalatang wala pang alam sa ibang bagay.
Lumabi si Joven sa kaniya at uminom ng kape. Nasa loob sila ng restoran kung saan ang pinag-usapan nila.
"Kumusta 'yung Casa Diseño? Kaya mo bang patakbuhin?" tanong ni Joven ng maalala ang kumpanya nila.
Hininga siya ng malalim.
"Sus!" saka napangiti ng masabi iyon ni Joven. "Stressed sa trabaho o stressed sa sekretarya ng ama mo?" nakangising tanong nito.
Wala doon ang sa tanong nito an biglang pumasok sa isipan niya—kundi ang babaeng hinalikan niya sa dilim.
"Really? Ayaw mong bigyan ng leksyon ang sekretarya ng ama mo?" makulit na tanong nito na halatang hindi siya titigilan hanggat wala itong makukuhang impormasyon. Nagsisisi tuloy siya bakit nabanggit niya iyon kay Joven mabuti na lang at wala si Jazzy kung hindi pati Ito ay nangungulit na rin sa kaniya. Pero huwag siyang manigurado dahil tiyak makakabot din iyon sa isa.