NANLAKI ANG mata ko ng bigla na lang itong lumabas at naiwan akong nakatayo sa loob ng opisina nito. Ngayon hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Wala akong natatandaan sa mga pinagsasabi nito at hindi ko pa naintindihan ang mga sinabi nito kanina dahilan bukod sa marami... Bakit ang gwapo nito?
Peste!
"Ah... eh... Mr. Corpuz!" tawag ko sa apelyido nito ngunit tila isa itong bingi na hindi 'man lang ako pinansin habang nagawa ko nang lumabas ng pintuan at nagmamadaling sumunod rito.
"Lagot na 'to! Mangangapa ako nito. Ang tanga mo talaga Hilna!" paninisi ko sa aking sarili habang kakamot-kamot sa sariling ulo. "Makikipag kita ako kay Mr. Yong tapos titingnan ang mga desenyo." paninigurado ko. "Tapos hihintayin ko siya doon? Tama ba 'ko? Peste naman! Hilna alalahanin mo lahat. Baka may balak din ako nitong sunduin? Pero wala naman nabanggit? Putik! Gwapo sana ang mokong na 'to kung hindi lang nakakabusit!" satsat ko sa aking sarili at kung may nakakakita lang sa akin tiyak pagkakamalan akong baliw. Mabuti na lamang walang tao sa coffee bar ng daanan ko. Wala na doon ang mga kaibigan ko na tiyak kong busy na rin sa mga kanya-kaniyang trabaho.
Sa kamalasan hindi ko ito nahabol, mabilis itong pumasok ng kotse nito.
"Sir!" tawag ko na may halong pagkaway pa pero huli na talaga ang lahat dahil eksakto isasarado nito ang pituan ng kotse nito at mabilis na pinaharurot palayo. Nagdadabog na bumalik ako sa loob ng kumpanya dahil panigurado din namang nakita ako nito dahil gumalaw ang ulo nito.
Ramdam kong mangangapa talaga ako ngayong umaga! Tsk!
Inabutan kong nasa coffee bar na ulit sina Carla at Luis. Pabagsak na iniupo ang puwitan ko at malayang nagkwento sa harapan ng dalawa. Lalo lang ako nainis ng tawanan lang ako ng mga ito dahil sa reaksyon ko. Wala naman akong sinesekreto sa dalawa bukod tangi lang talaga ang nangyare sa stock room dahil wala pa akong balak sabihin sa mga ito ang sikreto ko.
"Hindi ba?! Ang gwapo! Makalaglag panty!" kinikilig na usal ni Luis matapos naming pagkuwentuhan ang boss.
Umismid muna ako bago sumagot, "Bakit may panty ka ba?" Irap naman ang isinagot nito sa akin. Lumabi muna ako bago ulit magsalita. "Tiyak may asawa na rin 'yan. Irsura pa lang mukhang mahilig na."
"Hays! Yaan ang ideal man ko, Hilna!" sabay kagat labing wika ni Carla.
"Aba! Oo naman! At marami bakla!" umiikot matang sagot naman ng bakla sa akin. Inirapan ko na lang ito matapos ay simpleng ngumiti.
Lumipas ang isang minutong pakikipag kuwentuhan ko sa dalawa, lumarga ako kahit ba 'di ko alam ang uunahin ko sa iniutos nito. Pumara ako ng taxi dala ang mga kakailanganin nito na kinuha ko sa table ng lalaking iyon. Medyo nakaalala ako ng kaunti sa sinabi nito pero magulo pa rin ang isipan ko. Chineck ko muna ang mga gamit na kailangan ko bago tuluyang lisanin ang office nito. At always hindi mawawala sa akin ang nag- iisa kong panyo, dekada na iyon na nasa akin. Antik na kung sabihin. Nakasanayan ko na kaseng may dala no'n kada papasok ako ng trabaho. Sa dinami- dami ng panyo ko, pero yuon lang ang paborito ko. Kahit ba araw- araw kong ginagamit at kada gabi ko nilalabhan ay okay lang. Ang weird no?
At ng maka -upo ako sa loob ng sasakyan, kinapa ko sa loob ko ang headset at inilagay sa tenga ko nuong umandar na ang makina. Nagpatugtog ako saka sumabay sa pagkanta habang ang dalawang kamay ay humukumpas at napapa indak pa. Kumanta at makinig lamang ng tugtog ay habit ko na talaga lalo na kapag rock song at love song ang nakasalang.
"Ang ganda talaga ng mga kanta ng Triple J. Ang tatlong binata na laging nakatago ang pagmumukha sa tuwing kakanta sa harapan ng entablado." nangingiting wika ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan, naandoon na pala ako sa bababaan ko. Mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba. Naglakad ako ng kaunti dahil ang kumpanyang pupuntahan ko ay hindi ganoon kalapit sa binabaan ko.
Tumayo muna ako sa harapan ng may malaking nakalagay na La Design. Ilang beses na ba akong nagpunta doon? Hindi na mabilang. Maya't napangiti ako sa aking katanungan saka humakbang papasok. At dahil kilala na ako ng guwardya doon walang kahirap -hirap na nakapasok ako sa loob. Sinalubong naman ako kaagad ng secretary ni Mr. Yong at sinabayan sa pag lalakad papunta sa office ng boss nito.
Paglabas ko ng opisina nito, hawak ko na ang mga design na pag- usapan namin. Iba talaga ang Casa Desino, hindi talaga kayang bitawan ng mga ibang malalaking kumpanya dahilan sa magagandang pakikisama at malaking investment ang pinakakawalan nito. Kaya lalong yumayaman ang kumpanya ng Casa Diseño. At lalong maraming nahihikayat na makinalig dahilan sa unique at kilalang disenyo na nilalabas nito. Hindi rin pahuhuli pag may bagong uso. Tsk! Ewan ko na lang kung mababago dahil iba na ang nagpapatakbo no'n!
Kung ako ang tatanungin about sa design ng mga ito, gusto kong mag bigay ng suggestion ngunit nahihiya naman ako. Excuse me! Mahal ang mga design ko! Hilig ko rin kaseng gumuhit.
Mabilis akong lumabas ng La Design. Nakita ko ang isang waiting area doon, na tila para sa mga namamasyal lang at gustong kumain, doon ako naupo para makapagpahinga. Napabaling tingin ako sa gilid ko. Tanaw ang dagat at langhap na langhap talaga ang sariwang hangin. Nakawawala ng pagod at stressed. Napahugot ako ng mahabang hininga saka bumuga.
Dahil sa pagtampal ng hangin sa mukha ko, nakaramdam ako ng pagkaantok dahilan na rin sa pagod ngunit ng lumakas ang alon ng dagat tila ba naibsan ang sakit ng katawan ko na ilang araw ko ng iniinda.
Hindi ko na rin kailangan umorder dahil baka biglang dumating ang boss ko at abutan akong kumain. Mahirap na, baka masayang pa ang pera ko at madaliin ako nito sa pag-alis. Itsura pa namang mamahalin ang mga pagkain dito.
Inip na sumulyap ako sa aking pulsuhan kung nasaan ang relo ko. Magkakalahating oras na rin akong naghihintay doon ngunit wala pa rin ang sundo ko. Pero nangako itong susunduin ako.
Muli, naghintay pa ako ng ilang minuto at nadagdagan pa iyon, pero ni tawag at text wala man lang akong natanggap sa dalawang oras na paghihintay ko.
Hindi ko pa naman alam ang numero nito, hanggang sa mag- alasais na ng gabi. Gigil na nagpasya na akong umalis sa lugar 'yon. Gigil na nilisan ko ang kinauupuan ko. Habang naglalakad dinayal ko ang numero ni Luis.
"Bakla! Naandyan pa ba 'yung kuwagong lalaking balbas sarado na 'yan! Lintik na 'yan! Tao ako at nagugutom din!" gigil na tanong ko sa bakla, "Bakit hindi na lang s'ya mag resign sa kumpanya kesa makapagperwisyo pa ng mga tao!" nanggagaliiti sa galit na bungad ko sa kabilang linya.
"Anong problema bakla?" gulat nitong tanong sa kabilang linya, "Sino kaaway mo? Bakit ang init ng ulo mo? Saka, gumagabi na landi, uh! Nasaan ka na ba at uuwe na tayo?"
"Naandito pa 'ko malapit sa La Design!" bulyaw ko na sagot, "Dito sa food court sa may gilid ng dagat. Namuti na ang mga mata ko kakahintay pero wala palang darating na susundo sa 'kin! Peste 'yang lalaki na 'yan! Sasakalin ko 'yan hanggang sa mawalan ng hininga pagnakita ko." gigil na sagot ko. Wala na akong pakielam kung pagtinginan ba ako ng mga tao dahil sa boses ko.
"Anong ginagawa mo d'yan? Bakit hindi ka pa umuuwe talande ka?" takang tanong nito sa akin. "Bakit may superman ba na magsusundo sa'yo? May usapan ba kayo na susunduin ka n'ya?"
Natigilan ako? Hindi kaya ako ang nagka mali? Hindi! Tama ako, tama ang narinig ko na susunduin ako nito after kong makuha sa La Design ang mga papel dahil minsan iyon ang ginagawa ng ama nito!
"Naandyan pa ba yang kuwago na 'yan?!" nang gigil kong tanong sa bakla.
"Sandali lang at sisilipin ko." ilang segundo nawala ito saka nagsalita muli makalipas, "Oo. Bakit?"
"Letsye na 'yan! Pasalamat s'ya mahal ko ang trabaho ko! At kung hindi isasampal ko sa pagmumukha niya itong mga papel na hawak ko!" saka walang paalam na pinatayan ko ito ng telepono.
"Humanda ang lalaking 'yon sa akin! Hindi ko mapapalampas ang ginawa n'yang ito!" nagngingitngit na usal ko.