INIYUKO NI Jerick ang ulo sa kaniyang likuran. Dumako ang malambot na sopa sa uluhan niya. Napagod siya sa maghapong nasa opisina. Tambak ang trabahong iniwan ng kaniyang ama.
"Woooh..." mahabang pagbuga ng kaniyang hininga.
Nakaramdam siya ng kaginhawahan sa katawan lalo na ang kaniyang batok. Ilang araw na rin iyong nanakit gawa ng matinding pagsabak sa trabaho. Magdadalawang linggo na rin siyang gumigising ng maaga at ginagawang umaga ang gabi. Madalang na rin siyang makareply kay Joven at Jazzy na palaging nagyaya sa kaniya maging sa buong grupo. Maging ang kaniyang pagkanta ay madalang na rin niyang nagagawa at ipinapalit niya doon ay si Jesse. Ang pinakabatang kasapi sa Poty. Mabuti na lamang at may itinatago din itong magandang boses.
Now he is what his father needs. No one will create and sit on its throne, but only him. Panganay at nag-iisang lalaki siya sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Ugh..." muling ulas ng bibig niya. Saka itinaas ng bahagya ang leeg at iginalaw-galaw. Nagawa na rin niyang ihiga ang katawan sa malambot na sopa. Maya't ibinalik din ang ulo para ipatong sa dulo ng sopa. Niyayang ipikit niya ang magkabilang talukap kaya ginawa niya iyon.
"Ohhhh... Ugh..." ungol ng isang babae ang narinig niya. Imahinasyon lamang niya iyon kaya hindi na rin siya nagulat pa. Ngunit aminado siyang nag-init ang buo niyang katawan at may nabuhay sa kaniyang pagkatao. Nanikip ang suot niyang pang-ibaba. Lalong nanikip ang dibdib sa init na bumabalot sa kaniyang katawan. Maya't habang nakapikit ay naalala niya ang isang babae. Ang babaeng binalikan niya sa kaligitnaan ng dilim. Ilan linggo na rin pumapasok sa panaginip niya ang babae. Kahit iwaksi niya ang babaeng iyon sa isipan niya ay pumapasok pa rin iyon. Hindi niya matandaan ang pagmumukha nito dahil sa kabuuan ng loob ng kuwarto. Tanging tanda lamang niya ang mahabang buhok nito at hindi lalagpas hanggang ilong niya ang tangkad nito. Wala naman talaga siyang balak sa babae. May balak lang siyang kuhanin sa loob ng stockroom ngunit nabangga niya ito at nasalat ang balangkinitan nitong katawan. Bigla na lang pumasok sa isipan niyang sakupin ang labi nito kahit na ba hindi niya maaninag ang pagmumukha nito.
Matapos ang aksidente ay agaran itong kumalas sa kaniya at walang iniwang salita. Pero malaking katanungan kung bakit hinayaan nitong halikan niya ito? Wala siyang ideya kung nagtatrabaho ba sa Casa Diseño ang babae dahil maraming bisita ng mga araw na 'yon. At wala din siyang oras para hagilapin ang babaeng nakahalikan sa dilim. Maraming babaeng nagkalat at humahabol sa kaniya. Hindi niya kailangan habulin kung sino ba 'yon at kasalanan na rin nito kung bakit hinayaan na halikan niya ito.
It's not his fault.
Iminulat niya ang mga mata, nawala na ang antok niya. Padabog niyang iniupo ang katawan dahil may laro pala siya ng basketball ngayon. Semi finals at matindi ang kalaban nila ngayong susunod. Sinipat niya ang pulsuhan at mag-a alas syete na. Napa-iling siya ng maalala ang napagkasunduan nila ng assistant ng kaniyang ama sa Casa Diseño. May itsura ang babae at inalam din niyang dalaga pa ito. May naisip siyang parusa para rito ngunit ito pa lamang ang babaeng umayaw sa lahat ng gusto niya. Hindi tulad ng ibang babae ay halos sagpangin siya. Hindi rin nito pansin ang itsura niya dahil mukhang manang ito at tila ba walang kahilig-hilig 'di tulad ng ibang kababaihan na nakakasalamuha niya kaya naisipan niyang paglaruan ito at inisin. Mas maganda kung maisasama niya ito sa paglalaro niya at alam naman niyang mapupuno ng kamera oras na makasama niya ito. Pero mukhang matinik din ang dalaga dahil kagabi ay wala na ito para ihatid niya, kahit na ba may pinag-usapan sila nito. Parang gusto nitong makipaglaro ng tagu-taguan. Masyadong mailap ang dalaga kaya lalong ginaganahan siya para pagtripan ito. Naalala niya, unang araw pa lamang niya sa Casa Diseño ay pagtitimpi na ang ginawa niya sa dalaga. Which is ginagawa naman nito ang trabaho iyon nga lang ayaw niyang nakikipagtsismisan ito pag oras na ng trabaho at nahuli pa niyang pinagsasalitaan siya nito ng masama.
Akmang tatayo siya ng tumunog naman ang kaniyang cellphone. At ng abutin at sipatin niya ay nakita niyang tumatawag si Jazzy sa kabilang linya.
"Hello."
"Bro, Debut party ni Kiel, makakasama ka ba this week?" paalala nito. Nasabi na rin iyon ni Joven pero nagawan na niya iyon ng paraan.
"Bro, si Jesse na muna ang maging vocalist ninyo. Masyadong busy pa 'ko."
"Naks! Wala bang halo 'yan?"
Malakas naman siyang tumawa sa ibig sabihin ng kaibigan. Simula talaga ng naupo siya sa pwesto ng kaniyang ama, iyon na rin ang araw na hindi siya nakakahawak ng mga babae. Namimis na rin niyang pumatong at magpakasarap sa ibabaw ng mga babae. Pero kailangan niyang tutukan muna ang business nila lalo na at medyo hindi pa niya alam ang pasikot-sikot at tambak.
"Maniniwala ka ba kung sabihin kong wala, bro?" Saka napaangil.
"Parang hindi ako makapaniwala, bro. Si Jerick Corpuz, walang babaeng ginigiliw sa gabi? Malabo." Kung nakikita nya lamang ang kaibigan tiyak umiiling ito habang nagsasalita.
"Sa maniwala ka't hindi namimis ko na bro. Pero wala talaga akong oras. Kahit manigas si totoy sa loob ng opisina, baka gawin ko na lang magsarili."
"Bukas padalhan kita. Malaki o maliit? O 'yung katamtaman lang ang tambok?" ramdam niya ang pagpipigil ni Jazzy ng tawa.
"Gago! At pag nalaman ng ama ko na nagdala ako ng babae sa Casa Diseño. Ano na lamang ang gagawin ko? Parang hindi mo kilala 'yun!"
"Parang hindi ko na nakilala si Jerick. Mukhang nagbago na yata ang kaibigan ko, mukhang tumiwalag na yata. Tsk!" may papalatak pa nitong sabi.
"Ulol! Babawi tayo pagnatapos ko na 'to."
"Sssh! Kelan pa, bro?"
"Isang buwan lang 'to at makakasama din ako."
"O, sya! Alam kong kararating mo lang at kaatapos mo lang."
Napakunot nuo siya. "Na ano?" nagtatakang tanong niya.
"E ano pa? Busy? Walang babae? Walang humahalik at nagpapaligaya? E, ano pa nga ba ang gagawin pagdating galing trabaho?"
"Sira! Igaya mo 'ko kay Jake!" mabilis na bigkas niya sa kaibigan na tahimik na rin ang pamumuhay. Malakas na tumawa sa kabilang linya si Jazzy maging siya'y nahawa na rin.
"Kung nangangati na 'yan at hindi na kaya. Just call me! Maraming reserba."
"Kayang-kaya Jazzy!" May pagmamagaling na wika niya.
"Tingnan natin hanggang saan ang kaya mo." usal na may halong tawa na sabi ni Jazzy sa kaniya, "O sya, naandito na si Alyana. Baka isipin no'n may babae na naman akong kausap." Saka mabilis na pinatay ang linya.
Naiiling na ibinaba niya ang cellphone. Sa grupo ito lang si Jazzy ang nagkaroon ng longtime girlfriend na hindi pa ikinakasal. May ibang pinapatungan kahit na ba alam ng lahat na may Alyana na ito. Hindi naman maitatangging lahat ng grupo ay playboy pero nagbago nuong magsipag asawa na. Tulad ni Jam. Ang leader ng grupo. Talagang naging totoo ito ng makilala si Gab na akala'y kapatid pa nito sa ama at sumugal kahit iyon ang pagkakaalam ng dalawa. Habang si Jake ay talagang pinakamatindi sa lahat. Gumawa pa ng paraan para mapasa kaniya si Nica dahil sa kasalanang pinagpustahan lamang nila ito. Hindi niya kayang makalimutan ang storya ng dalawa dahil siya mismo ang naglibing kay Jake. Sa pangatlo na nag -asawa ay si Juriel, hindi sinasadyang nakilala nito si Amanda pero ginawa din ang lahat para mapaamo ang asawa. At pang apat naman si Judie Mar ay malupit din bago maging tahimik ang buhay. Napangasawa nito ang babaeng namahiya sa kaibigan niya.
Ngunit siya, wala pa siyang balak pumunta sa tahimik na relasyon. Hindi pa siya sigurado kay Swen. Kilala na ito ng kaniyang grupo pero wala siyang binabanggit sa mga ito tungkol sa kanila ng dalaga. Modelo ito sa Parish at nagkakilala sila nito sa isang event at isa ito sa muse.
Biglang nawala ang isipan niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe ang binasa niya.
Hilna Soledad/Purok Santan. Rio Marikina. 143 Ft.