bc

IKAW NA NGA BA SI MR. RIGHT?

book_age18+
1.5K
FOLLOW
8.6K
READ
possessive
playboy
drama
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
first love
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Tittle: IKAW NA NGA BA SI MR. RIGHT?

Playboy of the Year Series #5

Genre: Erotic Romance (R-18)

Jerick Corpuz

SYNOPSIS/BLURB

No one has ever kissed and hugged. That's the reason why Hilna Solidad is trying to find the man who dared to kiss her. That night there was a big gathering at the company she has working for. But where will she find the stranger? The room where the scene happened is so dark? The only sign of him it is tall and has the rough fur on his lower face, which almost all men have. But sometimes the company owner's son also crosed her mind.

Jerick Corpuz, the man she hate so much with the core of arrogance and besides that he is full of pride. So she better not ask it and just work it.

But what the meaning of his hot stare at her?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1.
"KAILAN KA PA NAGPAPUTOL ng buhok mo Alfonso? Kahapon, noong isang araw o ngayon umaga lang? Saka nasaan ka noong gabing naganap ang party? Naandito ka ba sa loob ng opisina mo o nasa ibang room? Umattend ka ba talaga? Saan ka nakaupo no'n, huh? Dumako ka ba doon sa stock room? Nag-stay ka ba doon ng matagal?" sunod -sunod kong tanong sa bagong kasamahan namin sa kumpanya. "Anong suot mo nga no'ng gabing 'yon? Natanggap ka na ba no'n dito o hindi pa?" dagdag ko pa sa kaniya. Halos malito naman ang mukha nito dahil hindi alam kung ano ba ang uunahing sasagutin sa akin. "Hoy! Talande!" "Ay! Bulbol mong b***t!" gulat kong bigkas sa likuran ko. "Hinahanap ka ni karisma." Ang pagtawag nito sa bagobg boss namin. Kasabay sa pagsambit nito may halong pagkalabit sa likod ko. Hindi ko muna 'to nilingon at pinansin bagkus nagsalita ulit ako sa harapan ni Alfonso. "Babalikan kita, huh, Alfonso? Saka hihintayin ko 'yung mga sagot mo, okay? Wait mo lang ako rito sa office mo. Sandali lang ako, promise." Saka iritadang tumayo ako sa kinauupuan at taas kilay na may halong inis ng harapin ko si Carla. "Ako... tawag?" paninigurado ko na may paduro sa dibdib ko. Hindi rin maitago sa boses ko ang pagkapikon nang tumango naman ito sa tanong ko, "Lintik naman, Carla, oh!" sabay tampal ko sa sariling ulo ko ng bahagya ng timango ito, "Eh, katatawag lang sa 'kin no'n, ah?! Wala na bang ibang tatawagin ang kuwagong 'yon?" reklamo kong sambit sa isa kong matalik na kaibigan. "Aba, ewan ko, ah!" paglilihis nito sa sarili, "Basta pinatatawag ka sa 'kin lang." Sandali'y sinayaw- sayaw ang magkabilang balikat nito na itsurang masaya ito ngayong umaga, "Oo, nga pala. Bakit mo kinukulit 'yung baguhan na 'yun? Anong tinatanong mo? Eh, ang aga-aga nakikipag maretesan ka do'n? Mamaya makita ka ng mga sipsip sa kumpanya, ewan ko na lang saiyo Hilna." babala nito. "Wala naman, may tinatanong lang naman ako. Saka pakielam nila kung nakikipag maritesan ako kay Alfonso?" kako na walang balak ipaalam ang sikreto ko rito. "Aba, batas sa kumpanya!" nakangising sagot nito. "Ano daw kailangan ng lalakeng kuwago na 'yun?" pang-iiba ko habang sabay na kaming humahakbang palayo at ang mukha ko'y hindi maipinta. "Huy, maka kuwago ka naman wagas! Baka mamaya madinig ka 'non. Hays, lintik ka! Kundi sesante ang abot mo!" may takot na banggit nito, "Mukhang istrikto pa naman 'yun anak ni Don Lucio." bawal nito sa akin at tiniyak pa kung may tao ba sa aming likuran kung may nakarinig ba sa sinabi ako. "Nakakabusit na kasi 'yang lalaki na 'yun, Carla!" maktol ko habang patuloy sa paglalakad, "Katatawag niya lang sa 'kin nong lalake na 'yun kanina, tapos heto't wala pang isang minuto tinatawag na naman ulit ako! Bakit kase nasaan ba si Don Lucio at ito na lang ulit ang maging amo natin?" tanong ko sa matandang dating may-ari ng Casa Diseño. Dalawang araw ang nakalipas matapos ganapin ang 30th Years Anniversary Party sa kumpanya kong pinagtatrabuha. At inihayag ang bagong magiging boss namin at hindi Naman bago dahil kitang-kita ko naman sa mukha ng Don ang panghihina nito kaya tumatak na sa isipan kong hindi magtatgal at magreresigned na ito bilang presidente ng kumpanya. Matagal na akong aplikante dito at kasama ko ang dalawang kaibigan kong sina Carla at ang baklang si Luis. Datapwat hindi ko inaasahang ang papalit pala ay ang panganay na anak nito. Jerick Corpuz ang pangalan nito. Hindi ako sigurado sa pangalan nito ngunit 'yan ang narinig ko sa bulungan ng mga ibang babaeng empleyado dito sa Casa Diseno. Na ngayon ay sobrang naiinis ako sa binata dahil bukod sa assistant ako nito ay ginawa rin ako nitong muchacha sa loob ng opisina nito. Isa pa sa problema kong hinahanap ang nangyare sa akin sa loob ng stock room na ilang araw ng nagpapagulo ng isipan ko. Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog dahil sa pangyayarenh iyon. Kung aksidente ba o sinadya ng lalaki sa loob ng dilim. Wala akong ideya kung saan ko ba ito hahanapin at bakit nito ginawa iyon. Ang halikan ako SA labi ng walang paalam ito. At ang tanging palatandaan ko lamang ay ang magaspang na balahibo nito sa pisngi, pero mas nanatili na lang sa akin na isekreto ko ito sa dalawang kaibigan ko maging sa lahat ng nagtatrabaho sa kumpanya. "Ang init ng ulo mo, Hilna. Relax ka lang." saka ipinaypay ang palad ng balingan ko ito ng tingin, "Ano ka ba? Kasama talaga 'yan sa trabaho natin pero sadyang ngayon lang nangyare kasi nga bago na nga 'yung boss natin." may pagpapaliwanag na bulalas nito. Umirap na lang ako sa narinig ko. Tama naman ito pero sobra-sobra na ang pag-uutos nito sa akin. "Anong problema mo Ng beshy ko? Bakit sambakol ang pagmumukha nito, eh, ang aga-aga?" tanong na bungad ng baklang si Luis ng harangin kami nito ni Carla. "Lumihis ka nga d'yan bakla! Wala ako sa mood at baka ikaw ang tamaan sa 'kin!" walang lingong asik ko rito. Saka hinawe ng kanang kamay ko dahil sa pagharang nito sa amin. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Peo kahit hindi ko tingnan ang dalawa ay tiyak ko nagbubulungan ang dalawa. At dahil may coffee bar sa loob ng kumpanya, doon ako dumiretsyo na tila ba nakalimutan ko na ang pagtawag sa akin ng bagong boss ng Casa Diseno, doon tumambay ako na nakatayo. Nagkatinginan ang dalawa sa likuran ko. Lagi naman ito nagkakampihan sa t'wing ganoon ang itsura ko sa umaga. "Hoy! Miss. Hilna Solidad!" tawag sa akin ni Carla na may halong kalabit sa balikat ko, "Hindi ba't tawag ka ni karisma? Eh, bakit dito ka dumeretsyo sa coffee bar?" paalala niya sa akin, "Alalahanin mo, strikto 'yung tao. Mamaya mo na lang paganahin 'yang kasungitan mo, uy! Tandaan mo... Isang sipa lang sa 'tin no'n, tiyak ligpit gamit tayo kaagad." pagkatapos umiling. "Girl, hindi pa natin alam ang ugali n'on." dagdag pa nito. "Sandali lang kasi! May lakad, huh, Carla?! Ikaw kaya pumunta do'n!" asik ko sabay kumpas ng aking kamay sa inis. Ramdam ko talagang kumukulo ang dugo ko sa bagong boss namin. "Tiyak naman akong may iuutos na naman ang herodes na 'yun! Puwede mamaya na? Magkakape lang ako?! Maghintay s'ya at nangangalam ang sikmura ko!" wika ko habang nagsasalin na ng kape sa sariling baso kulang na lamang mag sipagtapunan ang kape dahilan sa pag dadabog ko. Seryosong umupo ang bakla sa tabi ko ng makahila ito ng upuan. At dahil malapit ang coffee bar sa office ng bagong boss pasimple itong lumingon doon at tila ba may pilit sinisilip na tao kung meron ba o wala. Maya't inalis din ang dalawang mata ng bakla doon. "Alam n'yo mga bakla, simula ng umupo si karisma sa pagka boss dito sa Casa Diseno, parang lahat yata dito naging tahimik. Pansin ko lang, uh." maarte nitong pagkakasabi. "Pero impeirness ang guwapo ni karisma. Maka laglag panty s'ya." bulong nito na may halong kilig sa mukha ng magsalita muli. "Kinilig ka? Saan ka banda kinikilig? Mukha nga yata 'di marunong mag maligo at magtoothbrush iyang karisma n'yo, 'di ko man lang nakitang bumuka ang bibig, ayaw yatang ipaamoy 'yung hininga. Ang alam lang niya 'yung mag-utos ng mag-utos sa tao. Ginagawa niyang robot ang mga tao dito." taas kilay na sabi ko saka lumabe manaka sa kaibigan. Nasa labi ko na ng tasa ng kape nang marinig naming tatlo ang malakas na tawag sa apelyedo ko sa likuran namin. "Miss. Solidad!" Sa sobrang gulat, napaso ang labi ko sa kape, "Lintik na buhay to, oh!" sabay mabigat na ibinaba ang hawak na tasa. "Wala ka na ngang oras para makipag tsikahan sa mga bago. Wala ka pa rin oras para sa pagkakape mo! Aanhin ko kape na 'to? Palalamigin? Tapos itatapon?" gigil na bigkas ko sa dalawa. Bakas sa mukha ko ang matinding pagtitimpi matapos kong magsalita. "Relax, ako ang uubos talande." sabay abot ni Carla sa kape ko sa aking harapan. "Alam n'yo ba kaunti na lang eh, kaunti na lang at. . ." gigil na sabi ko habang ginagawa ko ng maglakad papunta sa office ng binata. Nang marating ko ang harapan ng transfarent na pintuan. Inayos ko muna ang suot na bistida na kulay brown na napapatungan ng kulay white na cheleko at pinartneran ko ng sandals na may 2 inches na high heels. Kahit naiinis ako sa bagong may-ari, ayaw ko pa rin harapin ito na hindi maayos ang pananamit ko. Simula kahapon naging busy na ako dahil sa kung ano-anong inuutos nito. At dahil dalawang araw na itong pumapasok ganoon na rin kaaga ako nito pinapapasok ng opisina nito at dadagdagan na lamang daw nito ang extra salary ko. Magkano kaya? Ako nga pala si Hilna Soledad. Bread winner sa magkakapatid. Tanging ako lamang ang inaasahan sa bahay dahil sunod-sunod ang mga kapatid ko. Nagtataka nga ako kung bakit nagbuntis pa ang nanay ko ganoong ang laki ng agwat namin ng kasunod ko. Tapos ako ng college na nababagay naman sa trabaho ko. Sa tulong ng aking Antie Dina na kapatid ng papa ko na nasa ibang bansa ay nakatapos ako. Huminto ito sa pagtulong sa amin nuong maka graduate ako Ng college at ipinasa na niya sa akin ang lahat. Tanggap ko naman iyon dahil marami naman na itong naitulong sa amin. Sinalat -salat ko muna ang mukha ko kung may dumi ba iyon. Kahit paano ayaw kong mabati nito na madungis ang pagmumukha ko. At ng matantong okay naman ang itsura ko saka kumatok ako ng dalawang beses. At dahil tranfarent ang pintuan, mabilis akong nakita nito at kinawayan ako. Hudyat na pumasok na ko sa loob. Hambog talaga ang demoho dahil kitang-kita ko wala naman itong ginagawa kung bakit ayaw akong pagbuksan. Nakabusangot din ito na tila ba galing sa matagalang away. "Galit ang mokong! Siguro sa tagal ko." satsat ng isipan ko. Pumasok ako at huminto sa harapan nito at nagtanong. "Me-me-mister?" hindi ko maidere-diretsyo dahil hindi ako sigurado kung ano ba pangalan nito. "Mr. Corpuz!" tawag ko na lang sa apelyedo nito. Para safe."Tawag daw po ninyo ulit ako?" at pinag diinan pa ang salitang 'ulit'. "Sit down." utos nitong 'di man lang nag taas ng paningin sa akin. Napalunok laway na lang ako. "Pumunta ka sa Los Mueble at makipag kita ka sa assistant ni Mr. Yong. Ipapakita n'ya saiyo lahat ng disenyo ng mga materyales, then ibibigay niya sa'yo lahat ng copy ng desenyo. After no'n, bumalik ka dito at pipirmahan ko lahat ng papers na dala-dala mo." tumango ako, "Ngayon din ang meeting namin ni Mr. Ronquillo. After namin magmeeting ibibigay ko sa'yo lahat 'yung papers at i- check mo 'yung stock na gusto n'ya. Nakasulat lahat doon 'yung detalye para sa mga design na ipapagawa niya sa atin. Itabi mo at mga nasa fifteen pieces iyon at basahin mo then ipaliwanag mo sa akin ang nilalaman." wika nito. Nangunot at mabilis na nagpanting ang tenga ko sa sunod-sunod na utos nito. Mabilis akong sumagot sa sinabi nito. "Pardon Mr. Corpuz," yung totoo narinig ko lahat ng sinabi nito. Pero mukha yatang nakalimutan nitong sobrang dami yata ng inuutos nito ngayon umaga at kakayanin ko ba iyon tapusin sa isang araw lamang? Tapos may babasahin pa?! "Miss. Solidad, nakikinig ka ba?" seryoso at kunot kilay na nag- angat ito ng paningin at tumingin ito sa akin. Ngayon ko lang ito napag masdan sa mukha ng malapitan. Tama nga si Luiz. Hinding maitatanggi na may kakambal pala si Adan, at ibinagsak sa lupa at sinalo naman nito ang lahat ng magandang katangian. Idagdag pa ang balbas nitong tiyak niyang kaakit-akit na nagbibigay karisma rito. Kaya pala itong mga kaibigan ko kung kiligin eh, ganoon na lamang! Ang kilay nitong makakapal, isama pa ang pilik mata nito na tila umayon sa mga mata nito na malululam. Ang ilong at labing mapupula na daig pa ang labi ng mga babae na nakikita ko sa loob at labas ng kumpanya; na bumagay naman sa mukha nito. Hindi rin maitatangging batak na batak ang katawan nito sa pag gi-gym dahilan sa itsura ng katawan nito na tila kasing tigas ng bakal dahil sa laki. Nakakapanglaway itong tingnan at ang sarap sigurong sumandik sa matitipuno nitong dibdib sa twing inaantok. Marami na akong nakasalamuhang lalaki. Pero bakit ganoon kaagad ang pumasok sa isipan ko? Nakakapanglaway! Perfect! Hindi ko na namalayan ang pag galaw ng aking ulo at bumaba iyon hanggang sa balikat nito. Daig ko pa ngayon ang itsurang uhaw na uhaw sa nakikita ko sa harapan ko. "Miss. Solidad." biglang tawag nito sa pangalan ko. Nagising ako at nanlaki ang mga mata sa kahihiyan. Hi-hindi! Pangit siya kase masama ugali n'ya! "A-ah, y-yes! Mr. Corpuz! Ano na nga ba 'yun?" tanong ko na pilit iniiwas ang mukha sa biglang pagka tulala ko sa itsura nito. Sana hindi nito masamain o isipin ang nangyare ngayong umaga. Umismid ito saka nagsalita. "Okay, let's go!" nakita ko na lamang na binubuksan na nito ang pintuan. Lintik! Saan ba kami nito pupunta? Walanghiya! Bakit wala akong naaalala sa mga sinabi nito kanina?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook