KABANATA 7.

1136 Words
"NAMAN! Hindi ako papayag na maging alalay n'ya, noh! Saka hindi kasama 'yun sa trabaho ko." Nagkakamulirat na kuwento ni Hilna habang kausap nito sa kabilang linya ang kaibigan. Kinukwento ni Hilna kung paano niya tinaguan ang anak ng boss niya kagabi. Hindi na rin in niya inilihim sa mga kaibigan ang nais ng lalaki. "Sesante abot mo, talande ka! Hindi ba't usapan na ninyong ihahatid ka n'ya?" Paalala ni Carla sa kaniya at may halong pigil sa pagtawa. Pero wala siya pakielam sa paalala nito, para sa kaniya ay hindi maaaring pasukin ng anak ng boss niya ang buhay niya lalo na't dalaga s'ya. Wala talaga siyang balak magpahatid dito at ipakita kung saan man siya nakatira. Kahit nasa kabilang linya ay ngumuso siya bago sumagot sa kaibigan, "Ngayon gabi na ang laro nila. Wala ng magagawa 'yun kase baka sa mga oras na 'to ay baka bola na ang hawak no'n, Carla." Aniya na simpleng napangisi. Panalo siya sa pagtatago sa lalaki. Sa sinabi niya, natitiyak niyang naandoon na 'yon at namumuo ng pawis. Nagbaba siya ng paningin sa kaniyang pulsuhan. Ilang minuto na lang at mag-a-alas otso na ng gabi. "Tiyak naandoon na 'yun!" Sigaw ng isipan niya. "Basta ako Hilna, labas sa ginagawa mo, ha?" pagtatanggol ni Carla sa sarili. "Ano pa nga ba? Basta labas kayo dito ni bakla. Ayaw ko lang talaga na sumama sa laro ng lalaking 'yon." muling paliwanag niya. "Hays! May usapan at may pinag-usapan kayo, Hilna. Kapalit 'yan ng kasupladahan mo sa kaniya." muling paalala nito sa nagawa. "E, Sa ayaw ko nga sa kagustuhan n'ya, Carla! Saan ka ba kampi, huh?! Saka, hindi 'yan related sa trabaho natin at pasok na 'yan sa buhay niya! Ilan beses ko bang sasabihin na ayaw ko nga magpahatid!" May inis ng boses na bulalas ni Hilna sa kaibigan. Ilan beses na kasi niya itong binanggit. "Bahala ka! Sige na, kararating ko lang din at hindi pa kumakain. Dinner ka na rin. Baka mamaya, nasa labas na 'yon ng bahay n'yo at naghhihintay na saiyo." Saka malakas na tumawa. Ramdam niya ang pang -aasar nito sa kaniya. "Ewan ko sa'yo! Bye!" aniya na umismid pa ng ibaba ang cellphone sa harapan ng mesa niya. Dumirestyo siya sa kaniyang kuwarto na dati rati'y sa kusina. Wala siyang ganang kumain dahil nasa isipan niya maghapon ang planong pag-iwas sa boss. Kinagabihan ay hirap niyang tinakasan ang lalaki, pero ngayong gabi ay tila ba hindi na siya nito hinagilap na para bang wala ng balak na ihatid siya. Na para bang nakaramdam na ayaw talaga niyang makasama ito pauwi para ihatid siya ng bahay nila. Isang malakas na pagkatok ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Sunod - sunod itong kinatok sa hindi niya alam kung sino. Hindi ganoon kumatok ang nanay niya. O sino sa mga pamilya niya. Bigla siyang kinabahan at agarang may namuo sa isipan niya. Hinayaan niya ang sariling buksan ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Iniluwal doon ang kaniyang ina. Pinakatitigan siya nito ng husto na tila ba may nagawa siyang malaking kasalanan. Nagtataka siyang nagtanong dahilan sa itsura nito na iniharap sa kaniya. "Bakit po gan'yan ang itsura n'yo po, 'Nay?" "May tao sa sala!" madiin at pigil galit na sagit nito. Itsurang ayaw may makarinig sa sasabihin. Tama nga ang nasa isipan niya. "Umamin ka Hilna! May itinatago kabang hindi namin alam ng Tatay mo?!" pabulyaw na tanong ng kaniyang ina. Hindi niya iyon sinagot, bagkus inalpasan niya ang ina sa pagkakatayo. Nanakbo siya palabas ng kuwarto at inalam ang ibig sabihin ng ina. Huminto siya malapit sa sala na natatakpan ng isang devider na nakatayo, manaka'y sinilip kung sino ba ang sinasabi nitong tao. Si Mr Corpuz! "Putik ka talaga! Ipapahamak mo talaga ako sa mga magulang ko!" mahinang sambit niya na may halong inis ang pagmumukha. Agaran siyang tumalikod at dahil pabalik na rin ang kaniyang ina sa sala nadaanan niya ito saka hinila pabalik. "Nay, pakisabi po wala ako. Anak 'yan ng boss namin. Anak yan ni Don Lucio." Paliwanag niya sa inang nakatayo. "Eh, bakit naandito?" naka kunot noong tanong nito ngunit imbes na sagutin mabilis niyang tinakpan ang bunganga nito dahilan sa lakas ng boses sa pagkaka tanong. "Basta po! Pakisabi wala po ako. Sige na! Puntahan nyo at mamaya ikukwento ko na lang po sa'inyo pag umalis na 'yan." mahinang sagot niya. "Hilna, huh! Baka anong kabalastugan ang pinag gagawa mo sa opisina n'yo? Lintik kang bata ka! Pag ikaw napaham—." mahinang anas na nito ngunit mabilis ulit niyang tinakpan ang bunganga nito. "Wala po akong ginagawang masama, 'Nay. Basta sabihin n'yo lang wala ako dito sa bahay natin at hindi ninyo alam kung anong oras uuwi. Gawin n'yo na lang kasi sinasabi ko po." saka bahagyang itinulak ang ina para pumunta sa binatang boss na nakatayo sa sala. Sumunod naman ang kaniyang ina kahit may kaunting pag tataka at saka tumalikod na rin siya ng masiguradong naka-upo na ang kaniyang ina sa tabi ng boss. Mabilis siyang nagkukumahog na pumasok sa kuwarto at dumeretsyo sa bintana at sinilip ang baba ng bahay nila. Hindi iyon kataasan pero kaya na niyang lundagin iyon para makaalis ng bahay. Gagawa siya ng paraan para makaalis at matakasan ulit ito. Tila ba may kutob siya na baka kulitin ng binata ang kaniyang ina at mapa payag ito. Pumasok sa isip niya ang kanyang kumot. Mabilis na pinagdugtong dugtong niya ang kumot at sapin ng kama. Matapos itinali iyon sa pintuan, at ang dulo naman ay ibinagsak niya sa ibaba ng bintana. Ginawa muna niyang magpalit ng kasuotan bago bumaba dahil nakapants pa siya dahil mahirap bumaba ng bintana na iyon ang suot. Nagpalit siya ng malambot na suot pang-ibaba na aabot hanggang tuhod, tinermuhan naman niya ng t-shirt iyon. Sinilip muli niya ang babagsakan. Lumunok siya ng laway bago iniitsya ang sinelas, nakita niyang bumagsak iyon sa baba. Pero bigla siyang kinabahan dahil pagnagkamali siya ng talon ay hospital ang abot niya. Pinilig niya ang ulo matapos minabilis niyang hinawakan ng mabuti ang pinagtagpi tagping kumot at sapin, kasabay ng matang iginagala kung may nakatingin ba sa kaniya sa gagawin at ng makitang walang tao ay lakas loob na inumpisahan ang pagtakas. Lumapag ang paa niya sa mababang yero, kung kaya't kailangan pa rin niyang tumalon ng tatlong hakbang ang taas. Pikit mata niyang tinalon iyon na may halong kaba. Pero iyon lang talaga ang paraan. Nagmamadali siyang pinagpag ang kamay ng makatalon siya. Makikitulog na lamang siya kila Luis. Doon na magpapaumaga. "Ano say mo, Mr Corpuz? Akala mo, uh!" bulong niyang ulas. At dahil wala sa harapan niya ang sinelas na itinapon sa ibaba at tiyak niyang nasa likuran iyon, humarap siya doon upang damputin ang bagay na 'yon. Pero laking gulat niya ng makita kung sino ang nasa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD