KABANATA 15.

1081 Words
"M-mr. Corpuz." bigkas niya sa pangalan nito ng mag angat siya ng paningin. "Sorry..." paumanhin niya saka agarang lumayo. May pagkabastos din ito dahil kung hindi siya nakahawak kaagad sa dalawang malalaking baraso nito at tiyak baka pulutin niya ang sarili sa lapag. "Sumunod ka sa 'kin, may meeting tayong pupuntahan." anas nito saka tumalikod na tila wala lang rito ang nangyare. Tumango siya na hindi naman nito nahintay. Nagngingitngit na nakatingin na lamang siya sa binata habang naglalakad papalayo sa kaniya. Biglang sumagi sa kaniyang isipan, wala silang napag usapan nito na may meeting silang pupuntahan dahilan hindi naman nabanggit nito bago sila maghiwalay kahapon. Naiiling na lang na sumunod siya sa binata. Kahit wala naman itong sinabi wala din naman siyang magagawa dahil pasok iyon sa kaniyang trabaho bilang assistant nito. Walang kibo at walang tanong ang namutawi sa labi habang lulan sila ng binatang boss sa loob ng sasakyan nito. Gusto 'man niyang magsalita pero pinigilan na lamang ang sarili dahilan napansin niyang lukot ang mukha nito at tila ba wala sa mood. Kaya mas minabuti na lamang niyang manahimik din. Saka wala din siyang balak kausapin ito. Tila ba may anong bumubulong sa isip niya habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Ilang araw na ba siyang halos sunod- sunuran sa nais nito. Una, pinasama siya sa laro nito at tila walang pakielam na nalakop ang mukha niya sa magazine. Pangalawa, sinamahan lang naman niya ito sa meeting kahapon at ginutom siya. Pati candy na pampatawid inip, ipinagkait pa nito ng magparinig siyang 'mura lang ang candy'. Tila ba nanadya dahilan sa ginawa niyang pag drive ng ubod bagal nuon. Pangatlo, heto't lulan na naman siya sa kotse nito at may meeting na naman na pupuntahan na wala 'man lang pasintabi. Sa isip, wala na talaga siyang oras para hagilapin ang lalaking nagpagulo ng kaniyang utak. Kahit busy siya, hindi lilipas ang gabi na hindi ito papasok sa utak niya. Ang labi, ang dalawang mata nito at ang buhok nito. Ang kaniyang Mr. RIGHT! Tssk! Bakit ba kasi hindi niya maalala ng mabuti ang kabuuan ng mukha?! Nakaramdaman siya ng inis sa mga oras na 'yun. Bumusangot siya at hindi maiwasang gumalaw sa pagkakaupo. Nakita niya sa mirror side na napatingin ito sa kaniya ng gumalaw siyang padabog. Pero segundo lamang at bumalik na din ito sa minamaneho. Kalahating oras ang lumipas, narating nila ang pupuntahan. Sinalubong sila ng secretary ng katatagpuin at agarang pinapasok sila sa loob ng kumpanya. Isang lalaki ang bumungad sa kanila, nakita niyang kinamayan nito ang binata matapos sa kaniya naman. Tinanggal niya iyon na may ngiti sa labi. Nadinig niyang ipinakilala siya ni Mr Corpuz sa mga tao. Matamis at maluwang naman niyang nginitian ang mga ito. Matapos ay kinayag sila nito papunta sa loob ng opisina nito, at doon nag umpisa ang kuwentuhan about sa Casa Diseño. Pero nakakapag takang, halos siya ang tinatanong ng mga kaharap. Humigit kinulang sampo ang mga kaharap niya.Tila ba siya ang nag mamay-ari ng kumpanya. Hindi rin maitatangging tinatapunan siya ng malalagkit na tingin nito at ang binatang boss tila ba naitsyapwera kahit ba naandoon. Kumikibo ito sa tuwing may ihahayag na disenyo ngunit ang napapansin naman nito ang pinahahayag niya sa t'wing magsasalita siya. Hinayaan na lamang niya at ginawa na lamang niyang tipirin ang pag sagot sa usapan. Lumipas ang oras hanggang sa natapos. Nagkamayan ang lahat, matapos sa kaniya. Pero may isang lalaking laking gulat niya ng akma na niyang kukuhanin ang sariling kamay ng magsalita ito. "Miss. Soledad kung may time ka puwede ka bang maanyayahan ka sa isang dinner." wika nitong nakangiti habang hawak pa nito ang kanan niyang kamay. Walang sagot na umulas sa labi niya dahil nabigla talaga siya. Maya't awtomatikong napatango na lamang siya ngunit walang boses na lumabas sa labi niya. Binitawan nito ang palad niya saka inilagay ang kamay sa loob ng bulsa nito at hinugot ang isang bagay saka inabot nito ang calling card sa kaniya. Napipilitang ngumiti siya at kinuha iyon. Pasimple siyang napa tingin sa binatang boss na nakatingin lamang sa kanilang dalawa .Mabilis din niyang binawi ang pagsulyap sa binata at nagpaalam na siya sa kaharap. "Ilang araw tayong magiging busy Miss. Soledad. Posibleng may oras ka pa para makipag date sa lalaking 'yun." biglang anas nito ng kapwa makapasok sila sa loob ng sasakyan nito na walang kalingon lingon. "At saka may picnit tayo after ng project na gagawin. Remember?" dagdag pa nitong paalala sa kaniya. "Ilang araw din akong lagi sumasama sa'yo, siguro puwede naman na pagbigyan ko yung taong gusto akong makasama?" wala sa loob na anas niya. Gusto lang niyang makaiwas sa bawat iuutos nito. Kahit wala sa isip niyang makipag kita sa lalaking iyon. "Hindi mo pa lubusang kilala si Mr. t***d. Tapos sasama kana?" maintrigang tanong nito. Saka napaiiling sa nasabi. Hayun na naman ang apelyedo nito. Nung marinig niya ang binanggit nitong apelyedo kanina ay gusto na niyang humagalpak ng tawa, pero pinigilan niya. Pero sa pangalawang beses hindi niya napigilan ang pasimpleng pag ngiti na siyang ikinagulat ng binata. "Why are you laughing? May nakakatwa ba Miss. Soledad?" sabay liko ng sasakyan nito. Nagtaas lang siya ng dalaawng balikat at pasimpleng ngumiti ulit ng makaharap na siya sa may bintana ng sasakyan. Nanaig ang katahimikan at ilang minuto ay huminto ang sasakyan. "Dito ka lang, tatawagan kita pag kailangan kita." Seryosong bilin nito ng bumaba ng sasakyan. Tumango na lamang siya at nawala na ito sa paningin niya. Pinaikot niya ang dalawang paningin, hindi niya alam kung bakit iniwan siya nito sa kotse. Isang bahay ang pinasukan nito, hindi niya mahulaan kung lumamon ba ito o ano. Tiyak gugutumin na naman siya nito para lang makaganti ito sa kaniya. Tumingin siya sa kaliwang kamay kung nasaan ang relo. Mag aalas onse na ng umaga. Naramdaman niya ang pagtunog ng tiyan niya. Isang oras na lang at oras na ng pananghalian. Hinayaan na lamang niya iyon wala naman siya magagawa at mahirap ng makipag sabayan sa topak ng amo niya dahil kanina pa ito seryoso. Nakatawag pansin sa kaniya ang cellphone ng tumunog ito, agaran niyang kinuha iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nang makita ang numero ng binatang boss mabilis niyang sinagot. Pinapapasok na siya nito sa loob at kesyo kailangan na siya nito. At ng masabi nito ang nais sa kaniya walang paalam na binabaan siya ng telepono. Napailing na bumaba na siya ng sasakyan. Konting tiis pa Hilna!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD