Matapos basahin ni Hilna ang dyaryo nagtaas siya ng paningin sa binata. Tama nga ang nasa isip niya. Ganito ang mangyayare oras na sumama siya sa binata sa laro nito.
Nagngingitngit na tumingin siya sa boss.
"Yaan ang dahilan kaya ayokong sumama sa'yo Mr Corpuz!" pero wala itong sagot, "Pati ba naman ito idinagdag mo pa sa iisipin ko? Umupo ka sa pwesto ng ama mo para tapusin ang iniwan niyang mga trabaho. Hindi ko ini-expect na mangyayare ito dahil ayokong maging magulo ang mundo ko." Taas babang dibdib na bulalas niya.
"Huwag mo ng pansinin. Lilipas din 'yan. Can I give one glass of coffee, please..." anas nito na tila ba walang pakielam sa balitang nalaman dahil kalmado itong sumagot sa kaniya habang siya ay nagpupuyos sa galit.
"Paanong huwag pansinin? Pangalan ko ang nakalagay sa dyaryo." Pagpapaintindi niya.
"You ignore them. Okay?"
"Ignore? Naririnig mo ba sinasabi mo?!" may pagkabulyaw na sagot niya.
"Please pakitimpla ako ng kape, Miss Soledad." Sabay naupo sa upuan nito habang siya ay nakatayo sa harapan nito.
Daig pa niya ang nag-aapoy sa galit dahil masyadong tiwala ito sa sarili.
Kakaiba talaga ang mga sikat. Walang pakielam sa magiging isue sa kanila. Paano na lang kung mabasa 'yon ng mga magulang nya? Ano na lamang ang isasagot niya rito?
Hays! Dagdag isipin!
Biglang pumasok sa isipan niya ang nalilink ditong modela. Hindi na naiwasan ng bibig niya ang magtanong.
"What if nabasa 'yan ni Swen? I mean baka nakita at malabong hindi niya 'yan mababasa. Baka ako pa ang maging dahilan ng pag aaway n'yo." wika niya na hindi man lang sumulyap sa binata.
"Malawak ang pag iisip ni Swen." maikling sagot nito na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin.
'Di ibig ang sabihin, maliit ang pang uunawa niya? Maliit ang utak niya kesa sa utak ng Modelo na un. Awtomatikong napataas ang nguso niya. Pero ayaw na niyang makipag talo. Hinayaan na lamang niya ang sinabi nito. Naisipan na lang niyang talikuran ito at lumabas ng opisina nito.
Dumiretsyo siya sa coffee bar. Ipagtitimpla na lamang niya ito ng kape. Gaganti Siya!
Wala sa sariling hinahalo niya ang kape ng binata at malalim ang iniisip. Hindi niya akalaing modelo pala ang nalilink boss at sobrang ganda nito dahil nagawa na niyang isearch iyon sa kaniyang cellphone. At idagdag pa na kapwa sikat ang mga ito. Perfect talagang tingnan ang dalawa. Kailangan na talaga niyang maging mahilig sa television at maging habbit ang panonood. Tila ba naiiwan na siya sa mga balita.
Tssk!
Hindi niya napansin na naka tanglaw na pala sa kaniya ang kaibigang bakla. Mataimtim siyang pinagmamasdan nito habang wala sa sarili. Hindi niya alam kung bunubulwak na ba ang kapeng hinahalo niya.
"Talande!" expression nitong tawag sa kaniya. Ngunit hindi niya nadidinig iyon. Tinawag ulit siya nito, "Hoy! Bruha! Nagkanda kanda tapon na yang hinahalo mo! Talande ka!" Kasabay ng pagkalabit nito sa baraso niyang na siyang ikigising ng malalim na pag-iisip.
Gulat siyang napatuwid ng tayo at mabilis na iniangat ang kamay saka isinubo ang kutsarita sa sariling bibig,. "Kanina ka pa?" tanong niya habang naandoon pa sa bibig ang kutsarita.
"Oo," nakangiting sagot nito, "Ang galing mo ngang maghalo, eh." saka may inilapag ito sa harapan. "Oh, ayan! May sopresa ako sa'yo. Basahin mo!" hindi pa man niya nakikita ang nakapaloob sa news paper na 'yun alam na alam na niya ang tungkol doon.
Akma siyang sasagot ngunit naunahan na siyang magsalita ng bakla, "Akala ko ba hindi ka nakasama? Eh, bakit naandyan ka? Ang ganda pa ng pagkakangiti mo. Parang kinagat yung mani mo." dagdag na tanong nito at may halong pagtaas kilay sa kaniya.
"Grabe ka naman! Mani talaga? Hindi ba puwedeng na plashan lang ng kamera yung pagkakangiti ko." pagtatama niya sa kaibigan.
"Yung tanong ko sagutin mo. Huwag yung mani mani na sinasabi mo! Akala ko ba hindi ka nakasama kagabi?"
"Ang herodes! Pinuntahan ako sa bahay namin. Sinubukan 'kong tumakas pero matinik talaga ang mokong! Abat, nahuli ako!" maiksing paliwanag niya. At naalala ang pag akyat sa bintana. Pero walang saysay at nahuli din siya nito.
Awtomatikong napatingin silang dalawa sa boses ng binata, dahilan sa pagtawag nito sa pangalan niya.
"Yung kape malamig na. Dalhin muna Kaya 'don." utos nito. "Mamaya ikwento mo sa akin ano ang totoo." dagdag pa nito.
Inabot niya ang tasa saka inilagay sa maliit na platito. "Mamaya na lang tayo ulit mag -usap." huling wika niya bago umalis. Mabilis na tumango naman ito sa kaniya.
Mabilis niyang kinatok ang transfarent na pinto, hindi na niya hinayaan pagbuksan siya nito at itinulak na niya iyon. Nang nasa harapan na siya nito inilapag niya sa harapan nito ang kape. Saka nagpaalam na lalabas na dahil ayaw niyang magtagal sa loob at tiyak mgatatalo na naman sila nito. Pero pinigilan siya nito. Madiin siyang napapikit.
"May pag uusapan pa tayo." wika nito habang naka upo parin sa chair nito.
Ano na naman kaya pag uusapan nila?
Hindi bukal sa loob niyangbumalik siya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap nito saka naghintay kung ano nga ba ang sasabihin, humigop muna ito ng kape bago nagsalita.
Nakita niya nitong nagtaas ng pulsuhan at ng makita kung anong oras, saka nagsalita ito.
"Before 10 am, may pupuntahan tayo Miss Soledad." napatitig siya sa mukha nito. Kitang-kita niyang kalmado ang mukha nito sandali'y nanliit ang mga mata niya.
"Ayoko." diretsyong pagtanggi niya. Ayaw niyang sumama bukod sa issue na kinalalagyan niya dahil naalala niya kung paano din ito magpatakbo ng sasakyan. Tila ba pag aare nito ang kalsada dahilan sa sobrang bilis. Kahit malakas na kumakabog ang dibdib niya hinayaan niya ito. Kung tatanungin marunong din siyang magpatakbo ng sasakyan.
"Magbreakfast ka na muna Miss Soledad,l and after aalis na tayo."
"Ang sabi ko, ayoko." madiin niyang sagot, "Saka marami pa akong hindi natatapos gawin Mr Corpuz. Tambak pa ang trabaho ko. Hindi ako makakasama sa laban mo o ano. Pasensya." pangangatwiran niya at diretsya niyang tanggi.
"Pero kailangan kita doon. No more but...sasama ka." Matapos napahigop ng kape ang binata.
Namilog ang labi niya dahil may naisip siya para makaganti dahil tiyak naman wala siyang panalo sa binata.
"Sige.. Pero ako ang magmamaneho ng sasakyam mo." sabay tumitig siya sa mga mata nito.
Mata lang ang kumislot dito, dahil mabilis itong napatingin sa kaniya.
"You know how to drive?" sa mukha nito na tila di makapaniwala.
Tumango siya.