KABANATA 16.

667 Words
ILANG PINTUAN ang nakita niya at pinasukan. Lalo lang kumalam ang sikmura niya na tila ba siya manghuhula kung saan ba susuot at nasaan ang binata. Sa huli niyang pinasukan, dahan -dahan niyang binuksan iyon dahil natitiyak niyang siguro naandoon na ito. Bumungad sa kaniya ang mga nagkalat na gamit para sa mga disenyong gagamitin na hindi niya alam kung saan ba iyon kakailanganin. At ang iba mga gawa sa disenyong nakita niya kanina sa mga papel. Hindi siya nagkakamali stock room iyon ng mga payaring furnitures. Namangha siya dahil ngayon lang siya nakapunta doon. Hindi niya inaasahan na doon pala ang lagakan ng mga furniture na patapos na at ang iba ready to deliver na. May isang bagay siyang nakita na nagustuhan ng kaniyang dalawang mata. Lumakad siya at hinaplos ang bagay na 'yun. Nagandahan siya sa disenyo na pagkakagawa. Isang disenyong bulaklak na upuan na napakagaling ng gumawa dahil Napaka unique. Maya't may naalala siya. Nasaan ang binatang boss niya? Sa pagkakatanong sa sarili, gulat na may humawak sa kaniya sa likuran. Hindi maiwasang mapatili at agaran namang may kamay na tumakip sa kaniyang labi na mabilis nagpalaki ng kaniyang magkabilang mga mata at ganoon din ang dibdib niya. Rapist na ba 'to? "Ako 'to." Boses sa likuran niya na mabilis naman niyang nakilala. Mabilis siyang napaharap dahil kamuntikann na siyang himatayin sa takot. Humugot siya ng paghinga. Sisinghalan niya ito oras na magharap sila! Pero naudlot iyon dahil nanlaki ang mga mata niya ng makitang iba na ang kasuotan nito. Naka suot ito ng kulay mustard T-shirt at naka short to na gindi lalagpas hanggang tuhod. Nangunot ang magkabilang kilay niya na mabilis namang nabasa nito. "Naisipan 'kong tayo na lang dalawa ang maging model ng disenyo." Sa mababang boses na wika nito. Sa pandinig tila ba ibang -iba ito. Nabigla siya sa sinabi nito at agarang nagsalita, "Anong al—." tanggi sana niya. Natigilan ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon ang isang photographer. Lalo siyang walang nagawa kundi tingnan ang binata ng umalis ito sa harapan niya at tumungo ito sa harapan ng photographer. Huminga siya ng malalim ng makita niyang nag uusap na ang dalawa. Gulong-gulo siya sa mga nangyayare. Nasa kaniya ang desisyon. Pero bakit hinahayaan niya ang lahat? Bakit wala siyang lakas para tumanggi? Maya pa at tumingin sa kaniya ang photographer na may ngiti sa labi. Na tila ba siya ang pinag- uusapan ng dalawa dahil timatango pa ang photographer habang nagsasalita ang binata. Hanggang sa sumusunod na lamang siya. Nagsimula sila sa unang shoot. Nakaupo siya sa isang sopa, habang ang binata ay nakatayo hawak ang dalawang balikat niya. Clik... Sa pangalawa naman ay nahihiyang humarap siya sa binata habang kandong siya nito at kamay ay nakapalipot sa maliit niyang bewang at kapwa mata ay magka daop. Click... Sa pangatlo nagawa niyang tumanggi ng malamang honeymoon style sa sopa. Nakapatong sa kaniya ang binata at habang yakap niya ito bewang at magkadaop ang mga mata nila. Pero nagising na lamang siyang nakasunod na siya sa gusto nito. Sa pang apat narinig niyang huli na iyon kaya tila ba nakahinga siya ng maluwag. Tila ba hindi kase siya maka hinga dahilan sa mga tingin ng binata na tila ba totoo ang nangyayare. Na halos sakupin na siya. Hindi maitatangging may kung ano ang pumapasok sa isip niya. Ang dalawang mata na iyon tila ba umaakit at hindi maitatangging nag-iinit ang magkabila niyang pisngi. Tila ba may ibig sabihin. Ang labi nito na namunula, at hinihila siyang halikan iyon. Halos bumundol ang hininga nito sa mukha niya sa t'wing magkakabundulan. Pasimple niyang iniiling ang ulo. Nasisiraan na siya! Kung ano ano na pumapasok sa utak niya! Huminga iya ng malalim habang nakaupo sa sopa at ito naman ay nakahiga sa hita niya habang ang kamay niya ay nakalagay sa dibdib nitong matipuno. Nagulat siya ng biglang ipatong nito ang mainit na palad nito. Pero tama ba siya? Pinisil nito ang palad niya? At anong ibig sabihin no'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD