KABANATA 3.

2138 Words
NAKABUSANGOT at hindi maitanto ang pagmumukha ko ng pumasok ako sa trabaho ngayong umaga. Malabong makalimutan ko ang nangyareng maghintay ng ganoon katagal kahapon sa labas ng food court, at ang masakit nang umuwi ako naabutan ko na lamang si Carla at Luis na naghihintay sa akin sa labas ng kumpanya dahil sarado na rin ito. Wala akong pakielam kung malakas ang boses ko habang kinukwento ko ang sama nang loob ko sa dalawa. Tiyak namang naiintidihan ako ng mga ito. Kulang na lamang ay maiyak ako sa sobrang inis at kung inabutan ko ito paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kasalanan ng Jerick Corpuz na 'yon ang nangyare sa akin kagabi! Ewan! Basta nakalimutan ko kung ano ba ang napag -usapan namin! Basta ang pagkakaintindi ko gano'n ang napag- usapan namin kahapon bago kami maghiwalay ng umaga. Napagpasyahan kong hindi ako dideretsyo sa office ng lalakeng 'yon. Hahayaan ko itong tawagin ako at hindi din ako magkukusang linisin ang opisina nito. Baka mangati lamang ang bunganga ko at baka kung ano lamang ang masabi ko dito. Pero hindi ko pa rin mapigilan na silipin kung naandoon na ba ang binatang boss. Nang makitang wala ito diretsyong pumunta ako sa coffee bar. Mapapakalma ako ng utak, idagdag pang nakakatikim ang bunganga ko ng kape. Coffee lovers kaya ako... Inubutan ko'ng nakaupo doon sina Luis at Carla na nag-uusap. Walang kamalay-malay sa paglapit ko ang dalawa at pabagsak akong naupo sa harapan ng mga ito, at nakuha ko nga ang atensyon ng mga ito. Pag- upo ko, agarang naghagikgikan ang dalawa na tila ba ako ang dahilan nang pagbubulungan ng mga ito. Kaya inis kong binulyawan ang mga ito. "Sige magtawanan kayo!" kako na may kasamang irap, "Talagang tinatawanan ninyo na lamang ako kesa ipagtanggol at kaawaan sa kuwagong lalaking 'yon!" matapos sabihin iyon tinalikuran ko ang mga ito. Maya't tumayo ako at umabot ng mug na nakataob, saka nagtimpla ng sariling kape. "Ikaw naman kase, masyado kang assuming girl. Bakit ba hindi mo na lang naisip na umuwe na lang at dalhin dito ang mga papel na 'yon?" ulas ni Carla na may ngiti pa rin sa labi. Saka tumabi sa may gilid ko. "Talande... Hindi mo naman kase inisip na ang mga mayayamang tulad nila ay kailanman hindi papansinin ang mga impleyedong tulad natin. Anong pumasok sa utak mo na susunduin ka n'ya?" maarteng segunda naman ng bakla. "Bakit Luis, nagpapansin ba ako sa lalaking 'yon? Saka dati naman akong pinapasundo ni Don. Lucio pag- gipit na sa oras, uh!" katwiran ko. "Naks! Ibig mong sabihin ganoon din gagawin ni karisma sa'yo? Umasa ka... Sa itsura no'n mukhang malabo... Malabong pansinin ka at pagtuunan ng pansin." sagot ng bakla. Nagtaas kilay ako sa sinabi nito. "Kung ako puwede, kase may s**o ako na puwedeng pag -intrisan ng mga lalake. Pero ikaw wala kang kasing tambok ng pagong ni Carla. May kasing laki ka ba nito?" saka ginalaw -galaw ang sariling harapan habang paganting pinipikon din ang kaibigang bakla. "Ay! Grabe s'ya! Bakit sa akin mo tinutuon ang asar mo, bakla?" at nagtaas kilay. "Masyado mo naman akong tinira!" saka umismid ang bakla ng mag- alis ito paningin sa akin. "Para mo na rin kaseng sinabing hindi ako kapansin-pansin Luis!" mataray na sabi ko sa bakla, mabuti na lang sanay na sanay na ang dalawa sa ugali ko. "Tumigil na nga kayo." singit ni Carla. "Ikaw naman kase Hilna huwag ka kaseng assuming, next time huwag ka ng aasa na may manunundo saiyo. Nagpunta ka mag-isa babalik ka din ng mag -isa dito.Eh, inasahan mo pa 'yung itsurang walang pakielam sa mundo." Nagtaas kilay ako sa narinig ko. "Ewan ko sa inyong dalawa! Magkampihan pa kayo!" matapos pinaikutan ko ng mga mata ang dalawa, maya't lumabi at nagsalita, "Alam n'yo, nagtatrabaho ako para may makain kami at alam n'yo din mahal ko ang trabaho ko dahil bread winner ako sa pamilya namin. Pero kaunti na lang ang pasensya ko dahil sa buset na karisma na 'yan! At malapit na akong mapuno sa kaniya! Ako yata ang napag titripan ng lalaking 'yon simula ng mapadpad ito dito!" sabay higop ng kape at naupo. "Aba! Assistant ako ni Don Lucio at hindi katulong! Pasalamat s'ya dahil anak siya ng may-ari ng kumpanya at kung hindi, baka binali ko na ang tadyang n'ya at ikabit sa pisngi niya para sa ganoon magmukha siyang tao! Sa palagay niya, guwapo s'ya?! Hindi! Mukha siyang bubuli na may malaking buntot!" galit na bigkas ko. "Hays! Sabi mo nga kahapon may itsura 'yung tao." ani Carla. "Binabawi ko na dahil ang lalaking iyon ay ipinanganak na may sungay ng kaniyang ina! Pasalamat siya anak siya ng Don!" mabilis na sagot ko. "Pstt...!" mahinang paswit ni Luisa sa akin ngunit 'di ko iyon pinansin dahilan hindi ko naintindihan ang ibig nitong sabihin. Si Carla naman ay ramdam kong manahimik na rin. Umayos pa ako ng pagkakaupo at nagpatuloy sa gustong kong sabihin sa lalakeng iyon. Hina high blood at naiinis talaga mula pa kahapon, at kung 'di ko mailalabas iyon baka himatiyan na lamang ako sa galit rito. "Ewan ko ba sa lalakeng 'yon! Porque ba anak siya ng may-ari gagawin niya akong robot at alipin! Hamakin mo Carla at Luis, huh? Tatlong araw pa lang ang lalakeng 'yan dito pero ang kinulubot na ng mukha ko e tatlo na, dahil sa kaniya! At kung 'di lang dahil sa ama niyang mabait baka natadyakan ko na siya sa mukha, peste s'ya! Hays! S'ya kaya utus -utusan ko at bayaran ko na lang s'ya ng maramdaman niya 'yung pagod ko! Kung ako sa kaniya, bumalik na siya sa dati niyang planeta at doon mag asik ng lagim. Huwag dito! At huwag ako!" pinagkadikdikan ko pa ang sinabi. "Psssssttt!" mahabang paswit na ni Carla sa akin ng bubuwelo ulit ako sa pagsasalita. Samantalang si Luis hindi malagot- lagot ang laway dahil sa sunod- sunod nitong paglunok at pag ikot ng mga mata sa akin. Nakakapagtaka pero hindi ko sila pinansin. Tuluyang hindi ko pinansin ang dalawa dahil muli nagsalita ako. Pero bago ako magsalita ulit, humigop muna ako ng kape. "Hays... Sobrang stress na 'ko sa buset na kuwagong lalaking na 'yan! Kung bakit s'ya pa ang naging bos ng kumpanyang ito! Kung bakit siya pa ang pumalit. Kailangan ko siyang pabalikin kung saan s'ya planeta kesa mabaliw ako sa sobrang inis at pikon sa kaniya!" saka dinuro ko pa ang likuran ko na hindi nililingon. "Oo! Naiinis ako sa bubuling lalaki na 'yan!" maya't inalis ang pagkakaduro at ipinatong ulit sa harapan ko. "Aminado akong guwapo ang kuwago na 'yon. Pero malabong kiligin ako sa kaniya!" gigil ko pang sabi at napabuntong hininga naman si Carla sa sinabi ko. "Pero hindi uubra sa 'kin yung karisma ng kagwapuhan niya. Hinding hindi! Kung ang iba pumipila sa kaniya, gamit ang tikas n'ya... Pwes! Ako, hindi!" nilagyan ko pa ng iling ng ilang beses, "Hgm! Ibahin n'ya 'ko. Sorry, may taste ako sa mga lalake at wala sa itsura n'ya! Mukha siyang kuwago na bagong gising! Period!" pinagkadiinan kong anas saka binalingan ang kape at humigop ulit ng paulit-ulit. Dahil sa sinabi ko, parang nabunutan ng kaunting inis ang dibdib ko. Akmang bubuka ang labi ko ng pumaswit ulit si Carla kasabay ng pagtitig nito sa akin at tanging mata nito ay nangungusap sa akin. "Hgm!" dabog kong sagot sa titig nito. Maya't ngumuso ito, na para bang may ibig nang ituro. Nangunot nuo ako dahil hindi na nagsasalita ang dalawa kaya nagtanong ako. "Para kayong namatanda? Napaano kayo? Bakit ayaw ninyong kumibo?" litong tanong ko ngunit walang sagot sa mga tanong ko. Si Luis naman ang ngumuso sa akin na para bang may itinuturo na. Doon napalunok laway na ako at nakahalata. Nauutal ng magtanong ako. "N-naandiyan s-s'ya?" kinakabahang tanong ko. Daig pang namatanda ang dalawa dahil sa itsura ng mga ito, sabay na tumango ang mga ito sa akin. Parang hinampas ako ng isang tabla dahil sa pagtango ng dalawa. Maya't binalot na ako ng malakas na kaba ng lingunin ko ang likuran ko. Nakita ko si Mr Corpuz. Seryoso ang mukha nito kahit na ba naka shade ito at dalawang hakbang lamang ang layo nito sa akin, nakatayo ito at nakasandal sa pader habang nakapamulsa, para itong modelo na ilang sandali ay kukuhanan na ng litrato, at natitiyak ko ding narinig nito lahat ng mga sinabi ko. Mabilis kong binawi ang paningin ko at itinuon iyon sa dalawa. Hindi ko mapigilan titigan sa mga mata sina Luis at Carla, papalit-palit silang dalawa at nababalot din ng matinding takot sa mga mata. Sandali'y narinig kong may yabag na papalapit sa akin. Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ko. Nakangiwi akong tinitigan ito sa mukha ng humito ito sa harapan ko. Dumako sa mata nito ang paningin ko ng matanggal ito ng shade. Sa suot nitong maong na kupas at tinernuhan ng white t-shirt at pinatungan ng jacket na itim, lalong tumingkad ang kagwapuhan nito kung pagkatitigan. Ito talaga ang pinapangarap ng mga babae lalo na at malaki ang katawan. Pagkaharap nito sa akin, nagkalumbaba ito at pinagkatitigan ako sa mga mata at matapos sa buong mukha na tila binabasa ako. Gusto ko na lamang maging isang sapatos saka umalis sa puwestong iyon. Halos bayuhin ako ng malakas na kaba, naghahabulan iyon na tila nais ko ng maglaho sa kinauupuan ko talaga. Idagdag pa ang mga titig nitong tila halos lusawin ako. At kung isang bagay lang ako tiyak lusaw na lusaw na 'ko. Kung ibang babae ang titigan nito, tiyak baka kiligin ang mga ito, ngunit iba ako, pagtitig na may kasamang takot ang nararamdaman ko. Walang kibong bumaling ako ng paningin kay Carla dahil hindi ko kaya, matapos sa bakla na may halong paghingi ng tulong ang mga mata ko, matapos binalik ko ang paningin sa binata na nakatitig pa rin sa mga mata ko at walang sawang pinagmamasdan ang buong pagmumukha ko. Lumipas ang isang minuto sa wakas bumuka ang labi nito. "Anong pangalan mo na?" untag nito sa nararamdaman kong takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. "Hi-hilna." nauutal na sagot na may halong panginginig. "Hina Soledad." pagtatama ko. Tumango ito, "Hilna..." ulit nito sa pangalan ko kasabay ng dahan-dahan nitong pagtango. Na tila ba tinatandaan nito ang pangalan at mukha ko. "Y-yes, Mr. Corpuz." kinakabahan na sagot ko. "Mr. Corpuz... Tawagin mo na lang po siya'ng Nana for short." singit ni Carla. Malakas namang siniko ng bakla ang dalaga. "Hindi ikaw ang tinatanong." bulong nito sa dalaga. Nanahimik naman kaagad si Carla. Maya'y tumayo ang binata sa pagkakayuko, at hinarap ang dalawa. "After 10 minutes magme-meeting tayo." sambit nito. Tumango naman ang dalawa saka ibinalik nito ang baling sa akin. "Miss Solidad, hihintayin kita sa opisina ko." walang kangiti-ngiti nitong sabi, saka walang paalam na tumalikod ito sa akin. Tuminging ako sa dalawa ng makalayo na ito, "Lagot! Sesante abot ko nito, alam n'yo naman na mahal ko 'tong trabaho ko na 'to." naiiyak kong banggit. Para bang kaagad ako nagsisisi sa mga sinabi ko. Bigla kong naalala ang maliliit kong kapatid. Ano na lamang ang ipambabayad sa inuupahang bahay namin? "Bunganga mo kasi hindi mo kayang pigilan!" may paninising sagot ni Carla. "Eh, 'di ano ka ngayon? Sa itsura pa lang ng anak ni Don Lucio mukhang walang kinakaawaan. Tsk!" malungkot na sagot ni Carla sa akin, na lalong ikinalungkot ko at sunod-sunod na palatak naman ang lumabas sa labi ng bakla. "Ano pa ginagawa mo? Pumunta ka na doon at umpisahan mo ng lumuhod at ng 'di ka masesante." sulsol ni Luis sa kaniya, "Alalahanin mo talande, ito ang kauna- unahan nating trabahong inaplayan. Hindi ba nga ang usapan natin, ito na rin ang kahuli- hulihang magiging trabaho natin hanggang sa tayo'y tumanda? Ilan taon na ba tayo dito? Dito na tumubo ibang bulbol ko." paalala nito sa akin. Yun kase ang pangako namin sa isa't isa. Magiging sama-sama kami sa iisang malaking kumpanya at walang iwanan at doon na rin kami tatanda hanggat kaya pa namin tatlo. Saka wala naman dahilan para kami'y maghanap pa ng ibang trabaho dahilan sapat naman ang kinikita namin dito at habang tumatagal tumataas din ang posisyon naming tatlo maging ang sahod. Kung sa ugali naman ang basihan, lahat ng empleyado ng Casa Diseno ay kaibigan namin maging ang dating boss namin. Pero... Maliban na lang talaga ngayon, dahil iba na ang nagpapatakbo ng Casa Diseno. Humugot ako ng malalim na paghinga. Ngayon, saan ako huhugot ng paliwanag para matakpan ang mga pinagsasabi ko tungkol sa lalakeng iyon? Paano kung sesantihin ako nito? Dyosko, huwag naman sana! Problema ko na nga 'yung lalaking humalik sa akin sa dilim tapos, madadagdagan pa! Anong malas naman ng buwan na 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD