"NAIKWENTO NG aking ama... Lahat daw ng mga nakukuha ninyong modelo nuon eh, palpak." dinig ni Hilna sa harapan nilang lahat. Tahimik lang siyang nakatayo at nakatingin sa binatang boss na nagsasalita. "Which is napag isipan 'kong huwag na lang tayo kumuha ng ibang modelo at humugot na lamang sa mga empleyado dito. Mas makakatipid, 'di ba?" nanlaki ang butas ng ilong niyang kuripot din ang mokong. Napaismid siya sa narinig. "Well... Hindi naman maitatangging karamihan sa mga babaeng empleyado ng Casa Diseño ay magaganda at sexy, 'di ba?" tumikhim muna ito at nagpatuloy. Taas kilay naman siyang nakikinig. "Naisip ko din. After this project mag night picnic tayo." dagdag na wika nito.
At doon narinig na niya ang tila mga bubuyog na nagbubulungan sa loob ng kuwarto. Nagtanguan ang ibang mga tauhan ng makita niya, kumbinsido sa pahayag ng binata. Maging silang magkakaibigan hindi maiwasan na nagkatinginan. First time mangyayare sa kumpanya ang isang night picnic. Maging ang dalawa niyang kaibigan ay abot tenga ang tuwa. Ginawa niyang walang reakyon ang mukha pero hindi nagtagal ay napangiti na rin siya ng makitang masaya sina Luis at Carla.
Maaga nitong pinatawag lahat ng staff ng kumpanya ng umaga na 'yon. Base sa inatedan nila ng meeting kahapon ng binata, halos lahat yata ng designer ng Casa Diseño ay pinuntahan nila. Ipinakita sa ibat ibang kumpanya ang mga disenyo na halos lahat naman ay nagustuhan ng mga taong nakaharap nila sa pagpupulong. Kung kaya't umani ng halos kaliwa't kanan na order ang narecieve ng Casa Diseño sa bawat kumpanya na ikinasaya ng binata. Iyon din ang dahilan kung bakit maaga itong nagpatawag ng pagpupulong.
"Lalaki at babae ang kailangan ko." Umpisa ulit nito kaya nagkatamikan ang lahat, "Don't worry, dadagdagan ko naman ang mga sahod ng mapipili." Lalong nagkantyawan ang ibang empleyado at kumbinsidong kumbisido sa narinig sa dagdag sahod kapag mapipili ang sarili.
Sumingit na bumulong ang kaibigan niyang bakla sa kanilang dalawa ni Carla. "Talande, baka isa sa inyo ang mapili ni Carla." sabay ngiti sa kanilang dalawa. Itsurang galak na galak sa mangyayare.
Napagalaw ang nguso niya, "Si Carla 'yun, anong alam 'kong rumampa sa ganyan. Saka ayoko." aniya na nakataas dulo ng nguso.
Hindi naman din maitatangging maganda ang kaibigan. At lalo na, long leg ito kesa sa kaniya.
"Sus... Keri 'yan, uy! Dagdag sahod narinig mo ba? Diba kailangan mo ng pera sa utang ng nanay mo?"
"Psst!" mabilis na bawal niya sa bakla. "Ang ingay mo! Sa'yo talaga walang maisekreto!" madiin niyang bawal sa kaibigang bakla.
"Ang ingay ninyong dalawa! Puwede makinig muna kayo?" Suway naman ni Carla sa kanila.
Akma pa sana siyang sasagot ng biglang magsalita ulit ang binata. Sa pag angat niya ng ulo, hindi inaasahang nakatingin pala sa kaniya si Mr Corpuz at nagtama ang paningin ulit nila. Inignora niya iyon at mabilis na inilihis ang mga mata. Naasar pa rin siya rito pagnaiisip ang ginawang pangingielam sa papel na hawak niya at ginawa pang binasa.
"Meron ba kayong irerekomenda?" dinig niyang tanong nito sa lahat. At nang magtaas siya ng paningin nagtama ulit ang paningin nila at tila ba ang mga mata nito'y direktang tinatanong siya.
Halos karamihan ng mga kasamahan niyang babae ay nagtaasan ng mga kamay. Maging ang dalawang kaibigan niya, gunit maliban sa kaniya. Imbes isa sa mga ito ang tawagin nito, gulat siya ng marinig ang pangalan niya na tawagin ng binata na ikinabigla niya kaya't nagising siya.
"Miss. Soledad." sabay taas ng kamay nito at tinuro siya ng daliri nito. "May ere-rekominda ka ba?"
"So-sorry Mr. Corpuz, wala akong mairerekominda." Nauutal niyang sagot dito.
Nakita niyang lumabi ito at segundo ay tumango tango ang ulo saka nagsalita muli.
"Sino may irekomenda d'yan sa inyo?" Baling na tanong nito sa mga ibang kasamahan niya.
"Ang talande, nag inarte!" Taas kilay na may panghihinayang na sabi ni Luis sa kaniya, "Pagkakataon muna iyon para erekuminda ang sarili mo. Tsk! Pinalagpas mo pa!" dinig niyang bulong ng kaibigan bakla.
Tinitigan niya ito ng masama, ginantihan naman siya ng isnab nito na kulang na lang may nagawa siyang masama at mukhang hindi papatalo. Tama nga ito kailangan niya ng pera, ngunit kung ito ang rason para sa problema niya. Ayaw niya! May malaki siyang sahod at uutang na lamang siya para doon. Saka kung makakasama niya ito ulit sa isang proyekto tiyak rambol na naman sila. Tama na yung asst siya nito. At huwag nang idagdag na kasama siya sa taping na gagawin.
Nadinig niyang nagdismiss ito ng meeting. Nadinig niyang kukuha na lamang ito ng modelo at baka marami naman daw available sa ibang kumpanya. Nadinig din niyang maraming naghinayang sa agarang pag iiba ng desisyon ng binata. Pansin din niyang naandoon pa rin ang malaking panghihinayang sa mukha ng bakla.
Sabay sabay silang lumabas ng meeting room. At kaniya kaniyang bumalik sa sariling desk. At dahil nakaramdam siya ng pagkatakam sa kape siya sa coffee bar at sumunod naman sa kaniya ang dalawang kaibigan niya. Sa itsura ng mga ito tila ba naluging intsik ang mga mukha. Kaya nagawa niyang magsalita habang nagtitimpla na ng sariling kape.
"Ano ba kayong dalawa. Dapat kase minsan nauunawaan din ninyo ako kung bakit ayaw ko." Umpisa niya, "Yaang karisma ninyo, hindi lagi 'yan ang dahilan para makaiwas sa problema. Sa totoo lang siya pa nga ang nagdadala sa akin ng malaking problema. Hindi ko nga alam if sikat na ba ang pangalan ko dahil sa pagsama ko sa kaniya nuong naglaro siya." Wala pa rin siyang narinig na sagot sa dalawa kaya nagpatuloy siya, "Saka modelo 'yun. Ano bang malay ko sa pag rampa, aber?."
"Hindi naman sa gano'n Hilna. Yuong bang, kahit papaano makadagdag 'yun sa problema mo. Malaking talent fee din 'yun ah." Sagot ni Carla saka tumingin sa bakla.
"Saka mahirap mag prisinta. Tinanong lang ako kung may irerekomenda." pangangatwiran niya. Pero kahit alukin siya malabong pumayag siya sa binata. Sa una pa lang naging sakit na ng uloe niya ito.
"Naku Carla! Hayan muna yang talande na 'yan! Basta! Wala tayong ipauutang d'yan pagnangailangan 'yan! Bahala siya sa buhay niya!" Anas ni Luis sa kaniya habang ang kilay ay nakataas.
Sinagot naman ni Carla ang binulalas ng bakla. "Magtitiis mo ba?" saka nagbuntonng hininga.
Hindi naman sa ikakailang sa dalawang kaibigan niya siya lumalapit oras na may pangangailangan siya. Swerte lang talaga siya sa mga ito dahil kahit minsan pangit ang lumalabas saw bunganga niya ay kilalang kilala na siya.
"Kaya ba ninyo akong tiisin?" May pagdamdam na tanong at sa mababang tono.
"Problema mo na 'yan!" taas kilay ni Luis. Mukhang naiinis talaga ito. "Tara na nga lande!" Sabay hila nito kay Carla na para bang napipilitan pang sumama. Naiwan siyang nakaupo sa puwesto niya.
Huminga siya ng malalim ng matantong nag-iisa na lamang talaga siyang nakaupo doon. Kaya walang nagawang inubos na lamang niya ang kape saka nagmamadaling puntahan ang mga kaibigan, kakausapin ulit niya ang mga ito at muling magpapaliwanag.
Pero nabangga siya sa isang pader...