KABANATA 17.

1242 Words
"DAN! WAIT!" tawag ni Hilna sa isang kasamahan na naglalakad patungo sa sariling desk nitong umaga. Maagang pumasok si Hilna dahil susubukan ulit niyang magtanong sa mga kasamahan na lalaki sa kumpanya. Lalo na at iyon lang ang oras niya para magtanong. Naisip din niyang marami -rami pa siyang hindi natatanong sa kasamahan. Napalingon sa kaniya ang binata, saka mabilis siyang tumakbo papalapit dito. "May itatanong lang sana ako sa'yo." sa mababang boses na umpisa niya ng maka upo na ito sa sariling desk habang siya'y nakatayo sa gilid nito. May kalakihan ng katawan at natatanging ganda ng mukha ang binata at talaga namang walang babaeng hindi mapapansin ang itsura nito at tindig. At dahil long hair din ito kaya hindi niya palalagpasin na tanungin ang binata kahit malabong magka gusto ito sa kaniya. "Nagpunta ka ba ng party?" umpisa niya, nakita naman niyang tumango ito, ngunit ang atensyon ng mata nito ay sa librong binuklat nito, halatadong hindi interesado sa sinasabi niya ngunit nagpatuloy siya. "Pumasok ka ba sa stock room? I mean nagawi ka ba doon?" "Oo..." sa maiksing sagot nito na hindi 'man lang siya tinatapunan ng tingin. Awtomatikong napatango siya ng sariling ulo at napangiti. Hindi kaya si Dan ang humalik sa kaniya? Tanong ng isipan niya. Lumunok muna siya bago muling nagsalita. Naandoon na kasi ang exciting part na gusto niyang malaman. "Then... May naaalala ka ba?" Nagtaas ito ng ulo kasabay ng kilay nitong komobra sa tanong niya. "Yes? Why?" Lumukso ang dibdib niya sa galak, dahil sa wakas at nalaman na din niya ang matagal nang bumabagabag sa pagkatao niya, "Ako 'yun, Dan!" masaya niyang wika. Hindi maitatanggi sa mukha ang kasiyahan. "Ako 'yun!" ulit pa niya. "Ikaw?" kunot noong tanong nito. "Ah, eh... " nauutal niyang sabi na may halong pagkakamot sa ulo, para bang wala itong naaalala, "Wala ka bang naaalala? Yung bang nag ganon." sabay mostra nang dalawang palad at pinag dikit iyon. "Miss. Soledad! Ipagtimpala mo 'ko ng kape, please!" boses na narinig nila. Hindi pa man niya iyon nililingon alam na niya kung sino 'yun. Napangiwi siya ng bibig saka nanggigil na kinagat ang pang ibabang labi at madiin na ikinumpas ang isang kamay na tila ba nagtabas sa damuhan. "Lintik!" ulas na lumabas sa labi niya, saka binalingan si Dan ng tingin. "Wala ka ba talagang naaalala?" Umiling ito na may halong pagtataka ang mukha, "Hindi ko maintindihan Hilna kung ano ba ang pinagsasabi mo. Ano ba 'yun?" "Ah.. Yung a-ano.. Ti-tinatanong ko kung nakita mo ba yung daga sa loob ng stockroom nakakita kase ako doon?" pang iiba niya. Sa pakiramdam tila ba pumasok lang doon ang binata at itsurang hindi ito iyon. Pagkasabi nagpaalam na lamang siya sa binata kasabay ng pagka dismaya niya. Inabutan niya sa coffee bar si Carla kasama nito ang kaibigang bakla habang walang alam ang mga ito na nasa likod na pala siya ng dalawa. Naka kunot noo siya habang nakikinig sa pinag uusapan ng dalawa. Segundo lang ay nagsalita na rin siya. "Mga tsyismosa!" pagmulat niyang bulalas. Napatindig ng lingon ang dalawa sa biglaang pag bulyaw niya. "Anong aga nag sisitsitan kayo! Dyosko! Nag si kape na ba kayo at ginawa ninyong sitsitan ang coffebar na 'to? Kaloka kayung dalawa." sermon niya na may halong pagtawa. "Lihis... Lihis at magtitimpla ako ng kape." sabay dinusog ang katwan ni Carla dahil nakaharang ito sa lagayan ng kape at asukal. "Dalawahin muna..." utos ni Carla. "Yan sinasabi ko sa'yo ,Carla. Nag tsyismisan kayo at ang aga aga tapos, kape man lang hindi pa kayo maka pag timpla!" saka umabot ng tatlong tasa. Nagtinginan muna ang dalawa bago sumagot sa kaniya si Carla. "Talande tapos na akong mag kape no! Hulaan mo para kanino yang isa? Saka para hindi kana rin bumalik sakaling pagtimplahin ka ng kape." Nag angat siya ng ulo at naintrigang napatanong, "Kanino?" "Naandyan si Swen Aguilera. Tiyak uutusan ka din nieMr Corpuz na timplahan 'yun ng kape kaya dalawahin mo na. Nasa loob ng office ni Mr Corpuz." kuwento ni Carla. "Naandyan si Swen Aguilera?" ulit nya sa sinabi ng kaibigan. Tumango naman ito sa kaniya. Nakaramdam siya ng kung ano sa sarili. Hindi niya alam kung nalungkot ba siya o ano. May bagay na tila ba sa gilid ng puso niya ay nalungkot sa narinig. Ewan! O nadala lang siya kahapon sa mga titig nito sa kaniya at mga pag gabay sa bawat galaw niya? Matapos magtanong at sinagot naman iyon ng kaibigan awtomatikong bumaba siya ng paningin at itinuon na lamang sa kapeng itinitimpla. Ilang minuto natapos na siyang mag timpla ng kape, binuhat niya iyon saka inilagay sa tray at nag paalam sa dalawang kaibigan. Kumatok muna siya sa salamin, hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito, tinulak na lang niya ang pintuan saka agaran pumasok. Tila ba may nag uudyok na gawing niya iyon. Inilapag niya ang kape sa harapan ng lamesa nang binata saka hindi mapigilang lingunin ang dalagang nakaupo sa sopa habang busy itong pumipindot sa sarili nitong cellphone. Matapos masilayan ang dalaga ibinalik niya ang paningin sa harapan ng binata na naka upo pa rin sa harapan niya habang siya'y tuwid na nakatayo sa harapan nito. "May pag uutos ka pa ba Mr. Corpuz?" malumanay niyang tanong sa binata. Imbes na sagutin siya nito, tumayo ito at lumapit kay Swen. Habang ang mata niya'y malikot na pinagmamasdan lamang ang dalawa. Iba pala si Swen Aguilera sa personal. Long leg! At napakaganda sa personal. Bigla siya nakaramdam ng pagka inggit. Aminin man niya, insecure s'ya sa mga matatangkad na babae dahilan sa kinulang siya ng height. Pero hindi naman papatalo ang kasexy-han niya at ganda! Bakit nga pala niya kinu compare ang sarili niya? May malaki siyang boobs! Basta ayaw lang niya ng long leg! "Miss. Soledad," tawag ni Mr Corpuz sa kaniya na agaran nagpagising ng mgae haka-haka sa isipan niya. "Y-yes Mr Corpuz." "By the way, Si Swen Aguilera." dinig niyang pakilala sa kaniya ng binata. Mabilis siyang tumalima ng marinig ang sarili niyang pangalan. Humakbang siya at lumapit sa dalaga, saka inilahad ang kanang kamay. Inabot naman iyon ng dalaga ngunit kuko lang yata ang hinawakan nito sa daliri niya at agaran din binatawan iyon. Tila ba may sakit siyang nakakahawa. Ang ngiting pinakita niya sa dalaga agarang napalitan iyon ng pagkainis dahil sa inasal nito sa kaniya. Mabilis nanakaramdam siya ng pag kulo ng dugo. Ang ganda! Ang ganda din ng ugali n'ya! Nagdadabog na isipan niya. "Nice to meet you Miss. Soledad. Puwede ka ng umalis. May kailangan pa kaming pag-usapan ni Jerick." utos nitong taboy sa kaniya ng mabitawan ang kamay niya. Tila ba parang iba ang unang pagkikita nila ng modelo sa kaniya, kaya pabalang niya itong sinagot, "Okay... Oo nga pala paki ubos yung kape, huh? At saka dahan dahan baka masamid ka." wika niya, hindi ba niya alam kung naintindihan ba nito ang ibig niya, "Mr. Corpuz, oo nga pala... Hindi ba't may meeting tayo today?" baling niya sa binata. "Excuse me Miss. Soledad, may you go now please.." madiin na paalala nito sa kaniya. Tila ba nairita noong ipaalala niya ang meeting sa binata. Lalong umusok ang sintido niya. Unang pagkikita pa lamang nila ng babae na 'yun tila ba basura na ito sa buhay niya. Bagay nga sila! Isang basura at isang mambabasura! Mabilis siyang tumalima. Padabog niyang dinampot ang tray na nakalapag sa mesa saka walang lingon na tumalikod sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD