KABANATA 18.

807 Words
7:30 PM "Hilna!" dinig na hiyaw ngi Hilna sa kaniyang ina. "Hilna!" ulit muling hiyaw nito sa kaniya. "Bakit po ba 'ma? Nagbibihis pa po ako. Saka kadadating ko lang 'di ba? Magpapahinga naman po ako..." Bulalas pa niya. "Oo at dalian mo at kakain na tayo." "Sandali nga po at magbibihis ako. Kararating ko lang at hindi ko pa po nailalagay 'yung bag ko sa lapag, e, tinawag mo na ako." reklamo niya. "Ah, sige! Dalian mo lang at may bisita tayo." sagot nito sa kaniya. Inignora na lamang niya iyon. Huwebes ngayong araw at tiyak niyang ang kaniyang untie ang darating. Dahan niyang iniupo sa kaniyang kama ang puwitan. Pakiramdam niya pagod na pagod siya kahit maghapon lamang siyang nasa coffee bar at nag aabang ng utos ng binata. "Hilna..." Tawag ulit ng kaniyang ina. Hindi niya nalamayang matagal na pala siyang nakaupo sa kaniyang kama. "Ma..." mabilis na sagot niya sa nanlulumong boses. "Mauna na po kayo ng bisita at mahuli na po ako." "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa naghhihintay ang bisita." "Pakisabi po kay untie papalabas na po." "Hindi mo ba sasabayan kumain si Mr. Corpuz?" Mabilis na nanlaki ang magkabilang mga mata niya. Mabilis niyang binawi at tumayo sa pagkakaupo. Tinungo niya kaagad ang pintuan para harapin ang kaniyang ina. "Ma, ayoko po ng biro mo n'yo, huh!" anas niya ng pagbuksan ito ng pintuan. "Kanina pa ito naandito. Nung makatalikod ka, saktong karararating niya." Ang pagkagulat ay napalitan ng malakasena bayo ng dibdib. Anong ginagawa na naman ng amo niya sa kanilang bahay? "Si Mr. Corpuz naandito at dito maghahapunan?" paniguradong tanong niya. "Oo kaya dalian mo." mabilis na sagot ng kaniyang ina. Humugot siya ng malalim na hininga saka nagsalita ulit, "Sabihin nyo po, wala pa po ako." "Naku Hilna! Lubayan mo 'ko! Anong kaartehan 'yan! Lumabas ka diyan pagkatapos mong magbihis at kung hindi ka bababa ng kusina? Ako na ang magsusuot sa'yo ng pampalit mo! Nang siguradong bababa ka ng kusina at sasabay samin kumain." akma pa itong papasok sa kuwarto niya. "Si mama naman... Lalabas naman po ako. Lumabas na kayo at susunod ako. Sige na..." taboy niya sa ina. "Hala sige! Dalian mo!" huling sabi nito at sabay talikod nito sa kaniya.. Bakit pa ba ako magpapalit? Pagtalikod ng ina, siya din na sumunod siya. Tama nga ito, nabungaran niya ang binata na nakaupo sa hapag kainan. Ano kayang nasa isip nito at naisipang magpunta sa kanila at makikikain pa? Tapang lang ng hiya ng lalaking ito, nakikain na... Naupo pa sa pwesto niya. Tsk! Lumapit siya kay Mr. Corpuz. Bahala ito kung maiintindihan ba nito ang sasabihin niya. Bibigyan lang naman niya ito ng malutong na salita at hindi malunok-lumok na salita. Tumayo siya sa likuran nito na walang kamalay malay ang binata. "Ehem! Mr. Corpuz, mukha yatang mali ang restoran ang napuntahan mo?" nakaramdam siya ng mahinang pag dunggol. Hindi niya alam kung sino ba gumawa no'n, pero naiintindihan niya ang ibig sabihin no'n. Hindi siguro napansin ang pagdating niya kaya gulat itong napa tayo, "Miss. Soledad!" banggit nito sa pangalan niya na may halong ngiti sa labi. Humahakbang na siya pa palapit sa binata. Mabuti na lamang at masarap ang kanilang ulam. "Ang haba naman yata ng paa mo, yung eksakto pang kakain na kami ng hapunan saka ka dumating." diretsya niyang anas sa binata. Gusto niyang diretsyahin siya nito kung bakit naandoon ito sa kanila. Nakaramdam ulit siya ng pagsiko galing sa likuran niya. "Kaya nga..." maikling anas nito at 'di pa rin nawawala ang pagkakangiti sa labi. Ang damukal! Makapal talaga ang pagmumukha! Hindi man lang nararamdaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Humila siya ng isang bakanteng upuan, saka naupo doon at sa tabi nito dahil doon siya tinuro ng kaniyang ama na umupo. Hindi nagtagal inumpisahan nila ang hapunan. Tahimik at walang umiimik. Ilang segundo nasamid ang binata. Dahilan pinilit niya itong pakainin ng ginataan na ulam at ito ay maanghang. Pasimple niyang inilihis ang ulo na hindi nakikita ito ng binata saka maluwang na ngumiti. Hindi rin nagtagal at humarap siya sa rito, "Sorry... Akala ko kase kumakain ka ng maanghang. Ikaw naman kase ang layo layo ng bahay namin nakarating ka pa dito para lang maghapunan." anas niya habang naghahanap ng tisyu. Nagmamadaling tumayo ang kaniyang ina at pumunta ng sampayan. Gulat siya ng makita ang hawak ng ina ang kaniyang paboritong 'panyo'! Bago siya pumasok sa loob ng kuwarto isinampay muna niya sa terace iyon matapos labhan galing sa trabaho para isasampay na lang. At dahil mahangin, mabilis iyon matutuyo dahil manipis lamang iyon. Napalunok at nanlaki ang kaniyang mga mata ng agarang ibigay iyon ng kaniyang ina sa binatang na ngayun ay ipinapahid na nito sa sariling labi. Matapos, imbes na ibalik sa ina niya ang panyo ibinulsa nito iyon. Nagka peste! Peste na!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD