KABANATA 4.

1447 Words
KINATOK ni Hilna ang transfarent na pintuan at agarang kumaway ang anak ng boss niya nang makita siya nito sa labas. Hudyat na puwede na siyang pumasok sa loob. Pinindot niya ang maliit na botton at awtomatikong bumukas naman iyon. Hindi mapatid ang paglunok laway niya habang dahan-dahang hinahakbang ang magkabilang paa papasok sa loob. Idagdag pa ang tila tambol na bumabayo sa dibdib niya. Naandoon na ang takot at matinding pag-iisip kung ano nga ba ang mangyayare sa mga oras na 'yon. At nang nasa harapan na siya nito, mas nanatiling tumayo na muna siya hanggat wala itong permisong umupo siya sa nakaabang na upuan sa harapan niya. Sandali at tumayo ito na walang bukambibig. Nakatitig lamang ito sa kaniya na halata talagang may nagawa siyang kasalanan. Naniningkit ang mga mata nito, maging siyang napapikit din. At ang nais niya sa mga oras na 'yon ay maglaho na lamang kesa makipagpalitan ng mga salita lalo na kung hindi rin naman nito magagawang tanggapin ang pasensya niya. Hindi nagtagal at gumalaw ito, humakbang paikot sa kaniya habang mataimtim siyang nakatayo sa pwesto na para bang nawalan ng dila. Gusto niyang ito na ang mauunang magsasalita at aayunan na lang niya ang isasaad nito. Tatanggapin para narin sa mahal na trabaho, kahit labag sa kalooban niya. Para ba'ng may nangangalabit na magmulat siya ng magkabilang mata, kaya ginawa niya iyon at dahang nagtaas ng ulo na para bang may humihila na tingnan niya ang anak ng boss na patuloy na humakhakbang na animoy binabasa ang buong pagkatao niya. Siguro gusto na siyang sesantihin o putulan ng dila! Pero iba ang nakikita niya! Habang naniningkit ang mga mata nito at nakakagat labi ito ng pang-ibaba. Hindi maipaliwang ang nkaikita niya dahil iba na ang itsura nito na 'di tulad kanina. Kung titingnan para wala naman itong tinatagong galit bagkus parang nang-aakit. Sa itsura nito lalong nakadagdag sa gwapuhan nito ang itsura. Ewan! Hindi siya patitinag sa nakikita. Namamanyakan siya sa mga ganoong istilo or hindi lang siguro siya sanay sa mga ganoong nakikita. Naiinis tuloy siya! Nagdadabog na ang puso niya! Takot na takot na siya kanina pero ito parang wala, lang! Hindi siya mapagkumbabang tao, pero gagawin niya iyon dahil sa mga nasabi. Hindi niya alam kung ano bang ibig nito kung bakit hindi na lamang siya nito paupuin at kausapin sa nagawang kasalanan! Kung bakit kailangan pa siya nitong paikutan habang pinagmamasdan ang itsura niya? At tila aliw na aliw pa yata sa mukha niya ito! Hays! Nabasa siguro nito ang nasa isipan niya, kaya't gulat siyang hinila nito ang kanang kamay niya at dinala siya sa sopa. Nagpatianod siya. Ang init ng palad nito... Tila ba may kuryente at diretsyo sa palad niyang hawak nito. Dahil nasa gilid ng pinto ang mahabang sopa at tago sa mga tao maliban na lang kung may papasok sa loob ng office nito. Doon siya pinaupo nito na dapat ay sa pang bisita lamang. Tutuosin bilang na bilang ang pag-upo niya doon kahit na ba sobrang bait ng ama nito sa kaniya. Binitawan nito ang kamay niya ng maka -upo siya. Nakahinga siya ng mabuti ng bitawan siya nito, halos pigil kase niya ang paghinga habang hawak nito ang palad niya. Umupo ito na hindi man lang sumandal sa sopa, habang ang dalawang baraso nito naka tukod sa dalawang tuhod nito. "Mas mainam na unahan ko na ito, mahirap at baka hindi ako maintindihan nito sa gusto ko! Kawawa ang mga kapatid ko!" Suhesyon ng utak ko dahil ayaw kong magtagal doon. Tumingin siya rito. "Dederetsayhin na kita Mr. Corpuz. Kung may balak kang alisin ako sa trabaho ko. Sorry, pero mahal ko yung trabaho ko." Lakas loob na sabi ko ngunit ang paningin nito ay wala sa akin. Nanaig sa amin ang katahimikan dahil wala akong narinig na sagot mula dito. At nabigla ako ng hawakan nito ang pang- ibaba 'kong mukha at itaas ang mukha ko paharap sa mukha nito. Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi dahilan sa ginawa nito. Diag pa namin ang magsyota na magkagalit. Nakakaasar! May pahawak baba pa kasi! "Sino ang nagsabing aalisin kita sa trabaho mo Miss Soledad?" nakatitig nitong anas sa akin. Nabigla ako sa narinig ko. "Hindi ka galit?" nagtatakang ulas ko. Nagkibit balikat lang ito. Napakunot-nuo ako. Kanina lang ay para siyang kakainin habang pinaiikutan siya. Ngayon parang baliwala na rito lahat ng pangit na sinabi niya kanina. Nakaramdam siya ng kaunting tinik pero hindi pa rin siya naniniwala. Malay ba niya baka may balak ito lalo na itsurang hindi ito pagkakatiwalaan. Kaya sinubukan ulit niyang magsalita, manigurado. "Talaga? At bakit? Narinig mo lahat ng mga sinabi kong pangit saiyo, 'di ba?" "Yes." Siya naman ang tumango. "Okay, salamat. Hindi ka naman pala galit. Puwede na akong umalis at marami pa akong gagawin." Paalam ko. Ayoko ng pahabain ang usapan namin dahil narinig ko na ang gusto kong malamam. Akmang tatayo ako ng hilahin nito ang palad ko. "May kondisyon ako." matigas at tila ba may pakikiusap ang tono nito. Nagbaba ako ng tingin at binawi ang kamay ko. Kunot nuo lang ang naging sagot ko, pero nabasa kaagad nito ang itsura ko. "Please sit down Miss Soledad." pakiusap nito at ginawa ko naman. Pero naandoon na ang malalim na pag-iisip kung ano ba ang kondisyon nito. "Every morning ipagtitimpla mo 'ko ng kape." tumango siya, madali lang iyon dahil perfect siyang gumawa non at tiyak magugustuhan nito. Coffee lover kaya s'ya! Saka nagpatuloy muli ito, "Ikaw na rin ang maglilinis ng office ko every-day." nanlaki ang mga mata niya, pati ba naman iyon ibibigay sa kaniya. Hindi niya iyon trabaho at may ibang gumagawa non. Nagtimpi siya dahil may nagawa siyang mali, tatanggapin na lamang niya ang hiling nito. Habang nagsasalita ito tumatango na lamang siya hudyat na payag siya pakiusap nito kahit medyo labag sa kagustuhan niya. Maya't huminto ito sa pagsasalita, tapos na siguro ang hiling nito. "Puwede na ba akong lumbas?" Umiling ito, "Last one." "Huh? Ano 'yun?" may gulat ang boses ko. "Sasamahan mo 'ko sa t'wing maglalaro ako." Doon, awtomatikong napakunot noo ako. Pero hinayaan muna niya itong ipagpatuloy ang gustong sabihin. Doon nalaman niyang isang sikat pala itong basketball player sa bansa. Tinitilian ng mga kababaihan sa tuwing maglalaro ito. Ano pang hindi niya alam sa binata? Showbis 'yun, tiyak may mga camera doon oras na makita siya ng mga ito tapos bibigyan nila ito ng mga kahulugan kahit wala naman. Advance lang siya mag isip! Isama pang hindi siya mahilig magpapa nood at magtelebabad sa television kung kaya't 'di niya alam iyon. Pero, wala siyang tiyaga sa pag sama sa mga ganon, simula ng bata pa siya! At bakit naman kailangan niyang samahan ito, aber? Hindi yata related sa work niya ang nais nito, kung ang una at pangalawa ay 'di siya nakapag reklamo... Pwes, eto at magrereklamo siya! "Iba na lang ang ipagawa mo Mr. Corpuz! P'wede mong dagdagan ang mga trabaho ko, okay lang. 'yun basta related lang sa loob ng Casa Diseño!" diretsya niyang bigkas at nababakas sa mukha ang pagtanggi. "Ayaw mo o aalisin kita sa trabaho mo—?" Nakipaglaban siya ng titigan sa kaharap. Pinakalma niya ang sarili at nagbuga ng hininga bago magsalita. "Trabaho ang hanap ko Mr Corpuz, hindi alalay." mahinahon niyang anas pero madiin sa huling sinambit. "Kung ayaw mo Miss Soledad, puwede ka ng lumabas ng pintuan." saka tumayo ito at dumiretsyo sa lamesa nito at saka naupo. Hindi siya tinapunan ng tingin. Kitang -kita sa kilos nito ang pagkawalang kwenta niya sa trabaho dahil sa pagtanggi niya. Nagngitngit siya! Sa itsura nito parang isa siyang basura na ganoon na lang kabilis alisin at palalayasin sa Casa Diseño!. Hindi puwede! Kailangan niyang mangatwiran! "Pero Mr. Corpuz ,maha— " pangangatwiran niya kasabay ng pagtayo niya sa upuan, na hindi man lang hinayaan nitong ituloy ang gusto niyang sabihin dahil nagsalita ito kaya't natigilan siya. Na ngayun naglalakad na ito palapit ulit sa kaniya. Nagtitimpi na talaga siya! May malaking ka abnuan yata ang lalaking ito! Gusto niya itong batukan saka sabihin —"lumayas ka sa opisina ng tatay mo!" "No more but Miss Soledad kung mahal mo ang trabaho mo." buong desisyon usal nito at itinutok pa ang labi sa tenga niya. Sabay napapikit siya dahilan sa gigil at galit. Ang manyak lang! "Open your eyes Miss Hilna Soledad." dinig niyang utos nito pa sa kaniya. Hindi mapigilang mamula siya sa inis ng imulirat ang mga mata habang ang ngipin ay madiin niyang pinagngitngit. Idagdag pang kompleto pa nitong binibigkas ang pangalan niya. Kaya walang salita at paalam niyang inihakbang padabog ang dalawang paa ng lisanin niya ang loob ng office nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD